LOGINKira's POV
Pagkatapos ng shift ko sa Salvatore Holdings, hindi na ako dumaan sa apartment. Diretso agad ako sa ospital. May dala akong lutong pagkain, yung paborito ni Mama na sopas at nilagang saging. May kasama rin akong gatas para kay Ella. Pagkapasok ko sa ospital, ramdam ko na agad ang bigat sa dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagod, sa gutom, o dahil kinukutuban na naman ako. Nilingon ako ng nurse na madalas na naka-duty sa floor ni Mama. Hindi siya ngumiti gaya ng dati. Hindi rin siya tumingin nang diretso. Pag-akyat ko sa ikatlong palapag, dire-diretso lang ako. Paglapit ko sa pinto ng silid ni Mama, may kakaiba akong naramdaman. Hindi ko alam kung malamig lang ba talaga ang hallway o may kulang sa paligid. Pagbukas ko ng pinto, agad akong napahinto. Nabitawan ko lahat ng dala ko. Kumalat sa sahig ang sopas, tumilapon ang bag, at kumalabog ang plastic ng saging. “Mama!” sigaw ni Ella habang yakap-yakap si Mama sa kama. Umiiyak siya nang malakas, halos hindi makahinga. “Ella?” paos ang boses ko, parang ayaw lumabas ng salita. Lumapit ako sa kama. Nanlalamig ang mga kamay ko. Tinitigan ko si Mama. Wala na 'yung kulay sa pisngi niya. Sarado na ang mga mata niya. Wala nang pulso ang dibdib niya. Wala na rin 'yung mga tubong laging nakakabit sa ilong at braso niya. “Anong nangyari?!” halos pasigaw kong tanong habang lumuhod ako sa tabi ng kama. “Wala na si Mama, Ate… hindi na siya gumising… kanina pa ako sumisigaw… hindi na siya sumasagot…” Nanginginig ang tinig ni Ella. “Hindi, hindi pwede… Mama?” nilingon ko ang mukha niya, pinisil ang kamay niya. "Mama, nandito na ako… gumising ka, please. Dinalhan ko kayo ng paborito ninyong pagkain,” bulong ko. Nanginginig na ang buo kong katawan. “Hindi puwedeng ganito, Ma…” Hinaplos ko ang pisngi niya. Nilapit ko ang kamay ko sa ilong niya, pero wala na rin akong naramdaman na hininga. “Mama!” sigaw ko, sabay yuko at niyakap siya. Halos hindi ako makahinga sa sobrang sakit. Walang pakialam si Ella kahit basang-basa na ng luha ang damit niya. Niyakap ko siya habang pareho kaming humahagulhol. Bumukas bigla ang pinto. Isang nurse at ang doktor ang pumasok. “Miss Navarro?” tanong ng doktor. Hindi ko siya sinagot. Tinitigan ko lang siya habang yakap ko si Mama. “I’m so sorry, Miss. She suffered from multiple cardiac arrests earlier today. We tried to revive her, pero hindi na siya nag-respond sa resuscitation.” Parang hindi ko na narinig ang sumunod niyang sinabi. Parang naputol na ang lahat. Tumingin lang ako sa kanya, pero hindi ko na siya naiintindihan. “Bakit hindi ninyo kami tinawagan?” tanong ko, mahina pero galit ang tono. “We tried to reach you, Miss. The number listed under her emergency contact wasn't answering.” Tinignan ko agad ang phone ko. Naka-silent pala. Naka-ilang missed calls na rin sila. “Patawad…” mahina kong bulong habang pinapahid ang luha ko. “Patawad, Ma… hindi ko agad nalaman…” Tahimik si Ella habang umiiyak sa isang gilid ng kama. Ilang minuto lang, iniabot sa akin ng doktor ang billing statement. Parang tinusok ang dibdib ko sa kapal ng papel. “Here’s the updated hospital bill, Miss Navarro. This includes all the procedures done in the last three months.” Tinanggap ko ‘yon na nanginginig ang kamay. Binasa ko agad. ₱634,060. “Paki-ulit po,” mahina kong tanong. “That’s the current total, Miss. The hospital needs to settle at least 40% for the release of the body and the documents.” Napaupo ako sa upuang malapit sa kama. Hindi ko alam kung iiyak pa ba ako o magsusuka. “Wala akong ganitong pera,” pabulong ko. Alam ko wala na rin akong hihingan. Wala kaming kamag-anak na may kapasidad. Ang mga kaibigan ko, hirap din sa sarili nilang buhay. Tumayo ako at nilapitan ang doktor. “Doc… pakiusap… bigyan n'yo po ako ng panahon. Wala po akong ganitong kalaking pera. Hindi ko po kayang bayaran agad…” “We understand, Miss. But the hospital has policies. The body can only be brought out of the morgue once initial payments are settled.” “Hindi po ba pwedeng kahit kalahati lang muna? O kahit ₱100,000?” “I’ll check with the billing department, but I suggest you talk to the admin office as soon as possible.” Tumango ako, pero wala sa sarili. Humakbang ako pabalik sa kama ni Mama. Nakita ko si Ella na nakatulala lang habang hawak ang kamay ni Mama. “Anong gagawin natin ngayon, Ate?” tanong niya. Hindi ko siya masagot. “Hindi ko alam…” Pareho kaming walang imik ni Ella. Ako, iniisip ko kung saan ako kukuha ng kahit isang daang libo. May utang pa ako sa SSS, may balance pa ako sa credit card. Sweldo ko hindi pa nga umaabot ng kalahati ng kailangan. Tumingin ako sa kisame. Hindi ko alam kung sa langit ba ako nakatingin o sa kawalan. “Ma, tulungan mo ako… wala na akong ibang masusulingan…” Tumayo ako at kinuha ulit ang papel. Tinignan ko ang due date. Immediately. Hindi ko alam kung iiyak pa ako o tatawa na lang. Pero kailangan kong kumilos. Kailangan kong ayusin ‘to para kay Mama. Para makauwi siya ng maayos. Para mailibing namin siya nang marangal. Nagtungo ako sa admin office. Nakiusap kung pwedeng ilabas si Mama kahit hindi pa kami nakapagbayad, pero kahit anong gawin ko ay hindi sila pumayag. Kaya sinubokan kong pumunta sa HR department kinabukasan kahit wala pa akong tulog para sana mag-cash advanced. “Nakikiusap na po ako, Ma’am Tess,” halos hindi na ako makahinga sa bigat ng dibdib ko habang nakikiusap sa HR manager ng Salvatore Holdings. “I’m sorry, Kira. Kahit gusto ka naming tulungan, may existing loan ka pa sa company. Alam mong may limit lang ang puwedeng i-approve,” sagot niya, tila naiinis na rin sa paulit-ulit kong pagbalik. “Alam ko po… pero kailangan ko lang talaga mailabas ang katawan ng mama ko sa ospital. Hindi ko po siya mapalibing kung hindi ko mabayaran yung balance. Kahit kalahati lang po, please.” Napailing na lang siya. “I wish I could, Kira. Pero kung bibigyan ka namin ng exemption, lahat ng empleyado na may similar case, hihingi rin. Hindi kasi ganun kadaling baguhin ang sistema.” Hindi ko na napigilan ang luha ko. Mabilis akong tumalikod at lumabas ng opisina. Pagkalabas, agad kong tinawagan si Ashley. “Ash, please… kailangan ko lang talaga ng tulong. Kahit thirty thousand lang. Ibabalik ko agad. Swear.” “Kira, I’m sorry… hindi sa ayaw kitang tulungan, pero medyo gipit din ako ngayon. May binabayaran pa akong kotse at credit card. Alam mo naman ang gastos ko.” Tumango lang ako kahit hindi niya ako nakikita. “Okay. Naiintindihan ko.” Sunod ko namang tinawagan si Marnie. “Friend, baka puwede mong pautangin muna ako. Emergency lang. Namatay si mama. Kailangan kong mailabas katawan niya sa ospital…” Natahimik si Marnie. “Kira… alam mo naman na gusto kitang tulungan pero…” “Pero?” bulong ko. “Alam mong baon din kayo sa utang. Paano mo babayaran? Baka tayo pa magka-away.” Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko. Paulit-ulit na lang. Pati si Neil, binigyan ako ng parehong sagot. Naupo ako sa waiting area ng ospital habang hawak ang bill. Kailangan kong makapag-ipon ng 300,000. Hindi pa kasama ang burol, ang ataul, ang lote. Kailangan ko rin maibigay ang 100,000 kay Mr. Suarez sa loob lamang ng tatlong araw. Napasinghap ako nang sumagi sa isipan ko si Anthony Salvatore. Siya lang ang tanging taong inaasahan kong makatutulong sa akin kahit sarili ko pa ang magiging kapalit sa perang hihiramin ko sa kaniya.Pagkauwi ni Audrey sa condo, nadatnan niya sina Allan at Alia na nakaupo sa carpeted floor ng sala. Nakabukas ang mga notebook nila, sabay silang nag-aaral ng homework. Napansin agad ni Audrey ang mga bagong gamit sa lamesa—isang bago at makintab na pencil case, dalawang makapal na notebook na may cartoon cover, at bagong tablet na nakapatong sa gilid. “Kuya Allan…” tawag ni Audrey, hindi maitago ang pag-aalala. “Saan galing ’yang mga gamit na ’yan?” Napatingin si Allan sa kapatid, medyo nahihiyang ngumiti. “Ah… Ate, binili po ’yan… ni Kuya Midnight. Pinadala niya kanina. May tumawag na tao niya, tapos iniabot po rito.” Napabuntong-hininga si Audrey. “Sinabi ko na sa inyo, huwag kayong tumatanggap agad ng kung ano-ano. Kailangan ko munang malaman.” “Ate naman,” sabi ni Alia, lumapit at niyakap ang braso niya. “Sabi po no'ng guard, okay lang daw. Saka… ang ganda po nang tablet. Puwede ko na pong gawin ang drawings ko roon.” Napaupo si Audrey sa sofa. Hinaplos niya ang buhok ng bat
Katatapos lang ng trabaho ni Audrey before lunch nang makarinig siya ng chismis sa kabilang mesa. Naririnig niya ang mahinang usap-usapan ng ilang empleyado habang kumukuha sila ng tubig sa dispenser. Hindi sinasadya pero umabot sa pandinig niya ang pangalan ni Midnight. “Uy, girl, sabi ni Ma’am Trina babalik na raw dito sa Pilipinas ang rumored long-time girlfriend ni Sir Midnight.” “Ano? ’Yung taga-Australia?” “Oo. Tatlong taon daw silang on and off, tapos biglang biglang bumalik daw sa Pinas si girl. Baka mag-propose na si Sir! Ang tagal na nilang magkasintahan.” “Grabe! Buti pa siya, may forever.” Napapitlag si Audrey. Parang biglang lumamig ang batok niya. Hindi siya dapat makinig, pero kusa nang kumislot ang puso niya. Nagpigil siya ng buntong-hininga at nagpatuloy sa pag-aayos ng laptop niya. Pero hindi niya napigilan ang paghaplos sa maliit niyang tiyan sa ilalim ng maluwag na blouse. Para bang pinapaalalahanan siya ng reyalidad. “Kung totoo man ang chismis… kung may gir
Hindi makatingin si Audrey nang diretso kay Midnight. Hindi niya alam kung saan niya ilalagay ang sarili. Nang marinig niya kanina ang sinabi ng binata, parang umikot ang mundo niya. “You’re pregnant, Audrey,” ulit ni Midnight, mas mababa ang tono. “You’re carrying my child.” Napakuyom ng kamay ni Audrey. Hindi siya makapagsalita. “You’re my responsibility,” dagdag ng binata. “’Yan ang dahilan kung bakit ayaw kitang mahirapan. Wala nang iba.” Napatingin si Audrey sa sahig. Inaasahan niya na magagalit si Midnight, magtatanong kung bakit itinago niya, kung bakit nagsinungaling siya noon. Pero heto ito, kalmado, hindi mataas ang boses, hindi siya minamasama. “Akala ko…” mahinang bulong ni Audrey. “Akala ko magagalit ka sa ’kin.” Umiling si Midnight. “Hindi ako galit.” Natahimik si Audrey, kinakapa ang sariling lakas ng loob. Lumapit ng isang hakbang si Midnight. “Audrey, alagaan mo ang sarili mo. Don’t stress yourself.” “Sir—” “Stop calling me Sir.” Matiim ang boses nito pero hi
Pagdating nilang lahat sa Maynila, halos hindi makapaniwala sina Allan at Alia sa laki ng condo. Nang buksan ni Midnight ang pinto, sabay-sabay napatingin ang mga bata sa malinis at malamig na loob ng unit. May sofa, malambot na carpet, kumpletong appliances, at amoy bagong linis ang buong lugar. “Ate… ang laki rito…” bulong ni Alia habang nakahawak pa sa damit ni Audrey. Tumawa nang mahina si Allan. “Parang hotel, Ate. Totoo ba ‘to? Dito na tayo titira?” Ngumiti si Audrey sa kanila kahit pagod na pagod ang katawan at isip. “Oo, dito muna tayo. Pero magpasalamat kayo kay Sir Midnight. Kung hindi dahil sa kanya…” Napakamot ng ulo si Midnight, halatang naiilang sa papuri. “Hindi kailangan ng pasasalamat. Mas gusto ko lang na kumportable kayo.” Lumapit si Alia kay Midnight at nahihiya pang yumuko. “Salamat po, Sir. Hindi ko po… hindi ko po alam paano mag-thank you nang tama… pero salamat po talaga.” Napangiti si Midnight. “Tawagin mo na lang akong Kuya Midnight para mas madali.” Na
Pagkababa nila ng van sa harap ng lumang bahay nina Audrey, agad na humampas sa ilong ni Midnight ang amoy ng lumang kahoy at alat ng hangin mula sa kalsadang hindi sementado. Tahimik ang paligid, pero may kung anong kaba ang gumapang sa dibdib ni Audrey. Ramdam niyang may mali. “Sir… parang may naririnig ako,” pabulong niyang sabi habang papalapit sa pinto. Nagkatinginan sila nang marinig ang malakas na kalabog mula sa loob. Sunod ay tinig ng bata—iyak nang iyak, nanginginig ang boses. “Tiya, ayoko na… ayoko na…” boses ni Alia iyon, mahina ngunit puno ng takot. Hindi na nagdalawang-isip si Audrey. Binuksan niya nang mariin ang pinto at halos manlambot ang tuhod niya sa nasaksihan. Nasa sulok ng maliit na sala sina Allan at Alia. Si Allan, yumayakap sa kapatid para protektahan ito, habang si Tiya Lucia—kapatid ni Letty—ay hawak ang sinturon at galit na galit na sinisigawan ang dalawang bata. “Lumuhod kayo! Kainin ninyo ‘yan!” sabay turo sa pagkain na nasa sahig, naghalo ang kanin
Tumawag ang kabitbahay nila Audrey sa probinsiya isang hapon habang abala siya sa pag-aayos ng code na dapat niyang isumite bago matapos ang shift. Hindi niya agad nasagot ang tawag dahil nasa kalagitnaan siya ng pagsusuri ng error. Ngunit nang makita niya ang pangalan sa screen, agad nang kumabog ang dibdib niya. Pag swipe niya ng sagot, halos mabingi siya sa lakas ng boses ng kapitbahay. “Audrey! Hija, inaresto ang tiyahin mo! Nahuli ng mga pulis. May mga drogang nakita sa loob ng bahay at nagsusugal pa raw!” Napasinghap siya. “Ano? Tiya Letty? Sigurado ka ba, Ate Loring? Baka naman—” “Hija, totoo. Nasa presinto siya ngayon. Hindi ko alam kung anong gagawin. Pinuntahan na rin ng kapatid mo pero wala silang magawa.” Nanlamig ang kamay niya. Napatingin siya sa screen ng laptop na parang hindi na gumagalaw. “Paano si Mama? Si Allan? Si Alia? Wala bang nagbabantay sa kanila?” “Wala, hija. Naiwan silang tatlo. Ang mama mo nakahiga lang. Hindi makabangon.” Nalaglag ang balikat niya.







