"It's been more than a month, Vincent. Give up already!" mariing wika ni Diana sa asawa. "Hindi mo siya mahahanap dahil hindi siya nagpapahanap. Hayaan mo na siya."Napahinga nang marahas si Vincent. "She's my daughter for fvck's sake!" aniya. "How could you tell me to just give up?""Can't you see? Sa kakahanap mo sa bastarda mong iyon, nakakalimutan mo nang may isa ka pang anak. At nakakalimutan mo na rin na may asawa ka."Matalim na napatingin si Vincent sa ginang. "Bastarda?" aniya. "Ilang ulit ko na bang sinabi na ayaw ko nang marinig pang tinatawag mong bastarda si Mia?""Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin kayang aminin sa sarili mo na kaya mo lang siya kinilalang anak dahil nagagamit mo siya?" tugon ni Diana. Vincent walked close to her. Mabibigat ang mga hakbang nito. Sa pandinig niya ay dumadagundong ang bawat hakbang nito patungo sa kaniya kaya napaatras siya. Nanlaki ang mga mata niya nang bigla na lamang dakmahin ni Vincent ang kaniyang leeg. Kaagad siyang nahirapang humin
"I'm impressed," wika ni Mia habang inaalalayan siya ni Jacob sa pag-upo. "Kanina mo lang ako niyayang mag-date, pero mukhang prepared na prepared ka." Jacob took her to a fancy restaurant. It was a candlelit dinner. Pagkatapos niyang makaupo ay iniabot sa kaniya ng nobyo ang isang malaking bouquet ng pulang rosas."Because you deserve nothing but the best," tugon ni Jacob. Umupo na rin ito. Hindi nagtagal ay inihain na sa kanila ng waiters ang kanilang dinner. Habang kumakain ay biglang natigilan si Mia. Her shoulders dropped. She freed a deep sigh."What's wrong?" nag-aalalang tanong ni Jacob sa kaniya."Do you really have to go?" tanong niya. Her eyes were filled with worry.Napabuntong-hininga si Jacob. "Napag-usapan na natin 'to kanina, 'di ba?" malambing niyang tugon.Napayuko si Mia. "I know. It's just that I have a bad feeling about it. Pakiramdam ko, hindi ka na babalik sa akin." Nangilid ang kaniyang mga luha."What made you think that?" He's worried about her, but he can't
Three days have passed since Jacob left and went to Canada. Pakiramdam ni Mia ay taon na ang dumaan. Palagi naman siyang tinatawagan ng nobyo katulad ng pangako nito, ngunit lalo lamang siyang nangungulila. Ang sabi ni Jacob ay gagawin nito ang lahat upang matapos ang mga kailangan nitong gawin, ngunit walang nagawa si Mia nang sabihin nito na maaring umabot ito doon ng isang buwan dahil sa unforseen circumstances. Gusto niyang magtampo, ngunit alam niyang hindi rin naman gusto ni Jacob na magtagal doon."Ang mabuti pa siguro ay maghanap ka ng pansamantalang mapaglilibangan habang hinihintay mo si Jacob," wika ni Anita sa kaniya isang araw habang sila ay nag-aagahan."Huwag ho ninyo akong alalaahanin, Lola Anita. Nairaraos ko naman ang bawat araw," tugon ng dalaga. "Nami-miss ko na rin ang apo ko," wika pa ni Anita. Bumagsak ang mga balikat nito. Nilapitan ito ni Mia."Uuwi rin po si Jacob," anang dalaga habang hinahaplos ang likuran ng matanda. Sa huli, siya rin pala ang magko-comfo
"I don't believe you!" Mia found the courage to look straight into Sandra's eyes and say those words. Jacob loves her. There's no way na magagawa nito ang mga sinabi ni Sandra."Of course, you won't believe me," confident na tugon ni Sandra. "That's why I came prepared."Bumilis na naman ang tibok ng puso ni Mia. Akmang may kukunin si Sandra sa dala nitong bag, ngunit pinigilan niya ito. "Wala kang dapat ipakita sa akin. Alam kong gawa-gawa mo lang ang lahat," aniya. "Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin?"Sandra sarcastically smiled. "Wala akong kailangan sa iyo. Ikaw ang may kailangan sa akin. I'm trying to help you here, Mia. Let me," tugon nito."Go," matabang na tugon ni Mia. "And don't ever come back again. Umalis ka na bago pa ako may magawang parehas nating pagsisisihan.""Jacob sent me here to the Philippines to sabotage your company's reputation," wika ni Sandra na binalewala ang pagbabanta ni Mia. "We've known each other since he came to Canada many years ago." Sa puntong
"Ayos ka lang ba, Mia, apo? Sino iyong babae?Ano'ng ginawa niya sa iyo?" nag-aalalang tanong ni Anita kay Mia nang makapasok ito sa malaking bahay.Hindi tumugon si Mia. Kaya naman nag-alala na rin sina Vic. "Kailangan ko bang tumawag ng pulis?" tanong nito."No, Mang Vic," tugon ni Mia. "I'm okay. Huwag kayong mag-alala sa akin. I just... I just need some time alone." Ibinaling niya ang atensiyon kay Anita. Pinilit niyang ngumiti upang hindi ito mag-alala sa kaniya. "Okay lang ho ako, Lola. Bigla lang hong sumama ang pakiramdam ko. Kailangan ko lang hong magpahinga," aniya. Nagbuntong-hininga siya pagkatapos ay nagmadaling umakyat sa kaniyang kwarto. Sa kabila ng assurance na ibinigay niya ay naiwan pa ring nagtataka sina Anita at Vic.Ibinagsak ni Mia ang nanghihinang katawan sa kama. Napatingin siya sa kisame. Dali-daling nag-unahan ang kaniyang mga luha sa pagbagsak. "This is all just a nightmare," wika niya sa sarili. "Everything that Sandra told me was a lie. Mas maliwanag pa
Pagkaakyat na pagkaakyat ni Mia sa kaniyang kwarto ay saktong tumunog ang kaniyang cellphone. This time, she answered it. Dinig na dinig niya ang sigh of relief ni Jacob mula sa kabilang linya. "Buti naman sinagot mo na. Alalang-alala ako sa iyo, mahal," ani Jacob. "What happened? Are you alright?""Yeah," matabang na tugon ni Mia."Parang hindi ka naman sabik na makausap ako. Miss na miss na nga kita, oh!" ani Jacob."Masama lang ang pakiramdam ko. Pasensya ka na.""Nami-miss mo lang siguro ako. Miss na miss na rin kita, eh. Pakiramdam ko magkakasakit ako rito. Gustong-gusto na kitang makita at makasama," ani Jacob. "At dahil miss na miss na kita, at parang hindi ko na kakayanin pang hindi ka makita ng ilang araw pa, uuwi na ako bukas." Puno ng pananabik ang boses niya.Biglang kinabahan si Mia. "Naayos ko na ang lahat ng mga kailangan kong ayusin dito. Uuwi na ako riyan. Maaasikaso ko na ang kasal natin," excited na wika pa ni Jacob. "I can't wait to see you, my love. I miss you so
"Sh*t, girl! One-night-stand na nauwi sa pagmamahalan?" Natakpan ni Bianca ang bibig nang ikuwento ni Mia ang mga nangyari."One-night-stand lang ang totoo ro'n," tugon ni Mia kasabay ng isang buntong-hininga. "Hindi niya ako minahal. Ginamit niya lang ako."Bumagsak ang sulok ng mga labi ni Danica. "Sad," anito. Napabuntong-hininga rin ito. "Pero pa'no kung mahal ka na nga niya talaga? It can happen, you know. Baka nahulog siya sa iyo in the process.""Masyadong malalim ang dahilan sa ginawa niya. I don't believe na natutunan niya akong mahalin kung puno ng puot para sa ama ko ang puso niya. Napakagaling niya lang talagang magpanggap dahil napaniwala niya akong mahal niya ako." Nangilid ang mga luha niya."Ikaw na rin ang nagsabi. Puot sa ama mo, hindi sa iyo. Ayaw mo ba siyang i-confront? Hindi ba mas okay na sa bibig niya mismo manggaling ang totoo? May pinagsamahan naman kayo.""Para ano? Para mas masaktan ako kapag sinabi niyang totoo ang lahat ng sinabi ng Sandra na iyon? O para
Patuloy ang pag-alsa ng dibdib ni Jacob habang nakatayo siya at nakakuyom nang mahigpit ang mga palad. Ni wala siyang maramdamang kaba mula sa babaeng nakatayo ng mga ilang metro mula sa kaniya. Alam niyang alam na nito na naroroon siya. "I know you would come for me. Kanina pa kita hinihintay," wika ng babae. And she faced him."What did you tell her, Sandra?" His jaw clenched.Tumaas ang kilay ni Sandra kasabay ng isang ngiti. "Everything that she has to know," tugon niya. "I'm glad she listened to me. Now, she's free from danger." Muli itong ngumiti.Halos hindi namalayan ni Jacob na mabilis niyang napaikli ang distansya sa pagitan nilang dalawa. The next thing he knew, mahigpit nang hawak ng kamay niya ang leeg ni Sandra. But she didn't even flinch. Her eyes are meeting his. And she isn't blinking. Punung-puno ng determinasyon ang mga matang iyon. "She left me because of what you did!" tiim ang mga bagang na wika niya. Lalong lumapad ang ngiti ni Sandra. He badly wants to twist he