Share

Shattered Promises (FILIPINO)
Shattered Promises (FILIPINO)
Author: LovieNot

CHAPTER 1

~ALEXANDRA ANGELA SEBASTIAN-RAMIREZ~

..…please try your call later.

Ibinaba ko na ang phone ko. Hindi niya na naman sinasagot ang mga call ko. Hindi rin siya nagre-reply. Sinubukan kong tawagan si Jaivee.

“Hello Lex? Anong atin?” agad na usisa nito. Napasinghap pa muna ako bago nagsalita.

“Si Edrick Jhon ba kasama mo?” alangang tanong ko.

“Kanina. Pero umuwi na siya around seven, why?” Pinigilan kong mapasinghap ulit.

Nasaan kaya ang lalaking iyon at hindi pa rin umuuwi?  “Hindi pa rin kasi nakakauwi. Sige, salamat.”

Sunod ko na tinawagan ay si Pierce na isa sa madalas niyang kasama pero kagaya ni Jaivee ay wala rin itong ideya kung nasaan siya ngayon. Wala akong ibang magawa kundi ang mapasapo na lang sa aking noo.

Asan ka na ba love? Why are you doing this to me?  Naupo na lang ako at nagdesisyong magsulat na lang habang hinihintay siya.

Sabi nila, hindi sapat ang salitang ‘Mahal Kita’ para iparamdam sa taong mahal mo ang pagmamahal na meron ka para sa kanya. Ayon sa nakakarami, hindi sapat ang ikasal kayo, gumising sa umaga nang sabay, ipagtimpla ng kape o kaya ipagluto ang isa’t-isa.

At naniniwala na ako roon.

Ang kasal ay matamis lang sa umpisa. Pero habang tumatagal ay nagiging komplikado ito. Iyong hindi mo alam kung kaya mo bang panindigan ang mga pangakong inyong binitawan sa harap ng altar at karamihan. O kung kaya mo pa bang ipaglaban ang pagmamahal mo para sa kanya gayong siya naman ang kusang lumalayo.

“Nak, 11:55 pm na, hindi ka pa kumakain.” Napaangat ako ng tingin. Si Manang Peng pala.

“Wala pa ho si Edrick eh. Baka hindi pa rin nakakain ‘yon. Sige na po, mauna na kayong matulog, ako na ang bahalang magbukas ng pinto for him.”

“Hay naku! Naaawa na ako sa’yo Lex. Halos wala ka ng pahinga. Ilang linggo ka na bang ganyan? Ayos lang naman sakin kung ako na ang magbubukas ng pinto kay EJ.”

“Ayos lang talaga ako ‘nang. Matulog na ho kayo.”

“Sige. Goodnight nak.”

“Good night po.” Napatingin ulit ako sa screen ng laptop ko at binasa ang mga katagang aking naisulat doon.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Ilang buwan na ba na ganito lagi ang senaryo?

Ganito ba talaga ang buhay mag-asawa? Normal pa ba ito?

Late siya laging umuwi. Kung minsan ay lasing pa. Kapag tinatanong mo ay hindi ka man lang imikin. Minsan naman ay nag a-out-of-town siya para dumalo sa isang show. Malalaman ko na lang dahil may mga post na sa I*******m ang kanyang mga kasama.

Kapag tinanong mo, sasagutin ka lang na wala na siyang time para magpaalam pa. Pwede namang bago umalis ng bahay ay magpaam, diba? Kaya nga rin nauso ang cellphone diba? Mahirap bang tumawag o mag-text?

Kung gusto ay maraming paraan. Kung ayaw ay madaming dahilan, sabi nga nila.

Kung minsan ay tumatanggap din siya ng Code Zero Mission sa Red Agents Organization ng hindi ko alam. Alam ko namang malaki ang kanyang ginagampanan sa RAO bilang isang Senior Agent pero hindi ko pa rin talaga maiwasang hindi mag-alala. Isa rin akong agent kaya alam ko kung gaano kahirap ang isang CZM dahil ito ang pinakabuwis buhay na misyon.

Alam ko ring stress siya sa pagiging Main Vocalist niya sa Your Band na isang sikat na boy band sa bansa katulad kung paano ako stress sa writing career bilang isang sought-after author since nalaman ng lahat na ang totoong misteryosong manunulat na si Annseen at ako ay iisa lang. Pero sa ngayon ay hindi na Annseen ang ginagamit ko kundi Miss A.A. na.

Hindi ko nga rin alam eh kung asawa pa ba ang turing niya sa’kin. Natatakot akong tanungin siya dahil natatakot din ako sa magiging sagot niya.

Nagbago na siya. Pagbabagong hindi ko inaasahan. Pero pilit ko pa rin siyang iniintindi dahil umaasa pa rin ako na babalik siya sa dati. Na babalik ang Edrick na nakilala ko, na minahal at pinakasalan ko.

Naniniwala akong nasasaktan lang siya kaya siya nagkakaganito. Sobrang nasaktan lang siya sa nangyari isang taon na ang nakakalipas. Pero sana lang din naisip niya na hindi lang siya ang nadurog at nalugmok nang mawala sa buhay namin ang anak naming si Xandreik.

Yes, nawalan kami ng kaisa-isang anak at wala ng sasakit pa sa isang ina ang ganong pangyayari. Mas masakit pa sa pagkawala ng mga magulang, kaibigan at pinsan ko. Nilakasan ko ang aking loob dahil kailangang may maging sandigan ang isa sa amin. Na hindi pwedeng pareho kaming malugmok sa sakit.

It was traumatic but I chose not to give everything up and that's because of him. It's because he needs me more than I need myself. Well, that was what I thought but it seems like I was being wrong.

Ininda ko ang sakit para sa kanya dahil ayokong iyon ang magiging dahilan ng tuluyang pagkasira ng relasyon namin. Ayokong magaya kami sa iba na naghiwalay na hindi man lang ipinaglaban ang pagmamahalan nila.

Ngunit habang tumatagal ay nararamdaman kong unti-unti na rin akong bumibigay at ayokong dumating ako sa puntong iyon. Pipiliin ko na lang na mamatay kaysa sa mawala o papunta siya sa iba.

Sunod-sunod na doorbell ang pumukaw sa aking naglalayag na diwa. Nandito na siguro siya. “Hey! Open the door!” Tumayo ako at nagmamadaling pinagbuksan siya ng pinto. Naamoy ko na naman ang alcohol sa sistema niya.

“Bakit gising ka pa?” paasik niyang tanong. Inalalayan ko siyang makaupo sa sofa. Hinalikan ko rin siya sa pisngi. Wala man lang emosyon akong makita sa kanyang pagmumukha.

“Hinintay kita.”

“Sinabi ko bang hintayin mo ako?”

“Umaga ka na naman nakauwi. It’s 12:20 a.m already. Kumain ka na ba?” Hindi siya umimik. Nakapikit lang ang kanyang mga mata. Parang walang naririnig.

Why are you doing this to me? Para bang pinapatay mo na rin lang ko sa sakit Edrick!

“Pasok ka na sa kwarto. Magpalit ka muna ng damit bago matulog.”

“Ayoko.”

“Bakit? Wala akong kasamang matulog doon.”

“Dito na lang ako sa sala.”

“Malamig dito. Hindi mo kakayanin.”

“Ano naman?” sarkastiko pa siyang natawa. Napasinghap naman ako.

Magtimpi ka Lex. Nakainom lang siya.

“Saan ka ba kasi galing? Hindi ka man lang tumawag o nagtext man lang. Nag-alala ako sayo.”

“Work. Kailangan mo pa bang itanong ‘yan?” Work? Kasabay ba sa work mo ang pag-iinom? Sabihin na nating oo pero kailangan magdamag? Binata ba siya para umakto nang ganito? “Fine. Dumaan ako sa bar after ng shoot namin.”

Napasinghap na naman ako. Iyon na lang ang tanging magagawa ko para hindi na lumaki ang isyung ito.

“Bakit ka pa kasi dumaan doon? Pwede namang dito ka na lang uminom. Sasamahan naman kita. At least dito ay sigurado tayong safe ka. Alam mo namang nasa showbiz industry ka, diba?”

“Mas maganda roon, marami kang makakasama. Masaya, mawawala lahat ng problema.” Nagtagis ang bagang ko dahil sa sinabi niya. Gusto ko siyang bugbugin ngayon.

“Maraming makakasama? Mga babaeng bayaran, gano’n ba?” Hindi ko na napigilan pang asik.

“Hmmm… Gano’n na nga. Dami mong tanong. Ano bang pakialam mo?”

“Anong pakialam ko? Edrick Jhon Ramirez, asawa mo ako. Paano kung mabugbog ka roon? Paano kung naaksidente ka dahil lasing ka na nagmaneho? Ano sa tingin mo ang mararamdaman ko?”

“Mabugbog? I am not an agent from RAO for nothing Alexandra. Tsaka asawa? Ha! May asawa pa pala ako? Hindi ko naman ramdam eh.” Para bang dinamba ang dibdib ko sa salitang kanyang binitawan.

“L-asing ka lang, ‘wag ka nang magsalita pa.” Pilit kong kinalma ang aking sarili.

It’s the alcohol who’s talking Xandra. Bukas o sa susunod na araw ay magso-sorry din siya sayo.

“Bakit? Dahil nasasaktan ka? Kung nakinig ka lang noon sa akin eh di sana… Sana, masaya pa rin tayo ngayon!” Napakuyom naman ako. Ito na naman kami. Paulit-ulit ang usaping ganito. Paano kami makakapagmove-on kung araw-araw ay pinapaalala niya ang kasumpa-sumpang pangyayaring iyon?

“Walang may gustong mangyari 'yon sa anak natin, alam mo ‘yan.”

“Pero may magagawa ka pa sana kung pinili mong manatili sa tabi niya kaysa sa trabaho mo!” Napapikit ako dahil sa sigaw niyang iyon. Ang sakit ay dumadaloy sa lahat ng parte ng katawan ko. Tumatagos hanggang sa aking kaluluwa pero ayos lang.

Ayos lang ako dahil 'yon ang dapat. Kailangan niya ako para lumaban. Hindi ako pwedeng magpaapekto sa sinasabi niya. Nasasaktan pa rin siya, iyon lang 'yon.

“Pareho tayong wala sa tabi niya ng oras na iyon Edrick. Huwag mong isisi sa akin ang lahat.”

“Bakit hindi? Diba babae naman talaga ang dapat na nandidito sa bahay at nag-aalaga ng anak? Ang problema kasi, pera lang ang mahalaga sa’yo!”

“Hindi totoo ‘yan! Hindi ko kailangan ng pera dahil mas mahalaga kayo kaysa sa kahit na ano at alam kong alam mo ‘yan Edrick!”

“Ngayon ayaw mo pang aminin. Nahihiya ka ba?” Tumayo siya at pagiwang-giwang na pumasok sa kwarto. Naihilamos ko na lang ang kamay ko sa aking mukha.

Bakit gano’n siya? Bakit ako ang sinisisi niya sa nangyari?

Sinundan ko na lang siya. Tinanggal ko ang sapatos niya at inalalayan ko siyang makapagbihis kahit labag naman sa kanyang kalooban.

Tahimik na sumampa ako sa kama. Nakatalikod siya sakin. May agwat din sa pagitan namin. Kahit araw-araw na kaming ganito ay tila ba hindi pa rin ako nasasanay.

Kailan ba babalik ang dating ikaw Tsong? Miss na miss na kita. Miss ko na ang halik at yakap mo. Ang mga paglalambing mo. Ang pang-aasar mo.

Tatlong taon na kaming kasal pero pakiramdam ko ay hindi pa rin sapat ang panahong iyon. Change is really permanent.

Hinding-hindi kita susukuan. Pangako ko ‘yan sa’yo noong araw na ikinasal tayo, kaya sana, maalala mo rin ang pangako mo sa akin, Edrick Jhon Ramirez.

Vote. Comment. Follow.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Hara Miya
Saket.........
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status