Compartir

Chapter 4

Autor: Senyorita
last update Fecha de publicación: 2026-08-10 14:20:35

Hindi na mabilang ni Serena kung ilang beses niyang sinubukang kumbinsihin ang sarili na wala siyang dapat ikabahala. Sa ilalim ng matirik na sikat ng araw, ang bawat butil ng puting buhangin ay tila nagniningning na mga kristal, ngunit para sa kanya, ang liwanag na ito ay lalo lamang nagpatingkad sa kaba sa kanyang dibdib. It was just a tour. Isang araw lang din ito at pagkatapos nito, babalik sila sa tahimik na villa nila ni Eli at mag-e-enjoy sa kanilang bakasyon, malayo sa mapanuring mga mata ng kung sino man. Wala siyang dahilan para isipin si Kael, ang lalaking matagal na niyang ibinaon sa limot.

Wala na talaga, paulit-ulit niyang bulong sa sarili habang nilalanghap ang maalat na simoy ng dagat na humahaplos sa kanyang mukha.

Pero habang nakaupo siya sa ilalim ng malaking beach umbrella, ramdam niya ang init ng hangin at ang mahinang hampas ng mga alon na tila ba ayaw siyang patahimikin. Hindi niya maiwasang mapatingin sa direksiyon ng anak. Ang asul na tubig ay umaabot hanggang sa tuhod ni Eli, na masayang nagtatampisaw. At kasama nito si Kael. Ang bawat kilos ni Kael, ang paraan ng pagyuko nito para pantayan ang taas ng bata at ang banayad na pagtawa nito ay tila isang kutsilyong dahan-dahang humihiwa sa katahimikang pilit na binuo ni Serena sa loob ng limang taon.

"Tito Kael! Look!" Nakangiting itinaas ni Eli ang isang maliit na shell.

"Nice one."

"May nakita rin akong ganito kanina!"

"Then you should keep it."

"Para sa collection ko?"

"Exactly."

Masayang-masaya ang bata. Samantalang si Serena ay tahimik na nakatingin sa kanila. Hindi niya alam kung ano ang mas nakakatakot. Ang makitang komportable si Eli kay Kael o ang makitang tila natural din para kay Kael na alagaan ang anak niya.

"Mommy!" malakas na tawag ni Eli habang kumakaway.

Napalingon si Serena, ang kanyang mga mata ay nasingkit dahil sa nakakasilaw na repleksyon ng araw sa mapuputing buhangin na tila ba nagniningning na mga bubog. Ang bawat butil ay naglalabas ng init na tumatagos sa talampakan niya, habang ang ritmo ng tubig sa pampang ay tila isang mapanuyang bulong na hindi siya hinahayaang makalimot. Ramdam niya ang malapot na pawis sa kanyang likod, isang direktang resulta ng nakakapanghinang init at ang mas nakakapanghinang presensya ng lalaking katabi ng kanyang anak.

"Come here! Join us!" muling pagpilit ni Eli. 

Ang sigla sa boses ng bata ay kabaligtaran ng bigat na nararamdaman ni Serena. Bawat tawa ni Kael at bawat galaw nito ay tila isang paalala ng lahat ng pilit niyang tinalikuran. Ang tensiyon ay tila isang kuryenteng dumadaloy sa hangin, ginagawa ang bawat hininga niya na mabigat at kapos.

Umiling siya, ang kanyang mga daliri ay pilit na nakakuyom sa gilid ng kanyang beach dress. "You go ahead, Eli. Mommy is fine here."

"But we're building a grand sandcastle! Look, Tito Kael is helping me with the walls!"

Tila huminto ang mundo ni Serena nang marinig ang pangalang iyon na binabanggit ng kanyang anak na para bang sanay na sanay itong banggitin iyon. Ang pagkakaupo ni Kael sa buhangin, ang pagiging natural ng pakikitungo nito kay Eli, ito ang bangungot na pilit niyang iniiwasan eh. Ang bawat hampas ng alon ay tila humahabol sa kanya, iginigiit na hindi niya matatakasan ang nakaraan kung ang nakaraan mismo ang naglalatag ng pundasyon sa harap niya.

"I'll just watch you from here, baby," aniya, bagaman ang kanyang boses ay bahagyang nangangatog. Ang init ng sikat ng araw ay tila lalong naging oppressive, tila ba pilit siyang itinutulak palapit sa dalawa.

"Mommy, please!" nakangusong pakiusap ni Eli, ang kanyang maliliit na kamay ay puno ng basang buhangin.

Napangiti siya. "Okay. Fine."

Tumayo siya at naglakad papunta sa dalawa. Kael glanced at her at saglit silang nagkatitigan pero agad siyang umiwas. Hindi kaya ng konsensiya niya ang makitang ganito. Pero bakit siya pa ang dapat makonsensiya? Alam naman niya na ito dapat ang makonsensiya diba? Ito ang rason kung bakit nasira ang pamilya nila. Mas pinili nitong magpaka-tatay sa hindi nito pamilya.

Pero bakit ganito? Bakit siya pa ang nakakaramdam ng ganito? Dahil ba hindi niya sinabi bago siya umalis?

"Mommy, Tito Kael said our castle needs a tower!"

"Does it?"

"Yes!"

"Then let's make one."

Umupo si Serena sa buhangin.

Makalipas ang ilang minuto, abala na silang tatlo sa paggawa ng sandcastle. Hindi niya namalayan kung paano lumipas ang oras. For a moment… It felt normal. Parang hindi sila strangers. Parang hindi sila dalawang taong may limang taong pagitan sa kanilang nakaraan. Parang isang ordinaryong pamilya lamang sila na nagbabakasyon. At iyon ang eksaktong bagay na kinatatakutan ni Serena.

Tumayo siya. "I'm getting some water."

"I'll get it." Mabilis na tumayo si Kael.

"No, it's okay."

"I don't mind."

Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nainis. "I said I can do it."

Napatingin sa kaniya si Kael pero hindi ito sumagot. Tumalikod na lamang si Serena. Ngunit bago pa siya makalayo—

"Mommy?"

Napalingon siya kay Eli. "Yes?"

"Can Tito Kael eat lunch with us?"

Nanigas siya. "Why?"

"Because he's alone."

Napatingin si Serena kay Kael. Nakahawak lamang ito sa maliit na shovel habang tahimik na pinagmamasdan ang dalawa.

"I have plans," malamig nitong sabi.

"See?"

Bahagyang nalungkot si Eli. "You're leaving?"

Hindi agad nakasagot si Kael. Parang may kung anong nagbago sa mukha nito nang makita ang lungkot ng bata.

"I'm not leaving yet."

Agad na lumiwanag ang mukha ni Eli. "Yay!"

Napapikit si Serena.

Oh, no.

~

Makalipas ang isang oras, nasa private beachfront restaurant na sila. Hindi niya alam kung paano niya napapayag ang sarili na umupo sa iisang mesa kasama si Kael. Mas lalong hindi niya alam kung paano siya napapayag ni Eli.

"Mommy, I want pasta, fries, and chocolate cake."

"After lunch."

"Okay!"

Napangiti si Serena. Sa kabilang bahagi ng mesa, tahimik na pinagmamasdan ni Kael ang bata.

"What does he like?"

Napatingin si Serena. "Excuse me?"

"Eli."

Saglit siyang natigilan. "He likes almost everything."

"What about school?"

"He's good at math."

"Sports?"

"He likes swimming."

"Favorite color?"

"Blue."

Sunod-sunod ang tanong. Hindi niya namalayang napahigpit ang hawak niya sa baso.

"Bakit mo tinatanong?"

Kael looked at her. "I don't know."

Bahagya itong sumandal sa upuan. "He's just... interesting. He's very comfortable around me. He's friendly.” Kael remained silent. Then his eyes moved toward Eli. "How old is he?"

Five years.

Napahinto ang paghinga ni Serena. She knew this question would come eventually.

"Five."

"Exactly five?"

"Yes."

"When's his birthday?"

Mabilis niyang ibinaba ang tingin. "Why?"

"Just asking."

"He was born in March."

"What's his father's name?"

Napatigil si Serena. Walang anumang tunog ang lumabas sa kaniyang bibig. Sa kabilang side ng mesa, patuloy lamang na kumakain si Eli, walang kaalam-alam sa biglang tensiyon.

Huminga nang malalim si Serena. "He's not part of our lives."

Kael's eyes narrowed slightly. "Dead?"

"No."

"Then why?"

She looked straight into his eyes. "Because some people are better left in the past."

"Tito Kael!"

Napalingon silang dalawa. May chocolate sa gilid ng labi ni Eli.

"Can you help me?"

Kael immediately leaned closer. "With what?"

"Open this."

Iniabot nito ang maliit na packet ng juice. Kinuha iyon ni Kael at binuksan.

"Here."

"Thank you!" Ngumiti ang bata. "You really are useful."

Napatawa si Kael. "Is that a compliment?"

"Yes."

Tumawa si Eli at habang pinagmamasdan iyon ni Serena, may kakaibang sakit na muling kumirot sa dibdib niya dahil kahit gaano niya gustong itago ang katotohanan na may isang bagay siyang hindi kayang kontrolin.

Ang pagkakahawig nila, ang ugali, ang mga mata, at ang koneksiyong tila natural na nabubuo sa pagitan ng mag-ama. Hindi pa alam ni Kael kung bakit pamilyar sa kaniya si Eli. Hindi pa niya alam ang katotohanan.

Pero sa unang pagkakataon ay nagsimula na itong magtanong. At para kay Serena, iyon ang pinakadelikadong bagay na maaaring mangyari.

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • She Ran Away with His Hidden Heir   Chapter 40

    Tatlong taon na ang lumipas mula nang magpalitan sila ng panata sa mismong dalampasigan ng Isla Verde. Ngunit para kay Serena, pakiramdam niya ay araw-araw pa rin siyang nililigawan ng asawa niya.Nakatayo si Serena sa balkonahe ng kanilang mansyon, haplos-haplos ang kaniyang malaking tiyan. Walong buwan na siyang buntis sa pangalawa nilang anak, isang baby girl na matagal nang hinihiling ni Kael. Mula sa itaas, pinapanood niya ang dalawang pinakamahalagang lalaki sa buhay niya.Tumatawa nang malakas si Eli habang tinuturuan ito ni Kael na magpalipad ng saranggola sa buhanginan. Mas matangkad na ngayon ang walong taong gulang na si Eli, at mas lalong naging kamukha ng kaniyang ama."I told you not to stand too long, Mrs. Villafuerte."Naramdaman niya ang pamilyar at maiinit na braso na pumulupot sa kaniyang baywang. Hinalikan ni Kael ang kaniyang balikat. Napangiti si Serena at sumandal sa matipunong dibdib ng asawa niya."Pinapanood ko lang kayo ni Eli," malambing na sagot ni Serena.

  • She Ran Away with His Hidden Heir   Chapter 39

    Naging kasingganda ng isang panaginip ang buong wedding reception.Sa ilalim ng malawak na kalangitan ng Isla Verde na punong-puno ng mga bituin, nagkasiyahan ang mga piling bisita nina Kael at Serena. Napalilibutan ang buong venue ng mga tiki torches, fairy lights, at mga nakasabit na puting bulaklak na sumasayaw sa ihip ng hangin.Nakaupo si Serena sa sweetheart table, nakasandal sa dibdib ni Kael habang pinapanood nila ang mga tauhan ng binata na masayang nagtatawanan sa kabilang banda ng beach. Kahit ang seryosong si Marco ay napangiti nang asarin ito ni Mylene habang kumukuha ng pagkain sa buffet table."I can't believe this is real," nakangiting bulong ni Serena. Pinaglaruan niya ang diamond ring at ang bagong suot na wedding band sa kaniyang daliri.Humigpit ang pagkakaakbay ni Kael sa kaniya. Inilapit nito ang mga labi sa tainga niya. "Believe it, Mrs. Villafuerte. Wala nang bawian 'to."Napatawa si Serena. Tiningnan niya ang kabilang gilid ng mesa kung saan mahimbing nang nat

  • She Ran Away with His Hidden Heir   Chapter 38

    Tila huminto ang pag-ikot ng mundo ni Serena nang marinig niya ang pamilyar at nakakakilabot na ganda ng tugtog mula sa isang string quartet.Nakatayo siya sa bungad ng mahabang white carpet na inilatag sa ibabaw ng pinong buhangin ng private beach sa Isla Verde. Ang buong paligid ay napapalamutian ng libu-libong puting rosas at mga nakasabit na kristal na kumikinang sa ilalim ng papalubog na araw. Ang malamig na simoy ng dagat ay humahaplos sa kaniyang balat, pinapasayaw ang mahabang belo ng kaniyang kumikinang na lace wedding gown.Pero wala sa magandang tanawin ang atensyon niya. Ang buong puso at paningin niya ay nakapako sa lalaking naghihintay sa dulo ng altar.Nakatayo roon si Kael, suot ang isang perpektong puting tuxedo na lalong nagpalitaw sa kakisigan nito. Ang lalaking kilala ng buong bansa bilang isang walang-awang bilyonaryo, ang lalaking kayang magpabagsak ng mga kumpanya sa isang iglap, ay nakatayo roon ngayon habang walang-hiyang pinupunasan ang mga luhang naglalandas

  • She Ran Away with His Hidden Heir   Chapter 37

    Punong-puno ng maliliit at maiilaw na fairy lights ang malawak na garden ng Villafuerte Mansion. Ang pamilyar na tunog ng mga alon mula sa dagat ay sinasabayan ng isang mahina at nakakarelaks na acoustic music.Gabi na bago ang inaabangang kasal nina Kael at Serena. Sa halip na magdaos ng isang malaking party, mas pinili nilang dalawa na magkaroon ng isang intimate rehearsal dinner. Tanging ang mga pinakamalalapit na tao lang sa buhay nila ang naroon, si Mylene, si Marco, si Manang Rosa, at ang ilang pinagkakatiwalaang tauhan na naging protektor nila noong mga panahong nagtatago sila.Nakatitig si Serena sa lalaking katabi niya. Suot ni Kael ang isang simpleng white button-down shirt na nakatupi hanggang siko at itim na slacks, pero para kay Serena, ito na yata ang pinakagwapong lalaki sa buong mundo. Hawak ni Kael ang kamay niya sa ilalim ng mesa habang nakikinig sila sa maikling speech ni Mylene."Gusto ko lang sabihin na... sobrang saya ko para sa inyong dalawa," nakangiting panimu

  • She Ran Away with His Hidden Heir   Chapter 36

    Isang linggo na ang nakalipas mula nang tuluyan silang manirahan muli sa Isla Verde.Sa loob ng pitong araw na iyon, pakiramdam ni Serena ay nabubuhay siya sa isang napakagandang panaginip na ayaw na niyang gisingan. Wala nang mga tauhan ni Vincent na nagbabantay. Wala nang banta sa buhay nila. Ang tanging gumigising sa kaniya tuwing umaga ay ang amoy ng kape, ang halik ni Kael, at ang masayang boses ni Eli.Nakatayo si Serena sa veranda ng master suite, may hawak na tasa ng mainit na kape habang pinagmamasdan ang mag-ama sa dalampasigan.Mula sa pwesto niya, kitang-kita niya si Kael na nakasuot lamang ng board shorts. Ang araw ay tumatama sa matipuno at basang katawan ng binata habang buhat-buhat nito si Eli na tuwang-tuwang nakasakay sa mga balikat nito. Nagtatakbuhan sila sa malinaw na tubig ng dagat. Ang halakhak ng anak niya ay umaabot hanggang sa kinaroroonan niya.Napangiti si Serena. Ang lalaking dating kinatatakutan at iniiwasan ng lahat dahil sa pagiging seryoso at malamig n

  • She Ran Away with His Hidden Heir   Chapter 35

    Paggising ni Serena, ang unang sumalubong sa kaniya ay ang mainit na sikat ng araw na tumatagos mula sa bintana ng kwarto, at ang mabigat na braso ni Kael na nakapulupot sa kaniyang baywang.Dahan-dahan siyang gumalaw upang hindi magising ang mahimbing na natutulog na bilyonaryo. Inangat niya ang kaniyang kaliwang kamay. Kahit nasisinagan ng araw, nangingibabaw ang kislap ng dyamanteng singsing na nakasuot sa kaniyang palasingsingan. Hindi pa rin siya makapaniwala. Pagkatapos ng limang taong pagtatago, ng mga luhang iniyak niya sa ibang bansa, at ng takot na muntik nang kumuha sa buhay nila... heto siya ngayon. Ligtas, buo, at engaged sa kaisa-isang lalaking minahal niya."It looks perfect on you."Napalingon si Serena. Gising na pala si Kael. Nakasandal ang ulo nito sa unan, ang magulong buhok at paos na boses ay nagbibigay rito ng nakakapanlambot na sex appeal. May pamilyar na ngiti sa mga labi nito habang nakatitig sa kamay niya.Ngumiti si Serena at humarap dito. "Hindi pa rin ako

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status