登入Nang matapos ang madramang eksena sa sala, lumapit si Beatrice kay River. Panay ang punas nito ng pekeng luha at pag-arte na parang ito ang pinaka-kawawang nilalang sa buong mundo.Nanatiling nakatayo si Elowen sa gilid. Gusto niyang matawa sa sarili. Kailan nga ba siya matututo? Ang daling maniwala noon, pero ngayon, nakakasuka na lang panoorin ang babaeng ito. Habang malalim ang iniisip, napansin niyang pilit na inaayos ni Beatrice ang gusot sa damit ni River na halos nakadikit na ang dibdib nito sa braso ng lalaki habang sinusuri ang mga sugat sa likod nito.Kahit pa sabihing manhid na si Elowen at matagal na niyang binitawan si River, iba pa rin sa pakiramdam na makitang naglalandian ang asawa niya at ang kabit nito sa mismong harapan niya.Umirap si Elowen, umiwas ng tingin at naglakad papunta sa tahimik na hallway patungo sa likurang bahagi ng mansyon.Ngunit pagliko niya, saktong nakasalubong niya si Butler Damian. Simula pa noon, mabuti na ang pakikitungo ng matanda sa kanya
Kinabukasan, araw ng sabado, gusto sana ni Elowen na tumakas at mag-stay ng dalawang araw sa condo ni Paloma para makahinga pero biglang tumawag ang Lolo ni River. Pinapauwi silang mag-asawa sa ancestral mansion ng pamilya. Higit isang buwan na ang nakalipas simula nang huli siyang pumunta rito. Napakaraming nangyari at ngayon, ibang-iba na ang pakiramdam niya habang naglalakad papasok sa malalaking pinto ng mansyon.Pagpasok niya, sinalubong siya ng isang nakakabinging katahimikan. Wala ang matanda sa pinto para salubungin sila, isang bagay na palagi nitong ginagawa para sa kanya noon. Pansin niyang mabigat ang aura ng bahay na ito.Pagdating niya sa main living room, nanlaki ang mga mata ni Elowen sa eksenang naabutan niya.“Walang kwenta! Mga walang utang na loob!"Nakatayo ang matanda habang nanginginig ang buong katawan sa galit at walang-awang inihahampas ang baston nito sa likod ni River. Nakaluhod ang lalaki sa malamig na marmol at tahimik na tinatanggap ang bawat palo.Sa gi
Pagkapasok na pagkapasok sa kwarto, pabagsak na ibinaba ni Elowen ang baso ng tubig sa bedside table niya. Tumalsik pa nga ang ilang patak ng tubig sa sahig.Akala niya kaya na niyang maging manhid. Akala niya wala na siyang pakialam pero nang marinig niya ang mga salitang iyon na ayaw ni River na gumawa ng pamilya kasama niya, bumalik lahat ng sakit ng pagkawala ng anak niya. Ang unang anak niya at baka ang huli na.Dahil sa mga lason na inilagay ni Mitena sa katawan niya noon, alam niyang unti-unting nasira ang matris niya. Hirap na siyang magbuntis pero lumaban pa rin ang bata at dumating iyon sa kanya. Kaso nga lang hindi niya ito naprotektahan.“FUCK!”Napasabunot si Elowen sa sarili niyang buhok, ramdam na ramdam niya ang pag-init ng sulok ng kanyang mga mata. Sukdulang galit ang nararamdaman niya sa sarili at sa mga demonyong nasa paligid niya.Pero makalipas ang ilang minuto ng paghikbi, biglang may sumagi sa isip niya. Naalala niya ang sinabi ni Manang Delia kanina… ‘Ang rel
Pagbalik ni Elowen sa mansyon, dumiretso muna siya sa kwarto para magpalit ng simpleng pambahay bago bumaba sa dining room.Kahit na galing siya sa isang dinner meeting kasama sina Mrs. Del Hamor, wala siyang nakain doon dahil sa sobrang tensyon. Idagdag pa na wala rin siyang inabot na tanghalian kanina dahil sa walang-kwentang drama ni Beatrice kung kaya’t sobrang gutom-gutom na siya.Pagkaupo niya sa mahabang hapag-kainan, hindi na siya nag-inarte. Dire-diretso siyang sumubo ng kanin at ulam, walang pakialam sa poise o sa kung anong iisipin ng dalawang taong nakaupo sa kabilang dulo ng mesa.Kunot-noong pinagmamasdan siya nina River at Beatrice."Dahan-dahan," hindi napigilang sita ni River, halatang naiirita sa kawalan ng manners ng asawa.Hindi man lang nag-angat ng tingin si Elowen. "Gutom ako. Bahala kayo diyan kung gusto niyong magtitigan," walang emosyon niyang sagot, sabay subo ulit ng malaking hiwa ng karne.Sa totoo lang, habang ngumunguya, malalim ang iniisip ni Elowen. Al
Maghapon na nagkulong sa study room si River. Ang bigat ng pakiramdam niya dahil sa dami ng problema sa kumpanya at sa mga kaplastikang nangyayari sa loob ng bahay niya.Pagbaba niya sa dining room, nakahanda na ang hapunan na niluto ni Manang Rosa.Nakatungo lang si Beatrice sa isang upuan, na para bang nagpapanggap na kaawa awa. Pero ang mas nakakapagpataas ng presyon ni River ay ang dalawang bisitang prenteng nakaupo sa sala, ang stepmother niyang si Mitena at ang kasabwat nitong si Manang Delia. "Sa wakas, bumaba ka rin," mataray na bungad ni Mitena na para bang isang reyna habang humihigop ng tsaa.Hindi man lang ito pinansin ni River. Dire-diretso itong umupo sa dining table."Kailan ba aalis 'yung babaeng 'yon dito? Ano ba talagang plano mo kay Beatrice, ha, River?"Bago pa man makasagot si River na halatang paubos na ang pasensya, biglang bumukas ang main door. Pumasok si Elowen na mukhang pagod pero nananatiling elegante.Nang makita ni River ang asawa, bahagyang lumambot a
Sa kabilang banda, naiwang tulala si River. Sobrang bigat ng pakiramdam niya lately. Ang daming problema sa kumpanya, ang mga board members ay panay ang atake sa mga desisyon niya.Idagdag pa ang pagiging sobrang clingy at demanding ni Beatrice. Naiintindihan niyang kailangan niya itong alagaan dahil utang niya ang buhay niya rito pero nakakapagod na rin.Pumikit siya at hinilot ang kanyang sentido. Tingnan ang CCTV?Pagkatapos ng ilang minutong pagtatalo sa isip niya, bumaba siya. Nilapitan niya ang malaking vase malapit sa sofa at laking gulat niya nang may makapa siyang maliit na camera doon. Kinuha niya ang memory card, bumalik sa study room at isinalpak ito sa laptop niya.Nag-play ang video at Super HD y
Limang minuto pa lang matapos ang eskandalo sa loob ng Room 88. Nakapagbihis na si Elowen ng damit na ipinadala ni River sa kanya. Isang simpleng puting t-shirt at maong pants. Pero kahit nakasuot siya ng malinis na damit, hindi nito nabura ang dumi na iniwan ni Raymund sa balat niya, at lalong hin
Nang mawala sina Assistant Mateo, sobrang tahimik na ng silid. Gulong-gulo ang buhok ni Elowen, punit-punit ang blusa at duguan ang gilid ng leeg saka may mga pasa pa sa kanyang balikat.Madilim siyang tiningnan ni River, nang makita ang nakalantad na balat ng asawa agad na kinuha nito ang ang tele
Matapos pakalmahin ang sarili agad na nag-ayos si Elowen. Dahil sa mga pasa at marka ng mga daliri sa kanyang leeg, napilitan siyang magsuot ng isang high-necked mesh top na pinatungan niya ng isang simpleng business suit.Paglabas niya ng elevator papuntang lobby, sumalubong sa kanya ang liwanag a
“Ohh… River, parang awa mo na. Alisin mo na itong—” “Oh shut up! Manigas ka diyan!” inis na sabi ni River sa kanya. Lagi na lang ganto, parang pinipiga ang puso niya dahil sa sobrang sakit. Patuloy lang sa pag-agos ang malamig na tubig mula sa showerhead, dumadaloy sa kanyang buhok habang pumapa





![SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)

