Share

Ika-sampung Kabanata

Makailang minuto lamang ang lumipas ay dumating na ang guwardiya at dinala kami sa isang kuwarto upang pag-usapan ang nangyaring gulo.

“Kasalanan mo lahat ng ito Naomi! Kung hindi ka sana pumasok sa banyo, hindi sana nangyari ito!” sigaw sa akin ni Shekinah kaya naman ay napakuyom ako ng aking kamao.

“Kasalanan ko pa? Kasalanan ko pa pala? Kung hindi ka sana ahas edi sana walang mangyayaring ganito!” saad ko at pinandilatan siya ng mga mata.

“Nais ko kayong pagbayarin sa mga kaukulang danyos. Basahin niyo ang papeles at paki-pirmahan na lang. Ayusin niyo na rin ang gulo sa pagitan ninyong dalawa.” Tumalikod na ang manager ng mall na ito at may kinausap sa telepono.

“Naomi, bakit mo sinugod si Shekinah? Wala naman siyang ginagawang masama sa’yo ah!” saad ni Maxwell kaya napangisi na lamang ako.

“Problema mo? Bakit parang kasalanan pa ni Naomi? Bakit kaya hindi mo tanungin ’yang girlfriend mo? Dahil sa pagkakaalam ko, mas may kakayahang magsimula ng gulo iyang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status