Mag-log in"Next stop natin ay ang Emerald Cove!" Masiglang anunsyo ng tour guide habang muling sumakay ang grupo sa tram. "Isa ito sa mga pinakapinagmamalaking lugar ng Isla Verde. Crystal-clear ang tubig dito at maraming activities na puwedeng subukan."
Halos hindi na mapakali si Eli. "Mommy! Mommy! Can we swim?" "Later." "Snorkeling?" "You're too young." "Kayaking?" "We'll see." Napanguso ang bata."You're always saying 'we'll see.'" Napatawa si Kael na nasa katapat nilang upuan. "Your mommy is smart." Napatingin si Eli sa kaniya. "Why?" "Because that's what adults say kapag ayaw pang mangako." "Ah..." Tumango ang bata na tila ba may malaking realization. "So, it's a mommy technique?" Hindi napigilan ni Serena ang mapailing. "Yes. A mommy technique." Tumawa si Kael. Isang maikling tawa. Ngunit sapat na iyon para mapatingin ang lahat ng staff. Napakabihira nilang makitang ngumiti ang CEO ng Villafuerte Group. Pagdating nila sa Emerald Cove, agad na humanga si Eli. "Whoa!" Halos kuminang ang mga mata nito habang nakatingin sa tubig. "It's so pretty!" "Told you," nakangiting sabi ni Serena. Bigla namang tumakbo ang bata papunta sa dalampasigan. "Eli!" sabay na tawag nina Serena at Kael. Huminto ito at napakamot sa ulo. "Oops." "Walk." "Okay." Naglakad na lamang ito habang natatawa. Napabuntong-hininga si Serena. "I'm sorry." Kael glanced at her. "For what?" "He's very energetic." Bahagyang umangat ang sulok ng labi ng lalaki. "That's not a bad thing." "He can be too much." "I don't think so." Hindi na sumagot si Serena. Kung tutuusin, ito ang unang beses na may lalaking naging ganoon kapasensyoso kay Eli. Kadalasan kasi, kapag sobrang madaldal na ang anak niya, napapagod na ang mga tao rito. Pero si Kael, hindi. Parang natural lang dito ang makinig sa bawat kwento ng bata. Habang naglalakad sila sa kahabaan ng dalampasigan, napahinto si Eli sa harap ng isang maliit na souvenir stall. "Mommy!" "What is it?" "Look!" Itinuro nito ang isang maliit na wooden keychain na hugis pawikan. "Ang cute!" Ngumiti si Serena. "You like it?" Tumango ito nang mabilis. "Very much!" "Then let's buy it." Ngunit bago pa siya makakuha ng wallet— "I'll take it." Napalingon siya kay Kael. Nakaharap na ito sa tindera at inilabas ang card nito. "Sir, no—" "It's just a keychain." Tumutol agad si Serena. "You don't have to." "I know." "Then why?" Hindi agad sumagot ang lalaki. Saglit lamang nitong tiningnan ang batang halos hindi na maalis ang tingin sa keychain. "Because I want to." Natahimik si Serena. Ilang segundo ang lumipas. Iniabot ng tindera ang maliit na paper bag kay Kael. Hindi iyon dumiretso kay Serena. Sa halip, lumuhod ito sa harap ni Eli. "This one's for you." Nanlaki ang mga mata ng bata. "For me?" Kael nodded. "But..." Tinuro ni Eli ang sarili. "Mommy said I shouldn't accept gifts from strangers." Bahagyang natawa ang lalaki. "Good." Napangiti rin si Serena. "At least nakikinig ka pala." "I do!" Napaisip si Eli. Pagkatapos ay bigla itong ngumiti nang malapad. "But Tito Kael isn't a stranger anymore." Napatingin ito kay Kael. "Right, Tito?" Sandaling natahimik ang lalaki. Pagkatapos ay marahan itong tumango. "Right." Masayang tinanggap ni Eli ang maliit na paper bag. "Thank you!" At nang hindi inaasahan ng dalawa ay bigla nitong niyakap si Kael. Isang mabilis, masikip, at inosenteng yakap. Nanigas ang katawan ng lalaki. Para bang hindi nito alam ang gagawin. Dahan-dahan nitong ibinaba ang tingin sa batang mahigpit na nakakapit sa kaniya. May kung anong kakaibang emosyon ang gumuhit sa dibdib niya. Isang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. Parang matagal na niyang gustong maranasan ang simpleng yakap na iyon. Hindi niya namalayang unti-unti na ring umangat ang kamay niya. Marahan niyang tinapik ang likod ng bata. "You're welcome." Ilang metro ang layo nila, tahimik lamang na pinagmamasdan ni Serena ang eksena. Hindi niya alam kung bakit pero bigla siyang kinabahan. Hindi dahil baka makilala sila ni Kael kundi dahil masyadong komportable si Eli sa sarili nitong ama. At ang mas nakakatakot pa doon ay parang hindi rin inilalayo ni Kael ang sarili rito. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya kayang itago ang katotohanan. Lalo na kung patuloy na pagtatagpuin ng Isla Verde ang mga landas nila. ~ "Alright, everyone!" Pumalakpak ang tour guide upang makuha ang atensyon ng grupo. "Our next activity is one of the most popular experiences here in Emerald Cove." Itinuro nito ang mahabang bahagi ng dalampasigan kung saan may mga mesa na puno ng iba't ibang materyales. "You'll be building your own sandcastle." Nagpalakpakan ang ilang bata. Samantala, si Eli ay halos mapatalon sa sobrang saya. "Mommy! Mommy! Can we make the biggest castle?" Napangiti si Serena. "We'll try." "No!" Tumango ang bata nang mariin. "We'll win!" Napatawa ang tour guide. "I like your confidence, little guy." "I'm always confident." Tumikhim si Serena. "I wonder where he got that." Hindi napigilan ni Kael ang mapangiti. "I think, from his mom." Nagkatinginan silang dalawa. Agad ding umiwas ng tingin si Serena. "Participants will be divided into pairs." Napatigil si Serena. Pairs? "We'll draw names." Nanlaki ang mga mata niya. Please, kahit sino. Huwag lang siya, bulong ng utak niya. Ngunit tila hindi yata narinig ng langit ang tahimik niyang dasal. "And..." Binuksan ng coordinator ang maliit na papel. "Ms. Serena Valencia..." Tumigil ito sandali bago muling ngumiti. "...paired with Mr. Kael Villafuerte." Napapikit si Serena. Seriously? Samantalang tuwang-tuwa naman si Eli. "Yay!" Tumalon pa ito sa tuwa. "I knew it!" Napatingin si Serena. "You knew what?" "That Tito Kael would be on our team!" Napahawak siya sa noo. "This child..." Lumapit sila sa kanilang puwesto. May isang malaking kahon ng buhangin, mga timba, pala, molds, at iba't ibang dekorasyon. Agad namang umupo si Eli. "Mommy, ikaw gumawa ng castle." "Okay." "Tito Kael..." Napalingon ang lalaki sa anak niya at nakataas pa ang isang kilay nito. "You make the moat." "The what?" "The tubig around the castle." Bahagyang natawa si Kael. "I know what a moat is." "Oh." Tumango si Eli. "I thought billionaires don't play with sand." Napatawa pati ang tour guide. Kahit si Serena ay napailing na lang. Wala siyang magagawa kung ganiyan na talaga kadaldal ang anak niya. Mas magtataka pa nga siguro siya kung hindi magsasalita ang anak niya eh. "Saan mo naman narinig 'yan?" "YouTube." "Ah..." Tumikhim si Kael. "I did play with sand when I was little." "Really?" Tumango ang lalaki. "So you're normal." Hindi napigilan ni Kael ang matawa. "I guess I am." Habang abala silang gumagawa ng sandcastle, hindi napansin ni Serena na unti-unti nang nagiging komportable ang anak niya kay Kael. "Tito. Can I ask you something?" "Go ahead." "Do you have a son?" Napatigil si Kael. "No." "Daughter?" "No." "Bakit?" Tahimik ang lalaki sa loob ng ilang segundo. "I've never had a family." Napababa ang tingin ni Serena. Parang may kung anong kumurot sa puso niya. Kung alam lang nito na meron. Meron siyang pamilya. Meron siyang anak. Hindi lang niya alam. "Aww..." Napanguso si Eli. "That's sad." Bahagyang natawa si Kael. "Is it?" "Yes." "Why?" "Because having a mommy is fun." Tumango ito sa sarili. "And having me is even more fun." Napatawa si Kael. "I'm sure." "So..." Lumapit pa nang kaunti si Eli. "You can borrow me." Nanlaki ang mga mata ni Serena. "Eli!" "What?" Tumingin ang bata kay Kael. "If you're lonely, you can borrow me." Napatawa ang ilang staff na nanonood sa kanila. Kahit ang tour guide ay napailing. "Napaka-sweet naman ng batang 'yan." Tahimik lamang si Kael. Hindi niya alam kung bakit pero may kung anong humigpit sa dibdib niya. Hindi siya sanay. Hindi siya sanay na may batang nagsasabing puwede siyang hiramin. Hindi siya sanay na may batang ganoon kadaling magtiwala sa kaniya. Marahan niyang ginulo ang buhok ni Eli. "Thank you." "You're welcome." Napangiti ang bata. "I'll even call you every day." "Really?" "Yep!" "So I won't be lonely." Sa pagkakataong iyon ay hindi na napigilan ni Kael ang mapangiti nang totoo. Hindi iyong pormal na ngiti. Kundi isang ngiting umabot hanggang sa mga mata niya. At iyon ang eksaktong sandaling nakita siya ni Serena. Nanlaki ang mga mata niya. Sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama noon ay nihira niyang makita ang ganoong klaseng ngiti sa asawa. Pero ngayon, isang inosenteng bata lang pala ang kayang magpalambot sa pusong matagal nang naging malamig. At ang batang iyon ay ang sarili nitong anak. Hindi alam ni Serena kung matutuwa ba siya o mas matatakot. Dahil habang lumalalim ang koneksyon ng mag-amang hindi alam ang tunay na relasyon nila... Mas lumalaki ang posibilidad na isang araw, matuklasan ni Kael ang katotohanang limang taon niyang itinago.Tatlong taon na ang lumipas mula nang magpalitan sila ng panata sa mismong dalampasigan ng Isla Verde. Ngunit para kay Serena, pakiramdam niya ay araw-araw pa rin siyang nililigawan ng asawa niya. Nakatayo si Serena sa balkonahe ng kanilang mansyon, haplos-haplos ang kaniyang malaking tiyan. Walong buwan na siyang buntis sa pangalawa nilang anak, isang baby girl na matagal nang hinihiling ni Kael. Mula sa itaas, pinapanood niya ang dalawang pinakamahalagang lalaki sa buhay niya. Tumatawa nang malakas si Eli habang tinuturuan ito ni Kael na magpalipad ng saranggola sa buhanginan. Mas matangkad na ngayon ang walong taong gulang na si Eli, at mas lalong naging kamukha ng kaniyang ama. "I told you not to stand too long, Mrs. Villafuerte." Naramdaman niya ang pamilyar at maiinit na braso na pumulupot sa kaniyang baywang. Hinalikan ni Kael ang kaniyang balikat. Napangiti si Serena at sumandal sa matipunong dibdib ng asawa niya. "Pinapanood ko lang kayo ni Eli," malambing na sagot n
Naging kasingganda ng isang panaginip ang buong wedding reception.Sa ilalim ng malawak na kalangitan ng Isla Verde na punong-puno ng mga bituin, nagkasiyahan ang mga piling bisita nina Kael at Serena. Napalilibutan ang buong venue ng mga tiki torches, fairy lights, at mga nakasabit na puting bulaklak na sumasayaw sa ihip ng hangin.Nakaupo si Serena sa sweetheart table, nakasandal sa dibdib ni Kael habang pinapanood nila ang mga tauhan ng binata na masayang nagtatawanan sa kabilang banda ng beach. Kahit ang seryosong si Marco ay napangiti nang asarin ito ni Mylene habang kumukuha ng pagkain sa buffet table."I can't believe this is real," nakangiting bulong ni Serena. Pinaglaruan niya ang diamond ring at ang bagong suot na wedding band sa kaniyang daliri.Humigpit ang pagkakaakbay ni Kael sa kaniya. Inilapit nito ang mga labi sa tainga niya. "Believe it, Mrs. Villafuerte. Wala nang bawian 'to."Napatawa si Serena. Tiningnan niya ang kabilang gilid ng mesa kung saan mahimbing nang nat
Tila huminto ang pag-ikot ng mundo ni Serena nang marinig niya ang pamilyar at nakakakilabot na ganda ng tugtog mula sa isang string quartet.Nakatayo siya sa bungad ng mahabang white carpet na inilatag sa ibabaw ng pinong buhangin ng private beach sa Isla Verde. Ang buong paligid ay napapalamutian ng libu-libong puting rosas at mga nakasabit na kristal na kumikinang sa ilalim ng papalubog na araw. Ang malamig na simoy ng dagat ay humahaplos sa kaniyang balat, pinapasayaw ang mahabang belo ng kaniyang kumikinang na lace wedding gown.Pero wala sa magandang tanawin ang atensyon niya. Ang buong puso at paningin niya ay nakapako sa lalaking naghihintay sa dulo ng altar.Nakatayo roon si Kael, suot ang isang perpektong puting tuxedo na lalong nagpalitaw sa kakisigan nito. Ang lalaking kilala ng buong bansa bilang isang walang-awang bilyonaryo, ang lalaking kayang magpabagsak ng mga kumpanya sa isang iglap, ay nakatayo roon ngayon habang walang-hiyang pinupunasan ang mga luhang naglalandas
Punong-puno ng maliliit at maiilaw na fairy lights ang malawak na garden ng Villafuerte Mansion. Ang pamilyar na tunog ng mga alon mula sa dagat ay sinasabayan ng isang mahina at nakakarelaks na acoustic music.Gabi na bago ang inaabangang kasal nina Kael at Serena. Sa halip na magdaos ng isang malaking party, mas pinili nilang dalawa na magkaroon ng isang intimate rehearsal dinner. Tanging ang mga pinakamalalapit na tao lang sa buhay nila ang naroon, si Mylene, si Marco, si Manang Rosa, at ang ilang pinagkakatiwalaang tauhan na naging protektor nila noong mga panahong nagtatago sila.Nakatitig si Serena sa lalaking katabi niya. Suot ni Kael ang isang simpleng white button-down shirt na nakatupi hanggang siko at itim na slacks, pero para kay Serena, ito na yata ang pinakagwapong lalaki sa buong mundo. Hawak ni Kael ang kamay niya sa ilalim ng mesa habang nakikinig sila sa maikling speech ni Mylene."Gusto ko lang sabihin na... sobrang saya ko para sa inyong dalawa," nakangiting panimu
Isang linggo na ang nakalipas mula nang tuluyan silang manirahan muli sa Isla Verde.Sa loob ng pitong araw na iyon, pakiramdam ni Serena ay nabubuhay siya sa isang napakagandang panaginip na ayaw na niyang gisingan. Wala nang mga tauhan ni Vincent na nagbabantay. Wala nang banta sa buhay nila. Ang tanging gumigising sa kaniya tuwing umaga ay ang amoy ng kape, ang halik ni Kael, at ang masayang boses ni Eli.Nakatayo si Serena sa veranda ng master suite, may hawak na tasa ng mainit na kape habang pinagmamasdan ang mag-ama sa dalampasigan.Mula sa pwesto niya, kitang-kita niya si Kael na nakasuot lamang ng board shorts. Ang araw ay tumatama sa matipuno at basang katawan ng binata habang buhat-buhat nito si Eli na tuwang-tuwang nakasakay sa mga balikat nito. Nagtatakbuhan sila sa malinaw na tubig ng dagat. Ang halakhak ng anak niya ay umaabot hanggang sa kinaroroonan niya.Napangiti si Serena. Ang lalaking dating kinatatakutan at iniiwasan ng lahat dahil sa pagiging seryoso at malamig n
Paggising ni Serena, ang unang sumalubong sa kaniya ay ang mainit na sikat ng araw na tumatagos mula sa bintana ng kwarto, at ang mabigat na braso ni Kael na nakapulupot sa kaniyang baywang.Dahan-dahan siyang gumalaw upang hindi magising ang mahimbing na natutulog na bilyonaryo. Inangat niya ang kaniyang kaliwang kamay. Kahit nasisinagan ng araw, nangingibabaw ang kislap ng dyamanteng singsing na nakasuot sa kaniyang palasingsingan. Hindi pa rin siya makapaniwala. Pagkatapos ng limang taong pagtatago, ng mga luhang iniyak niya sa ibang bansa, at ng takot na muntik nang kumuha sa buhay nila... heto siya ngayon. Ligtas, buo, at engaged sa kaisa-isang lalaking minahal niya."It looks perfect on you."Napalingon si Serena. Gising na pala si Kael. Nakasandal ang ulo nito sa unan, ang magulong buhok at paos na boses ay nagbibigay rito ng nakakapanlambot na sex appeal. May pamilyar na ngiti sa mga labi nito habang nakatitig sa kamay niya.Ngumiti si Serena at humarap dito. "Hindi pa rin ako







