Partager

SV: Kabanata 4

Auteur: Mysaria
last update Date de publication: 2026-05-28 14:04:24

Nang mag-angat ng tingin si Elowen, saktong nagtama ang mga mata nila ni River.

Sa kabilang dulo ng dimly lit na VIP room, nakaupo ito na parang isang hari. Walang kahit anong emosyon sa pamilyar at gwapong mukha nito, maliban sa isang nakakapasong panunuya sa mga mata. 

"Inumin mo 'yang alak," malamig na utos ni River. "At humingi ka ng tawad kay Mr. Del Hamor."

"Oh ho! Narinig niyo 'yon?" pang-aasar ng rich kid na si Ramjay habang pumalakpak pa na parang nanonood ng isang nakakaaliw na palabas. "Ang tigas talaga ni River!"

Natigilan si Elowen, dahan-dahan siyang napalingon kay Mr. Del Hamor na kanina pa tahimik na nakaupo sa gitna at naninigarilyo.

Ngumisi ang matanda, ipinapakita ang kunwaring pagiging maginoo. "Naku, Mr. Samaniego, ano ba 'yang sinasabi mo? Empleyado mo 'yan sa Samaniego Corporation ‘di ba, hindi na kailangan pang mag-sorry sa akin. Saka... bakit mo naman pinapahirapan ang isang napakagandang binibini?"

Halata sa reaksyon ng lahat na mataas ang respeto at takot nila kay River. Kung anong sabihin nito, siyang batas.

Kahit nanginginig ang mga tuhod, nakita ni Elowen ang pagkakataon. Nilunok niya ang pride niya, ngumiti ng matamis kay Mr. Del Hamor at mabilis na iniabot ang kanyang business card.

"Mr. Del Hamor, pasensya na po sa abala," malambing na simula ni Elowen, lumapit nang bahagya para makipag-usap. "Actually po, nandito ako para sa South project. Nakita ko po ang potential ng lupa ninyo at kung paano natin mado-double ang value nito kung—"

Hindi pa siya nakakahinga ng maluwag nang biglang sumingit na naman ang boses ni Ramjay.

"Teka nga, Mr. Samaniego! Itong si Elowen, empleyado mo kamo? Kanina pa 'to aali-aligid at nag-aalok ng business sa kumpanya mo ah. Siguro ang taas ng posisyon nito sa inyo, 'no? Ano ba 'to, VP? O Director?" Puno ng malisya ang mga mata ni Ramjay habang pinapasadahan ng tingin ang buong katawan ni Elowen.

Dahil sa biglaang kaba at pamamahiya, nagkamali ng galaw si Elowen. Nasagi ng siko niya ang wine glass na nasa lamesa kung kaya’t bumuhos ang pulang alak at saktong tumapon ito sa mamahaling pantalon ni River.

"S-Sorry! Hala, sorry, hindi ko sinasadya!" natataranta at namumutlang sabi ni Elowen. Agad siyang kumuha ng table napkin at lumuhod ng bahagya para punasan ang hita ni River.

Pero bago pa man dumampi ang kamay niya, isang malamig at mahigpit na hawak ang pumulupot sa kanyang pulso.

Nag-angat ng tingin si Elowen. Nanlilisik ang mga mata ni River habang nakatitig sa kanya. Ramdam niya ang galit na nagmumula rito. Napalunok siya ng mariin at nag-iwas ng tingin dahil hindi niya kayang tagalan ang lamig sa mga mata ng sarili niyang asawa.

Biglang hinigpitan ni River ang hawak sa pulso niya hanggang sa mapadaing siya sa sakit, bago siya marahas na itinulak palayo.

"Tama ka," malamig na sagot ni River kay Ramjay habang pinapagpag ang pantalon nito. "Empleyado siya ng Samaniego Corporation. Dati siyang Development Director pero na-demote na siya kamakailan. Isa na lang siyang hamak na secretary ko."

"Secretary?" Tumaas ang kilay ni Ramjay at ngumisi ng abot tainga. "Anong klaseng secretary? Yung... ganung klaseng secretary ba?! Baka naman pwedeng mahiram namin siya paminsan-minsan?!"

Lahat ng lalaki sa kwarto ay nagtawanan at bumaling kay River, habang naghihintay ng basbas nito.

Tinitigan ni River si Elowen. Pigil-hiningang naghihintay si Elowen sa sasabihin ni River. 

“Please, tama na. Wag mo na akong pahiyain,” pagmamakaawa ng isip niya. Alam niyang wala siyang halaga dito pero asawa pa rin siya nito sa papel!

Ngunit ang susunod na lumabas sa bibig ni River ang tuluyang bumasag sa kanya.

"Of course," malamig at walang pakialam na sagot ni River. "Secretary lang naman siya. Pwedeng-pwede ninyong gamitin kahit anong oras iyan."

Pagkarinig nito, mabilis na tumayo si Mr. Del Hamor. Nawala ang pagiging maginoo nito kanina. Kuminang ang mga mata nitong puno ng pagnanasa habang mahigpit na hinawakan ang braso ni Elowen.

"Miss David? Halika nga rito sa tabi ko," malagkit na bulong ng matanda. "Ako ang bida ngayong gabi. Wag kang aalis sa tabi ko, ha? Pagsisihan mo habambuhay kapag tinanggihan mo ako..."

Hindi ganito kasakit kung ibang tao ang nagsabi. Pero galing iyon kay River. Sa lalaking lihim niyang minahal ng walong taon. Sa asawa niyang nangakong iingatan siya sa harap ng altar, pero syempre parte lang naman yun ng script nila noon pero kahit na. Nagsumpaan naman sila sa harap ng sagradong altar. 

Ganoon na lang ba siya kadumi sa paningin ng lalaking ito? Na ipamimigay na lang sa mga hayop na 'to para lang masaktan siya?

Naramdaman ni Elowen ang pamumuo ng mainit na luha sa mga mata niya. Basang-basa na ang mga pilik-mata niya. Pilit siyang nagpupumiglas sa pagkakahawak ni Mr. Del Hamor.

Tumingin siya kay River, literal na nagmamakaawa ang mga mata’t humihingi ng tulong. Pero umiwas ng tingin si River at kalmadong pinaikot ang alak sa baso. Parang walang nakikita at walang asawang binabastos sa harap nito. 

"Oops! Ay palaka!"

Isang baso ng malamig na tubig ang biglang tumapon sa mismong dibdib ni Elowen.

"Hala, my gosh! Elowen, I'm so sorry! Napatid ako!" malakas na sigaw ni Paloma at mabilis na hinila si Elowen mula sa pagkakahawak ni Mr. Del Hamor. "Ang tanga ko talaga! Tara sa restroom, papalitan natin 'yan, basang-basa ka na!"

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 5

    Bago pa maka-angal ang mga lalaki, kinaladkad na ni Paloma si Elowen palabas ng VIP room.Pagsapit nila sa ladies' room, agad na binitawan ni Paloma si Elowen. Namumula ang mukha ng dalaga sa sobrang galit at nanginginig ang mga kamay habang nilalabas ang cellphone."Tanginang mga lalaki 'yan!" nanggagalaiting sigaw ni Paloma. "Lalo na 'yang hayop na si Hans! Anong klaseng mga kaibigan ba meron 'yung gagong 'yon?! Asawa niya, pinapamigay niya sa mga manyakis, tapos 'yang iba naman nakatunganga lang doon at nanonood?! Mga hayop ba sila?! Wala ba silang mga puso?!"Alam ni Elowen na ang tinutukoy ni Paloma ay ang best friend ni River na si Hans na kanina pa nakamasid lang sa kanila. Parehong galing sa mayamang angkan, magkababata at parehong nabubuhay sa mundong walang pakialam sa damdamin ng mga babae.Si Paloma lang ang nakakaalam ng sikreto niya. Na kasal siya kay River. Na mahal niya ito nang patago at nakakatawa mang isipin, pareho silang minalas ng bestfriend niya sa mga lalaking

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 4

    Nang mag-angat ng tingin si Elowen, saktong nagtama ang mga mata nila ni River.Sa kabilang dulo ng dimly lit na VIP room, nakaupo ito na parang isang hari. Walang kahit anong emosyon sa pamilyar at gwapong mukha nito, maliban sa isang nakakapasong panunuya sa mga mata. "Inumin mo 'yang alak," malamig na utos ni River. "At humingi ka ng tawad kay Mr. Del Hamor.""Oh ho! Narinig niyo 'yon?" pang-aasar ng rich kid na si Ramjay habang pumalakpak pa na parang nanonood ng isang nakakaaliw na palabas. "Ang tigas talaga ni River!"Natigilan si Elowen, dahan-dahan siyang napalingon kay Mr. Del Hamor na kanina pa tahimik na nakaupo sa gitna at naninigarilyo.Ngumisi ang matanda, ipinapakita ang kunwaring pagiging maginoo. "Naku, Mr. Samaniego, ano ba 'yang sinasabi mo? Empleyado mo 'yan sa Samaniego Corporation ‘di ba, hindi na kailangan pang mag-sorry sa akin. Saka... bakit mo naman pinapahirapan ang isang napakagandang binibini?"Halata sa reaksyon ng lahat na mataas ang respeto at takot ni

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 3

    Nang makarating sila sa entrance ng exclusive clubhouse, hinarang sila ng mga bouncers. Isa itong members-only club at kung wala kang black card hanggang labas ka lang.Kinuha niya ang phone niya at tinawagan ang best friend niyang si Paloma. Si Paloma ang kasintahan o mas tamang sabihin, isa sa mga babae ng may-ari ng club na ito.Hindi pang-abot ng isang minuto, lumabas ang kaibigan niya mula sa grand double doors at naka-suot ng kumikinang na cocktail dress. May ibinulong ito sa bouncer at agad na binuksan ang pinto para kay Elowen.Pero pagkapasok pa lang nila sa dimly lit na hallway, hinawakan agad ni Paloma ang braso niya at pinandilatan siya."Sis, are you out of your mind?!" pabulong ngunit madiing sita ni Paloma. "Look at you! Ang putla-putla mo na. Para kang mamatay anumang oras! Haharap ka sa mga bilyonaryong 'yon na ganyan ang hitsura mo?"Pilit na ngumiti si Elowen. "Wala akong choice, Paloma. May pamilya akong binubuhay. Kailangan kong bayaran ang utang namin next month.

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 2

    Matapos pakalmahin ang sarili agad na nag-ayos si Elowen. Dahil sa mga pasa at marka ng mga daliri sa kanyang leeg, napilitan siyang magsuot ng isang high-necked mesh top na pinatungan niya ng isang simpleng business suit.Paglabas niya ng elevator papuntang lobby, sumalubong sa kanya ang liwanag at ingay sa paligid. Nagtatawanan ang mga tao, nag-uusap tungkol sa kani-kanilang buhay at negosyo. Sobrang payapa nilang tingnan, parang isang malaking kasinungalingan ang impyernong nangyari sa taas."Miss Elowen!"Napatigil siya nang makita si Assistant Mateo na patakbong lumapit sa kanya dala ang kanyang coat. Kahit nakayuko si Elowen at nakababa ang brim ng kanyang sombrero, nakuha ng boses ng assistant niya ang atensyon ng ilang tao sa lobby."Wait, hindi ba't si Elowen 'yan? Yung anak ng mga David?” dinig niyang bulong ng isang babae hindi kalayuan sa kanila."Kadiri siya! Rich girl ba talaga ‘yan? Kung ganun nga, isa naman siyang ahas! Siya na nga ang nanira ng ibang buhay tapos may g

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 1

    “Ohh… River, parang awa mo na. Alisin mo na itong—” “Oh shut up! Manigas ka diyan!” inis na sabi ni River sa kanya. Lagi na lang ganto, parang pinipiga ang puso niya dahil sa sobrang sakit. Patuloy lang sa pag-agos ang malamig na tubig mula sa showerhead, dumadaloy sa kanyang buhok habang pumapasok sa kanyang ilong at mga mata. Sa bawat pagpatak, pakiramdam ni Elowen ay nalulunod siya sa isang kailalimang walang hanggan, kung saan walang makakarinig sa kanyang pagsigaw. Magkahalo ang sakit at hindi maipaliwanag na sarap ang kanyang nararamdaman pero ang mas nangingibabaw ay ang sakit. May nakapasok kasing nag-vi-vibrate na bagay sa kanyang kaselanan at si River ang may kagagawan. Nanginginig na siya, hindi lang dahil sa halos isang oras niyang pagtayo sa gitna ng malamig na banyo ng marangyang hotel suite na ito sa BGC, kundi dahil sa pamamanhid ng kanyang buong pagkatao. Nang matapos maligo ng lalaking kasama niya, lumapit ito mula sa likuran niya. Ramdam niya ang marahas nguni

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status