로그인Pagkatapos ng isang gabi sa condo ni Paloma, nakaramdam ng kaunting ginhawa si Elowen. Sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, nakatulog siya nang mahimbing, malayo sa malamig na presensya ng kaniyang asawa at sa impyernong tinatawag niyang bahay.
Ngunit kinabukasan, maaga siyang bumangon. Kailangan niyang pumunta sa ospital. Pagdating niya sa isang sikat at pribadong ospital sa Makati, hindi pa man siya nakakapasok sa mismong kwarto ng kapatid niya, sinalubong na agad siya ng isang pamilyar at nakakalasong presensya sa hallway.
Ang kaniyang ama na si Rigor.
"Aba, milagro at naisipan mo pang magpakita?" bungad agad nito sa kanya habang nanlalamig at nanlilisik ang mga mata. "Kapatid mo 'yung nakahiga doon! Wala ka man lang bang pakialam sa sarili mong kadugo? Minsan talaga hindi ko na alam kung anong silbi mo sa pamilyang 'to!"
Sanay na si Elowen sa mga ganitong salita. Simula pagkabata, ganito na ang trato sa kaniya. Isang cash cow at tagasalo ng problema. Pero kahit na pinipilit niayang hindi maapektuhan at maging manhid na lang, hindi niya mapigilan ang pag-init ng sulok ng kaniyang mga mata.
Walang imik na binuksan ni Elowen ang kaniyang lumang bag. Kinuha niya ang isang makapal na brown envelope at iniabot iyon sa kaniyang ama.
"Isang daang libo 'yan, Pa. Sobra-sobra na 'yan para sa hospital bills at gamot niya."
Padaskol na hinablot ni Rigor ang envelope, sinilip ang loob at mabilis na nag-iba ang timpla ng mukha. Hinampas nito ang envelope sa braso niya kaya nagliparan ang ilang mga pera sa malamig na sahig ng ospital.
"Isang daang libo?! Pinagloloko mo ba ako, Elowen?!" pasigaw na bulyaw nito, walang pakialam kung may mga nurse na nakatingin sa kanila. "Sayang lang yung ginastos ko para sa pag-aaral mo! Isa kang high-level executive ng kumpanya tapos ito lang ang ibibigay mo?! Barya?! Ano kami sa'yo, mga pulubing namamalimos?!"
Dahil sa pagod at sunod-sunod na pang-aabuso, tuluyan nang naputol ang pisi ni Elowen.
"Pinalaki?! Pa, mahiya ka naman sa sarili mo!" garalgal ngunit matapang na sagot ni Elowen habang nanginginig ang buong katawan.
"Pagdating sa pagpapalaki sa akin, kailanman ay hindi ikaw ang bumuhay sa pamilyang 'to dahil si Mama ang gumawa no'n! At pagdating sa pera? Simula nang mamatay si Mama, nilustay mo ang pera ng kumpanya! Bawat sentimong kinikita ko, napupunta pambayad sa mga utang mo! Tuwing naghahanap ng gulo ang kapatid ko, ako palagi ang naglilinis!"
Umiling si Elowen habang nagsimulang ng umagos ang kanyang luha sa pisngi. "Ang deficits ng kumpanya, ang mortgage ng bahay, ang car loan mo, lahat ako ang nagbabayad nun! Isang taon akong walang trabaho, Pa! Sagad na sagad na ako, hindi mo ba nakikita 'yon?! At alam mo ba kung bakit ako natali sa impyernong buhay kasama si River? Dahil 'yan sa pagkalugi ng kumpanya mo! Ibinenta niyo ako!"
“Aba't sumasagot ka na?!" galit na galit na dinuro siya ni Rigor. "Anong akala mo, pinahirapan kita?! Makinig ka sa akin, Elowen! Binuhay kita para alagaan at suportahan ako sa pagtanda! Ginawa kita para may tagasalo sa pamilyang 'to! Kaya hangga't humihinga ako, obligasyon mong ibigay ang lahat ng pera mo sa akin! Wala akong pakialam sa mga drama mo!"
Tinalikuran na sana siya nito, pero bago ito tuluyang pumasok sa kwarto, lumingon muli si Rigor saka ngumisi.
"Mag-transfer ka ng isang milyon sa account ko bago matapos ang linggo. Kapag hindi mo ginawa, ako mismo ang magpapakalat sa media na nagbebenta ka lang ng laman kay River! Titingnan ko lang kung may mukha ka pang maihaharap!" banta nito sa kanya.
Pabalagbag nitong isinara ang pinto ng kwarto, iniwan si Elowen na mag-isa sa tahimik at malamig na pasilyo.
Nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan. Unti-unting nawalan ng lakas ang kaniyang mga binti hanggang sa napasandal siya sa pader. Kasabay ng matinding paninikip ng kaniyang dibdib, biglang umatake ang isang matalim at nakakapasong kirot sa kaniyang ibabang tiyan.
Napahawak siya sa kaniyang sinapupunan, namimilipit sa sakit habang walang tunog na humahagulgol. Halos labinlimang minuto siyang nakapikit at naghahabol ng hininga bago tuluyang nawala ang sakit.
Nang makabawi siya, sumilip siya nang bahagya sa salamin ng pinto. Nakita niyang buhay ang kaniyang kapatid, nakaupo sa kama at may benda lang sa ulo. Hindi naman ganun ka-seryoso ang lagay nito.
Tumalikod na si Elowen. Bago siya tuluyang maglakad paalis, nilabas niya ang kaniyang cellphone at nag-type ng mensahe.
[Kuya, nasa ospital ako kanina pero hindi na ako pumasok. Iniwan ko kay Papa yung pera, siguraduhin mong kukunin mo sa kanya 'yon pag-uwi niyo para sa'yo. At please lang... wag ka nang makipag-away.]
Agad niyang binulsa ang phone at nang makarating siya sa dulo ng koridor, tumunog ito. Isang simpleng text galing sa kapatid niya.
[Sige.]
Wala man lang salamat o ni kamusta sa kanya. Napangiti na lang nang mapait si Elowen. Ano pa nga ang aasahan niya sa sarili niyang pamilya?
Napalunok si Mateo at mariing pumikit. “Diyos ko po. Tuluyan na pong nasira ang ulo ng Boss ko. Tatlong taon nang patay ang asawa nito! Paanong babalik 'yon?!”Napabuntong-hininga na lang si Mateo nang tatlong beses at ipinagpatuloy ang pagmamaneho pauwi, tinanggap na lamang na tuluyan nang nabaliw ang boss niya. Pero pagkauwi niya, nag-scroll si Mateo sa Viber group ng mga executives sa Manila. May isang nag-forward ng video ng iskandalo kanina sa cruise ship. Nang buksan niya ang video at i-zoom in ang babaeng naka-black mask, muntik nang mabitawan ni Mateo ang phone niya.Ang tindi pati na ang galaw nito. Isabay pa ang malamig nitong mga mata, kahit na malabo ang video kilalang-kilala niya kung sino yun! Napaiyak si Mateo at napasandal sa pader ng apartment niya. "Ma'am Elowen, buhay nga po talaga kayo."—Kinabukasan, sa loob ng napakalaking dining room ng mga Samaniego, kalmadong kumakain ng late breakfast si Raynold, ang Vice President ng Samaniego Group. Habang humihigop siya
“Sorry? Anong silbi ng sorry mo kung patay na ang tao? Saka Mr. Samaniego, bakit ka nagso-sorry sa akin? Kung gusto mong humingi ng tawad, doon ka sa sementeryo o sa puntod ng asawa mo mag-drama!"Akmang tatalikod na si Elowen subalit bago pa man siya makahakbang marahas siyang hinila ni River. Isang napakalakas at agresibong pwersa ang humapit sa bewang niya. At sa isang iglap, dumapo ang mainit, mapilit at desperadong mga labi ni River sa kanyang bibig!Nanlaki ang mga mata ni Elowen. Putangina! Agad siyang nagpumiglas, hinampas niya ng malakas ang dibdib ni River kung kaya’t tuluyang nahulog ang itim na scarf niya sa sahig, kasabay noon ay ang kanyang mask. Bumungad ang napakaganda, maputla at malamig na mukha ni Elowen!Si River naman ay parang mababaliw nang makita niya ang mukha ng babaeng limanng taon niyang iniyakan kaya naman mas lalo itong naging agresibo. Naging mapusok ang halik nito na parang gusto siyang kainin nang buo!Subalit isang malakas na sampal ulit ang pinakaw
Kung ibang tao lang ito, pwede pa sanang magdahilan si River. Pwedeng sabihing namalikmata lang ito. Pero kay Elowen? Imposible.Napalunok ng mariin si River, punong-puno ng kaba, desperasyon at pag-asa ang kanyang sistema subalit napaka kalmado lang ni Elowen. Tiningnan niya si River na parang hindi niya ito kilala. "Excuse me, Sir," malamig na panimula ni Elowen.Dahil sa nasirang vocal cords nang tumalon siya sa dagat limang taon na ang nakakalipas, nagbago ang boses niya. Naging mababa ito at kapag masyadong emosyonal o nanlalamig, halos paos na bulong na lang ang lumalabas dito.Kinusot ni Elowen ang kanyang mga mata at tumingin ng deretso sa binata. "Sir, m-mali po yata kayo ng taong niyakap."Natigilan si River, ang matinding kumpyansa sa mga mata nito kanina ay napalitan ng pag-aalinlangan. Dahan-dahan nitong niluwagan ang hawak sa pulso niya. Pero bago pa man tuluyang makabitiw, biglang may sumiklab sa mga mata ng lalaki. Parang isang demonyong nabuhay mula sa kailaliman ng
Sa kabilang banda, hindi inaasahan ni Elowen na babalik sa upper deck si River. Nang mag-umpisa nang magkainan ang mga bisita, tahimik na naglakad si Elowen papunta sa railings ng barko habang pinagmamasdan ang madilim na dagat.Ilang sandali pa, isang lalaking naka-blue suit ang tumabi sa kanya. Si Dino, hawak nito ang namamaga at namumulang pisngi habang nakangisi."Selina! Kumusta ang acting ko? Pwede na bang pang-Oscar Award?" natatawang tanong ni Dino.Sumilip si Elowen sa kanya, tipid na ngumiti at sumagot, "Not bad. Bilang pabuya, pwede kang pumili ng kahit anong overseas warehouse ng Quinn Group na gusto mong gamitin at free lang yun for the next six months."Nanlaki ang mga mata ni Dino sa tuwa. Mabilis nitong hinapit ang bewang ni Elowen at hinalikan ito sa pisngi! "You're the best, Selina!"Hindi pumalag si Elowen at natawa na lamang siya. Matagal na silang magkaibigan ni Dino simula nung nasa France pa siya. Alam din niyang ginawa lang ito ni Dino bilang pasasalamat. At sa
Pagbaba ng barko, hindi pa man nakakahinga ng maluwag si Beatrice ay marahas na siyang itinulak ni River palayo."Ano bang alam mo tungkol kay Elowen?!" nanggagalaiting tanong ng binata. "Buhay ba siya?! Sabihin mo!"Ito ang tanong na hindi mapakali sa isip ni River. Totoo ba ang nakita niya kanina? O baka guni-guni niya na naman 'yon dahil sa sobrang pagka-miss? Limang taon na siyang nababaliw kakahabol sa mga aninong kahawig ng asawa niya.Pinag-isipang mabuti ni Beatrice ang isasagot. Siyempre, hindi niya pwedeng sabihin ang totoo. "N-Nakita ko lang 'yung likod niya nung isang araw sa mall kung saan ako nagtatrabaho. I-I-coconfirm ko sana bago ko sabihin sa'yo p-pero kanina, pinagkamalan nila akong kabit—""Saan?!" sigaw ni River at marahas na hinawakan ang magkabilang balikat ni Beatrice. "Saang mall?! Iche-check ko ang CCTV! Sabihin mo sa akin ngayon din!"Muling nagwala ang demonyo sa loob ni River. Mula sa upper deck ng barko, tahimik na nanonood sina Elowen at Paloma. Balot ng
"Ayan, nakaganti ka rin," nakangiting sabi ni Paloma sa kanya. "Nakuha rin niya ang nararapat sa kanya.""Maliit na bagay pa lang 'yan," malamig na tugon ni Elowen. "Ganti ko pa lang 'yan para sa ginawa niyang pananakit sa akin noon.""Ganyan dapat!" sang-ayon ni Paloma. "Kung ako 'yan, hindi lang sampal ang aabutin ng babaeng 'yan sa akin!"Sa gitna ng crowd, nagpapanic na ng sobra si Beatrice. Nagtatakip siya ng tainga habang umiiyak at nagsisisigaw sa gitna ng mga taong nagtatawanan sa kanya.Saktong sa sandaling iyon, dumaan ulit si River. Nang marinig nito ang kaguluhan, nakipagsiksikan ang binata sa karamihan."Anong nangyayari dito?!" sigaw ni River.Ang boses na iyon ay parang isang liwanag sa gitna ng impyerno para kay Beatrice! Sumikip ang dibdib nito, mabilis na dumaan sa dalawang taong humaharang sa kanya at walang alinlangan na isinumpak ang sarili sa dibdib ni River!"Kuya Riveeer!" hagulgol na sigaw ni Beatrice habang yakap-yakap ng mahigpit ang bewang ng binata.Napati
Bago pa maka-angal ang mga lalaki, kinaladkad na ni Paloma si Elowen palabas ng VIP room.Pagsapit nila sa ladies' room, agad na binitawan ni Paloma si Elowen. Namumula ang mukha ng dalaga sa sobrang galit at nanginginig ang mga kamay habang nilalabas ang cellphone."Tanginang mga lalaki 'yan!" nan
Nang mag-angat ng tingin si Elowen, saktong nagtama ang mga mata nila ni River.Sa kabilang dulo ng dimly lit na VIP room, nakaupo ito na parang isang hari. Walang kahit anong emosyon sa pamilyar at gwapong mukha nito, maliban sa isang nakakapasong panunuya sa mga mata. "Inumin mo 'yang alak," mal
Nang makarating sila sa entrance ng exclusive clubhouse, hinarang sila ng mga bouncers. Isa itong members-only club at kung wala kang black card hanggang labas ka lang.Kinuha niya ang phone niya at tinawagan ang best friend niyang si Paloma. Si Paloma ang kasintahan o mas tamang sabihin, isa sa mg
Matapos pakalmahin ang sarili agad na nag-ayos si Elowen. Dahil sa mga pasa at marka ng mga daliri sa kanyang leeg, napilitan siyang magsuot ng isang high-necked mesh top na pinatungan niya ng isang simpleng business suit.Paglabas niya ng elevator papuntang lobby, sumalubong sa kanya ang liwanag a







