Share

Chapter 11: Aftermath

NAPATINGIN si Ruru sa kanyang cellphone matapos na maibaba ni Ysabella ang tawag nito dahilan para mapakuyom siya ng kanyang kamay nang napakahigpit.

“Sino ang kausap mo?” malakas na tanong ng kanyang ama na mabilis inagaw ang cellphone na hawak ni Ruru.

“Give it back to me, Dad!” saad ni Ruru na akmang babawiin ang kanyang cellphone sa kanyang ama ngunit mabilis naman nitong inilayo sa kanya ito.

Tinignan ni Rodolfo ang cellphone ni Ruru at nakita nito ang pangalan ni Ysabella sa call history ng kanyang anak dahilan para ihagis nito ang cellphone sa dingding at mabasag. Galit na ibinaling nito ang tingin kay Ruru at isang malakas na sampal ang ibinigay nito sa kanyang anak.

“Istupido! Ako ba talaga'y ginagalit mo?” galit na tanong ni Rodolfo sa kanyang anak na may panlilisik sa mga mata nito.

“Dad, Bella needs my help,” wika ni Ruru.

“Nababaliw ka na ba? Gusto mo bang sirain na ng tuluya

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status