Seren Evangeline Del ValleIsang linggo na rin mula nang bumalik ako sa Pilipinas kasama ang anak ko, pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong mahanap na matinong trabaho kaya naman napaisip ako kung tama bang desisyon ang ginawa ko.Mula sa kusina ay muli naman akong pumunta sa sala matapos kong marinig ang pagtunog ng cellphone ko na nakapatong sa maliit na lamesa roon.Nang makitang si Daddy ang tumatawag ay agad ko naman itong sinagot dahil alam kong gabi na rin naman sa America at konting oras lang ang mayroon kami ngayon dahil kailangan na rin naman niyang magpahinga.“Hello, Dad,” nakangiting wika ko kay Daddy pagkakita pa lang sa kanya sa screen ng cellphone ko.“Anak, how are you? Ang apo ko, kamusta?” masayang wika rin nito habang nakaupo sa kanyang kama. Nakapantulog na rin ito at tila ba talagang tumawag lang sa akin para lang kamustahin kaming mag-ina.“Maayos naman po, Dad. Si Cyrus po, tulog pa eh, medyo nag-a-adjust pa rin kasi sa oras dito sa Pinas,” sagot ko naman d
Last Updated : 2026-05-26 Read more