Share

Chapter 22

Alas siyete na ng gabi nang makauwi sila ni Vanessa sa bahay. Pumunta pa kasi ng mall ang pinsan niya upang bumili ng sewing materials. Gaya niya, Garments din ang major nito. Wala siyang nagawa kun’di samahan ang pinsan niya. Balak pa niya sanang kausapin si Gian kanina pero mas kailangan siya ngayon ng pinsan niya. 

Muli na naman kasing tumubo ang buntot ni Gian, kumekerengkeng na naman at talagang harap-harapan pa kung saktan ang inosente niyang pinsan. Ang pinsan niyang walang kaalam-alam.

Alas siyete palang pero parang kakaunti lang ang mga mamimili kanina sa mall, ibang-iba noong nakaraang araw na tila isdang dumagsa. Sabagay, nasa unibersidad na kasi ang isda at si Gian ‘yon.

Ibang isda, sobrang malaking isda.

“Diba bumili ka last month ng gamit?” tanong niya kay Vanessa nang makarating sila sa bahay.

Sa pagkakatanda niya, kompleto sa gamit itong pinsan niya. Hindi kasi ito pumapayag na may kulang ito kahit isa.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status