Share

Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)
Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)
Author: Deigratiamimi

Kabanata 1

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-07-28 03:00:06

Kira’s POV

“Congrats, Kira!” sabay-sabay na bati ng mga kaibigan ko habang lumalabas kami ng conference room.

Tinapik ako ni Ashley sa balikat. “Grabe ka, girl. Ikaw na talaga. Ikaw na ang pambato ng Salvatore Holdings. Na-close mo ang pinakamalaking deal ng taon!”

“Thank you,” mahina kong sagot habang pilit na pinipigilan ang ngiti. Hindi ko alam kung dahil sa pagod o sa sobrang gulat pa rin ako. Hindi ako makapaniwala. Naipanalo ko ang deal. Ako ang napiling architect.

“Let’s go out tonight. Libre ka,” sabay kindat ni Ralph.

“Libre raw, pero ikaw ‘yong may gusto uminom?” sabat ni Neil, sabay tawa.

“Hindi nga, Kira,” sabay hawak ni Ashley sa braso ko. “We need to celebrate. Big deal ‘to. Hindi lang ‘to basta-basta project. This will boost your career, Babe!”

Napatingin ako sa kanila. Lahat sila nakangiti. Lahat excited. Ako rin naman. Pero sa totoo lang, pagod na pagod na ako. Ilang linggo akong halos hindi natutulog, hindi nakakakain ng maayos, puro revision ng design at meeting.

Pero… kailangan ko rin ng break. Kailangan kong huminga.

“Sige na nga. Isang gabi lang, ha,” sabi ko.

Nagpalakpakan sila. “Yun! Bihira ka sumama, kaya sulitin natin ‘to.”

***

BAR

“Cheers to Kira!” sigaw ni Ashley habang inaangat ang baso.

“Cheers!” sabay naming sigaw.

Nakatawa ako, pero habang lumalagok ng alak, ramdam ko ‘yong bigat sa dibdib ko. Ang dami kasing gumugulo sa isip ko. Oo, nanalo ako sa deal. Pero ang pamilya ko, puro gastos. Utang dito, bayarin doon. 'Yung kapatid kong si Ella, may balak nang tumigil sa pag-aaral kasi ayaw akong pahirapan.

Pero ayokong isipin lahat ‘yon ngayong gabi. Isang gabi lang, gusto kong makalimot.

Maya-maya'y isa-isang tumayo ang mga kaibigan ko at nagtungo sa dance floor. Si Ashley ay nakita kong nakikipag-usap na sa lalaki.

“Hey,” sabi ng isang boses mula sa likod ko.

Napalingon ako.

May lalaking lumapit sa akin. Tall. Dark. Handsome.

Maayos ang ayos. Hindi siya kasing ingay ng iba sa paligid. Nasa kamay niya ang isang baso ng whisky. Tahimik siyang nakatingin sa akin.

“Can I buy you a drink?” tanong niya, walang kaartehan sa tono.

Hindi ako agad nakasagot. Umiling ako nang bahagya. “I already have one.”

Ngumiti siya. “Then let me stay for a while.”

“Are you always this straightforward?” balik kong tanong, medyo nagulat ako sa approach niya.

“Only when it matters.”

Napakunot ang noo ko. Tumingin siya sa baso ko, tapos sa mukha ko. Hindi siya tulad ng mga lalaking nakita ko sa bar. Hindi siya bastos.

“Fine. Stay.”

Umupo siya sa tabi ko. Tahimik lang kami ng ilang segundo. Tapos nagsalita siya ulit.

“Rough day?”

“More like a rough year,” sagot ko. “But tonight’s supposed to be a celebration.”

“Then let’s celebrate.”

Tumingin ako sa kanya. “You don’t even know me.”

“I don’t need to.”

Hindi ko alam kung bakit hindi ako nag-walk out. Kung bakit hindi ko siya pinigilan.

Nakipag-inuman ako sa kaniya. Niyaya niya akong sumayaw sa dance floor kahit medyo tipsy na.

Niyaya niya akong lumabas. Hindi ko aakalaing hotel ang pupuntahan namin.

Hinayaan ko lang ang sarili kong sumama kahit na alam ko kung saan hahantong ang pagsama ko sa lalaking ngayon ko lang nakilala.

Pagpasok namin sa loob ng elevator, napakapit ako sa batok niya nang siilin niya ng halik ang labi ko.

Sinabayan ko ang paggalaw ng labi niya hanggang sa nakapasok kami sa hotel room.

Napalunok ako nang bigla niya akong itinulak sa kama at muling hinalikan habang hinuhubad ang long sleeve niya.

Napadaing ako nang marinig ang pagkapunit ng aking damit at marahang hinalikan ang dibdib ko.

Halos murahin ko ang lalaki nang agad niyang binaba ang pants ko at underwear.

Napangiwi ako nang amoyin niya ang panty ko.

Bigla akong kinilabutan kahit na hilong-hilo na ako.

Hinalikan ni Anthony ang iba't ibang parte ng aking katawan.

Napahawak ako sa buhok niya nang bumaba ang halik niya sa tiyan ko at tumagal sa puson ko.

"First time?" pilyong tanong niya.

Nahihiyang tumango pa rin ako. "I'll be gentle, sweetheart," bulong niya.

Bumalik muli ang labi niya sa labi ko. Ang isang kamay niya ay hinihimas ang aking dibdib at ang isa pa niyang kamay ay dahan-dahang bumaba sa gitna ng hita ko.

Halos mapasigaw ako nang ipasok niya ang isang daliri sa sensitibong parte ng aking katawan. Saglit lang niyang pinaglaruan ang pagkababae ko.

"Open your legs wider, sweetheart," he said huskily.

Agad kong sinunod ang sinabi niya dahil binalot na rin ng init ang aking katawan.

Hinayaan ko siyang gawin ang gusto niya. Halos maiyak ako nang maipasok ni Anthony ang pag-aari niya sa loob ko. Pakiramdam ko ay napunit ang pagkababae ko sa sobrang laki at haba ng alaga niya.

"You're so... tight, Kira. I want a billion nights with you," bulong ni Anthony.

Napaungol ako nang bigla siyang gumalaw sa ibabaw ko. Mas lalong sumakit ang pagkababae ko sa paglabas-masok niya.

Napakapit ako sa batok niya at pilit inaabot ang kaniyang labi upang siya ay mahalikan.

***

Kinabukasan, nagising akong mag-isa.

Walang tao sa tabi ko.

Nag-shower ako, binihisan ang sarili at pinilit i-compose ang sarili. Babalik ako sa reyalidad. Back to work.

Pagpasok sa opisina, ang daming bulungan. May emergency meeting raw. Tinatawag kaming lahat sa conference room. May announcement.

“May bagong CEO,” bulong ni Marnie.

“Baka anak ng may-ari,” hula ni Neil.

Naupo kami sa pinakalikod. Tahimik lang ako. Nanginginig pa nga ang kamay ko at masakit pa rin ang gitna ko dahil isinuko ko sa estranghero ang virginity ko.

Nang buksan ng Chairman ang pinto at lumakad ang lalaki papasok, natigilan ako.

Parang may humila sa hininga ko palabas nang makilala ang lalaking pumasok.

Ang bagong CEO ay ang lalaking naka-one-night stand ko kagabi!

“Everyone, I’d like to introduce your new CEO. Mr. Anthony Salvatore.”

Nagulat ang lahat. Walang pumalakpak.

Naglakad si Anthony papunta sa gitna. Nakasuot siya ng navy blue na suit, puting long sleeves, at simpleng relo. Matikas siyang tumayo sa harap. Wala siyang iniwang bakas ng kahit anong emosyon sa mukha. Tumingin siya sa direksyon namin pero… parang wala ako roon.

“Good morning,” panimula niya. “I’m not here for long speeches. I want results. I want discipline. And I value loyalty above anything. I hope we all get along.”

Pagkatapos no’n, tumango lang siya at umalis.

Tahimik pa rin ang conference room.

“Wait lang…” bulong ni Ashley. “Parang nakita ko na siya somewhere.”

Tahimik lang ako. Hindi ako gumalaw. Pilit kong inaalala ang nangyari kagabi.

“Kira? Okay ka lang?” tanong ni Marnie.

Tumango ako. “Yeah. I’m fine.”

***

Sa mga sumunod na araw, naging sobrang professional ni Anthony. Wala siyang pakialam kung sino ang nasa paligid niya. Lahat kami, pare-pareho sa paningin niya. Pero hindi ako mapakali. Kahit isang sulyap lang, hinahanap ko.

Hanggang sa isang araw, pinatawag ako sa opisina niya.

“Miss Navarro,” sabi ng secretary. “The CEO would like to see you. Now.”

Nanigas ako saglit. “Me?”

“Yes. Please proceed.”

Naglakad ako papunta sa executive floor. Malakas ang pintig ng puso ko parang hindi mapigil.

Pagbukas ng pinto, agad kong nakita si Anthony. Nakaupo sa likod ng desk niya, may hawak na tablet.

“Sit,” sabi niya.

Tahimik akong umupo. Inayos ko ang upo ko. Pinilit kong itaas ang tingin.

“I reviewed your design for the Plaza Project,” panimula niya. “It’s impressive.”

“Thank you, Sir,” sagot ko.

Tumingin siya sa akin ng direrso. Parang pinag-aaralan niya ang mukha ko.

Nag-iwas ako ng tingin dahil baka maalala niyang ako ang nakasama niya kagabi.

“I want you to head the architectural team. Hands-on. Full-time.”

“Yes, Sir. I can do that.”

Tumango siya. “Good.”

Tumayo siya. Lumapit sa desk at tiningnan ako.

“You look familiar,” mahina niyang sabi.

Napalunok ako. Biglang kumabog ng malalas ang pintig ng puso ko sa sobrang kaba. “Maybe you’ve seen me around. I’ve been here four years.”

“Maybe.”

Tumalikod siya.

“Is that all, Sir?” tanong ko bago pa ako hindi na makahinga.

“That's all.”

Tumayo ako. Lumakad papunta sa pinto. Hawak ko na ang doorknob nang magsalita siya.

“Don’t let emotions affect your work.”

Napalingon ako. Nakatingin siya sa tablet. Hindi sa akin.

“Noted, Sir.”

Lumabas ako ng opisina niya, dala ang kaba at inis na hindi ko maipaliwanag.

Pagbalik ko sa table ko, napansin kong may tumatawag sa cellphone ko. Agad ko itong kinuha at tiningnan ang caller saka sinagot nang makita ang pangalan ng shark loaner na naniningil sa mga utang namin.

"Arch. Navarro, anong petsa na ba ngayon? Ilang araw na ang binigay naming palugit, pero hindi n'yo pa rin maibigay ang tubo ng inutang ninyong pera!" sigaw ni Mr. Suarez sa kabilang linya. "100,000 na ang kabuuang tubo ng utang ninyo, Kira. Bibigyan ko kayo ng tatlong araw. Kapag hindi pa rin kayo nakapagbayad, sarili mo ang gagawin mong pambayad sa akin."

Nasapo ko ang aking noo sa galit.

Saan ako kukuha ng 100,000?

Sobrang laki na ng utang namin mula noong naospital si Mama. Kulang na kulang pa rin ang sahod ko buwan-buwan para matustusan ang pangangailangan namin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
salamaaaat po
goodnovel comment avatar
Maria Clara
highly recommended po
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
salamat po 🫶
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)   Kabanata 8

    Ella’s POVKumakain ako mag-isa sa isang fast-food restaurant. Gusto ko lang ng mabilis na pagkain para makabalik agad sa opisina. Habang nagbubukas ako ng fries, bigla kong napansin ang isang pamilyar na lalaking papasok sa loob.Namilog ang mga mata ko nang makumpirma kong si Blake De Leon iyon.Parang humigpit ang dibdib ko. Ang dami kong naalala. Siya ang lalaking minsan kong nakasama sa isang madilim na bahagi ng buhay ko. Dati siyang addict, may sakit sa puso, naoperahan na, at naging sobrang aggressive at possessive sa akin noon. Hindi ko makakalimutan ang mga sigawan, ang mga pilit na hawak, at ang scandal na kumalat dahil sa amin.Pero ang lalaking nakita ko ngayon ay ibang-iba. Maayos ang suot, formal, parang galing sa opisina. Malinis ang gupit, halatang alaga ang katawan, at may aura ng propesyonal. Para bang hindi ko na siya makilala.Biglang kinabahan ako. Nanginig ang mga kamay ko sa takot. Gusto ko sanang tumayo at lumabas, pero huli na—nakatagpo na ng tingin ang mga m

  • Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)   Kabanata 7

    Ella’s POVNakatanggap ako ng email mula sa Archangel Group. Pinapapunta nila ako. Ayoko sanang pumunta pero dahil isa sila sa mga pinakamalaking investor ng Vantare Creative Studios, wala akong choice.Pagdating ko sa building, sinalubong ako ni Michael, ang secretary ni Neil.“Good afternoon, Ms. Navarro,” bati niya. “This way, please. Naghihintay na si Mr. Archangel.”Tahimik lang akong sumunod. Diretso kami sa conference room. Pagbukas ng pinto, tumambad sa akin si Neil. Nakaupo siya mag-isa sa dulo ng mahabang mesa, may hawak na dokumento. Nang tumingin siya sa akin, agad akong nagsalita.“Sabihin mo nga, Neil,” madiin kong tanong. “May kinalaman ka ba sa pag-pull out ng Archangel Group at ng iba pang investors ng St. Augustine Hospital?”Tiningnan niya si Michael. “Leave us.”Tumango lang si Michael at lumabas, isinara ang pinto.Tumayo si Neil at humakbang papalapit sa akin. Hindi siya nagtagal sa mesa, diretsong tumapat sa akin.“Yes,” proud niyang sagot. “Ako ang nagdesisyon.

  • Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)   Kabanata 6

    Ella's POV Hindi ko maitago ang kaba nang mabalitaan kong nag-pull out ang Archangel Group bilang isa sa pinakamalaking investors ng ospital na pinagtatrabahuan ni Rowan. Kagagaling ko lang sa project sites pero imbes na umuwi, dumiretso agad ako sa ospital. Ramdam kong may mabigat na nangyayari. Pagpasok ko sa opisina niya, nadatnan ko siyang nakaupo sa swivel chair, nakatitig lang sa mesa na para bang wala siyang naririnig sa paligid. “Rowan…” maingat kong tawag habang marahan kong isinara ang pinto. Hindi siya tumingin. Ilang segundo pa bago siya sumagot. “They pulled out, Ella. Not just Archangel, pero pati ‘yung ibang investors. Parang domino effect. Once they heard Archangel left, lahat nag-alisan.” Nilapitan ko siya at hinawakan ang balikat niya. “I’m sorry… Alam kong ang hirap nito. Pero kaya natin ‘to. Makakahanap tayo ng paraan.” Umiling siya. “You don’t understand. This hospital relies heavily on those investments. Kapag hindi natin naayos agad, maraming empleyado ang

  • Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)   Kabanata 5

    Neil’s POV Tinawagan ko si Michael habang nasa opisina ako. Hawak ko ang ballpen, pinipindot iyon sa mesa habang pinipigil ang inis. “Michael, I want you to stop our investments sa ospital kung saan nagtatrabaho si Dr. Rowan Guerrero. Effective immediately. I don’t care kung gaano kalaki ang mawawala. I don’t want our money there.” Saglit na natahimik sa kabilang linya bago nagsalita si Michael. “Sir, sigurado po ba kayo? That hospital has been with us for years. Malaking part ng portfolio ng Archangel Group.” “I said withdraw,” madiin kong sagot. “I don’t want to repeat myself.” “Yes, Sir. I’ll prepare the documents.” Hindi pa man ako nakakahinga ng maayos ay bumukas ang pinto ng opisina. Si Savannah. Kita ko sa mukha niya ang galit. “Neil!” sigaw niya. “What the hell did you just do?!” Umirap ako. “I’m busy. Lumabas ka kung sisigaw ka lang dito.” Lumapit siya at itinulak ang mga papel sa mesa ko. “Do you even realize kung anong ginawa mo? The board just called me. They said

  • Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)   Kabanata 4

    Neil's POV Pagkarating ko sa mansion, sinalubong agad ako ng malamig na tingin ni Ate Savannah at ng mga magulang ko. Ramdam ko pa lang sa mga mata nila, galit na agad. “Neil!” sigaw ni Savannah. “Do you even realize what you’re doing?!” Hindi pa ako nakakaupo nang agad na nagsalita si Papa. “How many times do we have to tell you? Hindi ka puwedeng lumabas mag-isa. You had a heart operation four years ago. Mino-monitor pa rin ang kondisyon mo. Ayaw mo bang mabuhay pa?” Humugot ako ng malalim na hininga. “I just visited Ella.” Biglang sumiklab ang mga mata ni Savannah. “Ella? Are you insane? Do you even know kung gaano kalaking gulo ang pinasok mo sa pagbalik mo rito? She’s about to marry someone else. Nilagay mo pa siya sa alanganin.” “Savannah,” singit ni Mommy, medyo naiiyak ang boses niya. “Hindi mo ba nakikita? Your brother never stopped loving her. Sa Spain pa lang, halos araw-araw naririnig natin siyang umiiyak. Paulit-ulit niyang sinasabi ang pangalan ni Ella. Minsan nga h

  • Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)   Kabanata 3

    Ella's POV Binuksan ko ang social media accounts ko. Since wala akong cellphone ngayon, sa laptop na lang ako nag-online. Agad kong nakita ang mga chats ng fiancé kong si Rowan. Mga chats ng kaibigan namin. Isa-isa ko silang nireplyan. Tatawagan ko na sana si Rowan, check ko lang kung nakauwi na ba siya sa condo namin, pero hindi siya sumagot. Siguro nasa biyahe pa nagmamaneho. Papatayin ko na sana ang laptop para makatulog na ako, pero biglang may nag-chat sa akin. Dumilim ang paningin ko nang nakita ang pangalan ni Neil sa messenger. Well, hindi ko siya blinock sa lahat ng social media kasi ayokong magmukhang bitter na ex. Buburahin ko na sana ang chat niya kahit hindi ko pa nababasa ang iba nang biglang may sinend siyang video at larawan. Namilog ang mga mata ko nang nakita ang videos ko sa bar na umiinom. Kasama ko siya sa larawan. May picture pa kaming dalawa sa kama habang tulog ako. Napamura ako. Kumuyom ang kamao ko sa galit. Kaya nag-chat ako na ibalik ang cellphone ko.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status