LOGINKira’s POV
Almost two weeks na akong hindi pumapasok sa Salvatore Holdings. Halos araw-araw akong gising hanggang madaling-araw, nakatitig lang sa kisame. Hindi pa rin ako makapaniwalang wala na si Mama. Sabi ni Anthony, siya na raw ang bahala sa kompanya. Hindi na raw ako dapat mag-alala sa trabaho ko. Pero alam kong hindi pwedeng habang buhay akong nakatunganga lang sa sulok. Kaya heto ako ngayon, papasok sa trabaho nang may baon pa ring bigat sa dibdib. Pagpasok ko sa lobby ng Salvatore Holdings, agad akong napalingon sa mga empleyadong nagkukumpulan malapit sa reception area. May hawak silang mga cellphone, sabay-sabay na nag-uusap. “Grabe ‘no, kasal na pala si Sir Anthony. Hindi man lang natin alam!” “Ang bilis. Wala man lang announcement. Hindi man lang kami inimbita,” sarkastikong hirit ng isa. “Alam mo na, secret marriage. Pero sino kaya ‘yung babae?” Napahinto ako. Pakiramdam ko’y may malamig na hangin na dumaan sa batok ko. Lahat sila, excited. Pero ako, kinakabahan. Ako ang tinutukoy nilang asawa. Ako ang babaeng pinakasalan ni Anthony. At ang pinaka-nakakapanindig-balahibo, hindi pa ako pinapangalanan sa balita. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Napakabigat ng hakbang ko habang papunta sa department namin. Pagpasok ko sa loob ng architectural division, nadatnan ko sina Marnie, Neil, Ralph, at Ashley. Naka-headset si Neil habang may ka-meeting sa Zoom. Si Ralph at Marnie, parehong abala sa pagbuo ng 3D model. Si Ashley naman, nakatitig sa monitor habang tila may binabasa. Tahimik akong lumapit. Hindi ko na inungkat kung bakit hindi sila dumalo sa libing ni Mama. Wala na rin naman akong energy para makipagtalo pa. “Hey,” mahina kong bati. “Good morning.” Saglit lang silang tumingin sa’kin, saka bumalik sa ginagawa nila. Parang hindi ako nawalan ng ina. Bago pa ako makaupo sa station ko, napansin kong kakapasok lang ni Mr. Robles. Agad akong tumayo. Malaking kliyente ‘yon. Siya ‘yung project na pinaghirapan kong i-present nang ilang linggo. Lead architect ako roon. Tiyak, may itatanong siya o may kailangan. Ngunit sa halip na sa akin lumapit, dumiretso siya kay Ashley. Napakunot ang noo ko. “Ashley?” tanong ko sa sarili ko. Agad akong lumapit. “Good morning po, Mr. Robles,” bati ko habang pinipilit ngumiti. “Kailangan n’yo po ba ng update sa proposal? I already made revisions based on our last meeting. Nandito po sa flash drive ko kung gusto n’yong makita.” Saglit siyang tumingin sa akin pero hindi rin tumagal. Tumayo siya at inabot ang kamay kay Ashley. “Miss Villaruel, I’m looking forward to working with you and your team.” Parang nawala ako sa sarili. Napatingin ako kay Ashley. “Ash, anong ibig sabihin nito?” tanong ko, pilit pinapakalma ang sarili. “Wait lang—akala ko ako ang lead architect sa project ni Mr. Robles?” Natahimik si Ashley. Hindi makatingin nang diretso. Biglang sumabat si Mr. Robles. “Pasensya na, Architect Navarro. Ayaw kong magkaroon ng bad publicity ang project ko. Ayoko rin ma-link sa isang arkitektong may... well, alam mo na. Maraming personal na issues.” “Sir?” naguguluhan kong sagot. “Don’t get me wrong,” patuloy niya. “Magaling ka. Pero balita ko, baon sa utang ang pamilya ninyo. Pinalayas pa kayo sa apartment. Ang daming eskandalo. Hindi ito ang image na gusto ko para sa bagong commercial tower namin.” Hindi ko alam ang isasagot. Parang nanigas ang buong katawan ko. Pakiramdam ko, tinitingnan ako ng buong departamento. “Magandang araw sa inyo,” dagdag pa ni Mr. Robles saka lumabas ng opisina. Hindi ako nakakibo. Tumalikod ako at dahan-dahang bumalik sa table ko. Wala man lang nagsalita. Kahit si Ashley. Pagkaupo ko, pinilit kong pigilan ang mga luhang gustong kumawala. Pinilit kong kontrolin ang galit at sakit na nararamdaman ko. Pero hindi ko na napigilan. Tumayo ulit ako at nilapitan si Ashley. “Ano ‘to, Ash?” diretsong tanong ko. “Hindi mo man lang sinabi sa’kin na ikaw na pala ang kukuha ng project ni Mr. Robles? Nilapitan ka ba niya mismo o ikaw ang nag-present ng sarili mo?” “Hindi ko intention na agawin, Kira,” mahinang sagot niya. “Talaga?” napapailing kong tanong. “Eh bakit hindi mo man lang ako sinabihan? Bakit parang lahat kayo, biglang umiiwas sa akin? Simula nang mamatay si Mama, parang hindi ko na kayo kilala.” Sumabat si Marnie. “Kira, ‘wag mong ilabas ang personal issues mo dito sa office.” “Personal?” singhal ko. “Ina ko ‘yun, Marnie. Nanay ko. Ni isa sa inyo walang dumalaw. Ni hindi kayo nag-message. Ngayon, aagawin ni Ashley ang kliyente ko, tapos ako pa ang masama?” “Nagdesisyon na si Mr. Robles,” sabat ni Ralph. “Wala kang magagawa.” “Alam ko. Pero sana, man lang, may respeto.” Tumalikod ako at bumalik sa mesa ko. “Hindi ko na kayo kilala.” Tahimik ang buong floor. Walang gustong magsalita. Lahat abala sa kani-kanilang monitor. Lumipas ang ilang oras, hindi ko pa rin mapigilan ang inis. Maya-maya, tumunog ang phone ko. Tumatawag si Anthony. “Hello?” mahinang sagot ko. “Bumalik ka na ba sa trabaho?” tanong niya. “Yeah.” “Okay ka lang ba?” Huminga ako nang malalim. “Hindi.” “May problema ba?” “Mr. Robles pulled out. Kinuha niya si Ashley. Alam mo ba kung bakit?” Sandaling katahimikan sa kabilang linya. “Because my mother died. Because we were in debt. Because the apartment we lived in got taken away. Because apparently, I have too many issues,” tuloy-tuloy kong litanya. “That’s how people see me now, Anthony.” “Kira, I told you, I’ll fix everything—” “Stop saying that!” singhal ko. “Hindi mo alam kung gaano kahirap bumangon sa umaga na parang wala ka nang dahilan para lumaban. Ikaw, ang dali para sa 'yo. Ikaw ang may pera. Ikaw ang may kapangyarihan. Pero ako? Ako pa rin ang tinatawanan, hinuhusgahan, pinagchichismisan. And now, even my friends—” “Kira—” “Don’t,” bulong ko. “I just need time. Please. Ayokong makipag-usap ngayon. Kung gusto mong lumipat na ako sa bahay mo, pwedeng bukas na lang?” Natahimik si Anthony. Parang nag-iisip ng sasabihin. Binaba ko ang tawag. Pinikit ko ang mga mata ko, pinipilit i-absorb ang lahat. Parang bawat aspeto ng buhay ko, gumuho sa harap ko. Ang dating mga kaibigan ko, bigla na lang hindi ako kilala. Ang pinaghirapan kong proyekto, biglang nawala. Ayoko sanang umiyak ulit, pero wala akong magawa kundi hayaang tumulo ang mga luha ko habang tahimik akong nakaupo sa station ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin ang lahat ng problema ko.Pagkauwi ni Audrey sa condo, nadatnan niya sina Allan at Alia na nakaupo sa carpeted floor ng sala. Nakabukas ang mga notebook nila, sabay silang nag-aaral ng homework. Napansin agad ni Audrey ang mga bagong gamit sa lamesa—isang bago at makintab na pencil case, dalawang makapal na notebook na may cartoon cover, at bagong tablet na nakapatong sa gilid. “Kuya Allan…” tawag ni Audrey, hindi maitago ang pag-aalala. “Saan galing ’yang mga gamit na ’yan?” Napatingin si Allan sa kapatid, medyo nahihiyang ngumiti. “Ah… Ate, binili po ’yan… ni Kuya Midnight. Pinadala niya kanina. May tumawag na tao niya, tapos iniabot po rito.” Napabuntong-hininga si Audrey. “Sinabi ko na sa inyo, huwag kayong tumatanggap agad ng kung ano-ano. Kailangan ko munang malaman.” “Ate naman,” sabi ni Alia, lumapit at niyakap ang braso niya. “Sabi po no'ng guard, okay lang daw. Saka… ang ganda po nang tablet. Puwede ko na pong gawin ang drawings ko roon.” Napaupo si Audrey sa sofa. Hinaplos niya ang buhok ng bat
Katatapos lang ng trabaho ni Audrey before lunch nang makarinig siya ng chismis sa kabilang mesa. Naririnig niya ang mahinang usap-usapan ng ilang empleyado habang kumukuha sila ng tubig sa dispenser. Hindi sinasadya pero umabot sa pandinig niya ang pangalan ni Midnight. “Uy, girl, sabi ni Ma’am Trina babalik na raw dito sa Pilipinas ang rumored long-time girlfriend ni Sir Midnight.” “Ano? ’Yung taga-Australia?” “Oo. Tatlong taon daw silang on and off, tapos biglang biglang bumalik daw sa Pinas si girl. Baka mag-propose na si Sir! Ang tagal na nilang magkasintahan.” “Grabe! Buti pa siya, may forever.” Napapitlag si Audrey. Parang biglang lumamig ang batok niya. Hindi siya dapat makinig, pero kusa nang kumislot ang puso niya. Nagpigil siya ng buntong-hininga at nagpatuloy sa pag-aayos ng laptop niya. Pero hindi niya napigilan ang paghaplos sa maliit niyang tiyan sa ilalim ng maluwag na blouse. Para bang pinapaalalahanan siya ng reyalidad. “Kung totoo man ang chismis… kung may gir
Hindi makatingin si Audrey nang diretso kay Midnight. Hindi niya alam kung saan niya ilalagay ang sarili. Nang marinig niya kanina ang sinabi ng binata, parang umikot ang mundo niya. “You’re pregnant, Audrey,” ulit ni Midnight, mas mababa ang tono. “You’re carrying my child.” Napakuyom ng kamay ni Audrey. Hindi siya makapagsalita. “You’re my responsibility,” dagdag ng binata. “’Yan ang dahilan kung bakit ayaw kitang mahirapan. Wala nang iba.” Napatingin si Audrey sa sahig. Inaasahan niya na magagalit si Midnight, magtatanong kung bakit itinago niya, kung bakit nagsinungaling siya noon. Pero heto ito, kalmado, hindi mataas ang boses, hindi siya minamasama. “Akala ko…” mahinang bulong ni Audrey. “Akala ko magagalit ka sa ’kin.” Umiling si Midnight. “Hindi ako galit.” Natahimik si Audrey, kinakapa ang sariling lakas ng loob. Lumapit ng isang hakbang si Midnight. “Audrey, alagaan mo ang sarili mo. Don’t stress yourself.” “Sir—” “Stop calling me Sir.” Matiim ang boses nito pero hi
Pagdating nilang lahat sa Maynila, halos hindi makapaniwala sina Allan at Alia sa laki ng condo. Nang buksan ni Midnight ang pinto, sabay-sabay napatingin ang mga bata sa malinis at malamig na loob ng unit. May sofa, malambot na carpet, kumpletong appliances, at amoy bagong linis ang buong lugar. “Ate… ang laki rito…” bulong ni Alia habang nakahawak pa sa damit ni Audrey. Tumawa nang mahina si Allan. “Parang hotel, Ate. Totoo ba ‘to? Dito na tayo titira?” Ngumiti si Audrey sa kanila kahit pagod na pagod ang katawan at isip. “Oo, dito muna tayo. Pero magpasalamat kayo kay Sir Midnight. Kung hindi dahil sa kanya…” Napakamot ng ulo si Midnight, halatang naiilang sa papuri. “Hindi kailangan ng pasasalamat. Mas gusto ko lang na kumportable kayo.” Lumapit si Alia kay Midnight at nahihiya pang yumuko. “Salamat po, Sir. Hindi ko po… hindi ko po alam paano mag-thank you nang tama… pero salamat po talaga.” Napangiti si Midnight. “Tawagin mo na lang akong Kuya Midnight para mas madali.” Na
Pagkababa nila ng van sa harap ng lumang bahay nina Audrey, agad na humampas sa ilong ni Midnight ang amoy ng lumang kahoy at alat ng hangin mula sa kalsadang hindi sementado. Tahimik ang paligid, pero may kung anong kaba ang gumapang sa dibdib ni Audrey. Ramdam niyang may mali. “Sir… parang may naririnig ako,” pabulong niyang sabi habang papalapit sa pinto. Nagkatinginan sila nang marinig ang malakas na kalabog mula sa loob. Sunod ay tinig ng bata—iyak nang iyak, nanginginig ang boses. “Tiya, ayoko na… ayoko na…” boses ni Alia iyon, mahina ngunit puno ng takot. Hindi na nagdalawang-isip si Audrey. Binuksan niya nang mariin ang pinto at halos manlambot ang tuhod niya sa nasaksihan. Nasa sulok ng maliit na sala sina Allan at Alia. Si Allan, yumayakap sa kapatid para protektahan ito, habang si Tiya Lucia—kapatid ni Letty—ay hawak ang sinturon at galit na galit na sinisigawan ang dalawang bata. “Lumuhod kayo! Kainin ninyo ‘yan!” sabay turo sa pagkain na nasa sahig, naghalo ang kanin
Tumawag ang kabitbahay nila Audrey sa probinsiya isang hapon habang abala siya sa pag-aayos ng code na dapat niyang isumite bago matapos ang shift. Hindi niya agad nasagot ang tawag dahil nasa kalagitnaan siya ng pagsusuri ng error. Ngunit nang makita niya ang pangalan sa screen, agad nang kumabog ang dibdib niya. Pag swipe niya ng sagot, halos mabingi siya sa lakas ng boses ng kapitbahay. “Audrey! Hija, inaresto ang tiyahin mo! Nahuli ng mga pulis. May mga drogang nakita sa loob ng bahay at nagsusugal pa raw!” Napasinghap siya. “Ano? Tiya Letty? Sigurado ka ba, Ate Loring? Baka naman—” “Hija, totoo. Nasa presinto siya ngayon. Hindi ko alam kung anong gagawin. Pinuntahan na rin ng kapatid mo pero wala silang magawa.” Nanlamig ang kamay niya. Napatingin siya sa screen ng laptop na parang hindi na gumagalaw. “Paano si Mama? Si Allan? Si Alia? Wala bang nagbabantay sa kanila?” “Wala, hija. Naiwan silang tatlo. Ang mama mo nakahiga lang. Hindi makabangon.” Nalaglag ang balikat niya.







