Share

Chapter 2

Author: Senyorita
last update publish date: 2026-08-05 20:47:57

Maagang nagising si Serena kinabukasan dahil sa walang tigil na pagtalon ni Eli sa kama.

"Mommy! Wake up!"

Bahagya niyang iminulat ang mga mata.

"Eli, it's only seven."

"I know!" masiglang sagot ng bata. "Pero sabi mo kahapon, first activity natin today!"

Napabuntong-hininga siya habang natatawa. Hindi yata marunong mapagod ang anak niya.

"Five more minutes, baby please."

"No!" Hinila pa nito ang kumot. "Mommy!"

Napailing na lamang si Serena bago bumangon. Parang wala naman siyang choice kundi ang sumunod sa anak niya.

Sa sobrang excited nito ay nagawa siya nitong gisingin ng seven. Kaloka! Buong buhay niya ay tulog pa siya sa mga oras na yon, tapos heto, si Eli lang pala ang makakapagising sa kaniya ng ganito kaaga.

Pero gaya nga ng sabi niya kanina, wala siyang choice.

"Okay, okay. You win."

"Yay!"

~

Makalipas ang isang oras, pareho na silang handang umalis ni Eli.

Nakasuot si Serena ng simpleng white sundress na hanggang tuhod, flat sandals, at isang malapad na straw hat. Kahit simple ang suot niya, hindi pa rin maitatangging elegante siya. Yes, ganon siya kaganda.

Samantala, halos hindi mapakali si Eli sa sobrang excitement. Tumatalon pa nga ang anak niya habang naglalakad sila.

"Mommy, what's our first activity?"

"Island tour, baby."

"With a boat?" Nanlaki pa nga ang mga mata nito nang tanungin siya.

"No."

"Helicopter?"

Aba, gusto pa yatang mag-tour ang anak niya gamit ang helicopter. Natawa na lang siya sa tanong nito.

"No."

"Dinosaur?"

Napatawa siya. Oh my goodness! Saan naman nakakuha ng idea ang anak niya na pwede mag-tour gamit ang dinosaur.

"Definitely no."

Napanguso ang bata. "Boring."

Pagdating nila sa Activity Pavilion ng Isla Verde, agad silang sinalubong ng event coordinator. At katulad kanina, halos hindi mapakali ang anak niya. Parang gusto pa nga nitong ito na lang ang maging tour guide para makalakad na sila at maka-start na sa kanilang activity.

"Good morning, Ms. Valencia."

"Good morning."

"We're sorry for the inconvenience, but due to the number of VIP guests today, we decided to combine two exclusive tours."

Bahagyang nagsalubong ang kilay ni Serena.

"Combine?"

"Yes, ma'am." Tumango ang coordinator. "Only one guest will be joining your group."

Nais na sana niyang tumanggi. Nagbayad siya para sa private experience. Pero bago pa siya makapagsalita—

"Sir!"

Biglang nagsitayuan ang mga staff. Napalingon siya at nanigas ang buong katawan niya. Mula sa malayo ay naglalakad palapit si Kael Villafuerte.

Kasunod ang executive assistant nito. Hindi nakasuot ng business suit ang lalaki ngayon. Simple lang ang suot nitong white polo, khaki shorts, at boat shoes.

Pero kahit ganoon, hindi nabawasan ang awtoridad na dala nito. Parang awtomatikong nagbibigay-daan ang mga tao habang naglalakad ito.

"Good morning, Mr. Villafuerte," bati ng coordinator.

Kael tipid na tumango. "I heard there was a change."

"Yes, sir." The coordinator smiled awkwardly. "We combined your tour with Ms. Valencia's group."

Napakurap si Serena.

What?

Halatang gusto ring tumutol ni Kael. Pero bago pa man makapagsalita ang dalawa—

"Wow!" Tumakbo si Eli papunta sa lalaki. "You're the handsome Tito from yesterday!"

Nanlaki ang mga mata ni Serena. "Eli!"

Pero huli na. Huminto ang bata sa harap ni Kael at walang pag-aalinlangang ngumiti.

"Hi, Tito!"

Bahagyang nagulat si Kael. Hindi yata ito sanay na may batang basta na lang lumalapit dito.

"You remember me?"

Tumango si Eli. "Of course!" Mas lalo itong ngumiti. "My mommy always says handsome people are easy to remember."

"Eli..."

Halos gusto nang ibaon ni Serena ang sarili sa lupa. Napatingin sa kaniya si Kael. Bahagyang umangat ang sulok ng labi nito. Hindi man iyon ngiti pero malinaw na amused ito.

Sus, gustong-gusto namang masabihang gwapo, aniya sa isipan at hindi pa niya napigilang mapairap.

"Is that so?"

Tumango si Eli.

"Yes!" Pagkatapos ay inilahad nito ang maliit niyang kamay. "I'm Eli."

Hindi inaasahan ni Serena ang sumunod na nangyari. Dahan-dahang yumuko si Kael. At tinanggap ang pakikipagkamay ng bata.

"I'm Kael."

"Tito Kael!"

Bahagyang natahimik ang lalaki. "Tito agad?"

"Yes."

"Bakit?"

Nagkibit-balikat si Eli. "Because I like you."

Napatawa ang ilang staff na nakakarinig sa usapan. Kahit ang coordinator ay napailing. Samantalang si Serena ay halos maubusan na ng dugo sa mukha.

"Eli, don't bother him."

"It's okay." Pareho silang napatingin kay Kael. "I'm not bothered."

Nagtama ang mga mata nila ni Serena. May kung anong kakaibang kaba ang muling bumalot sa dibdib niya. Hindi niya maintindihan kung bakit. Siguro dahil ito ang unang beses sa loob ng limang taon na nakita niyang maayos na nakikipag-usap si Kael sa isang bata.

At ang batang iyon ay ang mismong anak nito. Na wala itong kaalam-alam.

"Mommy!" Hinila ni Eli ang kamay niya. "Can Tito Kael come with us?"

Napasinghap siya. "Eli..."

"What?"

"It's a private tour."

"But they're joining us already."

Hindi siya nakasagot dahil tama ang anak niya.

"Looks like we don't have a choice," kalmadong sabi ni Kael. "Shall we?"

Napakagat-labi si Serena. Hindi niya alam kung paano niya malalampasan ang buong araw… Kasama ang lalaking pinagtataguan niya sa loob ng limang taon.

Habang ang sarili niyang anak ay tila walang kahirap-hirap na ibinababa ang pader sa pagitan nilang dalawa. At hindi niya alam kung bakit pero sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng limang taon, nakakita si Kael ng kakaibang saya sa tuwing maririnig niya ang maliit na boses ng batang paulit-ulit na tumatawag sa kaniya.

"Tito Kael!"

~

"Alright, everyone. Welcome to the Isla Verde Heritage Tour."

Ngumiti ang tour guide habang pinapasok ang maliit nilang grupo sa isang open-air electric tram.

"Ang first stop natin ay ang Founders' Garden, kung saan makikita ninyo ang kasaysayan ng limang founding families ng Isla Verde."

Tahimik na umupo si Serena sa bandang kanan. Katabi niya si Eli. Sa kabilang side naman, walang emosyon na umupo si Kael.

Mabuti na lang.

Hindi na nila kailangang magkatabi. Tahimik niyang ibinuga ang hiningang kanina pa niya pinipigilan.

"Mommy!" bulong ni Eli.

"Yes, baby?"

"I'm thirsty."

"Sandali lang. May bottled water sa bag ni Mommy."

Binuksan niya ang tote bag ngunit bago pa niya makuha ang tubig ay isang malamig na bote ang biglang iniabot sa harapan nila.

Napatingin siya. Si Kael.

"I have an extra one."

Nagkatinginan sila sandali.

"No, thank you. We brought our own."

Tumango lang ang lalaki at hindi na ito nagpumilit. Pero si Eli, kinuha nito ang bote.

"Thank you, Tito Kael!"

Nanlaki ang mga mata ni Serena.

"Eli—"

"It's okay." Mahinang ngumiti si Kael. "Hayaan mo na."

Napakamot si Eli sa ulo. "My mommy always says we should say thank you."

"She's right."

Napangiti ang bata. "I like you, Tito."

Hindi napigilan ng tour guide ang mapatawa.

"Ang bilis naman maging close ni little boy."

Tumikhim si Serena. "He likes talking to strangers."

"I'm not a stranger anymore."

Napalingon silang tatlo kay Eli. "Friends na kami ni Tito."

Tumawa ang ilang turista sa likod nila. Samantalang si Serena ay gusto nang matunaw sa hiya.

Huminto ang tram sa gitna ng isang napakalawak na botanical garden.

"Please watch your step."

Isa-isang bumaba ang mga bisita. Halos hindi mapakali si Eli.

"Mommy! Butterfly!"

Tumakbo agad ito papunta sa makukulay na bulaklak.

"Eli!" Napahawak si Serena sa noo. "Don't run!"

"I'm okay!"

Tumakbo ang bata habang sinusundan ang isang dilaw na paru-paro. Ngunit hindi nito napansin ang maliit na batong nakausli sa daan.

"Ah!"

Natisod ito at mabilis na lumapit si Serena.

"Eli!"

Pero may nauna na. Isang malakas na kamay ang agad sumalo sa bata bago pa ito tuluyang bumagsak sa lupa.

Nanlaki ang mga mata ni Serena. Si Kael na naman. Agad siyang napamura sa isipan niya. Puro na lang Kael! Kael! Kael!

Madali nitong binuhat ang bata na para bang natural na natural dito ang gawin iyon.

"You okay, buddy?"

Tumango si Eli. "I'm okay!"

"Sure?"

"Yes!"

Kael dusted off the little dirt on Eli's shorts. "Next time, watch where you're going."

"Sorry..."

"It's okay, accidents happen."

Hindi alam ni Serena kung bakit pero parang may kumurot sa puso niya habang pinagmamasdan ang eksena. Kung alam lang ni Kael… Kung alam lang nitong sariling anak ang kasalukuyang karga nito...

Marahil iba ang mga titig nito. Marahil mas mahigpit ang pagkakayakap nito.

"Thank you." Mahinang sabi ni Serena nang ibaba ni Kael si Eli.

"It's nothing."

Saglit silang nagkatitigan. Muli na namang kumabog ang dibdib ni Serena. Shocks! Ang dami na agad mga what ifs ang nagliliparan sa utak niya kasabay ng pagsisisi kung bakit ba kasi dito nila naisipang magbakasyon ni Eli. Edi sana, wala siya sa ganitong sitwasyon.

Dios mio naman kasi, Serena!

Agad siyang umiwas ng tingin.

"Mommy!" Hinawakan ni Eli ang kamay ni Kael. "Let's go!"

Napatingin ang lalaki sa maliit na kamay na mahigpit na nakakapit sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit pero sa halip na alisin iyon ay hinayaan niya lang. Parang may kakaibang init na dumadaloy sa dibdib niya.

Matagal na panahon na rin simula nang may batang kusang humawak sa kamay niya.

Habang naglalakad silang tatlo sa gitna ng hardin ay hindi napansin ni Serena ang ilang empleyado ng resort na palihim na napapatingin sa kanila.

"Grabe..." Mahinang bulong ng isa. "Akala ko pamilya sila."

"Oo nga. Bagay silang tatlo."

Hindi narinig ni Serena ang usapan. Pero si Kael ay narinig niya ang bawat salita. Saglit siyang napalingon sa babaeng naglalakad sa tabi niya.

Pagkatapos ay sa batang masayang nagkukuwento tungkol sa mga paru-paro habang hawak pa rin ang kamay niya.

Isang bagay ang biglang sumagi sa isip niya. Isang pakiramdam na matagal na niyang hindi naramdaman.

Peace.

At hindi niya maintindihan kung bakit... sa loob lamang ng ilang oras na kasama ang mag-inang ito, pakiramdam niya ay parang may nawawalang bahagi ng buhay niya na unti-unting bumabalik sa kaniya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • She Ran Away with His Hidden Heir   Chapter 40

    Tatlong taon na ang lumipas mula nang magpalitan sila ng panata sa mismong dalampasigan ng Isla Verde. Ngunit para kay Serena, pakiramdam niya ay araw-araw pa rin siyang nililigawan ng asawa niya.Nakatayo si Serena sa balkonahe ng kanilang mansyon, haplos-haplos ang kaniyang malaking tiyan. Walong buwan na siyang buntis sa pangalawa nilang anak, isang baby girl na matagal nang hinihiling ni Kael. Mula sa itaas, pinapanood niya ang dalawang pinakamahalagang lalaki sa buhay niya.Tumatawa nang malakas si Eli habang tinuturuan ito ni Kael na magpalipad ng saranggola sa buhanginan. Mas matangkad na ngayon ang walong taong gulang na si Eli, at mas lalong naging kamukha ng kaniyang ama."I told you not to stand too long, Mrs. Villafuerte."Naramdaman niya ang pamilyar at maiinit na braso na pumulupot sa kaniyang baywang. Hinalikan ni Kael ang kaniyang balikat. Napangiti si Serena at sumandal sa matipunong dibdib ng asawa niya."Pinapanood ko lang kayo ni Eli," malambing na sagot ni Serena.

  • She Ran Away with His Hidden Heir   Chapter 39

    Naging kasingganda ng isang panaginip ang buong wedding reception.Sa ilalim ng malawak na kalangitan ng Isla Verde na punong-puno ng mga bituin, nagkasiyahan ang mga piling bisita nina Kael at Serena. Napalilibutan ang buong venue ng mga tiki torches, fairy lights, at mga nakasabit na puting bulaklak na sumasayaw sa ihip ng hangin.Nakaupo si Serena sa sweetheart table, nakasandal sa dibdib ni Kael habang pinapanood nila ang mga tauhan ng binata na masayang nagtatawanan sa kabilang banda ng beach. Kahit ang seryosong si Marco ay napangiti nang asarin ito ni Mylene habang kumukuha ng pagkain sa buffet table."I can't believe this is real," nakangiting bulong ni Serena. Pinaglaruan niya ang diamond ring at ang bagong suot na wedding band sa kaniyang daliri.Humigpit ang pagkakaakbay ni Kael sa kaniya. Inilapit nito ang mga labi sa tainga niya. "Believe it, Mrs. Villafuerte. Wala nang bawian 'to."Napatawa si Serena. Tiningnan niya ang kabilang gilid ng mesa kung saan mahimbing nang nat

  • She Ran Away with His Hidden Heir   Chapter 38

    Tila huminto ang pag-ikot ng mundo ni Serena nang marinig niya ang pamilyar at nakakakilabot na ganda ng tugtog mula sa isang string quartet.Nakatayo siya sa bungad ng mahabang white carpet na inilatag sa ibabaw ng pinong buhangin ng private beach sa Isla Verde. Ang buong paligid ay napapalamutian ng libu-libong puting rosas at mga nakasabit na kristal na kumikinang sa ilalim ng papalubog na araw. Ang malamig na simoy ng dagat ay humahaplos sa kaniyang balat, pinapasayaw ang mahabang belo ng kaniyang kumikinang na lace wedding gown.Pero wala sa magandang tanawin ang atensyon niya. Ang buong puso at paningin niya ay nakapako sa lalaking naghihintay sa dulo ng altar.Nakatayo roon si Kael, suot ang isang perpektong puting tuxedo na lalong nagpalitaw sa kakisigan nito. Ang lalaking kilala ng buong bansa bilang isang walang-awang bilyonaryo, ang lalaking kayang magpabagsak ng mga kumpanya sa isang iglap, ay nakatayo roon ngayon habang walang-hiyang pinupunasan ang mga luhang naglalandas

  • She Ran Away with His Hidden Heir   Chapter 37

    Punong-puno ng maliliit at maiilaw na fairy lights ang malawak na garden ng Villafuerte Mansion. Ang pamilyar na tunog ng mga alon mula sa dagat ay sinasabayan ng isang mahina at nakakarelaks na acoustic music.Gabi na bago ang inaabangang kasal nina Kael at Serena. Sa halip na magdaos ng isang malaking party, mas pinili nilang dalawa na magkaroon ng isang intimate rehearsal dinner. Tanging ang mga pinakamalalapit na tao lang sa buhay nila ang naroon, si Mylene, si Marco, si Manang Rosa, at ang ilang pinagkakatiwalaang tauhan na naging protektor nila noong mga panahong nagtatago sila.Nakatitig si Serena sa lalaking katabi niya. Suot ni Kael ang isang simpleng white button-down shirt na nakatupi hanggang siko at itim na slacks, pero para kay Serena, ito na yata ang pinakagwapong lalaki sa buong mundo. Hawak ni Kael ang kamay niya sa ilalim ng mesa habang nakikinig sila sa maikling speech ni Mylene."Gusto ko lang sabihin na... sobrang saya ko para sa inyong dalawa," nakangiting panimu

  • She Ran Away with His Hidden Heir   Chapter 36

    Isang linggo na ang nakalipas mula nang tuluyan silang manirahan muli sa Isla Verde.Sa loob ng pitong araw na iyon, pakiramdam ni Serena ay nabubuhay siya sa isang napakagandang panaginip na ayaw na niyang gisingan. Wala nang mga tauhan ni Vincent na nagbabantay. Wala nang banta sa buhay nila. Ang tanging gumigising sa kaniya tuwing umaga ay ang amoy ng kape, ang halik ni Kael, at ang masayang boses ni Eli.Nakatayo si Serena sa veranda ng master suite, may hawak na tasa ng mainit na kape habang pinagmamasdan ang mag-ama sa dalampasigan.Mula sa pwesto niya, kitang-kita niya si Kael na nakasuot lamang ng board shorts. Ang araw ay tumatama sa matipuno at basang katawan ng binata habang buhat-buhat nito si Eli na tuwang-tuwang nakasakay sa mga balikat nito. Nagtatakbuhan sila sa malinaw na tubig ng dagat. Ang halakhak ng anak niya ay umaabot hanggang sa kinaroroonan niya.Napangiti si Serena. Ang lalaking dating kinatatakutan at iniiwasan ng lahat dahil sa pagiging seryoso at malamig n

  • She Ran Away with His Hidden Heir   Chapter 35

    Paggising ni Serena, ang unang sumalubong sa kaniya ay ang mainit na sikat ng araw na tumatagos mula sa bintana ng kwarto, at ang mabigat na braso ni Kael na nakapulupot sa kaniyang baywang.Dahan-dahan siyang gumalaw upang hindi magising ang mahimbing na natutulog na bilyonaryo. Inangat niya ang kaniyang kaliwang kamay. Kahit nasisinagan ng araw, nangingibabaw ang kislap ng dyamanteng singsing na nakasuot sa kaniyang palasingsingan. Hindi pa rin siya makapaniwala. Pagkatapos ng limang taong pagtatago, ng mga luhang iniyak niya sa ibang bansa, at ng takot na muntik nang kumuha sa buhay nila... heto siya ngayon. Ligtas, buo, at engaged sa kaisa-isang lalaking minahal niya."It looks perfect on you."Napalingon si Serena. Gising na pala si Kael. Nakasandal ang ulo nito sa unan, ang magulong buhok at paos na boses ay nagbibigay rito ng nakakapanlambot na sex appeal. May pamilyar na ngiti sa mga labi nito habang nakatitig sa kamay niya.Ngumiti si Serena at humarap dito. "Hindi pa rin ako

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status