Share

Kabanata 8

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-11-16 08:51:51
Pagkatapos nilang kumain sa mamahaling restaurant kasama ang pamilya ni Midnight, nagpasya ang binata na ihatid si Audrey pauwi dahil gabi na at alam niyang malayo ang tirahan nito. Tahimik silang dalawa habang nasa loob ng kotse. Nakatutok lang si Audrey sa labas ng bintana at hindi makatingin kay Midnight. Samantalang si Midnight ay pasulyap-sulyap sa kaniya, tila may nais itanong pero pinipigilan ang sarili.

“Hindi ka komportable?” tanong ni Midnight habang hindi inaalis ang tingin sa daan.

Napatingin si Audrey sandali at saka umiling. “Hindi naman po. Nahihiya lang ako sa nangyari kanina. Hindi ko po talaga ine-expect na ganoon ang trato ng pamilya ninyo. Mabait po sila.”

“Natural lang iyon,” sagot ni Midnight. “Hindi kita dinala roon para ilagay sa awkward situation. Gusto lang nila makilala ang taong tumutulong sa kompanya ko. Hindi mo kailangan makaramdam ng kaba.”

Tumango si Audrey ngunit hindi nagsalita. Hindi niya alam kung paano i-handle ang kabutihan na ipinakita ng pam
Deigratiamimi

Good morning po. Pasensiya na kung inactive ako rito. May solo book kasi ito. Applied na siya at naghihintay pa ako sa approval at kontrata. Hindi muna ako naglalabas ng maraming update baka kasi hindi ma-approve at may mababago 🥹 May mga bago akong libro na pwede niyo munang basahin. My Stepbrother is Obsessed with Me (SPG) — Forbidden Love. Kasali ito sa Writing Contest — Malapit na po itong matapos. Nasa 100-110 Chapters lang yata. Nasa Chapter 90 na po ito ngayon And later, publish naman ako ng five chapters. Seducing My Scumbag Ex's Hot Father (SPG) — Forbidden Love. Kasali pa rin ito sa Writing Contest. — May 43 Chapters na po. Sana po ay suportahan niyo rin katulad nang pag-support ninyo kina Kira at Anthony. Maraming salamat :))

| 4
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
yes po salamat poooo
goodnovel comment avatar
Noemi Nabo
Sana masabi na ni Audrey na pregnant sya
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)   Kabanata 19

    Pagkauwi ni Audrey sa condo, nadatnan niya sina Allan at Alia na nakaupo sa carpeted floor ng sala. Nakabukas ang mga notebook nila, sabay silang nag-aaral ng homework. Napansin agad ni Audrey ang mga bagong gamit sa lamesa—isang bago at makintab na pencil case, dalawang makapal na notebook na may cartoon cover, at bagong tablet na nakapatong sa gilid. “Kuya Allan…” tawag ni Audrey, hindi maitago ang pag-aalala. “Saan galing ’yang mga gamit na ’yan?” Napatingin si Allan sa kapatid, medyo nahihiyang ngumiti. “Ah… Ate, binili po ’yan… ni Kuya Midnight. Pinadala niya kanina. May tumawag na tao niya, tapos iniabot po rito.” Napabuntong-hininga si Audrey. “Sinabi ko na sa inyo, huwag kayong tumatanggap agad ng kung ano-ano. Kailangan ko munang malaman.” “Ate naman,” sabi ni Alia, lumapit at niyakap ang braso niya. “Sabi po no'ng guard, okay lang daw. Saka… ang ganda po nang tablet. Puwede ko na pong gawin ang drawings ko roon.” Napaupo si Audrey sa sofa. Hinaplos niya ang buhok ng bat

  • Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)   Kabanata 18

    Katatapos lang ng trabaho ni Audrey before lunch nang makarinig siya ng chismis sa kabilang mesa. Naririnig niya ang mahinang usap-usapan ng ilang empleyado habang kumukuha sila ng tubig sa dispenser. Hindi sinasadya pero umabot sa pandinig niya ang pangalan ni Midnight. “Uy, girl, sabi ni Ma’am Trina babalik na raw dito sa Pilipinas ang rumored long-time girlfriend ni Sir Midnight.” “Ano? ’Yung taga-Australia?” “Oo. Tatlong taon daw silang on and off, tapos biglang biglang bumalik daw sa Pinas si girl. Baka mag-propose na si Sir! Ang tagal na nilang magkasintahan.” “Grabe! Buti pa siya, may forever.” Napapitlag si Audrey. Parang biglang lumamig ang batok niya. Hindi siya dapat makinig, pero kusa nang kumislot ang puso niya. Nagpigil siya ng buntong-hininga at nagpatuloy sa pag-aayos ng laptop niya. Pero hindi niya napigilan ang paghaplos sa maliit niyang tiyan sa ilalim ng maluwag na blouse. Para bang pinapaalalahanan siya ng reyalidad. “Kung totoo man ang chismis… kung may gir

  • Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)   Kabanata 17

    Hindi makatingin si Audrey nang diretso kay Midnight. Hindi niya alam kung saan niya ilalagay ang sarili. Nang marinig niya kanina ang sinabi ng binata, parang umikot ang mundo niya. “You’re pregnant, Audrey,” ulit ni Midnight, mas mababa ang tono. “You’re carrying my child.” Napakuyom ng kamay ni Audrey. Hindi siya makapagsalita. “You’re my responsibility,” dagdag ng binata. “’Yan ang dahilan kung bakit ayaw kitang mahirapan. Wala nang iba.” Napatingin si Audrey sa sahig. Inaasahan niya na magagalit si Midnight, magtatanong kung bakit itinago niya, kung bakit nagsinungaling siya noon. Pero heto ito, kalmado, hindi mataas ang boses, hindi siya minamasama. “Akala ko…” mahinang bulong ni Audrey. “Akala ko magagalit ka sa ’kin.” Umiling si Midnight. “Hindi ako galit.” Natahimik si Audrey, kinakapa ang sariling lakas ng loob. Lumapit ng isang hakbang si Midnight. “Audrey, alagaan mo ang sarili mo. Don’t stress yourself.” “Sir—” “Stop calling me Sir.” Matiim ang boses nito pero hi

  • Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)   Kabanata 16

    Pagdating nilang lahat sa Maynila, halos hindi makapaniwala sina Allan at Alia sa laki ng condo. Nang buksan ni Midnight ang pinto, sabay-sabay napatingin ang mga bata sa malinis at malamig na loob ng unit. May sofa, malambot na carpet, kumpletong appliances, at amoy bagong linis ang buong lugar. “Ate… ang laki rito…” bulong ni Alia habang nakahawak pa sa damit ni Audrey. Tumawa nang mahina si Allan. “Parang hotel, Ate. Totoo ba ‘to? Dito na tayo titira?” Ngumiti si Audrey sa kanila kahit pagod na pagod ang katawan at isip. “Oo, dito muna tayo. Pero magpasalamat kayo kay Sir Midnight. Kung hindi dahil sa kanya…” Napakamot ng ulo si Midnight, halatang naiilang sa papuri. “Hindi kailangan ng pasasalamat. Mas gusto ko lang na kumportable kayo.” Lumapit si Alia kay Midnight at nahihiya pang yumuko. “Salamat po, Sir. Hindi ko po… hindi ko po alam paano mag-thank you nang tama… pero salamat po talaga.” Napangiti si Midnight. “Tawagin mo na lang akong Kuya Midnight para mas madali.” Na

  • Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)   Kabanata 15

    Pagkababa nila ng van sa harap ng lumang bahay nina Audrey, agad na humampas sa ilong ni Midnight ang amoy ng lumang kahoy at alat ng hangin mula sa kalsadang hindi sementado. Tahimik ang paligid, pero may kung anong kaba ang gumapang sa dibdib ni Audrey. Ramdam niyang may mali. “Sir… parang may naririnig ako,” pabulong niyang sabi habang papalapit sa pinto. Nagkatinginan sila nang marinig ang malakas na kalabog mula sa loob. Sunod ay tinig ng bata—iyak nang iyak, nanginginig ang boses. “Tiya, ayoko na… ayoko na…” boses ni Alia iyon, mahina ngunit puno ng takot. Hindi na nagdalawang-isip si Audrey. Binuksan niya nang mariin ang pinto at halos manlambot ang tuhod niya sa nasaksihan. Nasa sulok ng maliit na sala sina Allan at Alia. Si Allan, yumayakap sa kapatid para protektahan ito, habang si Tiya Lucia—kapatid ni Letty—ay hawak ang sinturon at galit na galit na sinisigawan ang dalawang bata. “Lumuhod kayo! Kainin ninyo ‘yan!” sabay turo sa pagkain na nasa sahig, naghalo ang kanin

  • Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)   Kabanata 14

    Tumawag ang kabitbahay nila Audrey sa probinsiya isang hapon habang abala siya sa pag-aayos ng code na dapat niyang isumite bago matapos ang shift. Hindi niya agad nasagot ang tawag dahil nasa kalagitnaan siya ng pagsusuri ng error. Ngunit nang makita niya ang pangalan sa screen, agad nang kumabog ang dibdib niya. Pag swipe niya ng sagot, halos mabingi siya sa lakas ng boses ng kapitbahay. “Audrey! Hija, inaresto ang tiyahin mo! Nahuli ng mga pulis. May mga drogang nakita sa loob ng bahay at nagsusugal pa raw!” Napasinghap siya. “Ano? Tiya Letty? Sigurado ka ba, Ate Loring? Baka naman—” “Hija, totoo. Nasa presinto siya ngayon. Hindi ko alam kung anong gagawin. Pinuntahan na rin ng kapatid mo pero wala silang magawa.” Nanlamig ang kamay niya. Napatingin siya sa screen ng laptop na parang hindi na gumagalaw. “Paano si Mama? Si Allan? Si Alia? Wala bang nagbabantay sa kanila?” “Wala, hija. Naiwan silang tatlo. Ang mama mo nakahiga lang. Hindi makabangon.” Nalaglag ang balikat niya.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status