Share

SV: Kabanata 213

Author: Mysaria
last update publish date: 2026-10-01 21:08:35

Sa gilid, ibinaba ni Mateo ang camera niya. "Recorded na ang buong confession. Boss, tapos na tayo rito. Dadalhin ko na 'to sa presinto."

Nang marinig ang salitang presinto, pilit na inangat ni Beatrice ang duguang mukha. "Y-Yung one hundred million ko! Yung pangako niyo!"

Tiningnan lang siya ni River na parang isang basurang nabubulok. Tumalikod ang bilyonaryo at naglakad palabas, ni hindi na lumingon pa sa kanya. Si Mateo naman ay napangisi na lang at kinwelyuhan pa ang dalaga patayo.

"Wag k
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sares
ay salamat sa update, Miss A
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 215

    Hindi maganda ang gising ni Elowen nitong mga nakaraang araw. Kung patuloy na magmamatigas si River at magpapakapal ng mukha, kaya niya itong sikmurain. Pero ang gawin nitong bala ang konsensya at pagpapaawa effect para piliting ibalik siya? Nakakasuka.Para maalis ang asar niya, tinawagan niya si Logan. Nag-set siya ng meeting sa paborito nilang artisan café sa QC."Plano ko nang ipa-announce 'yung kasal or at least... 'yung engagement natin. Tutal hindi naman seryosohan 'to," seryosong sabi ni Elowen habang nakasandal sa couch ng private booth nila habang nakahalukipkip. "Ang mahalaga lang sa akin ngayon ay ang mapanatag ang loob ni Lolo. Basta makita niyang may kasama na ako at hindi na ako nagpapakatanga sa nakaraan ko, enough na 'yon. Tsaka na lang natin isipin kung paano aayusin ang sunod na mangyayari."Sa kabilang panig ng lamesa, hawak-hawak ni Logan ang isang mainit na baso ng mocha. Dahan-dahan siyang sumimsim, isang malambing na ngiti ang namumutawi sa kanyang mga labi.Na

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 214

    “Ano?! Iiwan niyo 'ko rito?! Ang kapal ng mukha ng Boss ko, pagkatapos ng lahat ng pagdurusa ko sa pag-aasikaso ng piyansa niya, ipagpapalit lang pala ako sa libreng ride?!” bulong ni Mateo habang naiwan sa kalsada na nakatulala. Bago pa siya maka-reklamo, humarurot na ang SUV ni Elowen palayo, iniiwan si Mateo na parang inabandonang bata sa harap ng presinto. Inis na inis na dinukot ni Mateo ang phone niya at nag-dial ng numero.Sa kabilang banda, papunta na sana si Raymond sa presinto para sunduin ang Boss niyang si Elowen nang biglang mag-ring ang phone niya. Nang makita ang caller ID, kumunot ang noo ng binata."Bakit tumatawag na naman ang hudas na 'to?" bulong ni Raymond. Pero dahil assistant to assistant communication, sinagot niya rin ito."Hello?! Nasaan ka?! Sunduin mo nga ako rito ngayon din!" bungad agad ni Mateo mula sa kabilang linya.Nalaglag ang panga ni Raymond dahil sa inasta nito. "At bakit naman kita susunduin?! Sinuswerte ka ba?!""Makinig ka nga!" katwiran ni Ma

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 213

    Sa gilid, ibinaba ni Mateo ang camera niya. "Recorded na ang buong confession. Boss, tapos na tayo rito. Dadalhin ko na 'to sa presinto."Nang marinig ang salitang presinto, pilit na inangat ni Beatrice ang duguang mukha. "Y-Yung one hundred million ko! Yung pangako niyo!"Tiningnan lang siya ni River na parang isang basurang nabubulok. Tumalikod ang bilyonaryo at naglakad palabas, ni hindi na lumingon pa sa kanya. Si Mateo naman ay napangisi na lang at kinwelyuhan pa ang dalaga patayo. "Wag kang mag-alala, ibibigay namin 'yung pera. Pagkalabas mo ng kulungan, kung buhay ka pa. Tara na sa impyerno!"Imbes na matakot, ngumiti si Beatrice na parang isang baliw. “Oh sige! Sige, at least may one hundred million pa rin ako! Mayaman pa rin ako!”—Sa loob ng tahimik at maaliwalas na opisina ng imbestigador, ramdam ang pamilyar na init at simoy ng hangin na nanggagaling sa labas. Tahimik na nakaupo si Elowen habang binabasa ang makapal na affidavit na naglalaman ng bawat salitang inamin ni

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 212

    Nagsimulang magdilim ang paningin ni River. Nanginginig naman ang katawan ni River, hindi dahil sa takot na takot kung ‘di sa matinding galit sa dalaga. Gusto niyang patayin ang babaeng ito, gusto niyang pahirapan at durugin na parang isang paminta. Nang maramdaman ni Mateo na nawawala na sa sarili si River, mabilis siyang humakbang palapit. Mahigpit niyang hinawakan ang balikat ng amo tila ba pinipigilan itong sumugod."Boss, wag. Kumalma ka," madiin ngunit pabulong na banta ni Mateo. "Hayaan mo siyang isuka lahat ng kasalanan niya. Kapag pinatay mo siya ngayon, walang katapusang gulo 'to. Kailangan natin ng kumpletong ebidensya."Umigting ang panga ni River. Sapilitan niyang ibinaba ang nakakuyom niyang mga kamao, pero masama pa rin ang tingin kay Beatrice. Sa kabilang banda, tuluyan nang nawala sa katinuan ang dalaga. Ang takot sa kanyang mga mata ay napalitan ng isang baliw na kislap. Tila ba nilamon na siya ng sarili niyang mga kasinungalingan."Pero alam mo ba kung anong pinaka

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 211

    "Kuya River?!" tili niya’t tuluyan nang nawala ang pagpapanggap. "Gagamitin mo ako para sa babaeng 'yon?! Itatapon mo ako dahil lang kay Elowen?! Anong bang meron sa kanya, ha?! Isang malanding ahas naman ang babaeng yun! Isang desperadang babaeng ipinagsiksikan ang sarili sa kama mo! Ipagpapalit mo ako sa isang pokpok na tulad niya—"Hindi na kinaya ni River ang marinig ang pangalan ng asawa mula sa maruming bibig nito. Sumenyas siya sa isang tauhan na may hawak ng isang malaking timba sa gilid."Anong... anong gagawin niyo?!" natatarantang sigaw ni Beatrice nang makitang papalapit ang lalaki. "Bawal 'to! Pulis! Ididemanda ko kayo! Illegal 'to—"Subalit hindi pa man siya tapos na magsalita, buong timba na ng malamig na tubig na ang ibinuhos sa buong katawan ni Beatrice.Napasigaw siya nang malakas bago nabilaukan. Tumagos ang lamig hanggang sa mga buto niya kaya’t nagsimula siyang manginig nang matindi. Ang hangin sa basement ay sapat na para mangatog siya pero ang yelong dumikit sa

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 210

    Pagdating sa condo unit sa BGC, hindi halos makapaniwala si Elowen nang buksan niya ang isang mamahaling velvet box. Nanginginig ang mga kamay niya nang damputin ang lumang bracelet. Nilinis na ito at pinakintab kaya naman kumikinang at parang bagong tingnan."Paloma, p-paano niyo nagawa 'to?" naiiyak na tanong ni Elowen habang marahang isinusuot ang bracelet sa kanyang pulso.Naka-loudspeaker ang phone niya habang kinakausap ang kaibigan. "Naku, may connection ako diyan sa black market, bakla! Tanga lang kasi 'yung mang-aagaw na 'yon! Buti nga nakuha natin, kung hindi naku, baka nabenta na niya 'yan sa iba!"Tumulo ang luha ni Elowen. Ito ang tanging alaala ng namayapa niyang ina, ang pamana ng pamilya Quinn na ninakaw ni Beatrice noon. Ngayon, nakabalik na ito sa kanya."Salamat, Paloma," umiiyak ngunit nakangiting sabi ni Elowen. "Akala ko hindi ko na 'to makikita...""Wag ka nang umiyak diyan," malambing na sagot ni Paloma. "By the way, Elowen, anong balak mo dun kay Beatrice? Nak

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 7

    Pagkatapos ng isang gabi sa condo ni Paloma, nakaramdam ng kaunting ginhawa si Elowen. Sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, nakatulog siya nang mahimbing, malayo sa malamig na presensya ng kaniyang asawa at sa impyernong tinatawag niyang bahay.Ngunit kinabukasan, maaga siyang bumango

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 6

    Sa loob ng isang taong pagsasama nila bilang mag-asawa, naging isang malamig na impyerno ang buhay ni Elowen. Para kay River, hindi siya isang asawa na kailangang mahalin, protektahan at alagaan. Isa lamang siyang laruan na ginagamit para pagbayaran ang isang kasalanang hindi naman niya ginawa. At

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 5

    Bago pa maka-angal ang mga lalaki, kinaladkad na ni Paloma si Elowen palabas ng VIP room.Pagsapit nila sa ladies' room, agad na binitawan ni Paloma si Elowen. Namumula ang mukha ng dalaga sa sobrang galit at nanginginig ang mga kamay habang nilalabas ang cellphone."Tanginang mga lalaki 'yan!" nan

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 4

    Nang mag-angat ng tingin si Elowen, saktong nagtama ang mga mata nila ni River.Sa kabilang dulo ng dimly lit na VIP room, nakaupo ito na parang isang hari. Walang kahit anong emosyon sa pamilyar at gwapong mukha nito, maliban sa isang nakakapasong panunuya sa mga mata. "Inumin mo 'yang alak," mal

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status