Share

Kabanata 84

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-08-28 12:13:25
Kira’s POV

Nakatitig lang ako sa bintana habang pinagmamasdan kung paanong unti-unting lumayo ang kotse ni Anthony palabas ng mansion ng Archangel. Hindi ko namalayan na may luhang bumagsak sa pisngi ko. Pinunasan ko agad iyon bago pa mapansin ng iba.

Naawa ako sa kaniya, oo, pero mas higit na naawa ako sa sarili ko. Ako ang niloko, ako ang iniwan, at ako rin ang pinagmukhang wala.

“Nakahanda na ang lahat sa pag-alis mo mamaya.”

Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Neil. Katatapos lang niyang pumasok sa guest room kung saan pansamantala kaming naninirahan ni Ella. Hawak niya ang cellphone niya, halatang may tinapos lang na tawag bago siya pumasok.

“Salamat, Neil,” mahina kong sagot.

Lumapit siya at umupo sa sofa malapit sa kama. “Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo? Kapag umalis ka, baka hindi mo na siya ulit makita.”

Napabuntong-hininga ako. “Kung mahal niya talaga ako, sana hindi niya ginawa lahat ng iyon. Sapat na ang lahat ng sakit na naramdaman ko. Hindi na ako b
Deigratiamimi

Pasensiya na kung kaunti lang update ko today. Susubukan ko pa rin mag-update po. Sobrang sakit talaga ng lalamunan at ulo ko. Nilalagnat pa rin po ako.

| 16
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
updated na pooo ulit
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
updated na pooo ulit
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
updated na pooo 🫶
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)   Kabanata 133

    Anthony’s POVGalit na galit na sumugod si Tita Carmen sa opisina ko pagkabalita niya na tinanggal ko si Bianca sa Salvatore Holdings. Hindi man lang siya nagpa-schedule. Bigla na lang bumukas ang pinto, sabay sigaw niya.“Anthony! Ano na namang kalokohan itong ginawa mo?”Tumayo ako mula sa kinauupuan ko, hindi na nagulat. “It’s not a joke, Tita. I made a decision as President of Salvatore Holdings.”“Decision? Decision ba talaga ‘yan o kagagawan na naman ng asawa mong si Kira?” matalim ang tingin niya. “Dahil lang ba sa babae na ‘yon, kaya mo sisirain ang kompanya na pinaghirapan ng pamilya natin?”Umigting ang panga ko. “Don’t drag Kira into this. This has nothing to do with her. Bianca made a mess. At kung hindi ko siya aalisin, mas lalo tayong mapapahiya.”“Mapapahiya?!” Halos tumaas ang boses niya. “Hindi mo ba naiintindihan? Si Bianca ang isa sa mga pinakamahusay na architect ng kompanya. Siya ang nagdadala ng maraming kliyente.”Umiling ako. “That’s where you’re wrong. Ang aka

  • Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)   Kabanata 132

    Anthony’s POVPagkalabas nina Bianca at ng kaibigan niyang impostor, biglang bumagsak si Lolo Roman sa upuan. “Lolo!” mabilis kong sigaw. Hawak-hawak niya ang dibdib niya, hingal nang hingal. “Heart attack! Call the ambulance, now!” sigaw ko sa mga staff.Nagkagulo ang lahat. Tumakbo ang mga tao, may nagsisigaw, may tumatawag ng emergency.Gustong lumapit ni Kira para tumulong, pero bago pa siya makalapit ay biglang hinarang siya ni Tita Carmen at itinulak palayo. “Huwag ka ngang lumapit dito! Ikaw ang dahilan kaya na-stress ang ama ko!” galit na sabi ng tiyahin ko.“Enough!” halos pasigaw kong sabi. Hinila ko si Kira papalapit sa akin at tinitigan si Tita Carmen. “Walang karapatan ang kahit sino sa inyo na saktan ang asawa ko. One more time na gagawin mo ‘yan, Tita, hindi na kita palalagpasin.”Namutla siya, hindi makatingin nang diretso. “A-Anthony, hindi mo alam ang sinasabi mo. Siya ang dahilan—”“Siya ang asawa ko!” putol ko agad. “Kung may problema kayo, ako ang harapin ninyo.

  • Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)   Kabanata 131

    Kira's POV Pag-akyat namin sa stage, kinuha ng host ang mic at ngumiti. “Ladies and gentlemen, I’m sure many of you are shocked. Tonight, we are finally revealing the brilliant minds behind one of the most innovative design firms in the country. Let us hear from them.”Iniabot sa akin ang mic. Huminga ako nang malalim.“Good evening, everyone,” panimula ko. “Alam kong marami sa inyo ay nagtataka kung bakit limang taon kaming nagkubli. May rason po kami. Gusto naming patunayan na hindi kailangang nakikita ang mukha ng isang tao para magtagumpay. Ang mahalaga, nakikita ninyo ang gawa niya.”Nagpalakpakan ang audience. Kita ko ang matalim na tingin ni Bianca mula sa mesa nina Anthony. Hindi siya makapaniwala.Ella spoke next. “We wanted our work to speak for itself. Hindi namin hinayaang masapawan kami ng mga pangalan ng tao o koneksyon. What you’ve seen these past years—those designs, those structures—that’s ours. That’s Vantare.”Tumindig ang balahibo ko sa tuwa at pride sa kapatid ko

  • Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)   Kabanata 130

    Kira’s POVUmigting ang panga ni Bianca. Bakas sa mukha niyang hindi makapaniwalang sa akin mismo nanggaling na hindi kami hiwalay ng asawa kong si Anthony.“Wow, ang kapal din ng mukha mo,” sarkastiko niyang tugon. “Matagal ka na niyang hiniwalayan kasi hindi ka nababagay sa pamilya niya!”“Kung hindi ako nababagay sa kaniya, sino ang nababagay? Isang katulad mong manggagamit?” diretsahan kong sagot. “Hindi ko hahayaang dumapo ang kamay mo sa asawa ko. Baka may sakit ka na nga kasi kung sino-sinong lalaki ang tumitira sa ’yo.” Sinipat ko siya mula ulo hanggang paa. “Wala ka pang anak, pero look at yourself, Arch. Bianca De Leon—mas nagmumukha ka pang losyang kesa sa akin. May anak ako, pero parang nagkaroon ka ng isang dosenang anak.”“How dare you say—”Sasampalin niya sana ako pero nahawakan ko agad ang kamay niya. Pagkabitiw ko, kinuha ko ang sanitizer ko at nag-spray sa kamay ko.“Baka mahawa pa ako sa karumihan mo,” pang-aasar ko.“Umalis ka na, Kira. Hindi ka nababagay sa ganit

  • Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)   Kabanata 129

    Kira’s POVHabang tumatagal, mas lalo lang akong naiinis. Inangkin ni Bianca ang sarili kong firm. Sinabi niyang kaibigan niya raw ang founder ng Vantare Creative Studios. Gusto ko na lang matawa. Kailan ko pa naging kaibigan ang impaktang ‘yon?Pinanood ko si Bianca na kinukuhanan ng interview. Sa akin dapat ang spotlight na ‘yon. Pero pinilit kong huwag mag-react. Nakikinig ako sa payo ni Anthony—na kailangan ko munang i-hide ang totoong identity ko hangga’t hindi pa matatag ang network ng clients namin. Isang taon pa lang halos ang negosyo, hindi pa ganoon ka-solid.Pagkatapos ng contract sa Tuscany, agad kaming umuwi sa Pilipinas. Nagdesisyon akong dito muna mag-focus. Kailangan ko rin ng mas maraming experienced architects para sa expansion. Plano kong magtayo ng branches sa iba’t ibang lugar dito sa bansa bago ako tumalon sa international level ulit.“Wifey,” bungad ni Anthony, inilapag ang tasa sa table. “Nakikita kong bad mood ka these past days. Is this about Bianca again?”N

  • Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)   Kabanata 128

    Kira’s POVFirst birthday ngayon ni Midnight. Simple lang ang celebration namin dito sa Tuscany, Italy. Tahimik, malayo sa mga intriga at mata ng mga taong walang ginawa kundi siraan ako. Hindi ko akalain na ganito pala kasarap ang buhay kapag wala kang iniisip na press, walang naghihintay na headline tungkol sa personal mong buhay.Si Anthony, nakaupo sa terrace habang buhat-buhat si Midnight na may maliit na party hat. Ako naman, abala sa pag-aayos ng mesa. May cake, may ilang lobo, at mga malalapit lang naming kaibigan at clients na naging parang pamilya na rin namin dito sa Italy.“Midnight, say happy birthday!” sabi ko habang nilalapit ko ang cake sa kaniya.“Da-da!” sigaw ni Midnight, sabay tawa.Natawa si Anthony at kinurot ang pisngi ng anak. “That’s not happy birthday, son, but I’ll take it.”Lumapit ako sa kanila at tinapik si Anthony. “Hindi mo ba siya tuturuan ng ‘mama’ kahit once? Laging ‘dada’ lang ang sinasabi.”Ngumisi siya. “Well, he loves me more. Sorry, babe.”“Anth

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status