Compartilhar

SV: Kabanata 3

Autor: Mysaria
last update Data de publicação: 2026-05-28 14:03:04

Nang makarating sila sa entrance ng exclusive clubhouse, hinarang sila ng mga bouncers. Isa itong members-only club at kung wala kang black card hanggang labas ka lang.

Kinuha niya ang phone niya at tinawagan ang best friend niyang si Paloma. Si Paloma ang kasintahan o mas tamang sabihin, isa sa mga babae ng may-ari ng club na ito.

Hindi pang-abot ng isang minuto, lumabas ang kaibigan niya mula sa grand double doors at naka-suot ng kumikinang na cocktail dress. May ibinulong ito sa bouncer at agad na binuksan ang pinto para kay Elowen.

Pero pagkapasok pa lang nila sa dimly lit na hallway, hinawakan agad ni Paloma ang braso niya at pinandilatan siya.

"Sis, are you out of your mind?!" pabulong ngunit madiing sita ni Paloma. "Look at you! Ang putla-putla mo na. Para kang mamatay anumang oras! Haharap ka sa mga bilyonaryong 'yon na ganyan ang hitsura mo?"

Pilit na ngumiti si Elowen. "Wala akong choice, Paloma. May pamilya akong binubuhay. Kailangan kong bayaran ang utang namin next month. Paano ko kikitain 'yon kung hindi ako luluhod sa mga taong 'to?"

Napabuntong-hininga si Paloma, halatang awang-awa sa sinapit ng kaibigan. "Fine. Pero mag-iingat ka sa loob, okay? Halika na."

Ibang-iba ang VIP private rooms ng club na ito sa mga ordinaryong KTV. Ang laki ng kwarto ay parang isang buong condo unit. Sa isang gilid, may mga naglalaro ng high-stakes poker, habang sa kabilang banda ay may mga nagkakantahan. Usok ng mamahaling tabako at amoy ng imported na alak ang bumalot sa hangin.

Ang pinakamahalagang tao sa kwarto  ay si Mr. Del Hamor.  Kilala itong babaero at mapagsamantala, lalo na pagdating sa mga negosyong ganito. Hawak nito ang lupang kailangan nila, kaya kailangan niya itong suyuin ngayong gabi.

Nang pumasok sina Paloma at Elowen, saglit na tumigil ang laro sa poker table. Napatingin ang mga bilyonaryo sa kanya at binabasa ang bawat kurba ng katawan niya.

Mabilis na bumawi ng ngiti si Paloma at pinalakpak ang mga kamay. "Mga boss! This is my best friend, Elowen. Be nice to her, okay? Kayo talaga!"

Nilunok ni Elowen ang hiya at ang kirot sa ibabang bahagi ng tiyan niya. Pilit siyang ngumiti ng pagkatamis-tamis. "Good evening po sa inyong lahat. I'm Elowen."

Saktong napadako ang tingin niya sa isang lalaking kilala niya sa industriya, si Mr. Ramjay Del Mundo.

"Mr. Del Mundo, nice to see you po," bati ni Elowen at bahagyang yumuko.

Dahil sa init kanina at sa pawis, natanggal ang dalawang butones ng suit jacket si Elowen kung kaya’t lumantad nang bahagya ang itim na mesh top sa ilalim nito. 

Walang masyadong balat na nakikita pero sapat na ang hapit nitong tabas para pukawin ang malagkit na tingin ng matanda.

Ngumisi si Mr. Del Mundo at hindi itinago ang pagtitig sa dibdib niya. "Well, well, well… It’s nice seeing you here, Miss David! Ano, nandito ka ba para mamingwit ng mayamang asawa?"

Nagtawanan ang ilang lalaki sa paligid. Kung ibang babae lang ito, baka umiyak na sa sobrang pambabastos. Pero kalmadong ngumiti si Elowen.

"Mr. Del Mundo naman, mapagbiro talaga kayo," malambing na sagot niya. "Hindi po ako nagmamadali sa mga ganyang bagay..."

Nawalan ng gana ang matanda dahil hindi niya napikon si Elowen, kaya bumalik ito sa paglalaro ng baraha. Umupo si Elowen sa isang silyang malapit kay Mr. Del Mundo para obserbahan ang laro habang naghihintay ng pagkakataon na makausap si Mr. Del Hamor. 

Dahil nakaupo na si Elowen, lumabas na muna si Paloma para asikasuhin ang ibang bisita.

Habang tumatagal, panay ang pasimpleng sulyap ni Mr. Del Mundo sa mahahabang binti ni Elowen. Maya-maya, inuutusan na siya nitong mag-deal ng cards. Tuwing lumalapit si Elowen sa lamesa, sinasadya ng matanda na iurong ang upuan nito para sumayad ang balikat o binti nito sa kanya.

Sanay na ang mga tao sa kwartong iyon sa ganitong eksena kung kaya’t walang pumapansin.

"Miss Elowen, bigyan mo nga ako ng alak," mayabang na utos ni Mr. Del Mundo.

Natigilan si Elowen, yumuko siya para abutin ang bote ng whiskey pero naramdaman niya ang magaspang at mainit na kamay ni Mr. Del Mundo na dahan-dahang gumagapang sa kanyang baywang...

“Kumalma ka, Miss Elowen. Para sa lupa. Para sa kalayaan mo,” pagpapakalma niya sa sarili.

Ngunit bago pa niya makuha ang bote, isang pamilyar at nakakapanindig-balahibo na boses ang umalingawngaw mula sa pinakamadilim na bahagi ng malaking sofa sa sulok ng kwarto.

"Miss Elowen? Miss David, sinong nagbigay ng karapatan sa inyo para lagyan ng respetong pagkikilanlan ang pangalan niya? Sa tingin niyo ba, nararapat sa kanyang tawaging Miss?"

Biglang namatay ang ingay sa kwarto. Tumigil ang musika at tawanan.  Kahit ang pagbalasa ng baraha’y nahinto. Lahat ay napalingon sa direksyon ng boses.

Nanigas ang buong katawan ni Elowen at nagsimulang manginig ang daliri niya. Ginamit niya ang mahinang ilaw sa kwarto para aninagin ang lalaking nakaupo sa dilim.

Doon, nakasandal sa pinaka gitna ng sofa habang nakade-kwatrong si River.

Kaya pala hindi niya napansin kanina, lahat ng tao ay nakasubsob sa poker table, pero ito ay tahimik na nanonood sa dilim tulad ng isang demonyong nag-aabang ng biktima.

Kusang napatayo si Elowen habang nanginginig ang mga tuhod. Walang nakakaalam sa kwartong iyon kung ano ang namamagitan sa kanila ni River, kaya lahat ay nagmamasid.

Isang binata na nakaupo malapit kay River ang bumasag sa katahimikan. Si Bryant, isang sikat na rich kid, anak ng bilyonaryong investor at palamunin lang sa kumpanya ng ama nito.

"Oh? Kilala mo pala ang babaeng 'to, River?" mapang-asar na tanong ni Bryant habang pinasadahan ng nakakadiring tingin si Elowen.

Hindi sumagot si River. Walang emosyong kinuha nito ang baso ng alak, bahagyang inikot ang likido sa loob at uminom ng kaunti habang hindi inaalis ang malamig na titig kay Elowen.

"Bakit ganyan ang mukha mo, Miss David? Parang nakakita ka ng multo!" malakas na tawa ni Bryant na sinabayan ng mga kasamahan nito sa kwarto.

Pumikit nang mariin si Elowen. Pinipilit niyang kontrolin ang panginginig ng boses niya. "Mr. Bryant Del Mundo..." mahinang tawag niya sa matandang katabi at naghahanap sana ng palusot.

Pero dahil magkaklase dati sina Bryant at River at nakikita nitong diring-diri si River sa babaeng ito, naisip ni Bryant na pagkakataon na nito para magpasikat.

Tumayo si Bryant at lumapit kay Elowen. "Oh? Hindi ko akalain na kilala mo pala ako, Miss Elowen David? Bakit? Ako ba ang target mo ngayong gabi? Sabagay, mukhang desperada ka na makahanap ng bubuhay sa'yo ah."

Wala man lang preno ang bibig nito. Sa ganitong klase ng parties, nagbibigayan ng respeto ang mga tao. Pero direktang tinapakan ni Bryant ang pagkatao ni Elowen sa harap ng lahat.

Kasabay ng matinding hiya, biglang sumaksak ang matinding kirot sa ibabang tiyan ni Elowen. Namuo ang malamig na pawis sa kanyang noo na halos mabuwal na siya sa kinatatayuan niya.

"E-Excuse me..." basag at paos na sabi niya. "Masama po ang pakiramdam ko. Pupunta lang po ako ng restroom."

Tumalikod siya at akmang hahakbang palabas. Pero mabilis na humarang si Bryant at tiningnan nito ang dibdib ni Elowen.

"Wow. Nandito ka na nga, tapos aalis ka lang nang ganyan-ganyan? Baka naman kailangan mo lang ng magpapainit sa'yo? O baka naman, nagmamaganda ka lang?"

Bumalik ang nakakabinging katahimikan. Lahat ng mata ay nakatitig sa kanya, parang siyang isang mumurahing paninda na pinag-aagawan ng mga uhaw na hayop.

Naramdaman ni Elowen ang pag-init ng sulok ng kanyang mga mata. Matinding pambabastos at sobrang sakit ng nararanasan niya ngayon pero wala siyang magawa. Hindi siya makapanlaban.  Pero bago pa man siya makasagot, muling umalingawngaw ang boses na nanggaling sa madilim na sofa.

"Wait."

Napalingon si Elowen.

Dahan-dahang tumayo si River. Kinuha nito ang isang malaking baso at pinuno iyon ng pinakamatapang na hard liquor hanggang sa muntik na itong umapaw. Padabog nitong ibinaba ang baso sa glass table na naglikha ng matalim na tunog.

Tinitigan ni River si Elowen gamit ang mga matang walang kasing-lamig.

"Gusto mong umalis?" hamon nito, "Inumin mo muna ang lahat ng 'yan bago ka lumabas."

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 5

    Bago pa maka-angal ang mga lalaki, kinaladkad na ni Paloma si Elowen palabas ng VIP room.Pagsapit nila sa ladies' room, agad na binitawan ni Paloma si Elowen. Namumula ang mukha ng dalaga sa sobrang galit at nanginginig ang mga kamay habang nilalabas ang cellphone."Tanginang mga lalaki 'yan!" nanggagalaiting sigaw ni Paloma. "Lalo na 'yang hayop na si Hans! Anong klaseng mga kaibigan ba meron 'yung gagong 'yon?! Asawa niya, pinapamigay niya sa mga manyakis, tapos 'yang iba naman nakatunganga lang doon at nanonood?! Mga hayop ba sila?! Wala ba silang mga puso?!"Alam ni Elowen na ang tinutukoy ni Paloma ay ang best friend ni River na si Hans na kanina pa nakamasid lang sa kanila. Parehong galing sa mayamang angkan, magkababata at parehong nabubuhay sa mundong walang pakialam sa damdamin ng mga babae.Si Paloma lang ang nakakaalam ng sikreto niya. Na kasal siya kay River. Na mahal niya ito nang patago at nakakatawa mang isipin, pareho silang minalas ng bestfriend niya sa mga lalaking

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 4

    Nang mag-angat ng tingin si Elowen, saktong nagtama ang mga mata nila ni River.Sa kabilang dulo ng dimly lit na VIP room, nakaupo ito na parang isang hari. Walang kahit anong emosyon sa pamilyar at gwapong mukha nito, maliban sa isang nakakapasong panunuya sa mga mata. "Inumin mo 'yang alak," malamig na utos ni River. "At humingi ka ng tawad kay Mr. Del Hamor.""Oh ho! Narinig niyo 'yon?" pang-aasar ng rich kid na si Ramjay habang pumalakpak pa na parang nanonood ng isang nakakaaliw na palabas. "Ang tigas talaga ni River!"Natigilan si Elowen, dahan-dahan siyang napalingon kay Mr. Del Hamor na kanina pa tahimik na nakaupo sa gitna at naninigarilyo.Ngumisi ang matanda, ipinapakita ang kunwaring pagiging maginoo. "Naku, Mr. Samaniego, ano ba 'yang sinasabi mo? Empleyado mo 'yan sa Samaniego Corporation ‘di ba, hindi na kailangan pang mag-sorry sa akin. Saka... bakit mo naman pinapahirapan ang isang napakagandang binibini?"Halata sa reaksyon ng lahat na mataas ang respeto at takot ni

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 3

    Nang makarating sila sa entrance ng exclusive clubhouse, hinarang sila ng mga bouncers. Isa itong members-only club at kung wala kang black card hanggang labas ka lang.Kinuha niya ang phone niya at tinawagan ang best friend niyang si Paloma. Si Paloma ang kasintahan o mas tamang sabihin, isa sa mga babae ng may-ari ng club na ito.Hindi pang-abot ng isang minuto, lumabas ang kaibigan niya mula sa grand double doors at naka-suot ng kumikinang na cocktail dress. May ibinulong ito sa bouncer at agad na binuksan ang pinto para kay Elowen.Pero pagkapasok pa lang nila sa dimly lit na hallway, hinawakan agad ni Paloma ang braso niya at pinandilatan siya."Sis, are you out of your mind?!" pabulong ngunit madiing sita ni Paloma. "Look at you! Ang putla-putla mo na. Para kang mamatay anumang oras! Haharap ka sa mga bilyonaryong 'yon na ganyan ang hitsura mo?"Pilit na ngumiti si Elowen. "Wala akong choice, Paloma. May pamilya akong binubuhay. Kailangan kong bayaran ang utang namin next month.

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 2

    Matapos pakalmahin ang sarili agad na nag-ayos si Elowen. Dahil sa mga pasa at marka ng mga daliri sa kanyang leeg, napilitan siyang magsuot ng isang high-necked mesh top na pinatungan niya ng isang simpleng business suit.Paglabas niya ng elevator papuntang lobby, sumalubong sa kanya ang liwanag at ingay sa paligid. Nagtatawanan ang mga tao, nag-uusap tungkol sa kani-kanilang buhay at negosyo. Sobrang payapa nilang tingnan, parang isang malaking kasinungalingan ang impyernong nangyari sa taas."Miss Elowen!"Napatigil siya nang makita si Assistant Mateo na patakbong lumapit sa kanya dala ang kanyang coat. Kahit nakayuko si Elowen at nakababa ang brim ng kanyang sombrero, nakuha ng boses ng assistant niya ang atensyon ng ilang tao sa lobby."Wait, hindi ba't si Elowen 'yan? Yung anak ng mga David?” dinig niyang bulong ng isang babae hindi kalayuan sa kanila."Kadiri siya! Rich girl ba talaga ‘yan? Kung ganun nga, isa naman siyang ahas! Siya na nga ang nanira ng ibang buhay tapos may g

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 1

    “Ohh… River, parang awa mo na. Alisin mo na itong—” “Oh shut up! Manigas ka diyan!” inis na sabi ni River sa kanya. Lagi na lang ganto, parang pinipiga ang puso niya dahil sa sobrang sakit. Patuloy lang sa pag-agos ang malamig na tubig mula sa showerhead, dumadaloy sa kanyang buhok habang pumapasok sa kanyang ilong at mga mata. Sa bawat pagpatak, pakiramdam ni Elowen ay nalulunod siya sa isang kailalimang walang hanggan, kung saan walang makakarinig sa kanyang pagsigaw. Magkahalo ang sakit at hindi maipaliwanag na sarap ang kanyang nararamdaman pero ang mas nangingibabaw ay ang sakit. May nakapasok kasing nag-vi-vibrate na bagay sa kanyang kaselanan at si River ang may kagagawan. Nanginginig na siya, hindi lang dahil sa halos isang oras niyang pagtayo sa gitna ng malamig na banyo ng marangyang hotel suite na ito sa BGC, kundi dahil sa pamamanhid ng kanyang buong pagkatao. Nang matapos maligo ng lalaking kasama niya, lumapit ito mula sa likuran niya. Ramdam niya ang marahas nguni

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status