LOGINKira's POV
Alas-nueve na ng gabi nang makarating ako sa Salvatore Holdings ulit. Diretso ako sa top floor. Tinignan ako ng sekretarya ni Anthony pero hindi na ako pinigilan nang makita ang mukha ko. Hindi ko na rin kinatok ang pinto. Basta binuksan ko na lang. Pagpasok ko, tahimik si Anthony habang nagbabasa ng mga dokumento. Walang reaksiyon sa mukha niya nang makita ako. “Have a seat, Arch. Navarro” sabi niya, hindi man lang ako tinignan. Umupo ako sa harap niya. “Kailangan ko ng tulong mo,” sabi ko, diretsong tinignan ang mga mata niya. Natahimik ahimik siya. Inayos niya muna ang hawak niyang papel bago nagsalita. “Magkano?” “400,000. Para lang mailabas si Mama sa ospital at makapagbayad sa tubo ng utang namin.” Hindi siya sumagot. Kinuha lang niya ang brown envelope sa gilid ng mesa. Binuksan niya iyon at inilabas ang ilang papel. Inihagis niya iyon sa mesa sa pagitan namin. “Basahin mo.” Dahan-dahan kong dinampot ang dokumento. Tumigil ang paghinga ko nang mabasa ang laman. “Kasal?” “Tatlong taon,” sagot niya. “Legal. Walang sabit. Pagkatapos ng tatlong taon, annulment. Walang hassle.” “Are you serious?” tanong ko, pilit na pinapakalma ang boses ko. "Boss kita. Empleyado ninyo ako." “Do I look like I’m joking? I need a wife. Hindi naman siguro mahirap para sa 'yo 'yan dahil may nangyari na sa atim noong isang gabi. Right?” Para akong binuhosan ng malamig na tubig dahil naalala niya pala ang mukha ko at ang nangyari sa amin. “Pero bakit ako?” Napatingin ako sa kanya. “Boss pa rin kita. May kaya ka. May koneksyon ka. You can marry anyone. Ang dami-dami ko pang obligasyon.” “Exactly. Pero ikaw ang kailangan ko ngayon. At ikaw ang humihingi ng tulong. Hindi ko ito inaalok sa kahit sino.” “Anong kapalit?” “Tulad ng nakasaad sa kontrata—limang milyong piso. Fully paid ang utang ng pamilya mo. Bagong apartment. Sisiguradohin kong ligtas ka. In exchange, you’ll play the role of my wife for three years.” Napatingin ako sa papel sa harapan ko. Hindi ko alam kung matatawa ako o iiyak. “Para saan ‘to, Anthony? Para saan ang kasal?” “Personal. Business. Image. Hindi ko kailangang i-explain ang lahat ng rason. Gusto ko lang ng wife on paper.” “At sex? Kasama ba ‘yon?” Natahimik siya. “Hindi required. Unless gusto mo.” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Parang hinihila niya ang kaluluwa ko sa titig niya. "Average din naman ang performance mo sa kama. Pwede na —" “Hindi kita gusto.” Natawa si Anthony. "Good. Mas madali kung walang feelings.” Napapikit ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong umalis. Pero pag tinanggihan ko ‘to, saan ako pupunta? Wala na akong malapitan. “Bakit mo ko pinipilit dito?” tanong ko, pilit iniiwas ang tingin. “Hindi kita pinipilit. Ikaw ang lumapit sa akin.” “Pero—” “Choice mo ‘to. Pwede mong tanggihan.” “Pero kung tatanggihan ko, wala akong perang panglabas kay Mama. Wala akong pambayad sa utang. Wala akong maibibigay sa kapatid ko.” Tumayo siya. Lumapit sa gilid ng mesa, tumingin sa akin nang diretso. “Kira, hindi kita tinatali. Pero this is a transaction. You need help, and I need something in return. This is the cleanest way I can help you.” Tahimik lang ako. Hindi ko kayang tingnan ang mukha niya. Nanginginig ang kamay ko habang muling tinitigan ang kontrata. "You need financial freedom. I need a bride. One signature—and your debt’s gone." “Puwede ko bang pag-isipan muna?” “Of course. Pero hindi ako maghihintay nang matagal. If you want the money tomorrow morning, I need your signature tonight.” Napatitig ako sa wall clock sa likod niya. 9:27 PM. “Paano kung magsinungaling ako? Pipirmahan ko ‘to, kunin ang pera, tapos hindi na ako babalik?” Napangisi siya. “Hindi ka gano'ng tao, Kira.” “Paano mo alam?” “Because you came here with nothing. And you still asked properly.” Lumunok ako nang mariin. “Kapag pumirma ako… kailan ang kasal?” “Tomorrow.” Napasinghap ako. “That fast?” “Everything’s arranged. Ako na ang bahala.” “Paano ang kapatid ko? Medical leverage at pag—aaral niya —” “Isasama natin siya sa bagong apartment mo. Full medical coverage, remember?” Natahimik ako. Hinawakan ko ang pen na nasa tabi ng kontrata. Nanginginig ang kamay ko. “Kapag tapos na ang tatlong taon…” “You’ll get everything in full. Walang babawiin, Arch. Kira Navarro. Or should I call you, futur Mrs. Salvatore?” Napapikit ako. Tumulo na lang bigla ang luha sa pisngi ko. “Hindi ko akalaing aabot ako sa ganito…” “Walang ibang makakaalam, unless sabihin mo.” Tinignan ko siyang muli. Seryoso pa rin siya. Walang bakas ng awa o panlilinlang. Lahat ng ito, para lang talagang business deal sa kanya. Nilagdaan ko ang kontrata. Pagkapirma ko, kinuha niya ito at nilagay pabalik sa envelope. “You’ll get the check first thing in the morning. Ayusin mo na ang lahat para sa nanay mo. I’ll handle the wedding pati ang maayos na burol niya.” Tumango ako. Tumayo siya at lumapit sa pintuan ng opisina. “Huwag na huwag mo akong tatakasan sa kasal antin bukas." Napalunok ako ng paulit-ulit hanggang sa makalabas sa opisina niya. *** Nasa labas lang ako ng morgue. Magdamag akong naka-upo sa bench, hawak ang sarili kong mga braso habang pinipigilan ang ginaw, gutom, at luha. Walang ibang tao sa paligid maliban sa dalawang nurse na lumalabas-pasok sa back entrance. Hindi ko alam kung ilang beses ko nang tiningnan ang cellphone ko. Paulit-ulit. Nagbabakasakaling may tumawag, mag-text, may magparamdam. Pero wala. Tanging si Anthony Salvatore lang ang bumigay ng pag-asa. Napatakip ako sa bibig ko habang umaagos ang luha ko. Tinanggap ko ang alok dahil wala na akong ibang opsyon. Nagising ako around 6AM. Umuugong ang cellphone ko sa bulsa ng hoodie ko. Agad kong sinagot, handa akong masigawan ulit kung sakaling isa na namang kolektor. “Hello?” mahina kong bati, paos at puyat ang boses ko. “Kira,” malalim ang boses sa kabilang linya. Agad kong nakilala ang boses ni Anthony. Agad akong napaupo ng tuwid sa bench. “Yes, Sir?” “Nabayaran ko na lahat ng bills sa ospital. Pwede mo nang mailabas ang katawan ng ina mo pagkatapos ng kasal natin ngayong araw.” Natulala ako ng ilang segundo. Walang lumalabas na boses sa bibig ko. Napalunok ako. “Talaga po?” bulong ko. “Bayad na po lahat?” “Oo. Tapos na. Pati ang mga dokumento ayos na rin. Pero gaya ng napagkasunduan natin, magaganap ang civil wedding mamayang hapon.” Napabuga ako ng hangin, parang nabunutan ako ng tinik. Napapikit ako habang pinupunasan ang mga luha sa mata ko. Ngayon lang ako ulit nakaramdam ng kahit konting ginhawa. “Salamat,” bulong ko ulit. “Don’t thank me yet,” malamig niyang sagot. “Ikakasal pa tayo. At kung umatras ka sa araw na ‘to, babawiin ko lahat ng binayad ko. Huwag mong kalimutan ang kontrata mo.” Tumango ako kahit alam kong hindi naman niya ako nakikita. “Opo. Naiintindihan ko.” “Good. Magpapadala ako ng driver para sunduin ka. Ihanda mo sarili mo. Don’t be late.” Pagkababa ng tawag ay agad kong tinawagan si Ella. Sumagot agad si Ella, marahil gising na rin sa kaba. “Ate?” “Ella,” mahina kong bati, pilit pinapakalma ang boses ko. “May pupuntahan muna si Ate ha? Ikaw muna ang bahala kay Mama.” “Ha? Saan ka pupunta? Okay ka lang ba? Saan ka matutulog?” sunod-sunod niyang tanong, halatang nag-aalala. “Babalik ako agad, pangako,” sagot ko, pilit pa ring hindi umiiyak. “Mailalabas na natin si Mama. Bayad na ang hospital bills natin...” Natigilan siya. “Ate… paano?” Napakagat ako sa labi. Hindi ko masabi. Hindi ko kaya. Hindi ko rin alam kung dapat kong sabihin. “Basta si Ate ang bahala. Bantayan mo lang si Mama, okay? Huwag kang lalayo sa kwarto.” “O-Okay...” Pinutol ko na ang tawag bago pa ako tuluyang humikbi sa linya. Napaupo ulit ako sa bench. Doon ko na lang pinakawalan lahat. Humikbi ako nang tahimik. Ilang minuto ang lumipas. May itim na SUV ang pumarada sa tapat ng ospital. Bumaba ang isang lalaking naka-itim na suit. “Arch. Kira Navarro?” Tumango ako habang pinupunasan ang mukha ko. “Sumama po kayo sa akin. Hinihintay na po kayo ni Mr. Salvatore.” Tahimik akong tumayo. Tiningnan ko muna ang ospital. Parang gusto ko pang tumakbo pabalik, yakapin si Ella, humingi ng tawad. Pero hindi ko ginawa. Pumasok ako sa loob ng SUV. Tahimik lang ako habang tumatakbo ang sasakyan. Dinala nila ako sa isang private events hall sa loob ng isang luxury hotel. Walang bisita at may judge lang at ilang empleyado ni Anthony. May babaeng nag-ayos sa akin. Nag-make up, pinasuot ako ng puting cocktail dress. Paglabas ko ng dressing room, nakita ko si Anthony. Naka-formal siya, as usual. Crisp white shirt, itim na slacks, at walang bahid ng ngiti sa mukha. “Ready ka na?” tanong niya. “Wala na akong choice,” mahina kong sagot. “Good.” Tinawag niya ang judge at agad na nagsimula ang seremonya. Ilang minuto lang ang lumipas, narinig ko na ang salitang— “You may now kiss your bride.” Napasinghap ako. Tiningnan ko si Anthony. Hinawakan niya ang braso ko, saka bahagyang yumuko para halikan ako sa pisngi. Hindi ako kumilos. Hindi rin ako tumingin sa kanya. “Done,” sabi niya pagkatapos. “Legal ka nang Salvatore.” Agad siyang lumapit sa isang mesa at binigay sa akin ang isang brown envelope. “Five million, as promised. The rest—apartment, medical coverage—ipa-process na nila simula bukas. May mga tao akong naka-assign sa iyo. Wala ka nang dapat alalahanin.” Kinuha ko ang sobre, nanginginig ang kamay ko. Hindi ko agad binuksan. “Ngayon, asawa na kita. And you’ll follow my rules.” Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. “Babalik na ako sa ospital. Gusto ko lang makita si Mama.” Tumango siya. “May driver sa labas. Sasamahan ka nila. Pero bukas, lilipat ka na sa bagong apartment mo. Huwag mong kalimutang asawa na kita. At wala kang karapatang tumakas.”My Arrogant Boss is My Baby Daddy (SPG)BLURB: Si Audrey Claveria ay isang simpleng babae na lumaking sanay sa hirap at sakripisyo. Bilang isang dalubhasang software engineer, ang tanging pangarap niya ay magkaroon ng tahimik na buhay at maiahon sa kahirapan ang kaniyang pamilya. Ngunit isang gabing puno ng takot at pagkakamali ang tuluyang nagbago sa direksyon ng kaniyang buhay—ang gabing nakilala niya ang lalaking magpapabago sa kaniya sa paraang hindi niya kailanman inakala.Si Midnight Salvatore, ang cold-hearted at perfectionist na heir ng Salvatore Group, ay isang lalaking walang alam kundi kontrol at disiplina. Para sa kaniya, ang kahinaan ay kasalanan, at ang emosyon ay sagabal sa tagumpay. Ngunit nang muling magtagpo ang landas nila ni Audrey sa loob ng kaniyang kompanya, bumalik ang mga alaala ng gabing matagal na nilang pilit kinakalimutan.Mula sa pagiging istriktong boss, unti-unting nabasag ang pader ni Midnight nang malaman niyang nagdadalang-tao si Audrey—ang babaeng
Emosyonal sina Ella at Neil sa araw ng kanilang kasal. Si Neil ay halatang tuwang-tuwa at hindi mapakali, kasi sa wakas ay asawa na niya si Ella. Ilang taon din niyang pinangarap na mangyari ang araw na ito, at ngayong narito na, parang hindi pa rin siya makapaniwala.Tahimik siyang nakatayo sa harap ng altar habang inaayos ni Anthony ang necktie niya.“Hey, relax. Parang ngayon ka lang ikakasal,” biro ni Anthony sabay tapik sa balikat ni Neil.Ngumiti si Neil pero halata sa mukha niya ang tensyon. “Hindi ako kinakabahan. Excited lang ako. Ilang taon ko ring hinintay ‘to, kaya hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon.”Napatawa si Anthony. “Kita naman sa mukha mo. Para kang batang binigyan ng laruan. Pero seryoso, proud ako sa’yo, Neil. After everything you went through, deserve mo na ‘tong happiness.”“Salamat,” sagot ni Neil. “Kung hindi rin dahil sa inyo ni Kira, baka hindi ko pa rin siya nahanap ulit. You two helped us get back together.”Nakangiting umiling si Anthony. “Wa
Ella's POV Masaya ang paligid, puno ng tawanan at halakhakan. Nasa gitna ako ng venue kung saan ginaganap ang bridal party, at hindi ko mapigilang ngumiti habang pinagmamasdan ang mga taong naging bahagi ng buhay namin ni Neil. Ang mga empleyado ko sa Vantare, mga business partners, pati mga kaibigan ko sa college — lahat sila naroon, nakikihalubilo at nag-e-enjoy.“Ella! Bride-to-be!” sigaw ni Luna, isa sa mga senior architects sa firm ko. Niyakap niya ako agad paglapit. “Grabe, hindi pa rin ako makapaniwalang ikakasal ka na. Parang kahapon lang, stress na stress ka sa project natin sa Hong Kong.”Napangiti ako. “Oo nga, Luna. Dati puro plano lang at overtime, ngayon wedding plans naman ang inaatupag.”“Pero deserve mo ‘to, Ma’am Ella,” sabat ni Mario, isa sa mga engineers namin. “Sobra kaming proud sa’yo. Isa kang inspirasyon. Ang dami naming natutunan sa kuwento mo at ni Ma’am Kira.”“Salamat, Mario,” sagot ko. “Hindi madali ‘yong pinagdaanan namin ni Ate. Pero kung hindi kami nag
Ella's POV Nakatitig ako sa salamin habang sinusukat ang wedding gown na pinili ni Neil para sa akin. Tahimik lang ako habang hinahaplos ko ang tela, pinagmamasdan kung gaano ito kasimple pero napakaganda. Hindi ko lubos maisip na ilang araw na lang, ikakasal na ako. Matagal ko ‘tong inisip—kung darating pa ba talaga ang araw na ganito ako kasaya, na wala nang iniintindi kundi ang pagbuo ng bagong buhay kasama si Neil.“Ella, grabe! Ang ganda mo,” sabi ni Ate Kira habang umiikot sa paligid ko. “Parang hindi ka na pwedeng pakawalan ni Neil n’yan. Sigurado akong maiiyak ‘yon sa altar.”Napangiti ako. “Ate, huwag mo nga akong takutin. Baka ako ‘tong maiyak sa kaba.”Umupo siya sa sofa at tumawa. “Kaba? Ano ka ba, ilang taon mo na siyang kilala. Alam mo na lahat ng ugali niya, pati ‘yong mga pinakamasungit niyang araw.”“Alam ko,” sagot ko, sabay tingin sa sarili sa salamin. “Pero iba kasi ‘yong pakiramdam ngayon, Ate. Alam mong malapit na ‘yong araw, tapos biglang mare-realize mo na… it
Neil's POV Tahimik kong pinagmamasdan si Ella habang abala siyang magbasa ng mga dokumento sa harap ng laptop niya. Nasa terrace kami ng condo, gabi na at maaliwalas ang paligid. Sa tuwing tinitingnan ko siya, ramdam ko kung gaano siya kasipag at kung gaano ko siya kamahal. Tatlong buwan na mula nang matapos ang lahat ng gulo, pero parang kahapon lang nang muntik kong mawala ang lahat. “Ano ba ‘yan, Neil,” sabi ni Ella nang mapansin niyang nakatingin lang ako sa kanya. “Kanina ka pa diyan, hindi mo pa rin sinisimulan ‘yong report mo.” Ngumiti ako at lumapit sa kanya. “Mas gusto kong panoorin ka, mas interesting kaysa sa report ko.” Napailing siya at pinandilatan ako ng mata. “Neil, seryoso ako. Hindi porket ikaw ‘yong fiancé ko, exempted ka na sa trabaho. You’re still the CEO of Archangel Group.” Tumawa ako. “Alam ko. Pero minsan lang naman ako makakita ng CEO na ganito kaganda habang nag-a-approve ng proposals.” “Neil!” tumatawa niyang sabi habang hinampas ako sa braso. Umupo
Neil's POV Nasa loob ako ng kotse, nanginginig ang kamay ko habang hawak ang cellphone. Unknown number ang tumawag, pero sinagot ko pa rin dahil baka update ng pulis.“Hello?” maingat kong sabi.“Neil Archangel.”Parang bumagsak ang mundo ko nang marinig ko ang boses ni Roberto Villareal. “Anong gusto mo?” mariin kong tanong.Tumawa siya, maikli lang pero nakakabingi. “Simple lang. You have thirty minutes. Kung hindi ka darating, I’ll kill your parents and your dear sister, Savannah.”“Putang—anong ginawa mo sa kanila?!” sigaw ko, halos mabasag ang cellphone sa pagkakahigpit ng hawak ko.“Relax, Neil. Buhay pa sila. Pero kung gusto mong manatiling gano’n, pumunta ka rito. I’ll send the location. Don’t bring the police. Alam kong may kausap kang Inspector Reyes. Try anything stupid, and you’ll hear their screams next.”“Kapag sinaktan mo sila, Roberto—”“Shut up and move,” sabat niya, bago pinutol ang tawag.Huminga ako nang malalim. Tumunog agad ang phone ko ulit, message from an un







