Nasapo ni Mia ang ulo. Kumikirot iyon. Nang ibukas niya ang kaniyang mga mata, kaagad niyang napansin na naroroon siya sa isang kwartong hindi pamilyar sa kaniya. Nagulat siya nang pumasok sa kwarto si Jacob.
"You're awake," wika ng binata.She pulled the sheets and covered her body when she realized her naked body is slightly exposed. Nagbaba siya ng tingin nang maramdamang nag-init ang magkabila niyang pisngi."Nagsisisi ka ba?" tanong ni Jacob.Umiling siya. "No. I'm just not used to waking up naked," tugon niya."Kinumutan kita kanina bago ako lumabas ng kwarto. Malikot ka siguro kaya naalis." Nagbuntong-hininga ang binata. "Hindi mo naman siguro ako ipapakulong.""Katulad ng sinabi ko kagabi, what happened to us was consensual. Ginusto ko iyon. At salamat dahil pinagbigyan mo ako," kaswal niyang wika."Ginusto ko rin iyon, kaya wala kang dapat ipagpasalamat," tugon ni Jacob.Muli ay nag-init ang magkabilang pisngi ni Mia sa winika ng binata. She did her best to hide it from him. She could barely remember every detail that happened last night because she was drunk. Ngunit hindi niya makalimutan ang pakiramdam...Inilapag ni Jacob sa kama ang mga dalang paper bags na noon lang din napansin ni Mia. "I bought you clothes para makapagpalit ka. Pagkatapos mong magpalit, mag-almusal tayo. Pagkatapos, ihahatid na kita sa inyo.""I have nowhere to go," mabilis na tugon ni Mia. "I mean I don't wanna go home.""You can't stay here.""Then I'll stay somewhere else. Labis-labis na kapag hiniling ko pang hayaan mo akong manatili rito.""I mean you can't stay here because this house is not mine. Sa kaibigan ko ito. Dumaan lang ako rito dahil may mga kailangan akong bilhin bago ako umuwi sa Zambales." Kumunot ang noo ni Mia. "Kadarating ko lang galing sa Canada no'ng isang araw. My friend let me stay here. Mamaya na ang alis ko. Umuwi ako rito sa Pilipinas para kay Lola Anita. She was diagnosed with stage 5 dementia. Gusto ko siyang alagaan. If you want, you can come with me.""Come with you?""Sabi mo ayaw mong umuwi. Pwede kang sumama sa akin. Isipin mo na lang na magbabakasyon ka.""Hindi mo ako responsibilidad," matabang na tugon ni Mia. "Iyong nangyari sa atin kagabi, hanggang doon lang iyon.""I did not expect anything more," tugon ni Jacob.Bahagyang napahiya sa sarili si Mia. She gulped and lowered her head."Nakapunta ka na ba sa Zambales?"Napatingin muli si Mia sa binata. Umiling siya. "I was too busy working. Sa loob ng pitong taon kong pagtatrabaho sa kompanya ng ama ko, ni minsan, hindi ako nakapagbakasyon," tugon niya."See? That's exactly why I'm asking you to come with me," nakangiting wika ni Jacob. "Maliban sa lola ko, I really want to go home to my hometown. Miss na miss ko na ang Zambales. Sigurado akong magi-enjoy ka ro'n. Come with me and leave everything behind temporarily. I promise you won't regret it.""Sounds tempting," tugon ni Mia. Sumilay ang munting ngiti sa labi niya."You look prettier when you smile," wika ni Jacob.Lalong lumapad ang ngiti sa labi ni Mia sa narinig. "Fine! I'll go with you," aniya.Nagningning ang mga mata ni Jacob. Tumango siya. "Get yourself dressed. Pagkatapos, bumaba ka na. Ihahanda ko lang ang almusal natin," aniya.Ngumiti si Mia at tumango.Sa maikling pag-uusap nila, pakiramdam niya nawala ang sakit ng kaniyang ulo. Jacob has this light aura and contagious smile. Kaya hindi niya masisi ang sarili na mabilis siyang nagtiwala rito.She got up to fix herself. She bit the tip of her finger when she saw a small blood stain on the white bed sheet. Dali-dali niyang inalis ang bed sheet at tinupi iyon. Nagtungo siya sa harapan ng salamin upang tingnan ang sarili. She's a total mess! Napabuntong-hininga na lamang siya.She knows by this moment, hinahanap na siya ng ama. Ngunit wala na siyang pakialam. Paninindigan niya ang kaniyang desisyon ano man ang mangyari.For seven years, ginawa niya ang lahat para kay Vincent. She gave him her best. She never disappointed him. Ngunit dahil lang sa isang bagay na ipinaglaban niya, handa nitong kalimutan ang lahat ng pinagsumikapan niya. Kaya napagtanto niyang tama si Natalia, hindi siya mahal ng kaniyang ama. Mahal lang nito ang mga kakayanan at angking-talino niya na nagagamit nito sa pagpapatakbo ng negosyo nito. Tama lang na kusa siyang bumaba sa pwesto.Hindi siya makapaniwalang nakaya niyang talikuran ang lahat ng buong buhay niyang pinaghirapan. Well, it's not worth it anymore. She doesn't care if she has to start from scratch again. Naniniwala siya sa sarili niyang kakayanan. And she assures that they will all regret what they did to her."HAVE YOU SEEN YOUR SISTER?" tanong ni Vincent kay Natalia."No, Dad," tugon ng dalaga. She was enjoying her breakfast, ngunit bigla siyang nawalan ng gana. "Hindi ba siya umuwi?"Umiling si Vincent."Oh!" Lumabi si Natalia. "Why do you look so worried? She's an adult.""We had an argument yesterday. Hindi ko siya dapat pinagtaasan ng boses.""Baka deserve niya rin pagtaasan ng boses," tugon ni Natalia. "Alam ko ang tabas ng dila ni Mia. If I know, binastos ka niya.""I understand her. May ipinaglalaban siya.""And so you're telling me that she's right.""No. Ang sinasabi ko lang, sana hindi ako nagpadalus-dalos. I could have approached her in a better and calmer manner. Baka napapayag ko pa siya sa gusto kong mangyari.""Parang hindi n'yo naman kilala si Mia, Dad. Mas matigas pa sa bato ang mga paninindigan no'n. You know very well na kahit ano'ng sabihin ninyo, wala na kayong magagawa kung ayaw niya talagang humingi ng apology sa Sandra Fletcher na iyon. Mas mahalaga kay Mia ang pride niya kaysa kapakanan ng kompanya. Iyon ang totoo." She sighed. "I told you, this time would come."Umiling si Vincent. "I'm worried about her. Wala siyang dalang kahit ano, kahit kotse niya. I called her friend, Bianca. Hindi pa raw sila nagkakausap.""Nagbuntong-hininga si Natalia. "Hindi na bata si Mia. Matanda na siya para mag-alala kayo nang ganyan. I never remember you worrying about me like that." She rolled her eyes.Hindi na siya pinansin ni Vincent. "I have to find her," wika nito. Nagmamadaling umalis ito sa mansiyon.Mia just rolled her eyes again. Her day is totally ruined."Ba't ganyan ang mukha mo?" tanong ng ina niyang si Diana na kabababa lang."Si Dad kasi hinahanap sa akin ang paborito niyang anak," naiinis niyang tugon."Nagseselos ka na naman," wika ni Diana. She sat beside her. "Normal lang na hanapin niya si Mia.""Hahanapin niya ba ako kung ako ang hindi umuwi?""That's not what I meant. Sanay na kami ng dad mo na hindi ka umuuwi dahil party girl ka, remember? Si Mia, trabaho at bahay lang ang buhay. Kaya normal lang na mag-alala ang dad mo.""Kumakampi ka na ba sa Mia na iyon, Mommy?" She looked at her mom with piercing eyes.Natawa si Diana. "Bakit ko naman kakampihan ang bastarda na iyon?" aniya. "Sinasabi ko lang ang totoo. Hindi sanay ang dad mo na wala rito si Mia kapag wala siya sa trabaho.""Whatever!" naiinis na tugon ni Natalia. Napabuntong-hininga siya."Don't be upset now, anak. We should be celebrating. Sa nangyari, mukhang hindi na babalik pa rito si Mia. Wala ka nang kaagaw. Iyon naman ang gusto mo, 'di ba?""Hindi ko pa nakukuha nang buo ang gusto ko. Wala na nga rito si Mia, pero hinahanap pa rin siya ni Daddy.""Isang araw, mawawalan din ng pakialam ang dad mo sa kaniya. Just be patient. Ang mahalaga, may progress na tayong nakikita.""Sa bagay." Nagkibit-balikat siya."How's Oliver?""Isa pa iyon," aniya. "I don't know what's wrong with him. Dapat masaya siya na tapos na ang pagtatago namin. But he acts so pissed about what happened.""Baka nanghihinayang siya.""Saan? I mean kanino? Kay Mia?" Kaagad umakyat ang dugo niya patungo sa kaniyang ulo."No. Of course not!" tugon ni Diana. "I think nanghihinayang siya sa naunsiyami ninyong plano. You had told me how difficult it was for the two of you to devise your plans.""Hindi na niya kailangang manghinayang. Mas maganda naman ang nangyari, ano! We are free now.""Not totally free," tugon ni Diana. "Hindi alam ng dad mo ang tunay na namamagitan sa inyo, hindi ba? Kailangan n'yo pa ring mag-ingat ni Oliver.""I know, Mom." Nilapitan siya ng ina at h******n sa noo."Why don't we go shopping for today? What do you say, huh?"She smiled. "Nothing beats stress than shopping," tugon niya."I never had a decent breakfast simula nang tumira ako sa mansiyon," wika ni Mia habang namamangha siya sa ginagawang pag-aasikaso sa kaniya ni Jacob. He cooked for her. "Kaya dapat i-enjoy mo ang food mo," tugon ni Jacob. "For sure." Mia smiled."How's your head?""I'm okay. I just need coffee.""Perfect!" Nagtungo si Jacob sa kusina at kinuha ang tinimplang kape. "Sakto lang ang init niyan para mainom mo kaagad," anito. Pagkatapos ay umupo na rin ito upang masaluhan si Mia."Thank you," nakangiting usal ni Mia, "for everything."Jacob nodded. "Kumain ka na. You need energy for the whole day. Malayu-layo ang biyahe natin," tugon niya. "What do you do for a living, Jacob?" biglang tanong ni Mia habang kumakain na sila ng binata."I have a farm in Canada," mabilis na tugon ni Jacob."Farm? Interesting.""Bata pa lang ako, iyon na ang pangarap ko- ang magkaroon ng farm. After my dad got sick, we had to go to Canada para maipagamot siya. We had to leave Lola Anita. I had a happy child
It's been thirty minutes since they left Bram's house. Habang nagmamaneho ay napatingin si Jacob kay Mia. Tulog ito. Pagod pa yata ito. Napangiti siya nang maalala ang nangyari sa nagdaang gabi. Mia is a very fascinating person. And he can't help but be attracted to her strong personality. But what attracted him more was when she showed her vulnerable side. Suddenly, he felt the urge to protect her. Bumuga siya ng hangin at ibinaling na ang atensiyon sa pagmamaneho. Two hours later..."Mia..." Marahan niyang niyugyog ang balikat ng dalaga. Kaagad namang nagmulat ang mga mata nito. "Kumain muna tayo."Napatingin sa labas si Mia. She looked at her wristwatch. It's almost twelve o'clock in the afternoon. Nagkataong bigla na lang din kumalam ang kaniyang sikmura. Katulad ng ginawa kanina ni Jacob, inasikaso nito ang kanilang pagkain. May baon sila kaya hindi na nila kailangang lumabas at maghanap ng makakainan."Ganito ka ba talaga?" biglang tanong niya sa binata habang kumakain."An
Jacob smiled when she saw Mia's twinkling eyes habang iginagala nito ang mga mata sa paligid. "Ang ganda rito, ano?" aniya sa dalaga. Sa sobrang pagkamangha ay ngiti lang ang itinugon ni Mia."Jacob!"Napalingon ang binata nang marinig ang isang pamilyar na boses. "Manong Vic!" nakangiting tugon niya. "Ba't hindi ka man lang nagsabi na darating ka ngayong araw?" tugon ni Vic. Katiwala ito ni Anita sa farm."Maaabala pa ho kayo. Alam kong mag-iisip kayong paghandaan ako.""Natural! Ilang taon kang hindi nakauwi rito.""Ayos lang ho iyon, Mang Vic," tugon niya. "Ang Lola?"Nagbuntong-hininga si Vic. "Nasa bahay n'yo. Sa tuwing makikita ako ay itinataboy ako. Hindi niya ako nakikilala, Jacob. Pero may mga araw naman na naaalala niya ako," anito.Bumagsak ang mga balikat ni Jacob. "Makilala niya ho kaya ako?" nag-aalalang wika niya."Oo naman. Walang ibang bukambibig iyon kundi ikaw. Sabik na sabik na ngang makita ka. Paulit-ulit ang tanong doon sa tagapangalaga niya kung kailan ka ba da
"Kain lang nang kain, hija" nakangiting wika ni Anita kay Mia. "Paboritong ulam iyan ni Jacob. Noong bata pa siya, madalas niyang hilingin sa akin na ipagluto ko siya ng sinigang."Ngumiti si Jacob. "Marami pa po kayong naaalala tungkol sa akin," aniya."Basta tungkol sa paborito kong apo," tugon ni Anita."Mananaba ho yata ako rito sa sarap ninyong magluto," wika ni Mia."Huwag kang matakot tumaba. Maganda ka naman," tugon ni Anita.Napangiti ang dalaga. Hindi na niya matandaan ang huling beses na nag-enjoy siya sa pagkain lalo na at masayang kasalo ang mag-lola."Mukhang may pinagmanahan ka sa pambobola, ah," wika ni Mia kay Jacob habang naghuhugas ito ng pinagkainan nila. Nagpresenta siyang siya na ang gagawa nito, ngunit hindi pumayag si Jacob dahil bisita raw siya. Hindi raw uso sa kanila ang kasambahay dahil lahat ng gawaing-bahay ay magaan lamang lalo na at nag-iisa na lamang sa malaking bahay si Anita. Ang nag-aalaga kay Anita ay siya na rin mismo ang nag-aasikaso sa ibang gaw
"Mia!" Maya't maya ang tawag ni Jacob sa dalaga. Kinakabahan siyang baka lumayo ito. Nagkataon namang nakasalubong niya si Vic. "Nakita n'yo ho ba si Mia?" tanong niya rito. "Nasa manggahan," tugon ni Vic.Tinapik niya ito sa balikat. "Salamat ho," tugon niya at saka siya nagmamadaling tumakbo patungo sa manggahan. Napangiti siya nang makita si Mia na nakaupo sa isa sa mga manggang sadyang nakahiga ang katawan. "Alam mo bang iyan ang paboritong pwesto ko rito sa manggahan?" wika niya. Napalingon sa kaniya ang dalaga. "Bakit ka naman biglang umalis? Ang sabi ng Lola, samahan kita, 'di ba?""Ba't ka pa pumunta rito? 'Di ba ang sabi ko naman, kaya kong mamasyal mag-isa? Hindi naman ako mawawala rito kahit gaano pa kalawak ang farm na ito."Lumapit si Jacob sa dalaga at umupo sa tabi nito. "Nagsiselos ka ba?" aniya.Natawa si Mia. "Okay ka lang ba?" aniya."Nagsiselos ka raw, eh. Iyon ang sabi ni Isabel.""Oh, my God! Where did you get that idea?" tugon niya. "Naaasar lang ako do'n sa ba
"Sorry po, Sir Jacob," wika ni Isabel. "Saglit ko lang ho iniwan si Lola Anita. Hindi ko naman ho alam na may balak siyang magluto. Ang totoo ho niyan ay hindi na namin talaga siya pinapayagan na kumilos nang walang nakabantay dahil nga pwedeng mangyari ang ganito."Tumango si Jacob. "Okay lang, Isabel. Wala kang kasalanan. Dapat inalam ko ang lahat tungkol sa kondisyon ni Lola. Sisiguraduhin kong hindi na ito mangyayari.""Hindi ba natin siya dadalhin sa ospital?" nag-aalalang tanong ni Mia habang inaalo ang matanda na bahagya pang nanginginig."Nurse ho ako, Ma'am Mia," wika ni Isabel. "Kailangan lang ni Lola ng pahinga. Pinainom ko na rin siya ng gamot. Mayamaya lang ay kakalma na siya."Bumuntong-hininga si Mia.Bahagyang nasunog ang kusina ng malaking bahay. Nakalimutan ni Anita na isara ang stove na ginamit nito sa pagluluto. Nakita raw ni Vic ang usok na nanggagaling sa bahay kaya tumakbo siya patungo roon. Naabutan niya si Anita na natataranta sa pagpatay ng apoy. Mabuti na la
Lumagos sa kusina si Jacob at nakita sina Mia at Isabel na abalang-abala sa pagluluto ng kani-kaniyang putahe. Nanlilimahid na ang mga ito sa pawis. "Ang bango naman!" wika niya."Ay, Sir Jacob!" nagulat na bulalas ni Isabel. "Amoy pa lang, masarap na, 'no? Ano pa kaya kapag kinain n'yo na?" May landi sa tuno ng boses nito.Napataas ang kilay ni Mia. Effortless talaga si Isabel sa pag-inis sa kaniya. "Walang kasama si Lola?" tanong niya kay Jacob."Gising na siya. Naghihintay na lang na tawagin para kumain. Excited na siyang kumain ng mga niluto ninyo," tugon ng binata.Kumuha si Isabel ng isang lutong lumpia. Tinuhog niya iyon ng tinidor at tsaka hinipan. Pagkatapos ay lumapit siya kay Jacob. "Tikman n'yo po, Sir Jacob. Tiyak kong makakalimutan mo ang iyong pangalan," anito.Para hindi mapahiya ang dalaga, tinikman ni Jacob ang lumpia. "Hmm. Masarap! Marunong ka palang magluto, Isabel," aniya."Syempre ho. Pwedeng-pwede nang mag-asawa," tugon ni Isabel."Jacob, come here," wika naman
"Oliver!"Napukaw ang isip ni Oliver sa lakas ng boses ni Natalia. She slammed the table, too."What's happening to you?" wika ni Natalia. "Kasama kita, pero parang wala ka rito. It's our anniversary, but I feel like I'm celebrating alone." Buong araw siyang abala sa pag-aasikaso ng kanilang dinner date, at ang tanging kailangan niya ay ang atensiyon ng nobyo."I'm sorry," tugon ni Oliver.Nagsalubong ang mga kilay ni Natalia. "Ano, iniisip mo na naman si Mia?" aniya."No. Of course not! Kulang lang ako sa tulog.""Kulang sa tulog? Bakit, ano ba'ng pinaggagagawa mo?"Umiling si Oliver. "Let's just eat. Come on. Pasensyahan mo na ako. Babawi na lang ako sa iyo later," aniya."You're getting on my nerves, Oliver. Huwag ka nang magkaila na iniisip mo pa rin ang Mia na iyon. Ano? Have you fallen for her for real?" Sunod-sunod ang kaniyang paghinga dahil sa pagsikip ng kaniyang dibdib."Are you sure you really want to talk about this?" His face turned serious. "Yes, Oliver. I want to talk