Se connecterNang masigurong hawak na ni Mateo ang Boss nito, umirap si Elowen at tumalikod pabalik kay Logan. Ngunit kakatalikod niya pa lang, isang malakas na pwersa ang biglang humila sa laylayan ng suot niyang blazer!Nawalan ng balanse si Elowen kaya napatili siya. Pero imbis na sahig, bumagsak siya sa isang matigas, malamig at pamilyar na dibdib. Mabilis na pumulupot ang mga duguang braso ni River sa bewang niya at niyakap siya ng mahigpit. Amoy na amoy niya ang pamilyar na pabango nitong may halong mint at sigarilyo. Nakakahilo na para siyang ibinalik sa nakaraan. Nang maka-recover mula sa gulat, buong lakas na itinulak ni Elowen ang dibdib ng bilyonaryo! Muntik pa siyang matumba sa lakas ng sarili niyang tulak, pero nagawa niyang tumayo nang tuwid.Namumula ang buong mukha niya sa inis at kaba. "River!" sigaw ni Elowen sa mismong pagmumukha nito. "Nasisiraan ka na ba ng ulo?!"Imbis na magalit at lumaban, unti-unting namula ang gilid ng mga mata ni River. Tiningnan niya si Elowen na par
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Elowen habang nakatitig sa malawak na skyline mula sa salamin ng kanyang opisina. Kanina pa siya hindi mapakali.Kung wala na talagang ibang paraan, kakausapin niya na lang pamilya niya para mag-inject ng pondo sa Sarmiento Group. Hinding-hindi niya hahayaang bumagsak ang pamilya Sarmiento nang dahil lang sa kanya!Kukunin na sana niya ang kanyang cellphone para tawagan si Logan nang sunud-sunod na mag-pop up ang mga notifications mula sa X at iba pang news portals.Nanlaki ang mga mata ni Elowen. Parang huminto ang pagtibok ng puso niya nang mabasa ang mga headlines. #SarmientoGroupAILaunchDelayedIndefinitely#LoganSarmientoResignsAsGeneralManager#SarmientoImpirehasnoHEIR"Ano 'to?!" bulalas niya habang nanginginig ang mga daliring ini-scroll ang mga balita. "Seryoso ba 'to?!"Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Bago pa man mag-sink in sa utak niya ang mga nabasa, biglang nag-ring ang phone niya."Hello?!" garalgal at tar
Hindi nagtagal, nakarating siya sa tapat ng modernong glass building sa sentro ng Business Park. Nakapaskil doon ang malaking logong ELORI TECHNOLOGY sa harap niya.Isang malakas na irap ang pinakawalan ni Elowen. Kahit saan yata siya magpunta, sinusundan siya ng pangalang iyon. Nakakasuka ang korni ng lalaking 'to! Akmang lalapit sana siya sa front desk para magpa-announce nang bumukas ang VIP elevator.Lumabas si River, sa halip na ang pamilyar nitong malamig at nakakamatay na aura, isang maamo at halos malambing na ngiti ang sumalubong sa kanya."Elo, pumunta ka," mahinang sabi nito. Nakaramdam ng kilabot si Elowen hanggang buto.“Baliw na nga yata talaga siya,” bulong niya sa sarili. Pinigilan niya ang sariling mandiri at mabilis na naglakad papasok ng elevator. "Umakyat tayo. Sa opisina mo tayo mag-usap."Pagkapasok na pagkapasok nila sa malawak na opisina sa top floor at nang sumara ang p***o, hindi nakapagpigil si Elowen."Anong klaseng laro ba 'to, River?!" asik niya habang n
Pagkabagsak ng katawan ni River sa malambot na kama, inabutan ni Elowen ng isanlibong pisong tip ang bellboy bago ito lumabas. Napasandal si Elowen sa gilid ng kama, hingal na hingal at tagaktak ang pawis."Jusko, wala pa yatang araw na hindi mo pinahirapan ang buhay ko!" reklamo ni Elowen habang pinupunasan ang noo. "Kahit kailan talaga, pabigat ka, River!"Akmang tatalikod na sana siya para umalis nang biglang nagsalita si River. Umalingawngaw ang desperadong boses nito sa tahimik na kwarto. "Nandito ako!"Mabilis na napabangon si River, ang mga mata’y puno ng luha at pagkalito."Elo, nandito ako! Mali ako! Maling-mali ako!"Halos tumalon ang puso ni Elowen nang marinig ang sinabi ng lalaki. Napahawak si Elowen sa sarili niyang dibdib, nakaramdam ng matinding paninikip.Sa mga oras na iyon, tila natauhan din si River. Tulala itong nakatitig sa dalaga, parang hindi rin nito alam kung bakit sila nandito at bakit nasa harapan niya ang babaeng pinakamamahal niya.Kanina, hindi man lang
Nang makalabas si Hans sa restaurant, wala na roon si Paloma at ang anak niya. Naiwan na lang siyang nakatayo habang sinasabunutan ang sarili sa sobrang frustration."Bobo mo talaga, Hans! Ba't ba hindi ka marunong umarte nang maayos?! Nasira na naman tuloy ang diskarte mo!" sigaw pa niya.Lumapit ang private investigator na inupahan niya habang natatawa. "Boss, away mag-asawa ba? Mukhang mainit ang ulo ni Misis ah."Pinagpagan lang ni Hans ang gusot niyang damit at hindi pinansin ang tauhan."Boss, may payo ako. Pag-uwi mo, kumuha ka ng napakaraming monggo at ilagay mo sa malaking bilao. Ilagay mo yun sa sahig, lumuhod ka dun, tapos umiyak ka nang wagas habang nagmamakaawa. Promise, 100% effective 'yon! Mapapatawad ka agad ng misis mo!"Nanggigil si Hans sa sinabi ng tauhan, kahit masakit ang katawan dahil sa bugbog, nakuha niya pang bulyawan ito."LULUHOD AKO AT MAGMAMAKAAWA SA KANYA?! SIRAULO KA BA?! LUMAYAS KA NGA SA HARAP KO! KUNG MAY LULUHOD MAN AT HIHINGI NG TAWAD, HINDI AKO 'Y
Nang unti-unti siyang magkamalay, nakita niya ang dalawang mukha na nakadungaw sa kanya mula sa itaas. Si Paloma at ang anak niyang parang nakatingin sa isang patay na pusa sa kalsada. “Ganito pala ang pakiramdam kapag mamamatay ka na…” isip ni Hans habang nahihilo pa rin.Pilit siyang bumangon habang hawak-hawak ang sumasakit na bewang. Tiningnan niya nang masama si Paloma at tinuro ito."You woman!" sigaw ni Hans sa harap ng maraming tao. "Ang kapal ng mukha mong magdala ng kabit sa hotel?! At talagang isinama mo pa ang anak ko sa date niyo ng lalaking iyan?!"Isang napakalakas at malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ni Hans. Nag-echo ang tunog na iyon sa buong hotel restaurant. Halos umikot muli ang paningin ng playboy. Hilo pa nga siya sa pagkakabalibag kanina, tapos ngayon, sinampal pa siya ng mismong babaeng pinagseselosan niya! Napahawak si Hans sa kanyang namumulang pisngi habang nakatingala kay Paloma na namumula sa galit.Sa gilid, masayang pumalakpak ang maliit na batan
Nang makarating sila sa entrance ng exclusive clubhouse, hinarang sila ng mga bouncers. Isa itong members-only club at kung wala kang black card hanggang labas ka lang.Kinuha niya ang phone niya at tinawagan ang best friend niyang si Paloma. Si Paloma ang kasintahan o mas tamang sabihin, isa sa mg
Sa loob ng isang taong pagsasama nila bilang mag-asawa, naging isang malamig na impyerno ang buhay ni Elowen. Para kay River, hindi siya isang asawa na kailangang mahalin, protektahan at alagaan. Isa lamang siyang laruan na ginagamit para pagbayaran ang isang kasalanang hindi naman niya ginawa. At
Bago pa maka-angal ang mga lalaki, kinaladkad na ni Paloma si Elowen palabas ng VIP room.Pagsapit nila sa ladies' room, agad na binitawan ni Paloma si Elowen. Namumula ang mukha ng dalaga sa sobrang galit at nanginginig ang mga kamay habang nilalabas ang cellphone."Tanginang mga lalaki 'yan!" nan
Nang mag-angat ng tingin si Elowen, saktong nagtama ang mga mata nila ni River.Sa kabilang dulo ng dimly lit na VIP room, nakaupo ito na parang isang hari. Walang kahit anong emosyon sa pamilyar at gwapong mukha nito, maliban sa isang nakakapasong panunuya sa mga mata. "Inumin mo 'yang alak," mal







