Kira's POV
Agad akong niyakap ng mahigpit ni Ella pagbalik ko sa ospital. Nakatayo siya sa gilid ng kama ng nanay namin, suot pa rin ang oversized niyang jacket. Nang makita niya ang puting bestida ko na may bahid pa ng lipstick at foundation, bumilog ang mga mata niya. “Ate…” mahina niyang tawag sa akin. “Saan ka galing?” Hindi ko na napigilan. Yumuko ako’t niyakap siya pabalik ng mahigpit. Parang ayokong pakawalan. “Pasensiya ka na, Ella,” bulong ko habang hawak ko siya sa batok. “Ginawa ko ‘to para sa atin. May pinakasalan ako.” Napasapo siya sa bibig. “Ate, k-kinasall ka?” Tumango ako habang nangingilid ang luha. “Oo, Ella. Kinasal si Ate… ngayong araw. Wala akong ibang choice.” Napaiyak siya. 'Yung iyak na hindi niya mapigilan kahit pilit niyang tinatakpan ang bibig niya. “Ayoko ng ganito, Ate…” singhot niya. “Hindi naman dapat ganito ang buhay mo. Hindi mo dapat ginagawa ’to…” Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pinilit ko siyang tumingin sa mga mata ko. “Makinig ka sa akin, Ella,” mahinahon kong sabi. “Wala na si Mama. Wala na tayong pamilya. Tayong dalawa na lang. Kung hindi ko ‘to ginawa, saan tayo pupulutin? Paano ang gamot mo? Paano na ang pag-aaral mo? Paano ang burol ni Mama?” Nanginginig ang balikat niya habang lumuluha. “Pero Ate, pinilit ka lang ba nila? Sinaktan ka ba nila?” Umiling ako. “Hindi. Ako ang lumapit. Ako ang nakiusap sa kaniya dahil hindi ako pinayagan ng HR for cash advance.” "Sino ang pinakasalan mo, Ate Kira? Matandang binata ba at mayaman ba? Si Mr. Suarez ba?" Mabilis akong umiling. "I married my boss, Ella. Si Anthony Salvatore." Nagpupunas siya ng luha gamit ang manggas niya. “Bakit siya? Bakit si Mr. Salvatore?” Huminga ako nang malalim. “Kasi siya lang ang tumulong.” Tahimik siyang napaupo sa gilid ng kama. “Ibig sabihin… asawa mo na siya?” “Oo. Pero sa papel lang, Ella. Tatlong taon lang. May kontrata.” Nagkibit balikat siya habang pilit pinapahid ang luha. “Pero Ate, paano kung gusto niyang… alam mo na… kung gusto ka niyang halikan o tabihan? Paano kung gusto ka niyang gawing totoong asawa? Paano kung hihingi siya ng anak sa 'yo?” Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko alam ang isasagot. Hindi ko pa rin alam kung ano talaga ang hinihintay ni Anthony kapalit ng kasal na ’to. “Hindi ko pa alam,” sagot ko sa kaniya. “Pero hindi niya ako pinilit. Kahit noong pumirma ako sa kontrata, hindi siya naging bastos. Tahimik lang siya. Parang business deal lang talaga sa kaniya.” “Pero Ate, hindi ka man lang niya mahal…” “Oo,” agad kong sabat. “At hindi ko rin siya mahal. Kaya nga kontrata lang ‘to. Kapalit lang ng pera. Kapalit ng seguridad natin. Hindi ko rin alam kung ano ang gusto niya, Ella. Pero sa ngayon, ang importante, safe ka. Wala na tayong utang. May sarili na tayong apartment. May gamot ka. Maayos na libing si Mama.” Natahimik na naman si Ella. Nangingilid pa rin ang luha pero alam kong unti-unti niyang nauunawaan. Hinawakan niya ang kamay ko at mahina siyang tumango. “Salamat, Ate,” aniya. “Pero sana… sana huwag kang masaktan.” Napatingin ako sa pader. “Kung masasaktan man ako… hindi na bago.” *** Kinabukasan, burol ni Mama. Halos kami lang talaga ni Ella ang naroon. Walang kamag-anak at wala ring kaibigan si Mama na dumating. Pero may ilang tauhan na ipinadala si Anthony. Lahat naka-itim. Tahimik lang silang nag-aasikaso ng pagkain, silya, at ilang gamit. Nilapitan ako ng isa sa kanila. “Ma’am, si Sir Anthony po, gustong ipahatid itong flowers at envelope.” Kinuha ko ang envelope at binuksan. Nakita ko ang maliit na papel. Binasa ko ang nakasulat. “I hope this helps. You don’t have to thank me. –A” Kasama sa sobre ang ilang libong cash at mga resibo ng gastos sa burol. Makalipas ang ilang araw, natapos na ang libing. Dumiretso kami sa bagong apartment. Sa sobrang linis, hindi makagalaw si Ella. “Ate…” sabi niya habang umiikot sa loob. “May aircon… may ref… may washing machine…” “May wifi rin,” dagdag ko. “Sa atin ‘to lahat?” “Tinanong ko rin ‘yan,” sagot ko. “Sabi ng assistant niya, package deal daw. Basta huwag daw na huwag akong lalabas ng bansa habang kasal kami. Hindi rin daw puwedeng lumabag sa confidentiality clause.” “Parang may pinagtatakpan siya,” bulong ni Ella. “Baka,” sagot ko. “Pero ayoko nang alamin. Basta ang importante, ligtas na tayo.” Bigla siyang tumakbo papunta sa kwarto. “May sarili akong kwarto?!” Tumawa ako kahit may kirot sa dibdib. “Oo. May sarili ka nang kwarto. May sariling kama. Wala nang ipis at hindi na tayo mababasa tuwing umuulan.” Bumalik siya sa akin at niyakap ako. “I love you, Ate. Sorry kung naging pabigat ako…” Pinutol ko agad. “Walang ganoon. Kailanman, hindi ka naging pabigat. Ikaw lang ang natitirang pamilya ko.” Kinagabihan, habang tulog na si Ella, umupo ako sa may bintana. Suot ko pa rin ang singsing na ibinigay ni Anthony. Pinagmasdan ko iyon habang iniikot-ikot sa daliri ko. Tumunog ang phone ko. Unknown number. Sinagot ko. “Hello?” “Nakauwi na kayo?” boses ni Anthony. Nagulat ako. “Paano mo nakuha ang number ko?” “Tinanong ko sa assistant mo sa office. Hindi mo pa binibigay ang official contact details mo sa akin mula noong nagpunta ka sa opisina ko at humingi ng tulong. I’m your husband now, remember?” Natahimik ako saglit. “Oo. Nakauwi na kami. Salamat.” “May kulang pa. You haven’t moved in sa bahay ko.” Napakunot ang noo ko. “Akala ko rito kami titira.” “Temporarily. Pero kailangan nating magsama under one roof. Mag-asawa tayo. Baka may magtanong.” Umigting ang dibdib ko. “So kailan mo balak akong palipatin diyan?” “Next week. Prepare yourself.” “Anthony…” “Hmm?” “May iba ka pa bang hihilingin sa akin?” Tahimik siya sa kabilang linya. “Wala. Basta sundin mo ang kasunduan. ‘Wag kang lalabag. ‘Wag kang magsisinungaling. At ‘wag kang tatakbo.” “Hindi ako tatakbo,” mahina kong tugon. “Pero sana… huwag mo akong gawing parang… laruan.” Hindi siya sumagot agad. Pero bago niya ibaba ang tawag, narinig ko ang mahina niyang boses. “Hindi kita lalaruin, Kira. Pero huwag mo rin akong subukan. Mas masahol pa ako sa demonyo kapag nagagalit.”Kira's POV Isang pulis ang lumapit sa amin.“Ma’am, kailangan po nating i-settle ‘yung damage sa kotse. May estimated cost na pong lumabas, twenty-five thousand.”“Okay. Ako na po ang magbabayad.”Bumalik ako sa loob ng presinto at tinapos ang settlement. Nakakunot ang noo ng pulis pero hindi na sila nagsalita pa.Pagbalik ko kay Ella, nakaupo na siya sa bench.“Halika na. Uuwi na tayo.”“Pasensya na, Ate…” mahina niyang bulong habang papunta kami sa taxi.Wala akong sinagot. Hindi ko alam kung anong mas sasakit—‘yung makita siyang unti-unting nawawala sa direksyon o ‘yung marinig mula sa kaniya na hindi niya kailanman naisip ang mga sakripisyong ginagawa ko.Pagkauwi sa apartment, pinaupo ko siya sa sofa habang ako naman ay kumuha ng tubig. Iniabot ko sa kaniya.“Inumin mo ‘yan.”Sumunod siya. Tahimik pa rin.“Ella,” panimula ko habang tinatanggal ang suot kong blazer, “hindi ako galit kasi uminom ka. Galit ako kasi nagsinungaling ka. Kasi nilalagay mo sa alanganin ang sarili mo. Ka
Kira's POVPagod na pagod akong humiga sa kama sa bago naming apartment. Sobrang bigat ng katawan ko. Ang daming reports na kailangan kong tapusin sa office at halos wala na akong tulog dahil sa overtime. Pero kahit gano'n, mas kampante akong pagod ako sa trabaho kaysa pagod ako kakaisip.I was about to close my eyes when my phone rang.Tumagilid ako para abutin 'yon sa side table. Unknown number. “Hello?” mahina kong bati habang sinasapo ang sentido ko.“Miss Navarro?” tanong ng lalaki sa kabilang linya.“Opo, speaking.”“This is Dean Ramirez from Eastview University. I just wanted to check if everything’s okay with your sister, Ella.”Napaupo ako agad sa kama. “Bakit po, Sir? May nangyari ba?”“Nothing serious—yet. But she hasn’t been attending her classes for weeks now. Some of her professors reported that she’s always absent. And I’ve heard from other students that she’s been… frequenting bars.”“Bars?” halos sigaw ko. “Sir, sigurado po kayo?”“Yes. And she reportedly collapsed l
Kira's POV Halos mapatigil ang paghinga ko nang marinig ang boses ni Lolo Roman. Nakatayo siya sa pintuan ng guest room, nakapamewang at nakatitig nang diretso sa amin ni Anthony. Kita ko sa mga mata niya na wala siyang tiwala sa relasyon namin.Gulat na gulat ako, hindi ko alam kung sasagot ba ako o hahayaan na lang si Anthony na dumiskarte.“Lolo, medyo… ano kasi si Kira, eh… pagod siya sa biyahe. Gusto ko lang sanang makapagpahinga siya muna,” palusot ni Anthony habang lumapit sa matanda.Hindi siya umubra.“Asawa mo siya, ‘di ba? Doon kayo sa silid mo matulog. Hindi siya bisita sa bahay ko. Asawa mo si Kira,” mahinahon pero mariing sabi ni Lolo habang tinatapik ang balikat ni Anthony.Napasulyap ako kay Anthony. Ramdam ko ang kaba ko habang tumitindi ang pagtitig ni Lolo sa amin.“Actually, dito po ako matutulog, Lolo,” sagot ni Anthony.Napalingon ako agad sa kaniya, pinanlakihan ko siya ng mga mata.Pero imbes na ayusin niya ang sinabi niya, lalo pa niya itong nilubog.“Aba’y m
Anthony’s POVHindi ako mapakali habang nakatitig si Lolo Roman kay Kira. Halatang pinagmamasdan niya ang bawat galaw ng babae. Nakakunot ang noo niya habang pinagmamasdan kung paano nahihirapan si Kira gumamit ng kubyertos. Hindi siya sanay sa ganitong klaseng kainan. Formal dinner setup kasi ito, and knowing my grandfather, bawat detalye sa table setting ay importante.Maingat kong ibinaba ang kutsara’t tinidor ko. Kinuha ko ang kamay ko at dumiretso sa pagkain gamit ang kamay. Walang imik akong kumain ng kanin at ulam. I made sure na kita iyon ni Lolo.Napalingon sa akin si Kira, gulat na gulat sa ginawa ko. Pero nang makita niyang kalmado lang ako, at hindi ko pinansin ang reaksyon ng lolo ko, dahan-dahan din siyang gumaya.Kumuha siya ng kanin gamit ang kamay. Nag-umpisa siyang kumain na mas kumportable kaysa kanina.Kumuha ako ng ulam, at walang pasabi, sinubuan ko siya."Anthony—" bulong niya."Just eat," sabi ko sa mababang boses, walang emosyon.Napalingon ako kay Lolo. Tinit
Anthony’s POVKatatapos lang naming mag-lunch ni Lolo Roman sa mansiyon. Katulad ng dati, may pagka-diretsong tao si Lolo. Hindi siya marunong magpaligoy-ligoy. Pag upo pa lang namin sa hapag, diretso na agad sa tanong.“Kailan mo ba ipakikilala sa amin ang asawa mo, hijo?” tanong niya habang pinapahid ang bibig gamit ang panyo.Humigop ako ng tubig bago sumagot. “Malapit na, Lolo. May inaasikaso lang siya sa trabaho. Pero pinaplano ko na.”“Pinakasalan mo na agad pero hindi mo man lang kami ininform. Parang minadali mo naman,” komento pa niya. “Hindi man lang kami naimbitahan. Ni walang engagement announcement.”Napatingin ako sa kanya habang hawak ko ang cellphone ko. Tumatawag ako kay Kira, pero hindi niya sinasagot.“Hindi kasi naging normal ang sitwasyon, Lolo,” mahinahong sagot ko. “Biglaan ang lahat. May mga kailangan kaming ayusin pareho. Saka kayo rin naman ay ilang taon nang nasa Italy, hindi ba? Maging ang communication natin, bihira. Kaya hindi ko na rin inasahan na magigi
Kira’s POVAlmost two weeks na akong hindi pumapasok sa Salvatore Holdings. Halos araw-araw akong gising hanggang madaling-araw, nakatitig lang sa kisame. Hindi pa rin ako makapaniwalang wala na si Mama. Sabi ni Anthony, siya na raw ang bahala sa kompanya. Hindi na raw ako dapat mag-alala sa trabaho ko. Pero alam kong hindi pwedeng habang buhay akong nakatunganga lang sa sulok.Kaya heto ako ngayon, papasok sa trabaho nang may baon pa ring bigat sa dibdib.Pagpasok ko sa lobby ng Salvatore Holdings, agad akong napalingon sa mga empleyadong nagkukumpulan malapit sa reception area. May hawak silang mga cellphone, sabay-sabay na nag-uusap.“Grabe ‘no, kasal na pala si Sir Anthony. Hindi man lang natin alam!”“Ang bilis. Wala man lang announcement. Hindi man lang kami inimbita,” sarkastikong hirit ng isa.“Alam mo na, secret marriage. Pero sino kaya ‘yung babae?”Napahinto ako. Pakiramdam ko’y may malamig na hangin na dumaan sa batok ko. Lahat sila, excited. Pero ako, kinakabahan. Ako an