Share

Chapter Six

Author: Gemorya
last update Last Updated: 2021-04-23 17:57:52

"Kapag nagising na siya pakainin mo na lang ha?"

"Opo Manang, ako na po bahala sa kaniya." Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko nang makarinig ng ingay. Ang sakit ng ulo ko. Para akong galing sa hang-over na matagal mawawala.

"Ay nako, Alora. 'Wag ka munang tumayo." Tiningnan ko ang babaeng nagsasalita. Si Lina. Tumingin din ako sa paligid at nagtataka kung bakit nasa kwarto na ako. Naalala ko ang nangyari kagabi, pinalayas ako at nakatulog sa ilalim ng malaking puno habang umuulan.

"Kinuha niyo ako sa labas?" tanong ko.

"Si Sir ang kumuha sayo." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Imposible!

"M-masakit lang ang ulo ko Lina pero hindi ako lasing. Huwag mo akong lokohin."

"Hindi kita niloloko, Alora. Siya nga ang kumuha sa'yo. Magpagaling ka na para pagbayaran mo ang ginawa mo sa kaniya." Mas lalong napakunot ang noo ko. Anong bayad? Ako na nga ang pinalayas at nabasa sa ulan ako pa ang magbababayad. Baka sa damit na sinabi niya o hindi kaya 'yong pagsigaw ko sa kaniya? Anak ng..

"'Yong pagsisigaw ko ba sa kaniya? Hindi ko naman sinasadya," sagot ko.

"Gaga hindi, ito gamot. Inumin mo." Tinanggap ko ito. "May sakit siya kaya hindi nakapasok sa trabaho." Dahan-dahan kong binigay ang baso sa kaniya.

"Oh tapos?" Napasapo siya sa noo niya at umiiling. Ano na naman ba?

"Nabasa siya sa ulan kagabi habang buhat-buhat ka. Madali lang magkasakit 'yon kapag nabasa ng tubig ulan." Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Buhat niya ako kaga— I mean, nagkasakit siya dahil sa akin? Buti nga sa kaniya!

'Di ba pinalayas niya na ako tapos binalik lang niya? Hindi ko na kasalanan kung nagkasakit siya, wala sa ugali ko ang maawa sa gano'ng tao.

"Alora, okay ka na ba?" Napalingon ako kay Manang nang pumasok ito. Ngumiti ako at tumango.

"Salamat sa pag-aalaga Manang, pero aalis na po ako. Maghahanap na lang po ako ng ibang trabaho," malungkot kong sabi para hindi sila pumayag. Bawal pa talaga ako umalis dito.

"Hindi na kailangan anak, nahimasmasan na si Sir Tucker. Kung okay ka na, puntahan mo na lang siya at alagaan. Bago pa bumalik ang Mommy niya, baka magalit sa'yo pag nalaman na ikaw ang dahilan kung bakit nagkasakit ang panganay niya." gusto kong umirap sa narinig. Wala pala rito ang pamilya niya ulit, lagi namang gumagala raw ang mga kapatid nito.

"Sige po." Tumango na lang ako at tumayo na. Okay naman na talaga ako.

Nang umalis na sila sa kwarto, napabuntong hininga ako. Kinuha ko ang bag at hinalughog ko ito. Sa ilang buwang pananatili ko rito hindi ko pa talaga tiningnan ang buong gamit ni Alora. Naghanap ako ng kung anu-ano sa bag niya hanggang sa may nakapa akong isang bagay. Cellphone.

Palpak na Almina, hindi man lang tinapon kasama ang bangkay ng babae. Bubuksan ko na sana ngunit lowbat, kinuha ko ang charger na kasama lang nito at chinarge. Nang mabuksan ko, bumungad sa akin ang maraming messages. Napasapo ako sa noo, nalintekan na.

Ilalagay ko na sana ulit nang tumunog ito, tumawag ang nanay niya. Kinabahan ako bigla. Anong sasabihin ko? Hindi ko kilala ang pamilya niya, kung huwag ko na kayang sagutin at hayaan nalang tutal matagal na 'to sa bag at ngayon ko lang nakita.

"Hindi mo ba sasagutin 'yan?" Gulat akong tumingin sa pinto nang magsalita si Lina.

"H-ha? Ah. Sasagutin ko na rin naman," sabi ko.

"Sige, maiwan na kita. Lumabas ka na lang daw kapag okay ka na." Lumabas na siya nang tuluyan. Napabuntong hininga ulit ako at inis na tumingin sa cellphone na hawak ko.

"Hello! Alora! Buti naman sumagot ka ng bata ka! Nasaan ka ba? Ilang buwan kang hindi nagparamdam bata ka. Kinasal na lang ang kapatid mo hindi ka man lang umuwi." Inilayo ko sa tainga ang cellphone nang bumungad sa'kin ang pagsisigaw ng isang babae.

"Ano? Hindi ka sasagot? Nag Manila ka lang kinalimutan mo ng may pamilya ka rito?! Nag-asawa ka na kaya hindi ka umuuwi?" dagdag pa nito. Awit, anong sasabihin ko?

"A-ah, nay?" mahinang sabi ko. "Pasensya na po, magpapadala po ako bukas. Nasira po kasi ang cellphone ko ng ilang buwan, ngayon lang po ako nagkapera para bumili at makausap kayo. K-kumusta po?" dapat bigyan ako ng balato ni Almina sa ginagawa kong 'to.

"Kailan ka ba uuwi? 'Yong tatay mo may sakit at hinahanap ka. Diyos ko naman anak, nag-alala rin naman kami sa'yo. Sinabi ko naman 'di ba na hindi mo na kailangan magtrabaho." pero ako kailangan ko ang pagkatao na ito para sa trabaho ko.

Lumunok ako ng dalawang beses. "Nay, uuwi po ako kapag nagkataon. Pasensya na po. Tatawag po ulit ako, tatapusin ko lang po ang trabaho ko." Pinatay ko na agad ang tawag nang hindi inantay ang sasabihin ng babae. Agad kong kinuha ang maliit na cellphone at tinawagan si Almina.

"Hey sister!" bungad niya na kinairap ko.

"Nalintekan na, tumawag ang nanay ng babaeng pinatay mo. Baka isa sila sa makakapagpahamak sa plano ko. Trace them and tell me the details, padalhan mo ng pera kahit kaunti nang hindi magtaka kung nasaan ang anak nila," sunod-sunod kong sabi. Biglang sumakit ang ulo ko.

"Okay, okay. Don't worry. I got your back. And by the way, ikaw na lang ang kulang dito. Dumating na sila, kumusta? Any updates?" mas lalo akong nanlumo. Bakit ngayon lang ako nahirapan sa trabaho ko? What am I going to do?

"Give me more months, hindi ko pa talaga nagagawa," mahina kong sabi.

"Hey girl!" Napaira ako nang marinig ang boses ng best friend kong si Fresha. "Kumusta? Any scores?" sa tono ng boses niya alam ko na ang ibig niyang sabihin.

"Gaga, mas matigas pa sa bato ang binigay sa akin, paano ko ito susunggaban." Inis kong sabi, tumawa naman siya.

"E'di patigasin mo 'yong kaniya. Malay mo, lumambot at makuha mo na ang gusto mo. Girl, may bago tayong trabaho pagkatapos mo r'yan, naiinip na kami ha." Ang daldal.

"Okay fine, ako na ang bahala. Hihingi na lang ako ng tulong kapag may mga epal sa trabaho ko. I gotta go bitch," I said at binaba na ang tawag.

Give me more months, starting now. I will do my very best para makaalis na ako rito. Wala akong choice, kundi gawin ang huling alas na natitira sa akin.

I'll make him fall hard.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • She Stole My Heart (Tagalog)   68 - END

    After 9 months "Hindi ba bagay ito sa'yo?" "Buntis siya, Jersey! Paano siya magsusuot ng ganyan? Gusto mo bang patayin tayo ni Tucker? "Anong mali rito, Almina? Dati naman ay gsuto ito ni Klai e." "Dati iyon, Jersey. Hindi na ngayon na kasal siya at magiging dalawa na ang anak niya." Pinakinggan ko lang ang mga kaibigan ko habang namimili ng mga damit na para sa akin. Ngayon ang araw ng baby shower na plinano namin. Kaunting araw na lang ay manganganak na ako. Nagpakasal na nga kami ni Tucker pagkatapos kong punitin ulit ang sarili ko when Fresha died, totoong kasal na ang nangyari sa aming dalawa ni Tucker. Walang nangyaring masama dahil kahit ako ay pinapabantayan niya na hindi makakatakas. Akala siguro ng lalaking iyon ay uulitin ko na naman ang pagkakamali ko sa kanya. "What do you think, Klai?" Bumaling ako kay Munique na pinakita sa akin ang isang dress na pambuntis, kulay pula ito at halatang pang mayaman ang datingan. "Gusto ko iyan, bagay sa amin ng anak ko." Nakangiti

  • She Stole My Heart (Tagalog)   67

    Nanghihina ako dahil sa narinig mula kay Almina. "You're lying..." "Klai...kahit kami nahihirapan---" "But you came here, smiling. How sure are you na pinatay niya ang sarili niya?" "Kasi naroon kami mismo sa harap niya! Hindi namin pwedeng i-spoil ang announcement ni Tucker. It's been days, nilibing na namin agad siya dahil iyon ang sabi niya. Nag-iwan siya ng sulat bago niya gawin sa harap namin. He killed herself using her gun..." Bakas sa boses ni Jersey na nahihirapan siyang magsalita. Ayaw kong maniwala pero sa pinakita nila sa akin ngayon, sa mga sinasabi niya. Nagtatalo ang isipan ko. "Pupuntahan ko siya. Hindi ko alam kung nagsasabi kayo ng totoo pero gusto kong dalhin niyo ako sa kanya." Hindi ko na maiwasan ang hindi umiyak. "Klai..." Bumaling ako kay Tucker, he hugged me. He knew. Hindi niya sinabi sa akin, hindi nila sinabi sa akin. "I'm sorry..." "Gusto ko siyang puntahan." Hagulhol ko. No, it can't be. Hindi pwedeng mawala siya, hindi pa kami nag-uusap. Sinuno

  • She Stole My Heart (Tagalog)   66

    Nang umayos na ang pakiramdam ko, sinabi ko kay Tucker na bibisitahin ko ang mga kaibigan ko. Hindi na rin naman siya umepal pa at sinamahan na lang din ako. May pasok ang anak namin kaya nagkaroon kami ng oras na umalis, mamaya pa namin siya susunduin."Wala ka bang trabaho?" tanong ko sa kanya. Simula kasi noong nasa bahay niya lang ako, hindi ko siya napansin na lumabas. Panay utos lang sa mga tauhan niya."I am the boss of my company, kaya malaya akong mag-break from work kung gusto ko. And besides, naroon si East para maging substitute ko sa mga meetings." Walang ganang sabi niya.Hindi naman porket siya ang boss ay aalis na siya para rito. Huminga ako nang malalim at humarap sa kanya. "You know what? You should go, kaya ko naman na ako lang ang pupunta sa kanila.""No." Umiling siya. "Paano kung lapitan ka ng mga tauhan ni Alessandra na tumakas—""Oh Tucker. Tumakas nga e, hindi na babalik ang mga iyon dahil sa takot. Nakulong na rin naman si Alessandra, ako na lang ang aalis."

  • She Stole My Heart (Tagalog)   65

    Nagising ako nang hindi alam kung nasaan. Bumungad sa akin ang puting kisame at ang maliit na kamay na nakahawak sa kamay ko. Bumaling ako roon at nakita ang anak kong natutulog, nagulat pa ako nang bahagya nang makita siya. I was about to wake him up but I stopped myself, hinayaan ko siyang naroon. I smiled, naalala ko ang nangyari sa akin kasama ang mga kaibigan ko sa mga kamay nila Alessandra at Celine. Paano kung may nangyaring masama sa akin at hindi ko na makita ang anak ko? Si Tucker? Nilibot ko ang paningin ko para hanapin siya and there, I saw him standing beside the window. Nakatitig din siya sa akin, naglalakad patungo sa kama ko."Kumusta ka? M-may masakit ba sa'yo?" Ang boses niyang napapaos. Umiwas ako ng tingin, ramdam kong nangingilid ang luha ko sa aking mga mata. Bakit ako nasasaktan nang makita siya ngayon, mahinahon ang boses at bakas na pag-alala. "Kukunin ko na ang anak natin, ayaw niyang umalis at inaantay kang magising kaso nakatulog siya." Dahil sa sinabi ni

  • She Stole My Heart (Tagalog)   64

    Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero nakatingin lang ako sa matalik kong kaibigan na hanggang ngayon ay hindi pa rin inalis ang baril na tinutok niya sa akin. Pasimple akong bumaling sa iba kong kasamahan na tulad ko ay nagtataka sa ginawa ni Fresha."What the hell are you doing, Fresha?" Hindi makapaniwalang tanong ni Almina. Hindi siya sinagot ni Fresha, nakatingin lang siya sa amin na walang emosyon na tila ba matagal niya nang inaasahan na mangyayari ito. Bumalik ako kay Allesandra na masayang nakatingin sa amin, natutuwa siya sa nangyayari. She planned this?"See? Kahit kayo ay hindi inasahan na mangyayari ito. Kahit ako ay hindi ko inasahan na magagawa ito ni Fresha, ang kaibigan na pinagkatiwalaan ninyo at mas tahimik sa inyong lima." Natatawang sabi ni Allesandra. Lumapit sa kanya si Celine na masaya ring nakatingin sa amin. Ano bang nangyayari? Hindi pa rin ako makalayo kay Fresha, gusto kong marinig mula sa kanya kung ano ang naiisip niya bakit niya ito ginagawa? O b

  • She Stole My Heart (Tagalog)   63

    Napaatras ako nang dahan-dahan palayo sa laptop. Anong nangyayari? Bakit nakuha nila ang mga kaibigan ko? Pero hindi ngayon ang oras para magtanong na alam kong hindi ko masasagot kapag hindi ako kumilospara iligtas sila. Huminga ako nang malalim at kinuha ang baril ko sa kwarto ko rito, I grabbed my motor bike too. Kailangan kong bilisan para makabalik din agad ako sa bahay at hindi mag-alala si Tucker at para pagkagising ng anak ko ay nasa tabi niya na ako kahit hindi ako sigurado na makakauwi agad ako. Alam ko naman kung nasaan sila, hindi naman umaalis sila Alessandra sa dating hide-out namin kaya alam kong nandoon sila Almina dahil na rin sa hitsura ng lugar. But before anything, I texted Tucker na hindi agad ako makakauwi. Pagkatapos ay binilisan ko ang pagmamaneho patungo sa organization ni Alessandra. Hindi pa rin nawawala sa isip ko kung paano sila nakuha. Kita ko sa screen na lahat sila ay nakagapos sa kanya-kanyang upuan habang pinalibutan ng mga tauhan ni Alessandra. Il

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status