登入Cloud SerravalleIt’s been three days since I last went to that coffee shop where I found that adorable little boy. Pero gustuhin ko mang bumalik muli sa nasabing lugar ay hindi ko naman magawa dahil na rin sa dami ng mga trabahong nakatambak sa opisina ko sa ngayon.Sa kalagitnaan ng aking pag-iisip kay Cyrus habang nilalaro sa aking mga daliri ang mga papel na bituin na ibinigay niya sa akin, ay siya namang pagkarinig ko sa tatlong mahihinang pagkatok na naging dahilan upang matuon sa pinto ng aking opisina ang aking atensyon.“Sir, nasa labas po si Ma’am Carlita, ang mommy po ninyo, gusto po daw kayong makausap,” ani Matt nang bumukas ang pinto at sumilip ito.Hindi na ako nagtataka kung bakit nandito ngayon si Mommy sa opisina ko. Ilang linggo na rin kasi niya akong kinukulit at tinatawagan para usisain ang mga detalye sa kasal namin ni Sienna. Wala naman akong maibigay na impormasyon dito dahil mula nang makabalik kami mula sa isla kung saan ginanap ang engagement namin ay hinaya
Seren Evangeline Del ValleIlang oras na rin mula nang makaalis si Mika ngunit heto ako at malalim pa rin ang pag-iisip. Hindi na rin ako pumasok sa opisina ngayong araw at tumawag na lang ako sa HR namin upang ipaalam rito na masama ang aking pakiramdam. Kaagad naman nitong inaprubahan ang leave of absence ko kaya naman heto ako ngayon at tulalang mag-isa sa bahay. Isinama na rin kasi ni Mika kanina si Cyrus para sa pagpasok nito sa kanilang day care center; sinabi ko na lang kay Mika na ako na lang ang susundo mamaya sa mga bata para hindi naman nakakahiya sa kanya.Pagsapit ng alas-nueve ng umaga ay nakaramdam naman ako ng gutom kaya naman muli akong nagtungo sa kusina para tingnan kung ano ang maaari kong makain. Ngunit nang makita ang niluto ni Mika kanina na adobo baboy na siyang baon rin ng mga bata, kaagad na napasimangot ang aking mukha dahil sa pagkakaamoy ko sa pagkain. Imbis na kumain agad ng kanin ay sa may ref ako nagtungo upang tingnan kung meron pa ba doong ibang pwede
Seren Evangeline Del ValleBuong araw ata sa trabaho ang bigat ng aking pakiramdam. Wala naman akong lagnat o kahit anong sakit pero pakiramdam ko ay ang bigat-bigat ng aking katawan. Sobra pa akong inaantok kanina at napansin pa nga ito ng isa sa mga kasamahan ko kaya naman nagmagandang-loob pa itong ikuha ako ng kape para lang matapos namin ang aming trabaho kanina. Pero nakadalawang tasa na ako ng kape ngunit wala pa rin itong epekto sa akin kaya naman ngayong pauwi na ako ay imbis na mag-bus, nag-book na lang ako ng taxi para kahit papaano ay makaidlip rin ako sa biyahe. Tulad ng nakagawian ko ay isinend ko kay Mika ang plate number ng taxi na aking sinasakyan ngunit hindi ko na nakita pa ang kanyang reply dahil tuluyan na akong idinuyan ng antok nang magsimula nang umandar ang sasakyan.“Ma'am, nandito na po tayo,” mahinang paggising sa akin ng driver at nang imulat ko ang aking mga mata ay nasa tapat na nga kami ng coffee shop ng aking kaibigan. Mabilis lang akong nagbayad sa dr
Cloud Serravalle“Sir, okay lang po ba kayo?” tanong ni Matt, marahil napansin ang pagkatulala ko habang nagme-meeting kami.Hindi ko rin kasi maintindihan ang aking sarili dahil mula pa kanina ay hindi na mawala sa isip ko ang batang lalaki na nakita ko sa may coffee shop noong isang araw. Kanina ko pa rin nilalaro ang mga papel na bituin na kanyang ibinigay sa akin at sa hindi ko malamang dahilan ay nais ko muling pumunta sa nasabing lugar para makita lang ang bata. Dahil dito, wala sa importanteng meeting na ito ang aking atensyon.“Yeah… can you get me some coffee please, I just feel sleepy,” tanging nasabi ko na lang sa lalaki na siya namang kanyang sinunod.Kahit pa wala ang buong atensyon ko sa aking trabaho ay pinili ko pa ring tapusin ang board meeting at maging ang pagpirma sa ilang mahahalagang papeles na kailangan ng aking pirma.Pagsapit ng alas-dos ng hapon ay talagang hindi ko na rin kinaya ang kabagutan sa aking opisina kaya naman maaga na lang akong umalis at kaagad n
Seren Evangeline Del ValleDahil unang araw ko pa lang sa bagong trabaho ko, tanghali pa lang ay pinauwi na rin ako ng pinuno ng departamento kung saan ako kabilang. Orientation pa lang naman kasi at bukas pa talaga magsisimula ang trabaho ko sa kanilang kumpanya.Akala ko nga noon una ay makikita ko uli si Austin roon ngunit hanggang sa umalis ako ay hindi ko siya nakita. Ang sabi rin sa akin ng ibang mga kasama ko ay hindi naman daw madalas ang lalaki sa nasabing lugar at nakikita lang nila ito kung may importanteng trabaho itong gagawin doon.Dahil medyo may kalayuan ang bago kong pinapasukan sa coffee shop ni Mika kung saan naroon ang aking anak ay halos tumagal rin ako ng kalahating oras sa biyahe.Habang naglalakad ay may nakita rin akong stationery store kaya naman dumaan rin ako roon para bumili ng assorted colored paper na kagabi pa hinihingi sa akin ni Cyrus.Nitong mga nagdaang araw kasi ay may napanood itong isang video kung saan ang bata ay nagtutupi ng tila maliliit na b
Cloud Serravalle“Sir, you have a meeting with finance at 10 a.m., a Zoom call with our foreign investor at 11, and a lunch meeting with your fiancee, Ma’am Sienna, at 12. For your afternoon schedule, it was all cancelled, like what you said—”“Cancelled?” pagputol ko sa sinasabi ni Matt, ang aking sekretarya, matapos kong madinig ang huli niyang sinabi.“A-Ahh… yes, sir. Ma’am Sienna called me earlier telling me that I need to free up your schedule this afternoon. Sabi pa po niya ay iyon daw ang utos mo para masamahan mo siya sa gown fitting ng wedding gown niya mamaya para sa kasal ninyo,” mahabang paliwanag pa nito, marahil ay nagtaka rin dahil sa aking naging reaksyon.Wala sa sarili naman akong napahilot sa aking sintido dahil sa biglang pagkirot nito, kaya naman imbis na patapusin siya sa kanyang sinasabi ay kaagad ko na rin siyang pinalabas para maikuha ako ng isang tasa ng kape.Alas-otso pa lang ng umaga ngunit tila bumibigay na ang ulo dahil sa dami ng gawain sa kumpanya, ka
Seren Evangeline Del Valle“Mommy…” patakbong sigaw ni Cyrus matapos kong pumasok sa cafe ni Mika. Bitbit ko pa rin ang bag na dala ko sa isla dahil pagkadating ko rito sa Maynila ay dito kaagad akong nagpunta.“Hi baby, do you miss mommy?” malambing na tanong ko pa sa bata kasunod ng pagpatak ko n
Seren Evangeline Del ValleHalos tumalon na ang puso ko palabas sa aking dibdib dahil sa labis na kaba at takot nang mapagtanto ko kung sino ang lalaking nakaabang ngayon sa may pampang para sa pagdaong ng bangkang aming sinasakyan.Ilang metro pa man ang layo ng bangkang aking sinasakyan ngunit ta
Seren Evangeline Del ValleAlas-siyete pa lamang ng gabi ay nag-iimpake na ako. Mabigat man sa aking loob pero nang maisip ko ang sinabi ni Mika na mas mabuti pa ngang pumunta ako sa party ni Austin kaysa naman ang lalaki pa ang pumunta rito ay agad ko ring tinanggap ang imbitasyon niya. Mas nangib
Seren Evangeline Del Valle"O, friend, problema mo? Para kang inahing manok na hindi mapaitlog diyan," puna ni Mika nang makailang ulit akong nag paroo’t parito sa kanyang harapan.Mika is my college friend. Pero hindi gaya ko na nagmula sa maykayang pamilya noon, Mika is the opposite of it. She ca







