Share

Kabanata 25

"ANO’NG MERON?" Takang tanong ko sa mga nagkukumpulang mga babae sa quadrangle ng Damryeong. Ang mga babae kasing nasa likurang parte ng kumpulan ay panay ang tingkayad para lang masilip ang kung sinomang naroon.

"May mga lalaki raw galing sa Jeoseong. May hinahanap na babae rito sa school." sagot sa akin ng babae mula sa tourism department—nalaman ko dahil sa unipormeng suot niya.

Kaagad akong kinabahan. Bakit naman pupunta rito sa Jeoseong ang mga iyon?

"Uy, mare!" Pabulong na parang pasigaw na pagtawag sa akin ni Gwen.

"Bakit?" Takang tanong ko. "Bakit parang nagpapanic 'yang hitsura mo, may problema ba?"

"Halika, bilis!" Hinawakan niya ako sa braso at dali-daling hinila palayo sa senaryong 'yon.

"Bakit ba? Kinakabahan naman ako sa’yo."

"Ikaw ‘yong hinahanap no’ng mga lalaki roon sa labas. Natatandaan mo ‘yong lalaking kasama mo hanggang sa paglabas ng school na 'yon? Naroon siya." mabilis niyang paliwanag sa akin.

Base sa emosyong rumerehistro sa mukha niya, halatang hindi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status