Share

Chapter 4

Author: Writer Zai
last update Last Updated: 2025-07-31 15:24:09

Matalim ang ipinupukol na titig ni Maliah sa kaharap na lalaki, walang iba kundi ang ex-boyfriend niya. Kundi nga lang ba importante ang dalang mga paper at naibato na niya sa mukha ng lalaking nakaharang sa daraanan niya. Nasa gitna ito ng pinto, siya nama'y papalabas ng filing room. Inutusan siyang kunin ang ilang files doon, kailangan daw nilang i-review ang mga naunang report. Ngayon ay nasa harapan niya si Jacob, ayaw siyang palampasin at gusto muna silang makausap.

Para saan pa?

"Hindi mo ba ako talaga pararaanin?" Halos umusok na ang ilong niya sa galit, idagdag pa ang mabigat niyang dala.

"Sabihin mo kung sino 'yong lalaking kasama mo sa canteen kanina."

Tumirik ang kaniyang mata. Kahit may dala ay hindi niya naiwasang magtaray. "So, nagsumbong pala ang ahas kong best friend sa iyo!"

"Sagutin mo ang tanong ko!"

"Tss. Ano bang pakialam mo? Boyfriend ba kita?"

Tumalim ang titig nito. Gumalaw ang panga at pansin din niya ang pagrolyo ng kamao.

"Teka nga, ano bang ipinagpuputok ng butsi mo? Bakit ngayon ay para kang over protective na lion sa harapan ko? 'Di ba wala na tayo?" Nakipagtagisan siya rito ng galit.

"Kahapon lang tayo naghiwalay--"

"Pero matagal mo na akong niloloko, hindi ba?" Maagap niyang pinutol ang pagsasalita nito. "At kahit pa yata kanina lang tayo naghiwalay ay wala ka nang pakialam sa akin, hindi ba, Sir?" Mataas ang posisyon nito sa kompanya at kaya siguro nakapasok si Pamela nang walang kahirap-hirap ay dahil dito

Lalong bumagsik ang mukha nito, animo'y manununggab na tigre. Mabuti na lamang humahangos na dumating si Yna.

"Ang tagal mo naman, Maliah," habol ang hiningang sabi nito. Walang pakundanganh hinawi nito si Jacob at pumasok sa loob. "Kanina pa hinihintay ni Ma'am Patty ang report." Tinulungan siya nito sa pagdala ng mga papel, ang iba roon ay nakalagay sa brown envelope.

"Sorry, Yna, may iniuutos pa kasi si Sir Jacob sa akin," may diing sambit niya at sabay na tumitig sa binatang nasa tabi na ng pinto.

"Halika na," yaya nito, nauna nang lumabas ng room. "Nagagalit na si Ma'am Patty."

Hindi niya alam kung matatawa ba o matatakot sa sinabi ni Yna. Alam ng mga katrabaho niya na boyfriend niya si Jacob, at ang tinutukoy na Patty ay ang head nila. Malimit siya nitong pag-initan, ayon sa ginang, nakapasok siya sa kompanyang 'yon dahil sa posisyon ng dati niyang boyfriend. Hindi nito alam na dumaan siya sa tamang proseso, at n'ong una ay hindi niya alam na doon nagtatrabaho ang binata.

"Tiyak na umuusok na naman ang ilong ni Ma'am Patty," biro niya habang naglalakad.

Lumingon muna si Yna bago sumagot. "Binibiro lang kita. Wala pa sa loob si Ma'am."

Agad na nagsalpukan ang kilay niya. "You mean?"

Tumango ito. "Nasa office room ako kanina, may dinala ako roon. Nakita ko sa CCTV ang pangha-harrass na ginagawa ng ex-boyfriend mo." Sumimangot ito. Alam na rin kasi nito ang nangyari sa kanila ni Jacob at tulad ni Monet, galit na galit din ito kay Pamela.

"Thank you," aniya.

"Kung sa akin nangyari 'yan, naku, hindi lang sampal ang ipapadapo ko sa mukha ng best friend ko. Masyado ka kasing mabait, Maliah," ingos nito. Nalaman din nito ang ginawa ni Pamela nang nasa canteen sila.

"Hayaan mo na sila. Kung nagmamahalan naman sila, bakit ko pa hahadlangan?" But deep inside, masakit pa rin ang ginawa ng dalawa sa kaniya, lalo na si Pamela. Of all people, ito pa pala ang tutuklaw sa kaniya.

"Tse! Huwag mo akong paandaran ng ganyang salita, Maliah!" Pinandilatan siya nito. "Hindi oobra ang ganyan sa akin."

Hindi na siya nagkumento pa, nagpatuloy sa paglalakad hanggang makapasok sa admin's room. Eksakto namang inilalapag nila ang dalang files sa pahabang mesa nang pumasok si Ma'am Patty.

Kaya pala ito natagalan ay nakipagtsismisan oa sa kabilang office. Ayon sa ginang, guwapo at bata pa raw ang bagong CEO.

"Kaso, masungit. Kaya kayo," tinuro silang lahat ng ginang. "Ayusin niyo ang trabaho, para hindi kayo matanggal, tulad ngayon, may mali sa nagdaang report at ngayon ay kailangang ulitin. Ayaw ko rin na magkamali tayo, dahil tiyak na ako ang pag-iinitan ng bagong CEO, understand!"

"Yes, Ma'am!" panabay nilang tugon.

Ilang sandali pa ay naging abala ang lahat. Bukod sa may nirerebesa silang files, may pinapagawa rin sa kaniya si Ma'am Patty. Ewan ba niya kung bakit favorite siya nitong utusan, gayong lagi naman itong galit sa kaniya.

"Finally, after ten years, natapos din!" sambit ni Yna, itinaas pa ang dalawang braso.

"Buti pa kayo, makakauwi na," saad niya. "Hindi pa ako tapos dito." Buhat niya ang halos isang dangkal na papel. "Pupunta pa ako sa shredding machine."

"Lahat 'yan!" Nanggilalas si Yna, lumaki pa ang mata nito.

"Oo e. Kung lalabas ka na, mauna ka na, tatapusin ko lang ito."

"Tutulungan na kita."

"No need. Go na, mauna ka nang lumabas. May makulit na naghihintay sa iyo, remember?"

"Oo nga pala, buti't ipinaalala mo, may pinabibili nga pala ang bulinggit na 'yon sa akin." Humagikgik ito ng tawa. "Mauna na ako. See you tomorrow." Kumaway ito at patakbong lumabas ng office room.

Siya nama'y dumiretso na sa shredding machine, pero sa kasamaang palad, nakasalubong niya si Pamela, may kasama itong isang babae. Parehong tadtad ng kolorete ang mukha.

"Oh, your still here, my dear best friend."

"Tss. Huwag mo nga akong tawaging best friend. Para sa akin ay patay na ang best friend ko. May dumapong sakit na nakakahawa sa kaniya."

Tumaas ang isang kilay ni Pamela. "Kahit ano pa ang sabihin mo, sa akin na ngayon si Jacob. Ako na ang mahal niya at hindi na ikaw... but wait, minahal ka ba naman niya?"

May dumaang sakit sa puso niya, pero hindi niya ipinahalata, magmumukha lang siyang kaawa-awa. Para mapagtakpan ang sakit ay nilabanan niya ang salitang ipinukol sa kaniya ni Pamela.

"Wala akong pakialam kung sa iyo na si Jacob. If you want, i*****k mo siya sa loob ng panty mo at huwag mo nang palabasin. Baka'y maisipan niyang bumalik sa akin." Nginisihan niya ito.

"Asa ka! Ipinangako niyang hinding-hindi na siya babalik sa iyo."

"Talaga ba? Parang mali ang nakita at naramdaman ko kaninang nasa filing room ako. Galit na galit si Jacob sa ipinagdadaldal mo sa kaniyang may kasama akong lalaki," litanya niya. Sinabi niya 'yon para malaman kung magre-react ba ito at mukhang tama siya. Halos lumaki ang butas ng ilong nito sa galit at padabog na tinalikuran siya.

Naiwan siyang natatawa sa inakto ni Pamela. "Takot ka rin palang maagaw sa iyo ang inagaw mo sa akin. Tss. Wala ba akong planong makipagbalikan sa kaniya, i*****k mo siya sa panty mo!" angil niya na para bang naririnig pa ni Pamela.

Pansamantalang in-off muna niya ang machine at patakbong nagtungo sa pinakamalapit na toilet. Sa pagmamadali ay hindi na niya tiningnan ang paligid, basta na lang pumasok sa isang cubicle roon.

"Ginhawa," mahinang saad niya.

Nakapikit siya habang nakaupo sa toilet bowl, nang walang anu-ano'y biglang bumukas ang pinto. Isang lalaki ang nandoon.

"Ahh... bastos!" hiyaw ni Maliah at sa 'di malamang dahilan ay napatayo siya.

Laking pagkakamali ng nagawa niya dahil napatutok ang mata ng lalaking itinulos sa kinatatayuan sa ibabang bahagi ng katawan niya. Nakapalda man pero nakatiwangwang pa rin ang maputi niyang hita at ang lace panty.

"Shit!" angil ng isipan niya.

Sa harapan mismo ng lalaki ay itinaas niya ang panty. "Bastos ka!" bulyaw niya. "Puwede bang lumabas ka na!" Halos panawan siya ng ulirat sa labis na kahihiyan.

Pero ang lalaking kaharap, sa halip na mag-sorry ay binulyawan pa siya nito.

"Are you out of mind? Could please check this fvcking restroom?" Pagkawika ay lumabas na rin ito.

Natigalgal siya sa tono ng boses nito. Malagom at halatang galit. Bakit sa kaniya pa ito nagagalit at ano ang sinasabi nitong i-check niya ang toilet?

"Toilet naman ito 'di ba?"

Atubiling dinampot niya ang mga papel at nakayukong lumabas ng restroom. Nasa labas ang lalaking nakakita sa kaniya at may bodyguard itong kasama. Mula sa pintuanh nilabasan ay napansin din niya ang katapat na restroom.

Female?

Anak ng maligno! Nagkamali siya ng pasok. Kagat ang kuko, dahan-dahan niyang nilingon ang nakasabit sa itaas ng pintuang nilabasan.

"Oh, shit!" nasambit na lang niya at naitakip ang isang palad sa mukha.

"Josie, paki-check mo nga ang employees tomorrow, sabihan mo silang bawal ang tatanga-tanga sa company ko!"

Nalaglag ang kaniyang panga niya. "C-company k-ko?" ulit niya. Slow motion siyang napatitig sa lalaking malalaki ang hakbang palayo sa kaniya.

"Ang tanga mo, Maliah! Bakit hindi mo muna tiningnan ang pinasukan?" Tinuktukan niya ang sarili. "Nakakahiya ka!" Mariin na lang siyang pumikit, nagbabakasakaling makalimutan ang nagawang katangahan.

Ano ang mangyayari kinabukasan?

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Ernesto P. Arcalas Jr.
hahaha lagot na
goodnovel comment avatar
Val Erie
yan kasi hindi muna tiningnan ang pinapasukan
goodnovel comment avatar
Writer Zai
na-imagine mo ba yung palda hahaha
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • She Married the Cold-Hearted CEO   Chapter 56

    Madilim ang awra ni Blake. Mabilis ang ginagawang pagpapatakbo sa mamahalin niyang sasakyan. Hindi alintana kung lumagpas na siya sa speed limit. Tumawag sa kaniya si Maliah, sinasabing may nahanap itong USB na napulot sa nabunggong lalaki. Ang lalaking yun— si Oliver, ang nagsilbing look out niya sa kalaban, pero minalas ito. Nang gabing makita ng dalaga ang sinapit nito, tumawag ito sa kaniya, sinabing may nahanap ba impormasyon, ngunit sa kasamaang palad ay napatay ito ni Darco, ang kalaban niyang mafia. Sagad ito sa kasamaan, kaliwa't kanan ay gina****sa nito, at ito rin ang numero unong drug lord sa bansa. He hates drugs, lalo na ang r*pist. Malaki ang atraso sa kaniya ng r*pist, dahi sa isang masaklap na nakaraang ayaw na niyang balikan. Subalit, hindi siya patahimikin ng konsensiya, umiikot sa kaniyang isipan ang nangyari walong taon ang lumipas. "Happy Anniversary, babe!" Nakangting bati ni Blake, sabay abot ng dalang regalo sa kasintahang si Olivia. Matamis na napangiti

  • She Married the Cold-Hearted CEO   Chapter 55

    Tulad ng inaasahan ni Maliah, tahimik ang buong byahe. Hindi kumikibo si Patrick, dahil pagkapasok nila'y nasabon ito ni Blake. Hindi naman niya makausap ang asawa, dahil magpahanggang ngayon ay salubong pa rin ang kilay nito. Halatang badtrip talaga. Nagsimula na naman siyang maghikab, tinatablan na naman ng antok. Pasimple niyang tiningnan ang katabing asawa, seryoso itong nagbabasa ng magazine. Naitanong niya bigla, hindi ba ito napapagod? "Oh, shit!"Hindi na naman niya napigil ang sarili, muli siyang napahikab. Kahit anong gawin ay hindi niya kayang labanan ang antok. Pansamantalang ipinikit niya ang mata, at hindi akalaing mabilis siyang makakaidlip. Nagising na lamang siya sa mahihinang tapik."Wake up, sleepy head!" Nakadama siya ng hiya. Nakahinto na ang sasakyan at nasa tapat na sila ng apartment niya. Bukas na ang pinto at nakatayo sa labas si Patrick, ito rin ang gumising sa kaniya. Ang katabing asawa ay deritsong nakatitig lang, pero alam niyang galit na naman ito. She

  • She Married the Cold-Hearted CEO   Chapter 54

    Naghihikab si Maliah habang tinatahak ang patungong elevator. Maiingay man ang mga kasama pero hindi hadlang para hindi siya tablan ng antok. Tapos na ang party at pauwi na sila, pero hindi pa rin siya makapaniwala na sa loob ng ilang oras ay napakarami na ng nangyari. Si Pamela, hindi na ito nakalapit matapos ang pagkikita nila sa may restroom. Marahil ay pinagbawalan na ni Blake at si Jacob, hindi na rin niya ito nakita matapos ang nangyari sa loob ng madilim na silid. "Ang saya ng party, sana maulit ito." Abot-tainga ang ngiti ni Donna. Nakatayo sila sa harap ng elevator at hinihintay na bumukas ang pinto. "Maliah, kailan masusundan ito?"Muli siyang naghikab, hindi naunawaan ang tinatanong ni Carmen. "Ang tagal naman, antok na ako," pabulong niyang sambit."Hoy!" Siniko siya ni Yna. "What?""Anong what? Kanina pa kami naghihintay ng sagot mo." Pinandilatan siya nito.Isa-isa niyang tiningnan ang mga kasama, ang lahat ay nakatutok ang paningin sa kaniya. Hanggang sa bunmukas ang

  • She Married the Cold-Hearted CEO   Chapter 53

    Parang hangin sa bilis na nagtago si Maliah. Paanong natunton siya ng mga humahabol sa kaniya? May kasabwat ba ang mga ito? Imposible namang si Blake ang magsabi sa lugar na kinaroonan niya. Inapuhap niya ang cellphone, balak sanang tawagan ang asawa, ngunit nagulantang siya nang may boses na narinig mula sa likuran niya. Pakiramdam niya'y tumalsik ang kaniyang kaluluwa sa sobrang takot. "Anong ginagawa mo rito?" Dahan-dahan niyang nilingon ay may-ari ng tinig. "L-Limuel?" Nasapo niya ang dibdib, pilit na pinapakalma ang nagririgodong puso. "Ikaw lang pala!" "Ang putla mo ah!" puna nito. "Okay ka lang ba?" Kinalma niya ang sarili. Huminga ng malalim at pasimpleng nilingon ang kinaroroonan ng dalawang lalaki, subalit wala na siyang nakitang nakatayo roon, kundi ang grupo ni Pamela. "Ah, alam ko na. Pinagtataguan mo ba sila?" tanong ng binata na ang mga mat ay nakatuon din sa tila nagkakagulong mga babae. Para hindi na ito mag-isip ay um-oo na lamang siya. Hinanap ng mata niya an

  • She Married the Cold-Hearted CEO   Chapter 52

    Abot-abot ang paghinga ni Maliah dahil sa sobrang takot. Nakasandal ang likod niya sa malamig na pader, ang isang kamay ay hawak ng hindi pa nakikilalang lalaki at ang isa nitong palad ay nakatakip sa bibig niya. Hindi kaya ito ang isa sa lalaking humahabol sa kaniya? Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya sa mga naiisp. Papatayin na ba siya nito? Wala pang isang minutong hawak siya nito'y kung saan-saan na tumakbo ang isipan niya."Paano mo naging asawa ang CEO?"Nanlaki ang mata niya nang maulinigan ang boses. "J-Jacob?" Ang kaninang takot na nararamdaman ang unti-unting napapalitan ng pagkainis."Bitiwan mo nga ako!" Kahit papaano ay nakahinga siya nang maluwag. Ligtas pa rin siya sa kamay ng mafia.Subalit, mas humigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya, na naging dahilan para mapangiwi siya sa sakit. "Jacob, nasasaktan ako, ano ba?!"Ipiniksi pa niya ang kamay, ngunit tila bakal na nakapulupot ang palad nito. Isa pang utos ang sinabi niya, ngunit bingi ito, sa halip na biti

  • She Married the Cold-Hearted CEO   Chapter 51

    Natuon ang atensiyon ng lahat nang nagsalita ang emcee. Ang lahat ay inutusang bumalik sa mesa, alam ni Maliah na iniutos yun ng CEO dahil nakatitig ito sa deriksyon niya. Tiyak na nakita nito ang ginagawang pangha-harrass ni Pamela. Hindi na niya pinag-aksayahan ng pansin ang dalagang matiim ang titig sa kaniya, iniwan na niya ito at tumuloy sa kinaroroonan ng mga kasama. Nang makabalik sa puwesto ay saka lang muling nagsalita ang babaing nasa gitna ng stage. In-announce nito ang mga nagwagi bilang most outstanding employees of the year, at ang team nila ang nanalo. Tinanggap ng kanilang head ang trophy, nagbigay din ito speech. Nagpasalamat sa mga namumuno, sa CEO at maging sa kanila. Nakakuha rin ng award ang team ni Limuel, na nasa 'di kalayuan ang puwesto. "Yehey! May award tayo," tili ni Donna. Parang batang ipinadyak pa nito ang paa at pumalak din."Hindi yan ang mahalaga sa akin," anas ni Yna. Ang mata ay seryosong nakatitig sa gawi niya. Mukhang alam na niya ang pinupunto n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status