Ang mag-asawa, dapat may pagmamahalan. Kahit kaunti lang, sapat na sana para simulan ang araw.
Pero sa amin ni Bart, ni pormal na kasunduan nga sa setup ng lihim naming kasal, wala. Ang tanging malinaw lang ay ang katahimikan. Isang katahimikang unti-unting pumapatay sa natitira kong pag-asa.Sa opisina, perpektong CEO si Bart—professional, sleek, commanding. Walang espasyo para sa drama. Lalo na para sa personal na emosyon. Lalo na kung tungkol sa akin. Ako, na sa paningin ng buong kumpanya ay isa lamang ordinaryong empleyado.
“Miss Lacosta, recheck the minutes from last week’s board meeting. I don’t want a single typo,” malamig niyang utos, ni hindi man lang ako tiningnan.
Wala rin siyang paliwanag kung anong late meeting ang inatenan niya kagabi, o kung bakit isang linggo na siyang hindi umuuwi. At wala rin naman akong karapatang magtanong.“Yes, sir,” mahinang sagot ko. Kagat ko ang dila, pilit pinipigilan ang sarili. Kahit asawa niya ako, hindi ako pinahihintulutang makialam. Bawal manghimasok. Bawal... magpakita ng affection.
Habang papunta ako sa conference room para ihatid ang ipinagawang dokumento at pina-recheck niya, narinig ko ang boses ni Kyline Hordan mula sa loob.
Marketing executive. Kababata ni Bart. Flawless. Confident. Kung maganda ba siya… ewan. Basta makapal lagi ang make-up niya.Nakalikot ko ang tainga ko. Ang lambing kasi ng boses, ang sakit na nga sa tainga, nakakarindi pa ang laging pagdikit-dikit niya kay Bart.
“Grabe ‘yong tawa niya,” bulong ni Jenny Trumata na halos ikinagulantang ko. Hindi ko napansing nasa tabi ko na pala siya. Isa siya sa mga marketing assistants, under ni Kyline.
“Ang landi,” dagdag pa niya, pabulong.“‘Wag kang maingay,” sita ko. Pero hindi ko naiwasang mapangiti rin. Mahirap pigilang hindi matawa—o hindi sumang-ayon.
Sa mahigit isang linggo ko bilang sekretarya, si Jenny lang ang naging kaibigan ko. Siya lang ang nagpapaalala sa akin na tao pa rin ako. Hindi lang basta robot na sumusunod sa utos.
“Okay lang naman sanang lumandi,” bulong niya ulit. “Pero huwag dito sa opisina. Diyos ko. Sa harap pa ng board!”
Napatawa ako. Mahinang tawa, pero may kasamang kirot. Kung pwede ko lang sabihin sa kanya na hindi okay lumandi. Lalo na sa lalaking may asawa na. Lalo na kung nakikita ng asawa. Pero hindi ko masabi. Kaya idinaan ko na lang sa mapaklang tawa ang sakit.Pagpasok sa conference room, agad nagsimula ang presentasyon. Si Jenny, kahit nainis, ay propesyonal pa rin. Inilatag niya ang logistics, mga proposal, at metrics ng latest campaigns.
Si Kyline? Nandoon ang focus kay Bart. Nakangiti. Naka-cross legs. Pabebe ang tingin. Hinihimas pa minsan ang balikat ni Bart na parang sila lang ang naroon. Ako? Ako na asawa, nasa gilid lang. Invisible sa mata nila. Ni sulyap, hindi ako nadapuan.Mula umpisa hanggang matapos ang meeting, wala akong ginawa kundi magsulat. Secretary ako. At invisible wife ni Bart.
Natapos ang buong araw sa trabaho. Nakaupo lang naman ako sa opisina, pero parang nabuhat ko ang sako-sakong bigas. Ang sakit ng balikat ko.
Bago tumayo, napatingin ako sa opisina ni Bart. Wala na siya sa loob. Nauna na siyang umuwi. Naiwan ako kasi may tinatapos pa akong utos niya. At saka may usapan rin kami ni Jenny na gumala.Hindi mawala ang ngiti ko habang bitbit ang mga pinamili namin ni Jenny kanina. Ito ang unang beses na gumastos ako. Namili ng mga bagay na gusto ko. Kahit paano, kahit ilang oras lang, nakalimot ako—naging masaya ako.
Pagdating ko sa condo, eksaktong palabas si Bart mula sa kwarto niya. Naka-casual siya, hawak ang cellphone. Mukhang may pupuntahan na naman.
Napatingin siya sa mga bitbit ko, pero hindi man lang tumulong.“Yes, schedule it after lunch. I don’t want dinner meetings this week,” sabi niya sa telepono.
“May pagkain sa kitchen. Kumain ka,” sabi niya, matapos makipag-usap sa phone.
Napatingin ako sa kanya. Unang beses ‘to. Unang beses na inaya akong kumain.“Kumain na ako,” mahina kong sagot. Malamig. Kasing lamig ng pagtrato niya sa akin.
Pero tumalikod siya. Hindi man lang tinablan. Wala na rin siyang ibang sinabi at pumasok ulit sa kwarto.
Umupo naman ako sa sofa. Sinilip ang mga pinamili ko.
Ilang sandali pa, bumalik siya. Tahimik pa rin. May bitbit na siyang folder.“Don’t wait up,” malamig na wika niya.
“Okay po, sir,” sagot ko. Parang nasa opisina pa rin kami.
Saglit siyang napatingin sa akin. Parang may sasabihin pero saktong tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya agad, kasabay ng paglalakad papunta sa pinto.Pero bago tuluyang maisara, lumingon siya. “Kainin mo ‘yong sinigang. Bigay ‘yon ni Mommy. Sayang naman kung masisira.”
Tumango na lang ako. Hindi ko alam kung nakita niya. Tumayo na rin ako paglabas niya.Inilagay ang sinigang sa fridge. Busog nga kasi ako.
Kinabukasan.
Wala na si Bart nang magising ako. Pero ang sinigang ay mainit na.Napakamot na lang ako sa ulo. Siguro pinagalitan ni Mommy kaya bait-baitan na naman.
Dali-dali akong kumain. At agad nang umalis papunta sa opisina.
“Good morning, Anessa…” bati sa akin ni Jenny.
“Good morning,” sagot ko. Nakangiti. Parang masaya.Walang saya sa pagiging secretary ni Bart. ‘Yon ang totoo. Lalo’t habang lumilipas ang mga araw, ramdam ko na lalong nanlalamig si Bart.
Mas kampante siya o mas sanay na bilang boss kaysa asawa.“Ms. Lacosta.” Kauupo ko lang. Pero tinawag agad ako.
Tumayo ako, lumapit sa kanya.“You’ll accompany us later to a meeting with the new investors. Prepare the contract drafts and drinks arrangement.”
“Noted, sir.”“Kyline will handle the presentation. You take care of the background tasks.”
“Yes, sir.”Wala na akong tanong. Sanay na rin akong sumunod.
Hinanda ko lahat ng kailangan sa meeting. Inalam ko kung sino ang mga dadalo, ano ang gusto nilang mga alak o food. Pati ang venue ay sinigurado kong maayos. Walang dapat maging aberya.
Four in the afternoon, nagsimula ang meeting. Full team present.
Naka-power dress si Kyline, as usual. Halos lamunin ng pabango niya ang buong private room. Pero maayos naman ang presentation niya. Nasagot din nila ang mga tanong. May kaunting negotiation, hanggang sa pumirma ng kontrata. Joint partnership para sa isang bagong real estate development sa Tagaytay. High-stakes, high-return.Nang matapos ang deal, nag-aya ng tagay ang mga investor. Tradisyon daw ‘yon.
Ako, first time pa sa ganito. Tahimik lang sa tabi.“A toast to new beginnings,” sabi ng investor.
Nagtaas ng baso si Bart. Lahat sumunod. Ako, nag-aalangan pang iangat ang baso. Kung hindi dahil sa matalim niyang tingin, hindi ko hahawakan ang baso. Kainis lang. Alam niyang mababa ang tolerance ko. Pinipilit niya ako.So I drank.
Napangiwi ako. Malakas ang hagod ng wine sa lalamunan ko. Mainit. Sumisipa.
Pero nang akmang tutungga na si Kyline, biglang nagsalita si Bart.“She’s allergic. I’ll take her glass…”
Hinawakan ni Kyline ang kamay niya. Maarte. “Bart, I can handle—”
“No, Kyline,” sabay inom sa baso.
Gentle. Protective. Sweet.“Awww, you’re so caring,” bulong ni Kyline, sabay kapit sa braso ni Bart.
Tahimik lang ako. Hindi ako sa alak tinamaan, kundi sa dibdib. Sapol na sapol.
Maya-maya, napahawak ako sa sentido. Ramdam ko na ang hilo, pero hindi ‘yon napansin ni Bart.
Kay Kyline siya naka-alalay. Kay Kyline siya concern.Bandang alas-diyes ng gabi, natapos ang inuman. Lasing na ang lahat na sinundo ng mga katrabaho o karilasyon nila.
At ako, nakasunod lang sa kanilang dalawa ni Kyline. Pilit pinapatag ang lakad ko. Si Bart naman, todo alalay sa kaibigan niyang hindi naman nakainom. Ang sarap batukan ni Bart. Gusto ko siyang sigawan. Sabihin na, Hoy, ako ang lasing. Ako ang alalayan mo! Pero wala nga akong karapatang magreklamo.“Mag-taxi ka na lang pauwi,” sabi ni Bart. “I’ll take Kyline home. Medyo gabi na, and malayo ang bahay niya.”
Tumango ako. Walang kontra. “Sige po, hatid mo na siya… ingat po kayo…”
Magalang pa akong nagpaalam. Pero ilong ko, umuusok.
“Ingat ka rin, Miss Lacosta!” sigaw pa ni Kyline, habang nakapulupot sa braso ni Bart.
Ngumiti ako. Kumaway din. Plastic siya… plastic rin ako. Lalo na’t may tama ako.Naiwan ako sa sidewalk. Tahimik. Pinapanood silang dalawa papunta sa sasakyan.
Si Bart, matalinong tanga. Nakaalalay pa rin kay Kyline. Nakahawak sa baywang nito. Para bang binabakuran ito. Takot maagaw ng iba.Si Kyline, todo-kapit. ‘Yan nga ang gusto niya ‘e. Maka-isa kay Bart. Mga walang pakundangan.
Mabuti na lang, agad rin akong nakasakay. Habang pauwi, ramdam ko na lalo ang hilo. Pinikit ko na lang ang mga mata.
“Pwede kaya? Kahit isang gabi lang… ako naman ang mapansin niya?” Mapait akong napangiti. Heto na naman ako. Tapang-tapangan, marupok pala.Pagdating ko sa condo, agad akong humilata. Hinilot-hilot ang sintidong pumipintig-pintig ang ugat.
Then, tumunog ang phone ko. Matamlay akong bumangon. Inilabas ang phone mula sa bag. Napaismid ako nang makita ang pangalan ni Bart sa screen. “Don’t wait up—Hindi ako uuwi.”Napatitig ako sa screen. Saglit na tumigil ang mundo ko. Sa ayos ba naman nila Kyline kanina… syempre, hindi na siya noon pakakawalan.
“Ano ba ang bago?” reply ko, pero hindi ko magawang i-send. Binura ko na lang at piniling hindi mag-reply.Pagod na akong mag-invest ng emosyon sa lalaking walang kahit konting puwang sa puso niya para sa akin.
Pinikit ko ang mga mata. Pilit pinapakalma ang damdamin. Pero ang isip ko, puno na naman ng katanungan.Darating pa ba ang hinihintay ko?
Matatanggap pa ba niya ako bilang asawa? O hanggang sekretarya lang talaga ako sa mata niya—hindi niya kailanman mamahalin?Tumunog ang phone ko sa gitna ng nakaka-ilang na titigan namin ni Bart. Para akong natauhan. Agad ko itong sinagot, hindi man lang tiningnan kung sino ang tumatawag.“Hello?”“Anessa, it’s me.” Si Jyrone. Nag-init ang tainga ko. Napatingin ulit sa name ng caller, saka muling nilapat sa tainga ko.“Napatawag ka?” Iniiwasan kong mapatingin kay Bart.“I’ll be flying back to Manila tomorrow. Can we meet tonight before I leave?”Tumango-tango ako na para bang nakikita niya ako. “Yes. Mamaya, let’s meet.”“Good. I’ll message you the time and place.” Malumanay ang tono niya, pero bakas ang tuwa. “Take care, Anessa.”Pagkababa ng tawag, hindi sadyang mapatingin ako kay Bart. Parang nakakaubos ng hangin sa baga tingin niya. Tahimik nga siya, kilay niya salubong naman. Mata nanliliit na parang nagseselos sa kausap ko. Nilagay ko ulit sa bag ko ang phone. Tinuro naman niya ang plate ko, “finish your meal.” Umawang ang labi ko. Sasabihin sanang busog na ako pero umasim ang ekspresyon niya. Paran
Inis akong kumilos. Papasok na sana ako sa backseat nang tumikhim si Bart. Napalingon ako.“Are you making me your driver?”Napapikit ako sandali, pigil ang hininga, saka dahan-dahang isinara ang pinto at lumipat sa harap. Naninigas ang panga ko sa inis. Pinigil ko ang sarili kong ‘wag sumabog sa galit. Pagpasok ko, agad niyang pinaandar ang makina.“Where to?” tanong niya na parang walang nangyari.Grabe. Parang sinusubok niya ang pasensya ko.“Ako na lang sana ang nag-drive, Sir Bart—hindi ka sana tanong ng tanong,” sagot ko, pilit pinapakalma ang tono ko.Tiningnan niya ako nang matalim. Para akong natusta sa tingin na ’yon, kaya wala akong nagawa kundi ituro ang daan.“Straight lang.”Ngumisi pa siya bago pinaandar ang sasakyan. Ako naman, mahigpit ang hawak sa seatbelt, pilit iniiwas ang tingin habang siya naman ay sumisipol-sipol lang. Nakuyom ko na naman ang kamay; naninigas na ang mga daliri ko. Parang mauubos na rin ang hangin sa baga ko dahil sa pagpipigil.“Saan na tayo pu
“Alam mo naman pala, nagtatanong ka pa,” sagot ko, madiin pero mahina. Sapat para umangat ang sulok ng labi ni Bart. Nanliit ang mga mata ko. Para bang sinadya niyang asarin ako. At mas nakakainis, mas inilapit pa niya ang mukha sa akin.Napatayo ako, pero hindi ko siya tinantanan ng titig. ‘Yong titig na papatay sa balak niyang gawin. Pero parang wala lang na sumandal siya sa desk ko. Inangat pa ang picture namin ni Mama, sandaling tinitigan. “Hindi ko alam, kaya nga ako nagtatanong.” Nilapag niya ang frame. Napasulyap ako kay Estra na napasinghap. Halos malaglag ang panga, nanlalaki ang mga mata habang nakatingin kay Bart. Tinapik ko siya. Napakurap-kurap naman siyang umayos sa pag-upo. At si Bart, ngumiti. Sumakit ang batok ko sa nakakataas-presyon na pagmumukha niya.Aalis na sana ako, pero agad siyang humarang sa daraanan ko. Madiin kong kinuyom ang mga kamao ko. Dibdib ko, nagtambol na sa inis. Nasa amin na kasi ang tingin ng lahat. Nagsimula na rin ang bulungan. Napahapl
Mainit ang upuan ng driver’s seat, pero mas mainit ang ulo ko. Hirap na hirap akong pakalmhin ang sarili. Hindi ko nga alam kong iiwas ng tingin, o makipagtitigan kay Bart na iba ang tingin—may kakaibang ngiti.“Hi, Anessa,” malumanay niyang bati.Bahagyang nanginig ang mga daliri ko sa manibela. Sasagot na sana ako, pero bothered ako kay Ms. D na nagpalipat-lipat ang tingin sa amin.“You two know each other?” tanong niya, kilay nakataas, tinapik pa ang tuhod ni Bart na para bang sinisita ito. Pinipilit tumingin sa kanya.“Yes,” agad na sagot ni Bart. Malambing, pero pabulong. “We do.” Hindi siya tumigil doon; nanatili ang mga mata niya sa akin, malagkit, parang nang-aakit.Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. Doon ko binuntong ang inis ko. Pinilit kong maging propesyonal. “Opo,” sagot ko, madiin, pero magalang. “I used to be Sir Bart’s secretary.” Sinadyang diniinan ko ang salitang secretary.Kumipot ang mga mata ni Bart, parang diskontento sa naging sagot ko. Pero hindi na siya nagsal
Matamlay akong pumasok sa opisina. Mabigat ang hakbang, parang may nakasabit sa balikat ko na hindi ko matanggal. Nakakainis. Dapat sana masaya ako ngayon. Nakita ko ulit si Jyrone kahapon pagkatapos ng halos isang buwan. Pero imbes na ligaya, guilt ang bumalot sa akin.Kahit pilit na siyang ngumingiti, hindi pa rin nabura ang tension sa pagitan namin. Hinatid ko siya sa hotel kung saan siya mag-stay, at sa byahe, nag-sorry pa siya. Sinabi niya, baka raw nakukulitan na ako sa kanya. At oo, ang kulit nga niya, pero hindi naman ako naiinis. Naiintindihan ko siya. Ang totoo, ako ang may kasalanan. Para akong paasa. Hinahayaan ko siyang suyuin ako, ligawan ako—pero hindi ko naman kayang suklian."I’ll wait. Even if it takes forever, I’ll wait. Because no one makes me feel the way you do, Anessa." Iyon ang iniwan niyang salita bago siya bumaba. Hanggang ngayon ay parang echo na paulit-ulit sa isip ko.Bakit ba gano’n siya? Ilang beses ko na siyang pinakiusapan. Tumigil ka na, Jyrone. Tam
Paglabas ko ng building, ramdam ko agad ang maalinsangan na hangin. Pero hindi ko na iyon pinansin. Bumungad kasi si Jyrone. Nakangiti. Mas mainit pa sa maalinsangan na panahon ang tingin sa akin. May bitbit siyang bouquet ng puting lilies—alam niyang paborito ko ang lilies, kaya iyon ang lagi niyang binibigay sa akin.Lumapit siya. “Para sa napakagandang babae na kilala ko,” sabi niya, sabay abot ng bulaklak. Pero bago pa ako makakilos—makapagsalita, dumampi ang kanyang labi sa pisngi ko.Nanigas ako. Nanlaki ang mga mata, pero hindi na ako nagreklamo. Hindi ko rin siya tinabig nang yakapin niya ako.Tinapik ko ang likod niya. Agad naman siyang bumitiw. Ngiting-ngiti na muling inabot sa akin ang bulaklak.Tinanggap ko at ngumiti nang pilit. Kunwari, hindi ako apektado sa halik at yakap niya.“Salamat, Jyrone,” mahina kong sabi.Mas lalo siyang napangiti. Lumiwanag ang mukha, kumislap pa ang mga mata. Parang may nabuhay sa loob niya.“Anong oras ka dumating?” tanong ko, para pagtakpan