Share

23- Make love to you

Natapos din ang tatlong araw nilang beach vacation at nakauwi na sila sa malaking bahay. Hindi pa nasasabi nila Jacob at Mia ang kanilang relasyon. Gusto nilang surpresahin ang matanda. Kaya naman nag-set ng dinner si Mia. She cooked special dishes na pagsadaluhan nila.

"Ano'ng mayro'n?" tanong ni Anita habang kumakain sila. Nagkatinginan si Jacob at Mia habang nakangiti. Kinuha ni Jacob ang kamay ng dalaga. Nanlaki ang mga mata ni Anita at napanganga siya. "Sinagot mo na ang apo ko?" tanong niya kay Mia.

"Opo, Lola," maikling tugon ni Mia.

Natutop ni Anita ang kaniyang dibdib. "Maraming salamat naman kung gano'n. Hay! Napakasaya ko para sa inyo. Mia, hinding-hindi ka magsisisi sa aking apo. Alam kong mamahalin, aalagaan, at poprotektahan ka niya."

"Naniniwala ho ako sa inyo, Lola. Mamahalin ko rin po si Jacob at aalagaan." Tumingin siya kay Jacob. Hinagkan nito ang kaniyang kamay.

"Oh, bigyan na ninyo ako kaagad ng apo," biglang wika ni Anita.

Natawa ang magkasintahan. "Lola naman!"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status