Share

Chapter Seven

"Good morning, Sir!" masayang bati ko nang makita siyang bumaba at bihis na bihis. Time to work niya na yata. "Breakfast po," aya ko pa pero hindi niya ako pinansin. Dire-diretso lang ang lakad niya na para bang wala ako sa harap nito. Sungit sa umaga!

Sinundan ko pa rin siya, hindi ako nakapunta sa kwarto niya kahapon para raw alagaan kuno. Tinatamad ako maglambing, hindi ko naman siya jowa.

"Sir, baka po may nakalimutan ka bago mag work?" malambing kong sabi. Wow Klai, ayaw mo maglambing ha!

"What?" he coldly said.

"Hindi ko po alam, baka lang naman po may nakali-"

"Wala akong nakalimutan, umalis ka sa harap ko." Napahinto ako dahil sa biglaang paglingon niya sa akin, I gulped. Bakit ka galit?

He walked away, naiwan akong nakanganga ang bibig. Wow, that's it!

Hindi pa rin ako nagpatinag, hindi ako pinanganak ng Nanay ko kung sino man ang Nanay ko para sungitan lang ng mga lalaki 'no!

Sumunod pa rin ako sa kanya. Kinuha ang hinanadang pagkain kanina, for his lunch. Nilagay ko ito sa kulay itim na lunch box.

Inilahad ko sa harap niya kaya napahinto siya sa paglalakad, nakakunot-noo niya akong tiningnan. Like, he's watching some alien. "Para po sa inyo. Lunch." Nakangiti kong wika. But again, he walked away. Napabagsak ang balikat ko bago siya sundan ulit papuntang kotse.

"What the fuck is your problem?!" Napaatras ako. Bakit ba ang hilig niya sumigaw. Huminga muna ako ng malalim.

"Sir, I made this lunch for you. Bawi ko po sa kasalanang nagawa ko sa inyo. Kung inyong mamarapatin, nawa'y tanggapin n'yo po ang munting handog ko."

What the hell, Klai! Kailan ka pa naging makata? Geez!

"Stop talking nonsense, give me that." Binawi niya ang bag na naglalaman ng hinanda ko. Very good, pakipot pa ang gago. I smiled widely.

"Take care sir, happy eating!" I said and turned my back. I walked away, putting a smile on my face. Thanks to Fresha for giving me some techniques and teaching me kung paano kunin ang loob ng mga lalaki. This is the start of the day sa plano ko. Masyado na akong natagalan dito. I wanna go home and transfer to another mission. This place makes me sick!

"We have urgent meeting today, are you free to go here?" iyan agad ang bungad ni Almira sa akin nang tumawag siya.

"Meeting about what?" I asked.

"Group mission," she said. I smiled in my mind. Group mission was exciting to do. Lima kaming makasama at magkakampi.

"I'm in," I said and ended the call. Nagmamadali akong magbihis, bahala na kung panget ang suot. Susunduin naman nila ako.

"Aalis ka?" Napatayo ako nang pumasok bigla si Manang, hindi ko pala ni-lock.

"Ah, opo. Kailangan po ako sa amin. Nagkasakit po kasi ang tatay ko. P'wede naman po siguro ano?" I asked. She smiled at me and nodded. Good, baka kapag hindi mo ako pinayagan, mauuna kang mamatay kaysa sa amo mong balahura.

"Mag-ingat ka lang at babalik ka agad kapag p'wede na. Ako na bahala ang magsabi kay Tucker. 'Wag ka magpagabi kung papauwi ka, delikado sa labas lalo na't babae ka." oonga, delikado sila sa akin. Ngumiti ako sa kanya.

"Opo, maraming salamat. Aalis na po ako," paalam ko.

I called Almira when I came out from mansion, she said na nasa kanto sila kaya agad akong tumakbo.

"Boring girl." Sinamaan ko ng tingin si Munique. Pinagtawanan niya ako sa suot ko!

"That's enough, sa HQ tayo mag meeting. Boss is in the New Zealand, kaya tayo ang inaasahan niya. Kasama ang iba pang grupo." paliwanag ni Almira.

Nagkakantahan lang naman kami habang bumabyahe, na-miss ko ang apat na 'to. "By the way, Klai." Huminto ang lahat sa pagkanta nang magsalita si Fresha. "Kumusta ang mission mo?" she asked. Napabuntong hininga ako. Here we go again, tatanungin na naman nila lahat tungkol sa nakakabainis na mission ko.

"Bukya," I said boringly. They laughed at me and 'Tsk'. "Wow ah, porket tapos na kayo?" I rolled my eyes. Yayabang.

"Baka naman kasi humina na ang karisma mo sa mga lalaki," said Jersey. Hell no! Sa lalaki lang 'yon hindi gumana.

"Or baka naman, virgin pa ang isang 'yon kaya takot sa'yo?" Lumingon ako kay Munique nang sabihin niya iyon. Imposible. Sa katawan niya, mukha siyang active sa sex.

"I don't think so," I commented. "Look at his body. Looks like, ginagabi-gabi ang sex life. Sa ganyang mukha, malabong virgin pa." dagdag ko pa.

"Agree," si Almira habang tumatango-tango. "Pero bakit kaya hindi mo siya magawang paamuhin agad?" Natahimik ako. Inirapan ko sila at hinila ang mga buhok. They reacted.

"Paano? Kung ganito ang suot ko araw-araw. Syempre, mandidiri 'yon mga gaga. How can I seduce him and break his life kung ganito." I pouted my lips.

"Bitch!" Napatakip ako sa tainga nang sumigaw si Munique. What the hell!

"That's the point here, you need to be a mahinhin and be mabait girl para makuha ang loob niya. Ikaw na ang nagsabi na active siya sa sex life. So, we are sure na ang mga babaeng kinakama niya ay kagaya mo. I mean, kagaya sa katawan mo if you wore your usual outfits. Mauumay na 'yon." mahabang wika niya.

Hindi ko pa rin ma gets ang point. Baka nga ayaw niya talaga sa ganitong suot kasi nga mga kinakama niya ay kagaya ng totoong ako. Gosh. Why are we talking about 'Kinakama'?! For pete's sake Klai!

"We're here," Almira said. Bumaba na kami at nagtungo sa taas kung saan kami magme-meeting. Malaki ang lugar na ito. Dito ang Head Quarters namin, pinagmasdan kami ng iilan dito. Mga ibang groupu ng kababaihan bitbit ang mga dala nilang armas. Pumwesto kami kung saan ang pwesto ng groupo namin.

"Sarap dukutin ng mga mata," bulong sa akin ni Munique.

"Ano ba ang mission?" tanong ko kay Almira, kibit-balikat niya lang akong sinagot.

Ang kaninang bulungan at tawanan ay natigil nang dumating si Boss. Lahat kami ang nakatingin sa kanya, inantay ang sasabihin. Inikot niya ang tingin sa paligid. Nang makita ang groupo namin, ay ngumit siya. Hindi naman nakaligtas sa akin ang masamang tingin ng grupong Juders Girls. Inirapan ko naman ang leader nila, psh. Inggit.

"Narito na ang lahat?" tanong ni Boss, tumaas ng kamay ang bawat leader ng groupo. "Mabuti, sisimulan ko ang mission ng bawat isa ngunit may mga groupo na hindi kasali. Sila ang mamahala at magbabantay ng ibang black market natin. Apat na groupo lang ang isalang ko sa mabibigat na mission." mahabang dagdag nito.

Ano kaya ang mission namin? To think is, may mission pa akong dapat tapusin. Nakakaloka!

"Sandra's group. You will be out of the country. Nakawin ninyo ang mahalagang bagay ng nasa New Zealan. Jane will email to Sandra's kung ano ang bagay na iyon. Mieyn's group, sumali magpangap kayo bilang isang mga estudyante sa isang mataas na paaaralan sa Japan, kailangan ninyong mapatay ang may-ari at ang anak nito para makuha ang pera. For Juder's group, kayo ang magiging spy ng kabilang organisasyon. Alamin ninyo ang plano nila, unahan ninyo. And lastyly, for the Almira's group." sa sobrang haba ng sinabi niya, napahinto siya at tumingin sa amin.

"For Almira's group. Kill Tucker Burton together with his friends, they will be our downfall in the future."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status