Good afternoon. Stay tuned for more updates! 🤭🥵
Ella’s POVAgad akong bumaba nang tawagin ako ng maid. “Ma’am Ella, kakain na raw po,” magalang nitong sabi. Tumango ako at inayos ang buhok ko bago lumabas ng silid ni Neil.Pagbukas ko ng pinto, biglang namilog ang mga mata ko. Sa sala, nakaupo ang isang babaeng hindi ko inaasahang makikita rito—ang Ate Savannah ni Neil. Ang CEO ng Archangel Group. Kilala ko siya noon pa man dahil isa siya sa tumulong sa amin, ilang beses ko na siyang nakita sa mga business magazines. Magaling siyang abogada. Matapang ang tindig, halatang sanay na sanay manguna.Bago pa ako makapagsalita, bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. Napahawak ako sa pisngi ko nang mariin niya akong sampalin.“Savannah!” nagulat na sigaw ng Mommy ni Neil na nasa dining table.“Anong ginagawa mo?” halos sabay-sabay na tanong ng mga tao sa paligid.Pero hindi ako nakapagsalita. Nanigas lang ako sa kinatatayuan ko.“Walang hiya ka,” madiin na sabi ni Savannah habang nakatitig sa akin. “Dahil sa iyo, ayaw nang bumalik ng kapa
Ella’s POVHindi ko akalain na ganito kabilis kumalat ang balita. Ilang araw lang ang lumipas mula nang dumating sina Rowan at Cassandra sa opisina ko, at ngayon, lahat ng social media platforms, pati mga business groups na konektado sa amin, pinag-uusapan na sila. Hindi na bago sa akin ang tsismis, pero iba ito.Si Rowan, na dati’y iniidolo ng ilan dahil doctor siya, ngayon halos pandirian na. At si Cassandra, na kilala sa pagiging sosyal at maarte, biglang naging tampulan ng pangungutya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maaawa.Nasa lounge ako ng firm, kasama si Dale at ilan sa mga staff na hindi mapigilang magkomento.“Ma’am, grabe po talaga. Trending sa Twitter at Facebook,” sabi ni Dale habang hawak ang phone niya. “Hashtag RowanScandal, Hashtag CassandraNaBiktima. Ang daming memes, Ma’am. Hindi ko na alam kung matatawa ba ako o maaawa sa kanila.”“Pakita mo nga,” sabi ko.Nilapit niya ang phone niya sa akin. Nakita ko ang screenshot ng wedding invitation card nila na kumalat
Ella’s POVKatatapos lang ng meeting namin kasama ang ilang board members ng Vantare Creative Studios. Pagod na rin ako pero nakangiti pa rin dahil maganda ang naging resulta ng presentation ng mga staff. Papunta na ako sa opisina ko nang biglang pumasok si Dale, ang secretary ko.“Ma’am Ella,” sabi niya, “may naghahanap po sa inyo. Nasa loob na ng opisina ninyo.”Napakunot ang noo ko. “Sino dñraw?”Umiling si Dale. “Hindi nagsabi, Ma’am. Basta sabi, importante raw.”Huminga ako nang malalim at binuksan ang pinto ng opisina ko. At halos mapailing ako sa gulat. Nakatayo roon si Rowan, ang dati kong fiancé. At ang mas ikinabigla ko, magkahawak kamay sila ni Cassandra Villareal.Nagkangitian pa sila nang makita ako. Naglakad ako papasok, hindi nagpahalata ng kaba, at umupo sa swivel chair ko.“Oh,” sabi ko habang nakataas ang kilay. “Ito pala ‘yong importante. Rowan and Cassandra in one frame.”Ngumisi si Rowan at iniabot sa akin ang isang wedding invitation card. “We came here to person
Neil’s POV Hinila ko nang madiin ang kwelyo ng tauhan kong si Marco at walang pakundangang binagsak sa sementadong sahig. Wala na akong pasensya. Ilang araw na at wala pa rin siyang dala sa akin na pangalan. “Boss! Please, makinig ka muna!” sigaw niya habang halos gumapang sa harap ko. “Makinig?” singhal ko. “Ilang araw na ang binigay ko sa’yo! Ang hinihingi ko lang, pangalan ng taong gustong pumatay sa Daddy ko. Pero ano? Wala! Ni anino, wala kang maibigay!” Sinuntok ko siya sa panga. Narinig ko ang ungol niya habang bumagsak ulit sa sahig. Dinampot ko ang cellphone niya na nahulog sa tabi. Pagtingin ko, may mga unread messages. Napatitig ako. Nakasulat doon: “Huwag mong ibubulgar. Tandaan mo, pamilya mo ang kapalit.” Sunod-sunod pa ang messages mula sa parehong number. “Putang—” halos pasabog ang boses ko. “Sino ‘to?!” Nanginginig siyang tumingin sa akin. “Boss… huwag mong hawakan ‘yan.” Sinipa ko siya nang malakas sa tagiliran. “Sino ang nag-utos, Marco?! Sabihin mo na ngayo
Neil’s POV Nakatanggap ako ng tawag galing sa isa sa mga tauhan ko. Pagkarinig ko pa lang ng boses niya, ramdam ko na agad na may masamang balita. “Boss… pasensya na, pero hindi pa rin namin matukoy kung sino ang nag-utos na barilin si Sir Bernard,” sabi ng tauhan ko, halatang kinakabahan. Napakagat ako sa labi at mariing pinikit ang mga mata. “Ano’ng ibig mong sabihin na hindi pa rin? Ilang araw na mula nang mangyari ‘yon. Anong ginagawa ninyo?!” “Boss, sinuyod na po namin lahat ng CCTV sa paligid. May nakuha kaming video pero nakasuot ng helmet at mask ang lalaki. Malinis ang galaw, halatang sanay.” “Put—!” Muntik ko nang ibagsak ang telepono sa inis. “Hindi sapat ‘yang dahilan! Wala akong pakialam kung gaano kaingat ang kalaban. Gusto ko ng pangalan. Gusto ko ng mukha. At gusto ko ng koneksyon kung sino ang nag-utos.” Narinig ko ang kaba sa boses niya. “Boss, ginagawa na po talaga namin ang lahat. May hinala na po kami pero kulang pa sa ebidensya.” “Hinala? Hindi ko kailangan
Neil’s POV Pagkatapos kong ihatid si Ella sa firm, hindi na ako nagtagal pa roon. May tumatakbo sa isip ko na ilang araw ko nang iniisip. Gusto kong makita kung ano na ba talaga ang kaya ni Blake. Ayokong marinig lang sa iba. Gusto kong makita sa sarili kong mata. Kaya dumiretso ako sa bagong bukas niyang law firm. Pagpasok ko pa lang, napansin ko agad na puno ng tao. Mga kliyente, staff, at ilang associate lawyers na abala sa kani-kanilang mesa. Agad ko siyang natanaw. Si Blake mismo ang nag-aasikaso ng mga client. Nang mapansin niya ako, bahagyang nagbago ang ekspresyon niya. Hindi siya nagulat, pero halatang nabigla nang kaunti. “Mr. Archangel,” sabi niya agad, habang lumalapit. “I didn’t expect you here.” “Ni hindi mo siguro naisip na papasukin ko ang teritoryo mo,” sagot ko. Ngumiti lang siya, hindi ko alam kung pang-asar o natural lang sa kaniya. “Come. Let’s talk inside. Coffee?” Hindi ko siya tinanggihan. Sumunod ako sa kaniya papasok sa opisina niya. Malinis, bago pa an