Chess lang naman ang lalaruin namin, wala naman sigurong kakaibang mangyayari? Hindi naman siya kakainin ni Hector. Kumatok si Farrah sa pinto ng kwarto ni Hector. Malamig at malalim na tinig ni Hector ang narinig, "Pasok ka na." Matapos buksan ni Farrah ang pintuan, ay lumakad na siya papasok. Sinalubong siya ng mabangong amoy ng cologne ng binata. Nagustuhan niya ang amoy na iyon. May pagkametikuloso si Hector. Umupo sa kahoy na upuan si Hector sa harap ng chessboard na nakaayos na. May tsaa na ring nakahanda sa kaniyang tabi. He took a sip in his cup. Umuusok iyon sa paghinga niya. Dahil room ay mas nabigyan ng emphasize ang kakisigan niya. "Inom ka nitong tsaa, bagong gawa lang ito ng taga brew sa bahay. Subukan mo." "Okay." Hindi na nagpanggap pa si Farrah. Kinuha ang tea cup at sumimsim. "Masarap ang pagkakagawa nito, gusto ito." Tumaas ang kilay ni Hector at sa palarong tono ay nagtanong. "Do you know this tea's flavor
Sumulyap si Farrah kay Hector at pumayag sa suhestiyon nito. Maaga pa naman. Na miss ko lang ulit gumawa ng tsaa." Nag-umpisa na siya sa paggawa ng tsaa. Halatang halata sa mga kilid b dalaga ang pagiging eksperto sa bagay na iyon. Para siyang pintor na nagtitimpla ng mga kulay sa paghahalo. Nakatitig lang si Hector sa ginagawa ni Farrah. Para itong isang diwata na nagliliwanag havang abala sa ginagawa. "Tikman mo ito." Inabot ni Farrah ang nagawang tsaa kay Hector. Doon bigla nawala si Hector sa pagkatulala, masyado siyang naaliw sa panonood ng kilos ni Farrah habang gumagawa ng tsaa. Tumikhim siya para alisin ang bara sa lalamunan, bago niya hinigop ang tsaa, para hindi mahalata ang pagkatulala niya kani-kanina lang. Halos manlaki ang mga mata ng binata noong matikman ang ginawa ni Farrah. "Kamusta?" Tanong ni Farrah. "Excellent!" Puno nang paghanga na tumitig si Hector kay Farrah. Hindi niya akalaing masarap ang magagawa
Moist at parang namumulaklak sa paningin ni Hector ang mga labi ni Farrah, hindi niya maiwasan ang mag-imagine kung ano ang pakiramdam niyon sa mga labi niya. Hindi namalayan ni Hector qng paggalaw ng kaniyang adam's apple. Sa mga oras na iyon, ay bumukas ang mga mata ni Farrah. Nagtagpo ang dalawang pares ng mga mata. Nag-iba ang atmosphere sa paligid. Nagpatuloy si Hector sa unti-unting paglapit, para itong nahihipnotismo sa dalaga. Masyado na silang malapit sa isa't isa, gahibla na lang rin ang pagitan ng kanilang mga tungki. Halos rinig na nila ang paghinga ng bawat isa. Masyado na silang nababaloy ng mahika sa paligid. "Anong ginagawa mo?" Biglang parang natauhan si Farrah, at napaatras sa pagkakaupo. Alertong tinitigan si Hector. Parang napasong napatayo ng maayos si Hector. "Gusto lang kitang gisingin. Kung makakatulog ka rito sa balkonahe baka sipunin ka." Masuring tinitignan ni Farrah ang lalaki. Hindi
Bumukas ang pintuan ng banyo ngunit wala namang tao roon. Nangunot ang noo ni Hector. Sigurado siyang may boses ng lalaki siyang narinig rito. O baka naman namali lang siya ng dinig? "Hindi na pala ako gagamit ng banyo, ayos na ang tiyan ko. Sige na, matulog ka na." Biglang nagbago ng isip si Hector. "Okay, please close the door when you go out." Kalmadong bilin ni Farrah, hindi niya pinahalata na may kakaiba. "Okay." Pagkalabas na pagkalabas ni Hector ay mabilis na tumakbo si Farrah papunta sa banyo. Nasaan na kaya iyon? Masyadong maliit ang bintana roon para makalabas ang tao. "Woah!" Biglang tumalon mula sa kisame si Luis. "Muntik na iyon ah. Kung hindi ako nagmadaling umakyat, baka nahuli tayo." "Sinuwerte ka lang. Mag-ingat ka na kasi sa susunod." Pagkasabi ni Farrah noon ay minadali niya na itong umalis. "Okay, umalis ka na. Huwag ka nang pupunta rito sa kwarto ko kung hindi naman importante!" "Okay, t
Sa lahat ng exams na tinetake ni Farrah, laging zero ang scores niya. Ang masaklap pa pag binigyan sya ng minus points. Nagiging negative pa ang scores niya. Kapag usapang grades na. Doon na napupuno itong si Juanito. "Para na lang po sa akin, huwag na po kayong magalit kay Farrah, please? Ilang araw na kasing hindi umuuwi sa atin si Farrah, mag-isa lang siya. Kaya kawawa naman siya. Kababalik lang po niya tapos papagalitan niya pa siya. Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao?" Madramang salaysay ni Quina. Nag-umpisa na ring tumulo ang luha niya. Nakaramdam ng habag si Juanito kaya binaba niya ang hawak na pampagpag ng alikabok. "Masyado kang mabait kay Farrah, sa tuwing may ginagawa siya ay ikaw pa ang nagtatanggol, ikaw pa ang nagmamakaawa para sa kaniya. Kailan ka naman niya na-appreciate sa mga efforts mo?" Sabad ni Francia. "Ganoon talaga kapag pamilya. Kapatid ko siya, nilang nakakabatang kapatid kailangan kong protektahan ang ate k
Bago pa man matapos ni Francia sa sinasabi ay napahinto na ito dahil sa matalas na mga totog ni Farrah. Nakaramdam talag siuys ng takot. Sobrang irita na si Farrah, pero bigla siya naging malamig at tahimik. "Diyan po kayo magaling, sa pagsasalita. Ewan ko ba. Pakiramdam ko ay hindi ko kayo ina, mukhang kaaway kita." Medyo napahiya si Francia sa sinabi ng anak. Kahit naman hindi nila gusto ang ugali ni Farrah, siya pa rin naman ay sariling laman at dugo nila. Nakakahiya man iyong ipagmalaki. Hindi talaga balak ni Francia ang humingi ng tawad, pero napipilitang sinabi niya. "Huwag ka nang mainis, Farrah. Nag-aaalala lang ako bilang ina mo. Aminin mo sa akin ang totoo, saan ba nanggaling ang perang ito?" "Kinita ko iyan." Wala na sa mood si Farrah paranpa makipag-usap, kaya tumayo na siya para umalis. "Aalis na ako. Kailangan ko pa maghanda para sa college entrance exam ko bukas." Wala nang nagawa si Francia kung hindi ang bumuntong
Habang pinag-uusapan si Farrah ay nauna ang dalawang itong makarating sa maindoor ng mga Hontiveros. Nasa may hindi kalayuan nila si Farrah. Sa loob ng mansiyon ay hindi mapakali si Aries Go, habang nag-aantay. "Wala pa ba iyong kainigan mong gumagawa ng tsaa?" Saktong napabaling si Hectoe sa pinto at napansin ang papalapit na si Farrah. Parang nanginang ang mga mata niya nang makita ang babae. "She's already here." Tumayo si Aries at tumingin sa pintuan, na-excite na siyang mameet ang babae. "Ikaw?!" Pagkapasok pa lang ni Lori sa living room ay nakita niya na ang excitement ni Mr. Go. Napaisip siya kung may ideya ito na, mas magaling na siya ngayon kaysa last year. Na-excite kaya ito na nakita siya? Isang matamis na ngiti ang binigay niya at mag-uumpisa na sanang magpakilala noong papalapit ito sa kaniya. Pero nilagpasan siya nito at si Farrah ang nilapitan. "Ikaw ba talaga iyan! Master Farrah! Actually
"Kalimutan niyo na po ang offer na iyan. Masyado po iyang complicated for me." Medyo nadisappoint ang principal sa sinagot ni Farrah. "Okay tapos na ang usapan natin." Natigilan si Farrah sa narinig sa matanda. "Pero may ididiscuss po akong importanteng bagay sa inyo." "Nagbago ba ang isip mo, hija?" "Hindi po." "Okay end the call, then." Hindi muli nakakibo si Farrah. Kahit hindi interesado ang matanda sasabihin ni Farrah ay hindi naman ito nagbababa ng tawag. "Ano ba iyon?" "May suggestion lang po sana ako. Huwag po sana ninyo bigyan ng chance ang mga bumagsak na anak ng mga mayayaman sa mga susunod na pagkakataon. Dahil nakakasira iyon ng reputasyon ng school na ito." Naalala niya kasi ang nasabi noon ni Stephen na dahil professor roon ang lolo niya ay kaya nitong gawan ng paraan na makapasok ang kahit sino. Ganoon rin ang sinabi ni Hector sa kaniya
Nagbeep ang phone ni Stephen kaya mabilis niya iyong kinuha. At manghang mangha siya sa nakita. "Yes! Yes! She accepted my request! Scholar T, added me!" Sumulyap si Hector kay Stephen bago sumilip sa phone nito, totoong in-accept ang request nito. "Anong nilagay mo nung nagrequest ka?" "Sinabi ko sa message ko na ako si Stephen at close friend mo ako, tapos ayon accepted ang request ko! Diba! Iba talaga ang charms ko!" Sobrang lakas ng tawa ni Stephe na halos nakanganga siya ng matagal. Hindi pa rin makapaniwala si Hector. Pakiramdam nita ay mayroong mali. "Baka nagkamali lang talaga siya ng pindot." Komento ni Hector. "Ganyan lang ba kababa ang tingin mo sa akin?" Malungkot na tanong ni Stephen. "Kung hindi ka naniniwala sa akin, imessage mo na ngayon. Sa tingin mo ba rereplyan ka?" Nagdadalawang isip si Stephen kung susundin ang subestiyon ni Hector, at baka iunfriend siya ni Scholar T pagkasasend nita ng message. Kitang kita ni Hector sa itsura ng mukha ni Stephr
Nagmamadali si Xean na humakbang para maabutan si Farrah, mabilis niyang hinatak sa balikat ang dalaga. Galit na humarap si Farrah at hinabloy ang kamay ng binata sa balikat niya at binalibag ito, tumama ito sa isang lamesa at bumagsak sa sahig pati ang lamesa. "Aww." Malakas na sigaw ni Xean. Parang diring diri na pinagpag ni Farrah ang balikat niya na animo basura ang humawak doon kani-kanina lang. Sa huli, walang sulyap sulyap kay siya na lumabas siya ng cafe at umalis. Wala pang isang minuto ng makaalis si Farrah ay sumungaw ito mula sa isang sulok. Noong mga oras na iyon, ay malamig ang mga titig na pinupukol ni Sheena sa papaalis na si Farrah. Kung hindi pala siya sumunod sa lugar na iyon ay hindi niya pa niya malalaman na may gusto ang boyfriend niya kay Farrah. At gusto pa talaga niyang pakasalan ang dalaga. Si Xean ay mula sa mayamang pamilya na gusto niyang mapangasawa, kaya hindi siya papayag na agawin na lang ito sa kanya ni Farrah. Sa isiping iyon ay mabil
Kabado ang buong klase kaya gumawa sila ng private na meeting at hindi kasama si Farrah. "Anong gagawin natin? Paano kubg totoohin ni Farrah ang pustahan. Wala na tayong mukhang ihaharap sa mga tao." "Hindi ba sobrang sama ni Farrah?" "Walang puso iyang si Farrah, 'yan ang sinasabi ko inyo. Si Farrah lang ang wala sa grupong iyon. At ang rason kung bakit tahimik ang lahat ay dahil nag-iba ang takbo ng usapan. Sa kabilang banda, alam ni Farrah na pinag-uusapan na siya ng hindi maganda ng mga kaklase sa likod niya. Sa huli, nakaisip ang lahat ng maaaring gawing solusyon. "Pres Sheena, patulong kaya tayo sa boyfriend mong si Xean? Baka masolve niya ang problema natin." Samo't saring reaksyon ang lahat. Napaisip rin si Sheena sa isinuhestyon ng kaniyang kaklase, kaya mabilis niyang kinuha niya ang phone at tinawagan ang boyfriend. "Honey, baka puwede mo akong bigyan ng pabor." Noong sumunod na araw, pumunta si Farrah sa lugar kung saan sinabi ni Sheena na makikipagki
【Nabalitaan kong ikaw ang top scorer sa college entrance exam?】 Mukhang nakabalita ito. [Hmm] Simpleng sagot ni Farrah. 【Congratulations!】 [Salamat.] Tipid na sagot ni Farrah. 【Anong gusto mong kainin for dinner? My treat as celebration.】 [May celebration kasi kami ng ng mga magulang ko mamaya, kaya hindi pa ako makakauwi.] Nangunot ang noo ni Hector. Sa mga oras natin iyon, ay nagsalita si Stephen. "Isang buwan lang ang usapan niyo, at sampung araw na ang lumipas. Bawat araw na natitira ay mahalaga! Hector, sabihan mo si Farrah, na kailangan niyang bumawi sa mga araw na wala siya rito kapag dumating siya." "Parang hindi naman iyon tama?" Malungkot na sagot ni Hector, halata ang lungkot sa kaniyang mga mata. "May mali ba? Nahihiya ka ba? Ano ba? Bakit kailangan mo mahiya para sa mapapangasa mo?" Sa sinabing iyon ni Stephen nakita niya na mabilis na nagtype ng message si Hector at sinend iyon agad. Sumilip siya at biglang napangiti sa nabasa. Ang mensaheng pinadala ni
Sa mga oras na iyon, nagbago ang mga mukha ng lahat ng naroroon, hindi na sila sigurado sa mga nangyayari. Ang iba ay nadidismaya at hundi na nakapaniwala. Sa nakikitang reaksyon nibQuina ay lalo siyang naging balisa at umiyak ng ubod ng lakas. Para siyang batang umaatungal. "Faith, paano mo nasasbi 'yan? Nag-aaalala lang ako sa grades na makukuha ng kapatid ko. Isa pa, nakita ko lang naman ang admission ticket niya nh hindi sinasadya noong isang araw..." patuloy pa rin sa pag-iyak ang dalaga. "Ganun lang? Aksidente mo lang na nakita tapos kinuhanan mo pa ng picture gamit ang phone mo. Anong intensyon mo?" Tanong ni Faith. "Ah-ah Faith, you disappoint me so much. Pinagkatiwalaan pa naman kita kaya ko sinabi 'yan sa 'yo. Pero may lihim kang galit sa amin dahil kina Papa ipinamahala ang family business nina Lolo at Lola. Gusto mo silang mapahiya dahil umaasa ka pa rin na kayo ang mamamahala roon. Kaya nagpumilit kang idisplay ang resulta sa lahat.""The heck! Quina, may hiya ka pa b
"Farrah, anak, napakahirap ng entrance exam, tapos hindi ka pa namin naasikaso masyado. Anong gusto mong kainin? Ipagluluto kita," puno ng galak na sabi ni Francia. Masamang tingin ang ipinukol ni Quina kay Farrah. Hindi lang ang kaniyang mga magulang na sina Juanito at Francia ang nagbago ang pakikitungo kay Farrah, magingsi Caius ay nag-iba ang tingin kay Farrah. Hindi ito maaari, kailangang may gawin siya. "Congrats, sis! Kahit sa paanong paraan ka pa nakapasa, nakapasa ka pa rin. Kaya mag-celebrate tayo. Bilang reward, papipiliin kita sa mga alahas ko. Sa'yo na ang magugustuhan mo." "Ah, napaka-thoughful mo naman Nana!" Masayang bumaling ang mag-asawa sa anak na si Quina. Sumulyap si Farrah kay Quina. Mas matalino siya rito ngunit mas mabilis itong mag-isip ng paraan upang magpapansin at magbida bida. Kaunting, salita lang nito ay naagaw nito ang atensyon ng lahat sa kaniya. "Oo nga, masyado siyang thoughful kaya nga sinabi niyang fake ang painting kahit hindi naman.
02042025 Farrah Torres 750 points! Perfect Score! Top scorer in the 2025 college entrance examination in the City! Kinagulat ng lahat ng naroroon ang nakita sa malaking screen. Halos hindi makagalaw ang naroroon sa matinding pagkagulat. Sa mga oras na iyon, kahit ang maliit na papel sa na mahulog sa sahig ay maririnig. "Hala, hindi- hindi siguro ito totoo. Baka nagkamali ako ng nabuksan, sa ibang tao siguro ang resulta nito." Nanginginig ang boses nito, habang nakatitig sa pangalan sa malaking screen. Farrah Torres Iyon talaga ang nakasulat roon. Baka may kapareho ng pangalan? Kinalimutan na ni Faith ang maling spelling na naiiisip niya dahil imposibleng magkamali ang ibinigay ni Quina sa kaniya na admission ticket. Siguradong ang walang kwentang si Farrah talaga ang nasa results. Nagbabaga ang mga mata ni Quina habang ang kamay nito ay hinihila na ang damit ni Faith. Hindi ito maaari... anong basehan? Paanong si Farrah ay napakahusay sa exam? Wala naman talaga s
"Oo nga, noong nakita ko ito sa tingin ko ay totoo ito. Pero sabi ni Quina hindi raw iyon totoo. Doon ko napagtanto na paano magiging totoo iyon. Paano magkakaroon ng kopya noon si Farrah kung hindi sila magkakilala ni Mez Sanchez? So naisip kong baka nga may punto si Quina!" Komento ng isa. "Sa tingin ko rin. Kasalanan talaga iyo ni Quina. Kung hindi niya di niya sinabi iyon, malamang ay hindi ito pinunit ni Gng. Torres. Milyon ang halaga ng painting na iyon! Pero nasira lang ng ganoon." Sabad rin ng isa pa. "Hindi ito usapin ng halagang perang katumbas ng painting na iyon. Pero walang katumbas na halaga ang gawa ni Mr. Sanchez at mahirap makakuha ng mga gawa niya. Maraming mayayaman o kilalang angkan ang nag-aasam magkaroon nito, pero hindi sila basta bastang nakakakuha. Hindi rin basta basta o madali makarequest ng painting sa kaniya. Pero nasira lang ng ganoon." "Shh, huwag kang maingay. Magagalit si Mr. Sanchez kung marinig niya ito. Anong mangyayaris sa mga Torres?" Si Z
Hindi na narinig pa ang sagot nito dahil mabilis na lumapit si Farrah sa matanda. At masayang sumigaw. "Master! Natutunan ko na ang ilang moves na itinuro niyo sa akin noon. Ipapakita ko kapag may oras tayo." "Oo." Sagot ni Mr. Sanchez habang tumatango-tango. Ang lahat ng naroroon ay nagulat! Hindi kaya ang tinutukoy nito ay si Farrah? Hindi ito makatotohanan! Nakatulala si Caius kay Farrah at hindi makapaniwala. Samo't sari ang emosyon nila. Lumapit rin ang matanda kay Farrah at magalang na tumungo. "Master Farrah, it's been a while." "Pasenya na po kayo kung naabala ko kayo noong nakaraan." Magalang na sabi ni Farrah at tumango. "Pinakiusapan ako ng aking apo na si Yukari na tulungan kita para sa regalo mo sa iyong mga lolo at lola. Isang painting lang naman. Kahit sampung painting pa. It's okay with me!" Gulantang ang lahat sa narinig! Si Farrah pala talaga ang tinutukoy kanina pa ni Sonny Sanchez! Matigilan ang lahat! Napatingin ang lahat sa basurahn kon