Share

Chapter 46: Manipulation

CONRAD MANILA HOTEL, 2100H,

Elegante at agaw atensyon ang naging pagpasok ni Axel sa lobby ng hotel. Lahat ng babaeng staff ng hotel ay hindi nagawang pigilan ang kanilang sarili na sundan ng tingin si Axel dahil sa kakaibang karisma na taglay nito kahit na hindi ito magsalita ay sapat na para tunawin ang mga panty ng mga babaeng nakatingin sa kanya. Ngunit sa kabila ng atensyon niyang nakukuha ay hindi niya ito pinagtuunan ng pansin dahil hindi para sa kanila kung bakit siya narito.

Agad na pumunta si Axel sa balcony area ng hotel kung saan sila magkikita ni Miguel. Ilang hakbang pa ang kanyang ginawa at narating niya din ang balcony ng hotel kung saan naroon si Miguel at pinagmamasdan ang malawak na seaside ng Boulevard Coral Way at kung saan tanaw din ang MOA habang iniinom nito ang paboritong Cabernet Sauvignon.

“Mr. Marco,” tawag ni Axel kay Miguel para kunin ang atensyon nito.

Agad naman itong napalingon sa kinatatayuan ni Axel.

&

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status