Isang selos. Isang anak. 😩
Kira’s POVPahiga na ako sa kama nang biglang nag-ring ang cellphone ko. Napakunot ako ng noo nang makita kong si Ella ang tumatawag. Hindi naman siya tumatawag ng ganitong oras kung walang emergency.“Hello, Ella?” mabilis kong sagot. “Bakit? May nangyari ba?”Ramdam ko agad ang kaba sa boses ni Ella. “Ate, kailangan mong makita ‘to. Nasa bar ako ngayon, may nakita akong hindi mo magugustuhan.”Kinabahan ako lalo. “Ano ‘yon? Anong ibig mong sabihin?”Hindi sumagot agad si Ella. Sa halip ay nag-send siya ng video. Nang i-play ko, nanlaki ang mga mata ko. Si Bianca… umiinom, tumatawa, at lantaran pang nakikipaglandian sa isang matandang lalaki. Kita pa kung paano siya sumasandal dito at kung paanong inilagay ng lalaki ang pera sa loob ng bra niya.“Ella…” halos hindi ako makahinga. “Is this real? Siya talaga ‘to?”“Yes, Ate. I’m here. I saw everything. I already called the police para mahuli siya. Pero mas mabuti kung pumunta kayo ni Kuya Anthony rito. Mas magiging madali kung may test
Kira’s POVNapansin ko nitong mga nakaraang araw na panay ang alis ni Ella. Lagi niyang sinasabi na may “date” daw siya. Kapag tinatanong ko kung sino ang kasama niya, nagiging mailap ang mga mata niya at mabilis na pinapamunulahan ang mukha.“Ella, sino ba talaga iyang ka-date mo?” tanong ko minsan habang sabay kaming kumakain ng dinner sa bahay.“Wala, Ate. Basta kapag sure na ako, saka ko na ipapakilala sa 'yo,” sagot niya sabay iwas ng tingin.“Ewan ko sa 'yo. Pero sana hindi ka nagmamadali. Make sure na tama ang choice mo,” sabi ko.“Don’t worry, Ate. Hindi naman ako padalos-dalos,” sagot niya, may kasamang ngiti pero halata kong may tinatago pa rin.Hinayaan ko na lang. Gusto ko ring makahanap siya ng lalaking makakasama niya habang buhay. Gusto ko siyang makitang may sariling pamilya. Kaya mas pinili kong mag-focus sa mga dokumentong kailangan kong basahin para sa mga project ng Vantare.Pero hindi ko magawa nang maayos dahil nasa tabi ko si Anthony at panay ang pangungulit sa
Kira’s POVKinakabahan ako habang papasok kami sa isang private function room ng isang five-star hotel. Dito nakatakdang maganap ang pirmahan para sa formal agreement ng Vantare at Archangel Group. Hindi ako mapakali dahil mula pa kagabi, paulit-ulit nang sinabi ni Anthony na hindi niya ako hahayaang mag-isa rito.“Kira,” bulong niya habang nasa tabi ko, nakahawak sa bewang ko. “I don’t care kung purely business lang ang meeting na ‘to. I’m coming with you. I want to see how that bastard looks at you.”“Anthony, please,” mahina kong sagot. “This isn’t about me. It’s about the company. 'Wag mo nang palakihin. I told you already, walang ibang dahilan si Neil para tumulong. Strictly business.”Tumitig siya sa akin, hawak pa rin ang baywang ko. “I don’t trust him. At lalo na, I don’t trust any man around you.”Umiling ako. “You’re being unreasonable again. Hindi lahat ng tao may masamang intensyon.”“Maybe not,” malamig niyang sagot. “But I know men, Kira. I know how they look at you.”Hi
Kira’s POVUnang site visit ng Vantare sa isa sa mga projects ng scammed clients. Habang naglalakad ako sa loob ng site, hindi ko mapigilang mapailing. Ang dami pang kulang. Parang hindi man lang nangalahati ang project. May nakatambak na bakal na hindi ginamit nang maayos, at ang foundation, halos bitin pa. Naiinis ako sa ginawa ni Tita Carmen. Pera ng tao ang nilustay niya, pawis at ipon ng ibang pamilya.“Ma’am Kira,” tawag ng isang foreman na nakilala ko kanina. “Ito po ‘yung full report ng progress. Kung tutuusin, nasa 30% lang ang natapos.”Kinuha ko ang papel at binasa. “Okay. So from here, kami na ng team ko ang hahawak. We’ll take full accountability. Pero I need full cooperation from your side. Lahat ng previous workers na willing pa ring tumuloy, tatanggapin namin.”Nagkatinginan ang mga tao sa paligid. Kita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata nila. Naiintindihan ko. Asawa ako ni Anthony, apo ng taong sangkot sa gulo.“Ma’am,” sabi ng isa sa clients, halatang naiirita. “We a
Kira’s POVKinakabahan ako dahil makikita at makakausap ko na sa unang pagkakataon ang mga na-scam na clients. Kahit ilang beses kong pinilit na mag-focus sa presentation namin ni Ella, hindi ko maiwasang kabahan.Ilang clients ang nagdadalawang-isip makipag-cooperate sa amin dahil nalaman nilang asawa ako ni Anthony. May nagsabi pa na baka another scam or fraud na naman ang mangyayari. At naiintindihan ko sila. Kung ako rin ang nasa sitwasyon nila, siguro ganoon din ang magiging reaksyon ko.Sa terms na inilatag ko, 50% lang ang babayaran nila. Hindi sila maglalabas ng pera dahil ang budget for another 50% ay ang Salvatore Holdings mismo ang sasalo at ibabayad sa firm namin. Ang hiningi ko lang sa kanila ay tiwala.Alam kong malaking kawalan ito para sa amin ni Ella. Pero kung ito ang paraan para maibalik ang tiwala ng mga tao kay Anthony at sa kompanya nila, wala akong pakialam sa profit ngayon.Nang kumalat ang balita na ang Vantare Creative Studios na ang nangungunang investor at
Kira’s POVIlang araw na kaming naghahanap kina Bianca at Tita Carmen pero wala pa ring resulta. Halos lahat ng tao sa paligid namin ay nawawalan na ng pag-asa. Patung-patong na kaso na ang isinampa ng mga na-scam na clients laban sa Salvatore Holdings. Araw-araw rin bumababa ang sales ng kompanya.Si Anthony, hindi na mapakali. Laging pagod, laging nakakunot ang noo. Nakikita ko kung paano siya unti-unting nasasakal sa bigat ng problema. At ako, nasasaktan kasi hindi ko alam kung paano ko siya gagaanan ng pakiramdam.Alam ko kung gaano kahalaga sa kanya ang Salvatore Holdings. Kaya kahit hindi niya hinihingi, palihim kong kinausap si Ella.“Ella, I need you to check the investors na umalis sa Salvatore Holdings,” sabi ko sa kapatid ko habang magkausap kami sa opisina. “Alamin mo rin ang mga na-scam daw na clients. Gusto kong makuha lahat ng pangalan at projects na hindi natuloy. Kukunin natin.”“Sigurado ka ba riyan, Ate?” tanong ni Ella. “Ang laki ng risk. Kung tayo ang tatayo sa mg