Share

Chapter Thirty Five

Jay

searched almost everywhere just to find her. Tinignan ko ang oras, alas-dose na ng madaling araw pero hindi ko pa rin siya nakikita, hilong-hilo na ako sa kakapaikot-ikot at kakahanap.

Napahinto ako sa isang lugar na matao dahil hindi makadaan ang sasakyan ko, mayroong mga taong nanonood ng free concert ng isang bandang tumutugtog sa taas ng stage. Bumaba ako ng sasakyan para bumili ng maiinom, hindi ko planong magtagal pero napatingala ako at nakita ko si Rhia na nasa taas ng isang kainan at nanonood lang, mag-isa lang siya at tahimik lang.

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko, parang nawala lahat ng pag-aalala ko at napapangiti lang habang tinitignan ko siya, dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya. Alam kong kahit tawagin ko pa ang pangalan niya ay hindi niya ako mapapansin dahil sa lakas ng tugtog sa paligid.

Pakiramdam ko nawala lahat ng tao sa paligid at siya lang ang nakikita ko, wala akong nari

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status