Parang isang kisap-mata, agad naglaho ang emosyong sumilip sa mata ni Bart kanina—'yong emosyon na saglit nagbigay-buhay sa puso ko.
Pero nang bumaba ang tingin nito sa hawak kong folder, naintindihan ko agad. Hindi iyon emosyon. Curious lang ito sa dokumentong dala ng intern.Inabot ko ang folder. “File from Sales Marketing, sir,” mahinahon kong sabi, pinilit pinapanatili ang propesyonal na tono. Tinanggap ni Bart ang folder. Walang tanong. Wala ring pasasalamat. Tumingin lang ito kay Gabriel, na tahimik pa ring nakatayo sa likuran ko. “Anything else, sir?” tanong ko. Hindi ito sumagot. Tumalikod lang at diretsong pumasok sa opisina. Napatitig na lang ako sa likod niya na deretsong naglakad sa table niya at binagsak ang folder.Hindi ko maiwasan na mapakunot noo. Ang hirap talaga pakisamahan ang taong malamig na nga, bugnutin pa.
Isang mahinang ubo ang pumunit sa katahimikan. Napalingon ako. Si Gabriel. Nakatitig din sa opisina ni Bart, halatang kabado. Hawak pa ang dibdib, at maikailang ulit na bumuga ng hangin. “Akala ko po, malilintikan ako…” bulong nito, sabay kamot sa ulo. Napangiwi ako. “Bakit mo naman naisip 'yon?” “Kanina kasi… nakita niyang hawak ko ang kamay mo… parang galit ‘e,” sagot nito, ininguso pa ang direksyon ng opisina ni Bart. Natawa ako. Napailing. “Gano’n talaga ’yon. Parang laging galit. Kung gusto mong matapos ang internship mo, masanay ka na.” Pabulong kong tugon. Napangiti si Gabriel. “Sabi na ‘e, hindi totoo ang sabi-sabi…” “Sabi-sabing suplada ako, pero malandi?” sabat ko. Ginawa ko na lang biro ang sinabi nito. Napakamot ulit siya sa ulo. Awkward ang ngiti. At hindi na muling nagsalita. Muli akong napangiti. “Alam mo, depende na sa'yo ‘yon kung maniniwala ka agad sa mga sabi-sabi na hindi inaalam ang totoo.” Tumango si Gabriel. “Halata namang sinisiraan ka lang po nila. Ilang beses pa lang kitang nakita, alam ko na agad. Mabait ka.” May kadaldalan rin ang binatang ‘to. Mukhang wala pa yatang balak bumalik sa trabaho. “Sige na, balik ka na sa trabaho bago pa tayo parehong masita at masesante. Oras pa ng trabaho, hindi pa chika hour,” sabi ko. “Sige po… See you, Miss Anessa,” paalam niya, sabay kindat at kaway. Natawa’t gumanti na lang din ako ng kaway—hindi dahil kinilig ako, kundi dahil natuwa akong may isa pang tao na mabait sa akin. Pinaniniwalaan ako, at hindi hinuhusgahan sa kabila ng mga bulong-bulungang naririnig. Nakakagaan sa pakiramdam. Bumalik ako sa mesa. Bumalik din ang katahimikan. Pero ang puso ko, nag-iingay na naman. Malinaw ko pa ring naalala ang akala kong emosyon sa mga mata ni Bart kanina. Pinilig ko ang ulo. Mali nga ‘yon ‘e. Pilit ko itong iwinaksi.Nag-focus na lang ako sa trabaho. Inayos ang mga papeles, sinuri ang schedule sa monitor. Minadali ko na lahat nang matapos na ang araw na ‘to, at nang makahinga na ako.
Habang abala, hindi sadyang napalingon ako sa direksyon ni Bart. Muntik akong maubo. Nahuli ko siya sa akto, nakatayo sa loob ng opisina. Nakatitig sa akin.
Napalinga-linga ako. Sinisipat ang paligid, baka sa iba siya nakatingin, hindi sa akin. Pero wala namang ibang tao.
Muli kong binaling ang tingin sa kanya. Nasa ganoong ayos pa rin siya. Hindi pa rin gumalaw. Hindi rin umiwas ng tingin. Isinuksok lang nito ang kamay sa bulsa.Napakunot ako ng noo. Muling gumuhit na naman ang tanong sa puso ko—ano 'yon? Bakit niya ako tinitigan? Tama ba ang akala ni Gabriel? Galit ba siya? Nagseselos?
Buwiset! Ayaw ko nang ganito ‘e. Pero hindi ko ipagkakaila, isang hibla ng pag-asa na naman ang sumibol sa puso ko, kahit pilit na ko nang pinatay 'to, bumalik pa rin. Nag-iwas ako ng tingin. Nag-focus uli sa ginagawa ko. “Anessa, tama na ang umasa!” sermon ko sa sarili. Wala kasing kadala-dala itong puso ko. Paspasan na ang kilos ko. Pero nahinto nang mag-vibrate ang phone ko. Agad kong dinampot. Si Jenny ang nag-text. May plano nga pala kaming mag-dinner, at maka-unwind na rin. Tamang-tama rin ang text niya. Oras na rin mag-out sa trabaho. Sinimulan ko nang iligpit ang mga gamit ko. Tatayo na sana siya, nang biglang tumunog ang intercom.Awtomatikong napalingon ako sa opisina ni Bart habang pinipindot ang speaker. Nakaupo na siya, pero sa laptop na nakatingin. “Prepare the minutes for the next meeting. Deliver it before you leave.” Napapikit ako. 'Yong tamang paalis na ako, tapos may pahabol pang utos. Ang nakakainis, wala akong karapatang umangal o magreklamo. Tinext ko na lang muna si Jenny. “Wait ka lang, may utos pa si boss.” Agad ko na ring sinimulan ang minutes. Paspasan, pero pulido. Kailangang walang mali. Para hindi mapagalitan. Pagka-print, tumayo ako’t kumatok sa opisina. “Sir, tapos na po 'yong pinagawa n'yo.” Inilapag ko ang minutes sa desk. “May iba pa po ba kayong ipapagawa?” magalang ang tono ko, pero utak ko, nagmumura na. Naiinis. Hindi kasi ako pinansin. Nakayuko lang ito. Nakatutok sa laptop na parang walang narinig. Ang sarap piktusan ‘e! “Kung wala na po, uuwi na po ako.” Bigla itong tumayo. Tiniklop ang laptop. “Sabay na tayo.” Napatigil ako. Kumabog ang dibdib. Umawang pa ang bibig. “Ano po ‘yon, sir? Sabay tayo?” tanong ko, pilit pinapakalma ang sarili. Napangiwi siya. “I mean, sabay tayong mag-out. Hindi sabay umuwi. 'Wag kang mag-assume.” Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Nalunod ang puso ko. Nanigas. “Noted po,” sagot ko—kaswal, walang bakas ng sakit. Pagbalik sa mesa, pinatay ko ang computer. Gigil na parang si Bart ang pinapatay ko. Inayos ko na rin ang gamit ko. Pero nakikiramdam lang kung lumabas na ba si Bart ng opisina. Ayaw kong makasabay siya. Ayon na. Bumukas na ang pinto. Binagalan ko ang kilos. Sinasadyang ilabas ang mga gamit ko sa bag na parang may hinahanap. Ramdam na ko na ang presensya niya sa likuran ko. Pero hindi ako lumingon. Kahit pa nag-iinit na ang batok ko, nagkunwari pa rin akong hindi siya napapansin. Hindi rin ito nagsasalita, pero halatang naghihintay. Hanggang sa marinig ko ang mga hakbang. Nabagot na yata, kaya nagkusa nang umalis. Saka naman ako huminga ng malalim. Sinalansa lahat ng gamit ko sa bag.“Miss Anessa…”
Saktong tapos na ako ay dumating si Gabriel.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko. Gulat. “Sinusundo ka po.” Ngising tugon nito.Napailing ako. Kanina lang kami nagkakilala, pero feeling close na.
“Ready ka na po ba, Miss Anessa? Utos po ni Ate Jen, sunduin ka.” “Ate Jen?” “Pinsan ko po si Ate Jenny.” Ngumiti si Anessa. Kaya naman pala. Nasa dugo nila ang mababait. “Ready na,” sagot ko sabay tayo.Sabay kaming lumakad papunta sa elevator, kasabay ang magaan na usapan. Ewan ko ba, kapag kasama ko ‘to Gabriel, parang nawawala ang bigat na dala-dala ko. Siguro, dahil sa positive aura niya.
Kaya lang, pagdating namin sa elevator, muli namang bumigat ang atmosphere—nandoon pa si Bart. May kausap sa phone. Nakaharap sa elevator. Agad rin itong pumasok nang bumukas.Hindi ko na tuloy alam kung sasabay ba o hindi.
“Miss Anessa, tara na…” Hiwakan ni Gabriel ang kamay ko. Iginiya ako papasok.
Iniwasan kong mapatingin kay Bart. Habang nasa loob kami. Kakaibang katahimikan ang bumabalot. Nag-iinit rin ang batok ko. Para bang may nagsindi ng apoy sa likod ko.
Gusto ko sanang lumingon, pero pinipigilan ko ang sarili. Napalingon lang ako kay Gabriel nang sumagi ang braso nito sa akin. Ngumiti siya. Matamis. Kaya ginantihan ko rin ng kasing tamis. Pagbukas nauna akong lumabas. Pero si Gabriel, lumingon pa. “Goodbye, Sir,” paalam niya. Bahagyang yumuko.Hindi sumagot si Bart.
“Tara na…” Hinila ko na lang siya.
Mabilis ang kada hakbang ko. Pilit namang humahabol si Gabriel.
Gusto ko na kasing makalayo kay Bart.
“Sa wakas!” masiglang salubong sa amin ni Jenny, sabay tapik sa balikat ni Gabriel.
“Let’s go!” yumakap siya sa braso ko. “Saan tayo kakain?” tanong niya. Saglit akong nag-isip. “Anong oras ka uuwi?” Napatigil ako. Nakalimutan ko na rin ang tanong ni Jenny dahil sa isa pang tanong na narinig ko. Boses kasi ‘yon ni Bart. Nag-rumble agad ang isip ko. Sumabay pa ang pagwawala ng puso ko. Ako ba ang tinatanong niya? Dahan-dahan akong lumingon. Hindi sure kung ano ang aasahan. “I’ll wait for you…” Napangiti ako. Mapait. Agad nag-iwas ng tingin. Another false alarm! Damn it! May kausap si Bart sa phone. ‘Yon ang tinatanong niya. ‘Yon ang gusto niyang makasama. Hindi ako. “Tara na, Anessa.” Hinila ako nina Jenny at Gabriel palabas ng gusali.Nang makalabas kami, saka lang ako muling nakahinga. Saka lang kumalma ang puso kong walang kadala-dala. Umaasa pa rin kahit wala nang pag-asa sa aming dalawa.
Sikreto kong kinurot ang sarili. “Anessa, hanggang kailan ka ba magpapaloko sa sariling damdamin?” “Kailan mo ba matatanggap na hindi ka mahal ni Bart?” Hindi ka niya magugustuhan. Kahit pa yata mawala ka sa buhay niya, walang mababago. Patuloy pa ring iikot ang mundo niya.Hello sa mga sisilip, sa mga patuloy na magbabasa at sasama sa journey nina Anessa at BArt hanggang wakas. Sana magustuhan n'yo ang bawat pahina ng buhay nila...SAlamat!
Diretso ang takbo ng kotse, halos hindi ko na naririnig ang ugong ng makina. Tanging hikbi lang ni Anessa ang pumupuno sa loob. Hanggang tumunog bigla ang phone niya, pero hindi niya iyon pinansin. Hindi sinagot. Parang wala siyang naririnig—tuloy-tuloy lang sa pag-iyak, walang humpay ang pagpatak ng luha.Inabot ko ang kamay niya, pinisil ko iyon nang mahigpit. At wala lang sa kanya. Hinayaan niya ako. Para bang nasa ibang mundo siya.Sa loob ng anim na buwan na hindi ko siya kasama, hindi ko siya pinababayaan. Kapag may oras, sinusundan ko siya. Tinatanaw mula sa malayo. Tinuruan ko ang sarili kong kumain ng mga simpleng pagkain sa karinderya, sa mga kainan na lagi niyang pinupuntahan. At kung busy naman ako, walang time na sundan siya, sinisiguro kong may ibang tao na magbabantay sa kanya. Bukod do’n, ako rin ang nag-recommend kay Anessa sa kumpanya ni Dionne. Ako ang humiling na siya ang gawing personal assistant nito. Syempre para may paraan ako na makalapit muli sa kanya. At par
Hahakbang na sana ako palapit—handa nang agawin si Anessa mula kay Jyrone—pero biglang napabulalas si Dionne.“Oh my God!” Napatakip pa siya sa bibig. Gulat na gulat na malamang si Jyrone ang date ni Anessa.Oo, alam niya ang tungkol sa amin ni Anessa, pero hindi niya alam na pumapasok si Jyrone sa eksena. Nilingon niya ako, sunod si Anessa, at huli si Jyrone. Tinitigan niya ito ng matagal. Parang ang tingin niya, humihingi ng paliwanag.Pero si Jyrone? Wala man lang pakialam. Ngumiti pa siya ng matamis kay Anessa, saka tinanong, “Do you want to transfer to another place?”Napailing si Dionne. Hindi hinayaang makasagot si Anessa. “Why would you leave? Nandito na tayo. Sama-sama na tayong kumain.”Aangal pa sana si Jyrone pero hinatak na niya si Anessa, ginabayan paupo.Nagkatinginan naman kami ni Jyrone—gigil, matalim. Parang tahimik na laban ang nagaganap sa pagitan namin. Si Dionne naman, walang pakialam sa amin. Kaya umupo na lang ako sa harap niya. Nauna na kasing umupo si Jyrone s
Pagkapreno ng kotse, agad akong bumaba. Pero napabuntong-hininga nang makita ang mataas na hagdan na gusto ko nang akyatin agad. Habang iniisip kong maaaring magkasama na sina Anessa at Jyrone, sumisikip ang dibdib ko, parang namanhid ang kamay ko na kanina pa nakakuyom.“Bart! Wait for me!” boses ni Dionne mula sa likod. Rinig ko ang tunog ng takong niyang dumadagundong sa sahig ng parking area.Napapikit ako at napabuntong-hininga ng malalim. Asar akong tumigil, humarap sa kaniya, at iniabot ang kamay ko.“This is why I told you not to wear those heels,” sermon ko habang inaakay siya. “Hindi ka na naman bago rito, alam mong mataas ang hagdan sa pupuntahan natin, pero nagsuot ka pa rin ng ganyan.”Inirapan lang niya ako. Walang sagot, pero ramdam ko ang higpit ng pagkakakapit niya sa braso ko, parang sinadyang ibaon ang mga kuko sa balat ko. Napailing na lang ako. Inip na sinabayan ang mabagal niyang hakbang. Hanggang sa makarating kami sa tuktok ng canopy grill.Pareho kaming kapos
BART Pagkapasok ko sa hotel room, dumiretso agad ako sa sofa. Hindi mawala-wala ang ngiti ko. Masaya akong muling makita si Anessa—sa malapitan. Ang gaan sa pakiramdam na makausap siya, kahit magaspang ang trato niya sa akin, okay lang. Napahawak ako sa dibdib ko, hinaplos-haplos ko ito, pinakikiramdaman ang kabog ng puso ko. Kaya lang… napabangon ako. ‘Yong masayang kabog ng dibdib ko kanina, napalitan ng inis. Bigla kong naalala ang tawag sa kanya kanina. Hindi man niya sinabi kung sino iyon, pero sigurado akong si Jyrone ‘yon. Napabuntong-hininga ako, saka pabagsak na humiga ulit sa sofa. Pumikit ako nang mariin. Paulit-ulit kong pinilig ang ulo. Magkikita sila ngayong gabi. Sila lang dalawa. Anessa… at si Jyrone. Ang isipin pa lang ‘yon ay parang may humahapit sa dibdib ko. Nakakagalit. Nakakapanghina. Paano ko sila mapipigilan? Muli akong bumangon, nagpalakad-lakad, at saka napaupo ulit. Tinampal-tampal ang noo ko. “Anessa…” Paulit-ulit kong sinambit ang pangalan niya. Sana m
Tumunog ang phone ko sa gitna ng nakaka-ilang na titigan namin ni Bart. Para akong natauhan. Agad ko itong sinagot, hindi man lang tiningnan kung sino ang tumatawag.“Hello?”“Anessa, it’s me.” Si Jyrone. Nag-init ang tainga ko. Napatingin ulit sa name ng caller, saka muling nilapat sa tainga ko.“Napatawag ka?” Iniiwasan kong mapatingin kay Bart.“I’ll be flying back to Manila tomorrow. Can we meet tonight before I leave?”Tumango-tango ako na para bang nakikita niya ako. “Yes. Mamaya, let’s meet.”“Good. I’ll message you the time and place.” Malumanay ang tono niya, pero bakas ang tuwa. “Take care, Anessa.”Pagkababa ng tawag, hindi sadyang mapatingin ako kay Bart. Parang nakakaubos ng hangin sa baga tingin niya. Tahimik nga siya, kilay niya salubong naman. Mata nanliliit na parang nagseselos sa kausap ko. Nilagay ko ulit sa bag ko ang phone. Tinuro naman niya ang plate ko, “finish your meal.” Umawang ang labi ko. Sasabihin sanang busog na ako pero umasim ang ekspresyon niya. Paran
Inis akong kumilos. Papasok na sana ako sa backseat nang tumikhim si Bart. Napalingon ako.“Are you making me your driver?”Napapikit ako sandali, pigil ang hininga, saka dahan-dahang isinara ang pinto at lumipat sa harap. Naninigas ang panga ko sa inis. Pinigil ko ang sarili kong ‘wag sumabog sa galit. Pagpasok ko, agad niyang pinaandar ang makina.“Where to?” tanong niya na parang walang nangyari.Grabe. Parang sinusubok niya ang pasensya ko.“Ako na lang sana ang nag-drive, Sir Bart—hindi ka sana tanong ng tanong,” sagot ko, pilit pinapakalma ang tono ko.Tiningnan niya ako nang matalim. Para akong natusta sa tingin na ’yon, kaya wala akong nagawa kundi ituro ang daan.“Straight lang.”Ngumisi pa siya bago pinaandar ang sasakyan. Ako naman, mahigpit ang hawak sa seatbelt, pilit iniiwas ang tingin habang siya naman ay sumisipol-sipol lang. Nakuyom ko na naman ang kamay; naninigas na ang mga daliri ko. Parang mauubos na rin ang hangin sa baga ko dahil sa pagpipigil.“Saan na tayo pu