登入Matapos pakalmahin ang sarili agad na nag-ayos si Elowen. Dahil sa mga pasa at marka ng mga daliri sa kanyang leeg, napilitan siyang magsuot ng isang high-necked mesh top na pinatungan niya ng isang simpleng business suit.
Paglabas niya ng elevator papuntang lobby, sumalubong sa kanya ang liwanag at ingay sa paligid. Nagtatawanan ang mga tao, nag-uusap tungkol sa kani-kanilang buhay at negosyo. Sobrang payapa nilang tingnan, parang isang malaking kasinungalingan ang impyernong nangyari sa taas.
"Miss Elowen!"
Napatigil siya nang makita si Assistant Mateo na patakbong lumapit sa kanya dala ang kanyang coat. Kahit nakayuko si Elowen at nakababa ang brim ng kanyang sombrero, nakuha ng boses ng assistant niya ang atensyon ng ilang tao sa lobby.
"Wait, hindi ba't si Elowen 'yan? Yung anak ng mga David?” dinig niyang bulong ng isang babae hindi kalayuan sa kanila.
"Kadiri siya! Rich girl ba talaga ‘yan? Kung ganun nga, isa naman siyang ahas! Siya na nga ang nanira ng ibang buhay tapos may gana pa siyang magpakita dito?"
"Pero mabait naman daw 'yan, 'di ba? Marami kayang orphans na pinag-aral ang pamilya David."
"Sus, naniwala ka naman! PR stunt lang 'yon ng pamilya nila para magpapansin sa media. Wala naman talaga silang perang nilabas!"
"Kaya pala! So totoo nga, hindi talaga mabuting tao 'yang si Elowen!"
"True! Isang inosenteng babae ang sinira niya. Nasa balita pa nga 'yan eh..."
Nagbingi-bingihan lang si Elowen. Dumiretso siya sa sasakyan na naka-park sa labas ng hotel. Ito na lang ang natitirang piraso ng dignidad niya, hindi pa kinukuha ng kumpanya ang kanyang sasakyan. Pagpasok niya, para siyang nakapasok sa isang sanctuary kung saan hindi niya maririnig ang husga ng mundo.
Sumiksik siya sa pinakadulong upuan, niyakap ng mahigpit ang kanyang sarili at unti-unting pumikit.
Napansin ni Mateo sa rearview mirror kung gaano kaputla at kapagod si Elowen. Hindi man niya alam kung anong nangyari sa taas, alam niyang hindi iyon maganda.
Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pa nitong pumunta sa hotel room ni Mr. Samaniego tuwing buwan. Minsan isang oras, minsan umaabot ng apat at halos lima. At sa tuwing lalabas si Elowen, mukha itong lantang gulay na inalisan ng kaluluwa.
"Miss Elowen, saan po tayo ngayon?" maingat na tanong ni Mateo.
Idinilat ni Elowen ang kanyang mga mata at tiningnan ang kanyang relo.
"Dumiretso tayo sa dinner party ni Mr. Del Hamor," paos na sagot niya.
Tumango na lang si Mateo. Gusto sana nitong sabihing, “Ang sama ng pakiramdam mo, bakit hindi na lang tayo umuwi?" Pero pinigilan niya ang sarili. Alam niyang matagal na nawalan ng trabaho si Elowen dahil sa mga iskandalo at ngayon lang ulit ito nabigyan ng pagkakataon ng kumpanya.
Habang binabagtas nila ang kahabaan ng traffic sa kalsada, biglang tumunog ang cellphone ni Elowen. Si Luna iyon, ang project director ng kumpanya.
"Hello, Ate Luna, napatawag ka?" mahinang sagot ni Elowen.
Ilang segundong tumahimik ang kabilang linya hanggang sa nagsalita ito. "Anong nangyari sa boses mo? Bakit tuwing nagkikita kayo ng walanghiyang River na 'yon, nawawalan ka ng boses?! May… may ginawa ba siyang masama sa'yo?"
Alam ni Luna ang sitwasyon sa pagitan ni Elowen at River. Kahit na buhay pribado iyon at wala siyang karapatang mangialam, hindi naman ibig sabihin na hindi siya mangingialam, may pakialam pa rin siya kay Elowen dahil kaibigan niya ito.
Si Elowen ang isa sa pinakamagaling na empleyadong nahawakan niya. Hinding-hindi niya hahayaang may mang-abuso rito, kahit pa si River iyon! Pero walang balak si Elowen na palakihin ang isyu. Mabilis niyang iniba ang usapan.
"Malapit na po ako sa venue niyo ni Mr. Del Hamor. May kailangan po ba akong ihanda o dalhin, Ate Luna?"
Sa kabilang linya, napabuntong-hininga na lamang si Luna na nakatayo sa labas ng private room ni Mr. Del Hamor. "Hay naku, Elowen. Malaki ka na. Kahit twenty-four ka pa lang, marami ka nang nakita sa mundo. Sige, hindi na ako makikialam sa private life mo... Nandito ako ngayon sa labas ng private room ni Mr. Del Hamor, pagdating mo, dumiretso ka na lang dito sa labas. Dito na tayo magkita."
"Okay po," sagot ni Elowen.
Binaba niya ang tawag. Ibinagsak niya ang kanyang ulo sa sandalan ng sasakyan at dahan-dahang napakapit sa kanyang ibabang tiyan.
Napapikit siya nang mariin. Sobrang sakit… May kung anong matinding kirot ang gumagapang sa kanyang sinapupunan, isang pamilyar at nakakabahalang sakit na pilit niyang binabalewala.
Mabilis na pumasok ang sasakyan sa basement parking ng isang exclusive, high-end hotel sa Makati. Hindi pa man tuluyang nakakapag-park si Assistant Mateo, nakabukas na ang pinto at nakababa na ang isang paa ni Elowen.
Laking gulat niya nang makitang nag-aabang sa VIP lobby si Luna, hawak ang cellphone nito at halatang balisa.
"Ate Luna, bakit nandito ka pa sa labas?" tanong ni Elowen habang binibilisan ang paglakad palapit dito.
Napahilot si Luna sa sentido, bakas ang matinding pag-aalala sa mukha ng babae. "Elowen, I'm so sorry! Tumawag yung teacher ng anak ko sa daycare. Isinugod daw sa ER dahil mataas ang lagnat at nag-seizure!"
Nagmamadali nitong sinukbit ang bag. "Kailangan ko nang umalis. Ikaw na muna ang bahalang humarap kay Mr. Del Hamor ha. Kaya mo ba?"
Alam ni Elowen ang pinagdadaanan ng pamilya nito. Kakahiwalay lang ni Luna sa asawa at mag-isa nitong itinataguyod ang bata. Walang pag-aalinlangang tumango si Elowen.
"Ate, sige na, go! Ako na ang bahala rito. Unahin mo ang anak mo, balitaan mo ako agad, okay?"
"Thank you talaga, Elo. I owe you one!" mabilis na sagot ni Luna bago sumakay sa sasakyang kabababa lang ni Elowen.
Naiwan si Elowen sa basement kasama si Mateo. Huminga siya nang malalim. Nandito siya ngayon para sa isang life-changing na proyekto. May hawak na prime real estate property si Mr. Del Hamor sa South na target bilhin ng kumpanya nila. Kapag nakuha nila ang lupang iyon, magiging bagong sentro iyon ng negosyo.
At para kay Elowen? Ang komisyon mula rito ang magliligtas sa kanya. Kapag nanalo siya sa bidding, mababayaran niya ang mga utang ng pamilya niya, makakabili siya ng maliit na bahay sa Baguio o Sagada, magtatayo ng isang tahimik na bed and breakfast at tuluyan nang makakatakas sa impyernong buhay na ito.
“Nakakatawa,” isip-isip niya. Dati, siya ang reyna ng high society. Ngayon, ganito na lang kaliit ang pangarap niya, ang makatakas sa buhay na kinasasadlakan niya ngayon.
Balot ng nakakabinging katahimikan ang loob ng Range Rover habang binabagtas nila ang madulas at madilim na zigzag road pababa sa Hill Top ng Samaniego. Tanging ang malakas na hampas ng wiper sa salamin at ang mahihinang ugong ng makina ang naririnig.Kanina pa nagkukwento si Mateo mula sa likuran tungkol sa naging plano ni Raynold at Beatrice habang nakikinig naman ang lahat.Nang matapos si Mateo, malamig na sumulyap si Elowen sa passenger seat kung saan nakayuko si Raymond."Kaya sumama ka?" malamig at matalim na asik ni Elowen. "Inutusan ka na magpanggap bilang si River Samaniego, sumunod ka na agad na parang isang tuta? Paano kung sa susunod, may magpanggap ulit at hingin ang confidential files ng Quinn Group? Ibibigay mo rin?!"Agad na namula si Raymond. Ang bente-anyos na assistant na madalas ay maangas at puno ng kumpiyansa ngayon ay nakayuko na parang batang pinagalitan ng nanay niya. Mahigpit niyang hawak ang kanyang mga tuhod."S-Sorry po, Ma'am Celine..." garalgal at hiyan
Bago pa man makapagsalita si Elowen, sumabog na sa galit si Raynold."Anong ibig sabihin nito, River?!" nanggagalaiting sigaw ni Raynold, dinuro ang kapatid at ang mga bouncer sa likuran nila. "Nagsasama ka ng mga goons sa kalagitnaan ng gabi para manira ng bahay?! Trespassing 'to!"Tiningnan siya ni River nang may matinding pandidiri."Ako ang nagdala sa kanila rito, ang villa na 'to ay pag-aari ng pamilya Samaniego. At Samaniego ang apelyido ko. Ano? Ikaw lang ba ang pwedeng pumunta rito, tapos ako, bawal?"Natigilan si Raynold. Ito ang unang beses na ginamit ni River ang apelyidong Samaniego para ipamukha sa kanya kung sino ang mas may kapangyarihan.Sobrang napahiya si Raynold dahil sa palusot. Tumingin siya kay Elowen. Alam niyang ito ang may pinakamalaking impluwensya ngayon. “Kailangan kong magpa-good shot kay Elowen!” isip ng binata."Elo, pasensya na sa gulo, pero sana hindi na umabot sa pananakit—""Wag mo akong ma-Elo-Elo, Mr. Samaniego," malamig at walang-awang putol ni El
Sa loob ng malawak na living room ng villa, magkatabing nakatali sina Raymond at Mateo sa sahig. Nakabantay sa kanila ang dalawang armadong bodyguards ni Raynold.Ayon kay Raynold, dadalhin daw sila sa presinto pag-sikat ng araw dahil sa trespassing.Pero alam ni Mateo na kasinungalingan 'yon. Kung gusto silang ipapulis, kanina pa nila ginawa. Ang totoo? Gusto silang gamitin ni Raynold bilang leverage para i-blackmail si River at Elowen!“Kingina, kung alam ko lang na ganito mangyayari, hindi na sana kami nagpunta rito,” isip ni Mateo habang nagngangalit sa galit."Nakakabwisit!" pabulong na asik ni Mateo kay Raymond. "Dahil sa katangahan ko, baka madamay pa ang mga boss natin sa gulo!"Walang sagot mula sa binata. Akala ni Mateo ay nakatulog ito sa kaba, kaya siniko niya ang tagiliran nito. "Hoy!"Nang masiko niya ito, biglang gumalaw ang mga kamay at paa ni Raymond. At sa laking gulat ni Mateo, dahan-dahang tumayo ang assistant ni Elowen!Nakanganga si Mateo na nakaluhod pa rin sa c
Kakatapos lang maghugas ng plato ni Elowen. Naalala niyang may board meeting sila bukas ng umaga, kaya tinawagan niya si Raymond para ipahanda ang mga documents subalit walang sumasagot.Napakunot ang noo ni Elowen dahil hindi sumasagot ang assistant niya. Imposible. Gising pa 'yon ng ganitong oras. Night owl kaya si Raymond, laging madaling araw na kung matulog. Bakit hindi ito sumasagot? Baka nasa byahe pa?Dahil required sa lahat ng key executives ng Quinn Group ang location tracking para sa security, binuksan ni Elowen ang app sa phone niya.Pero nang makita niya ang red dot kung nasaan si Raymond, agad siyang nanigas.Sa hilltop villa ng mga Samaniego yun!Isang matinding kaba ang sumipa sa dibdib niya. Alam niyang may mali! Mabilis niyang dinial ang number ni Mateo, pero maski ito, hindi rin sumasagot!Halos makumpirma niya na kung ano ang nangyari. Baka sinugod ni Raymond sina Mateo at River para gumanti! Nanginginig ang mga kamay niya sa galit at kaba. Walang pag-aalinlangang
Tahimik na nakaupo si Raymond sa gilid ng sala ng malaking hilltop villa ng mga Samaniego sa Antipolo. Nakangisi siya sa sarili. “Ayos,” isip-isip niya. “Kung mailalabas nila ni Mateo ang katotohanan ngayong gabi, malilinis na ang pangalan ni Ma'am Elowen! Hindi na sila magpo-problema!”Ngunit habang nag-iisip siya ng mga plano, biglang may bumukas na pinto mula sa hallway.Nanginig si Mateo at nanlaki ang mga mata. Pamilyar ang mukhang 'yon, walang iba kung ‘di si Beatrice!Maging si Beatrice ay natigilan. Gusot pa ang suot nitong silk nightgown at halatang kakabangon lang para uminom ng tubig, pero ngayon, nakatitig siya sa tatlong lalaking nasa sala!Awtomatikong umatras si Beatrice at gustong magtago. Pero nang makita niyang nakatingin na sa kanya si Mateo at nakaupo sa tabi nito ang lalaking kamukha ni River, bigla siyang huminto.“Bakit pa ako magtatago?” isip ni Beatrice, “Hawak ko na si Raynold ngayon! Hindi ko na kailangang maging anino! Dapat akong tumayo nang nakataas-noo,
Ang totoo, ang mga salitang iyon ay nagpapakita lamang ng kawalan ng tiwala ni Raynold sa kaniyang sarili. Gusto niyang maging CEO, pero natatakot siyang hindi niya kayang patakbuhin ang kumpanya, kaya gusto niyang gamitin pa rin si River sa simula. Kapag kaya na niyang tumayo sa sarili niyang mga paa, saka na niya ito tuluyang sisipain palabas.Palaging mukhang mabait at edukado si Raynold sa labas, pero sa harap ng mga taong pinagkakatiwalaan niya, lumalabas ang kaniyang tunay na kulay.Muling tumawa si Beatrice at mabilis siyang idiniin ni Raynold pabalik sa kama.Habang nangyayari iyon, matagal na nakaupo si Mateo sa sala sa ibaba habang hawak ang telepono ni River. Nang makapagdesisyon, tumayo siya, kinuha ang kaniyang jacket at mabilis na lumabas!“May sakit ang boss at pinagbabantaan pa. Hindi ako pwedeng tumayo lang at manood bilang assistant niya!”Sumakay siya sa kotse at mabilis na nagmaneho patungo sa villa sa tuktok ng bundok.Sa gitna ng biyahe, nakaramdam siya ng uhaw a
Sa loob ng isang taong pagsasama nila bilang mag-asawa, naging isang malamig na impyerno ang buhay ni Elowen. Para kay River, hindi siya isang asawa na kailangang mahalin, protektahan at alagaan. Isa lamang siyang laruan na ginagamit para pagbayaran ang isang kasalanang hindi naman niya ginawa. At
Bago pa maka-angal ang mga lalaki, kinaladkad na ni Paloma si Elowen palabas ng VIP room.Pagsapit nila sa ladies' room, agad na binitawan ni Paloma si Elowen. Namumula ang mukha ng dalaga sa sobrang galit at nanginginig ang mga kamay habang nilalabas ang cellphone."Tanginang mga lalaki 'yan!" nan
Nang mag-angat ng tingin si Elowen, saktong nagtama ang mga mata nila ni River.Sa kabilang dulo ng dimly lit na VIP room, nakaupo ito na parang isang hari. Walang kahit anong emosyon sa pamilyar at gwapong mukha nito, maliban sa isang nakakapasong panunuya sa mga mata. "Inumin mo 'yang alak," mal
Nang makarating sila sa entrance ng exclusive clubhouse, hinarang sila ng mga bouncers. Isa itong members-only club at kung wala kang black card hanggang labas ka lang.Kinuha niya ang phone niya at tinawagan ang best friend niyang si Paloma. Si Paloma ang kasintahan o mas tamang sabihin, isa sa mg







