LOGINSeren Evangeline Del Valle
"O, friend, problema mo? Para kang inahing manok na hindi mapaitlog diyan," puna ni Mika nang makailang ulit akong nag paroo’t parito sa kanyang harapan.
Mika is my college friend. Pero hindi gaya ko na nagmula sa maykayang pamilya noon, Mika is the opposite of it. She came from a poor family and the only reason why she could afford to study that time in the same university where I studied is because of the old man that she was dating before. Pero ang alam ko ay wala na rin sila ng lalaki bago pa man siya makagraduate, mabuti na nga lang at noong mga panahon na iyon ay may sapat siyang ipon kaya kahit papaano ay naigapang niya ang huling taon namin noon sa kolehiyo.
I sat in front of her and then I looked at my son who is now playing with Mika’s daughter. Hindi nga nagkakalayo ang edad ng dalawang bata kaya naman siguro mabilis silang nagkapalagayan ng loob.
I accidentally reunited with her two months ago. Nasa iisang floor lang pala kasi ang condo na inookupa namin at kung hindi pa kami noon nagkasabay sa elevator ay hindi pa kami muli magkikita. As much as possible kasi ay iniiwasan ko rin ang ilang mga tao na may koneksyon sa aking nakaraan, kaya naman nang makita ko muli si Mika ay laking tuwa at pasasalamat ko. Dahil kahit papaano ay may nakakausap at nalalapitan na ako. Sa kanya ko rin madalas iwan si Cyrus lalo na noong nakahanap na ako ng trabaho sa isang maliit na kumpanya malapit lang din sa aming lugar. May maliit na kasing cake shop si Mika kaya naman kahit papaano ay hawak nito ang kanyang oras.
"So, ano ngang problema mo?" muling usisa ng kaibigan ko kasabay ng pag-abot sa akin ng orange juice na siya mismo ang gumawa.
"Eh kasi ilang araw na akong kinukulit ni Austin. Hindi ko nga alam kung saan ba niya nakuha ang number ko pero mag-iisang linggo na siyang text nang text at tawag nang tawag," panimulang kuwento ko sa kanya kasunod ng pag-inom sa juice na tila ba iniisip ko pa lang ang kakulitan ng kapatid ng ex ko ay tila natutuyuan na ako ng lahat ng tubig sa aking katawan.
"Oh, eh anong problema? Kapatid naman pala ng ex mo, mas mamroblema ka kung ex mo mismo ang nangungulit sa iyo," ani pa niya sabay tingin sa aking anak na masayang naglalaro. "Kamukhang-kamukha pa naman ng ama niyang si baby boy mo," dugtong pa niya.
Matapos kasi naming magkita na dalawa ay naikwento ko sa kanya ang nangyari sa amin ni Cloud at ang dahilan ng paghihiwalay namin. Ramdam ko ang lungkot ni Mika ng mga oras na iyon habang nakikinig sa aking kuwento kaya naman batid kong gaya ko, nag-aalala lang rin ito sa maaaring kahinatnan naming mag-ina sa oras na malaman ni Cloud ang tungkol kay Cyrus.
"Paano ay iniimbitahan niya kasi ako sa isang party. Ang sabi niya ay sariling party naman daw niya iyon at wala naman daw ang mga kapatid niya. Ilang beses na akong tumanggi sa kanya kaso ang kulit-kulit kasi. Pag daw hindi ako pumunta eh siya mismo ang susundo sa akin sa apartment ko. Lalo naman ayaw kong pumunta siya sa tinutuluyan namin ng anak ko at baka makita pa niya si Cyrus, eh sabi mo nga parang pinagbiyak na bunga iyang mag-ama," nakukunsuming sabi ko pa na tinawanan lang naman ng magaling kong kaibigan.
"Ano ba Mika… namomroblema ako dito tawa ka naman nang tawa," nakabusangot ko pang sabi sa kanya.
Napalingon tuloy sa gawi namin ang dalawang bata at ang anak ko ay kunot noong napatitig pa sa akin.
"Mama, masakit head mo po? You look like my teacher kasi po eh, who is always complaining about her headache," may pag-aalala pang tanong ng anak ko sa akin.
"No Cyrus, your Mama is totally fine, just keep on playing dear," singit naman ni Mika bago ito muling umayos ng upo at saka ako hinarap.
"Friend… ito naman ay suggestion ko lang ha. Kung ako sa iyo ay pupunta na ako sa party na sinasabi ni Austin sa iyo, tutal naman ay sabi niya wala ang mga kapatid niya doon. Mas mahirap na kasi kung sumugod pa iyon sa bahay mo at makita pa itong inaanak ko. Eh sa tigas ng ulo ng bayaw mong hilaw na iyon hindi malabo na totohanin niya ang sinasabi niya sa iyo," seryosong sabi pa ni Mika dahilan upang muling kumawala ang malalim kong paghinga.
Ilang oras pa kaming tumambay sa cafe ni Mika bago ko naman inaya si Cyrus na umuwi na sa aming tinutuluyan. Isinama ko na rin ang anak ni Mika na si Michaela dahil sabi ng kaibigan ko ay susunod na lang daw siya dahil marami pa ring tao ngayon sa kanyang pwesto.
“Magluluto na ako sa bahay, doon na kayo kumain ni Michaela,” pahabol na sabi ko pa sa aking kaibigan.
Pagdating naman namin sa unit na inuupahan ko, hinayaan ko naman ang mga bata na maglaro muna sa sala habang ako naman ay dumeretso sa kusina para ihanda ang aming hapunan.
Nasa kalagitnaan ako ng aking pagluluto nang tumunog ang aking cellphone kaya naman ang anak ko ay patakbong lumapit agad sa akin para iabot ito. Akala siguro niya ay ang Lolo niya ang tumatawag kaya bakas ang excitement sa kanyang mukha, ngunit nang makita kong numero ni Austin ang tumatawag ay muli kong hinarap ang bata.
“Baby, it’s not lolo eh. Maybe Lolo is still asleep,” paliwanag ko pa sa kanya na agad naman niyang naunawaan.
Nang makalayo ang aking anak ay doon ko naman sinagot ang tawag ni Austin na ilang araw na ring nangungulit sa akin. “Hey Ate, nakapag-decide ka na ba? Pupunta ka naman, diba? O gusto mo ako na lang pumunta sa iyo para doon na lang ang party ko?” sabi pa nito habang mababakas sa kanyang tinig ang saya sa hindi ko malamang dahilan. Marahil dahil alam niya na ngayon ay hindi ko talaga siya matatanggihan.
Suminghap naman ako bago ko siya tuluyang sinagot na ‘oo, pupunta ako,’ bagay na sana ay hindi ko pagsisihan sa bandang huli.
Cloud Serravalle“Pambihira bro, kakatapos lang ng engagement mo pero para kang namatayan diyan sa paraan ng pag-iinom mo,” puna ni Rehan nang mapansin niya ang sunod-sunod na pag-inom ko ng alak sa aming harap.Ngunit imbis na tugunin ang kanyang sinabi ay binato ko lang siya ng masamang tingin kaya naman ang kaibigan ko ay natatawa na lang habang kinuha ang baso ng alak sa kanyang harap.“Tell me what happened, hindi yung nagpaparamdaman tayong dalawa rito,” muling sabi ni Rehan makalipas ang ilang sandali.Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa HomeRun Bar na pagmamay-ari ng isa sa mga kaibigan rin namin na si Jarred na tubong Bukidnon pero mas piniling manatili rito sa Maynila para tutukan ang kanyang negosyo. Meron rin siyang bar sa probinsya nila pero mahirap dahil na rin sa nangyari sa kanya roon nitong nakaraan lang kaya mas minabuti na lang niyang manatili rito sa Maynila.“I’m not sick anymore,” seryosong sabi ko sa kaibigan ko na dahilan upang maantala sa ere ang akma sana ni
Seren Evangeline Del Valle“Mommy…” patakbong sigaw ni Cyrus matapos kong pumasok sa cafe ni Mika. Bitbit ko pa rin ang bag na dala ko sa isla dahil pagkadating ko rito sa Maynila ay dito kaagad akong nagpunta.“Hi baby, do you miss mommy?” malambing na tanong ko pa sa bata kasunod ng pagpatak ko ng halik sa kanyang ulo.“Not really. Cyrus play eh. Nag-play kami ni Ela palagi,” kwento pa nito habang bahagyang humahagikhik pa. Sandali lang rin naman itong nagtagal sa pagkakayakap sa akin at agad na ring pumunta sa kanyang kaibigan na ngayon ay masayang naglalaro.Tahimik naman akong naupo sa isang bakanteng upuan malapit lang din sa mga bata habang si Mika naman ay abala pa rin sa pag-aasikaso sa mga kostumer na dumadating sa lugar. Ilang sandali pa ang lumipas at namataan ko na rin ang kaibigan ko na naglalakad palapit sa akin, dala ang isang tasa ng kape at tinapay na kaagad niyang inilagay sa aking harap.“Kain ka muna. Mukhang dumeretso ka kaagad dito eh at wala ka pang pahinga,” p
Seren Evangeline Del ValleMarami pa sana kaming pupuntahan at gagawin nina Austin pagkatapos ng diving activity namin, ngunit lahat ng pananabik ko ay agad na naglaho dahil sa pagkikita muli namin kanina ni Sienna.Matalik kong kaibigan dati ang babae, ngunit nang maging kami ni Cloud ay unti-unting lumayo ang loob nito sa akin hanggang sa tuluyan na kaming mawalan ng komunikasyon nang maganap ang engagement namin ni Cloud noon.Matagal ko na rin namang nararamdaman noon na may pagtingin siya kay Cloud dahil sa tuwing may importante kaming pinupuntahan ng lalaki ay palagi itong pilit na sumasama. Madalas din ang pagtatanong niya sa akin tungkol sa mga bagay-bagay tungkol sa lalaki, ngunit dahil sa pagiging magkaibigan namin ay hindi ko na lang ito binigyang-pansin pa.Ngunit ngayong nakita ko na magkasama sila at malapit na ring ikasal, ay doon ko lang napagtanto na mula pa noon ay matagal nang may pagtingin si Sienna kay Cloud, at marahil nang malaman nito na wala na kami ay saka na
Cloud SerravalleI left Seren’s cabana after midnight, but until now I still can’t sleep. Hindi ko rin maintindihan sa aking sarili kung bakit ko nagawa ang bagay na iyon sa kanya. I really thought that due to my condition, Seren would not affect my body anymore, but I was wrong. The moment I lay my eyes on her and touch her, I know that she awakens something deep within me.Muli akong napasabunot sa aking buhok na ngayon ay basang-basa na rin dahil sa aking pagbababad dito sa shower sa aking silid. Nasa isang oras na rin akong namamalagi rito ngunit ang katawan ko ay hindi pa rin kumakalma.Ilang magkakasunod na katok naman ang aking narinig makalipas ang ilang sandali kaya naman kahit pa hindi pa ako tuluyang natatapos ay kaagad akong lumabas ng banyo para tingnan kung sino ang naroon. Tanging roba lang din ang aking suot at hindi na rin ako nag-abala pang tuyuin nang husto ang aking katawan dahil sa aking pagmamadali.“Hey Hon… I miss you!” agad na bungad sa akin ni Sienna pagkabuk
Seren Evangeline Del ValleI feel sore all over my body. Lalo na sa parte ng aking katawan sa pagitan ng aking mga hita.I didn't drink last night, neither did he. At dahil doon ay malinaw na malinaw pa rin sa isip ko ang mga bagay na ginawa namin kagabi.Cloud took me again last night, not only once but multiple times. Pero nang tuluyan na siyang mapagod at manawa ay agad-agad lang rin niya akong iniwan sa aking silid na tila ba wala lang sa kanya ang mga bagay na ginawa namin.Sabagay, hindi ko rin naman siya maaaring sisihin. From the beginning, he gave me a choice to disagree, pero itong si tanga ang walang pagdadalawang-isip na pumayag na lang.Siguro may parte pa rin sa puso at isip ko na umaasa na maaaring mapakinggan pa niya ang panig ko kung sakaling susunod ako sa kanya at pagbibigyan siya. At saka impokrita ako kung sasabihin kong napilitan lang ako sa ginawa namin, dahil ang totoo, noong muli ko siyang nakita ay doon ko napatunayan na hinahanap-hanap rin siya ng sistema ko
Cloud SerravalleSeeing Seren after many years gives me a surge of emotion that I can’t explain. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa labis na galit o kung ano pa man pero isa lang ang sigurado ako, meron sa loob ko ang muling nabuhay dahil sa muli naming pagkikita.Imbis na tumuloy papunta sa cabana na inookupa ko, tila naman may sariling buhay ang aking katawan at muli itong bumalik sa lugar kung saan ko siya nakita.Mula sa malayo ay tanaw ko ang pag-aabot ng isang staff ng restaurant ng isang plastic bag na tila ba naglalaman ng mga pagkain para kay Seren.Hindi na rin siya nagtagal pa sa nasabing lugar at agad na ring umalis na sa tingin ko ay patungo sa silid na kanyang tinutuluyan.Tahimik ko naman itong sinundan habang pinapanatili ang aming distansya hanggang sa matanaw ko ang kapatid kong si Chase na tulad ko ay agad ring gumuhit ang gulat sa kanyang mukha nang makita ang babae.Dahil sa layo ng kinaroroonan ko sa pwesto ng dalawa ay hindi ko mawari ang kanilang pinag-uusapan







