Share

IV: STRANGER DANGER

last update Last Updated: 2025-06-06 21:55:42

“SIGURADO ka ba sa gagawin mo sa kaibigan mo, Cathy?” pagtatanong ng isang prostitute sa bar habang tinutulungan si Cathy na alalayan si Zelica na ngayon ay wala nang malay.

“Oo, sigurado na ako,” nakangising sagot ni Cathy.

“Pinagkakatiwalaan ka yata ni Zelica kaya uminom hanggang sa mag-black out siya tapos ipapahamak mo lang pala?” pagbibigay ng prostitute ng opinyon pero kaagad na nainis si Cathy.

“Ano ba ang pakialam mo, ha? Tutulong ka ba o hindi? Ikaw na nga ‘tong makakapagpahinga diyan ngayong gabi dahil siya ang ipapalit ko sa pagpup*ta mo pero reklamo ka pa nang reklamo diyan!” inis na sagot ni Cathy kaya naman nagitla ito at tahimik na sumunod.

Lingid sa kaalaman ng walang kamalay-malay na si Zelica na ilalagay pala siya sa kapahamakan ng itinuturing na kaibigan na si Cathy.

Naglakad si Cathy at ang prostitute patungo sa mga VIP Rooms ng bar dahil nandoon ang supposedly customers ng babae ngayong gabi ngunit si Zelica ang ipapadala nilang dalawa sa kwartong ‘yon dahil sa masamang plano ni Cathy kay Zelica.

“Tatanggapin ba nila ‘to? Wala namang malay, eh.”

“Magkakaroon ng malay ‘yan, tignan mo.”

Binuksan ni Cathy ang isang malamig na bottled water at mabilis na ibinuhos ‘yon sa mukha ni Zelica. Kaagad snagkaroon ng malay si Zelica dahil sa lamig.

Nabalik ang ulirat ni Zelica nang maramdaman niya ang malamig na tubig sa kaniyang mukha. Lasing na lasing na siya at hindi na niya kayang kontrolin ang sariling katawan dahil sa dami ng ininom niyang alak.

“N-nasaan—hik! n-na tayo, C-cathy?” mahina at hindi malinaw na tanong ni Zelica kay Cathy pero hindi sumagot ito at nagpatuloy lang sa pag-akay sa kaniya sa kung saan, katulong ang isang pamilyar na babae sa kaniya ngunit hindi niya matandaan kung ano ang pangalan.

Pamilyar ito kay Zelica dahil sa suot nitong ternong bra at micro skirt dahil ‘yon ang nagsisilbing uniform ng mga prostitute o nagbibigay aliw sa mga customers sa VIP/Show Rooms sa bar.

“Nasaan na ba kasi yung room?!” tanong ni Cathy.

Napairap ang prostitute. “Huwag kang sumigaw at atat! Dito sa kaliwa!”

Malakas na pagtatalo at sigawan ng dalawang umaakay kay Zelica. Hindi alam ni Zelica kung saan siya dadalhin pero nawala na ang malakas na tugtugin.

“Sigurado ka na ba talaga?”

“Mukha bang may balak akong umatras?”

“Bakit mo ba kasi ginagawa ‘to? May permiso ka ba ni Zelica sa gagawin mo ngayong gabi sa kaniya?”

“T*nga ka rin pala talaga eh, ‘no? May magse-set up ba na magpapaalam muna sa bibiktimahin?”

“Bakit ba ise-set up mo sa ganitong bagay si Zelica? Kita mong marangal na trabaho ang gusto niyan, eh.”

“Pikon na pikon na ako rito. Naiirita ko sa closeness nila ni Luke kahit alam niyang may gusto ako doon!”

“Bakit ka napipikon sa kaniya, eh alam mo namang si Zelica ang natitipuhan ni Luke rito sa bar?”

“Pwede bang tumahimik ka na lang? Tanong ka nang tanong.”

“Ay, basta! Labas ako rito, ha. Ikaw lang ang malalagot kung ano man ang mangyari kay Zelica ngayong gabi,” usal ng prostitute at saka naglakad papalayo. Binuksan ni Cathy ang pintuan ng isa sa mga VIP Rooms at sobrang ingay sa loob nito.

“Ibuhos na ang beer, sa aking lalamunan! Bawat patak, anong sarap! Ano ba talagang mas gusto mo?” pagkanta ng isang lalaki. Damang dama nito ang pagkanta sa mic na para bang nasa concert ito.

“Good evening po, mga Sir.” bati ni Cathy sa mga kalalakihan. Malawak ang ngiti nito gayong magtatagumpay na ang plano niyang i-partner sa iba si Zelica upang hindi na ito magustuhan pa ni Luke.

“Finally, nandito na rin kayo!” malakas na turan ng isang lalaki at umakbay ito kay Cathy pero kaagad itong umiling at umurong.

“Hindi po ako kasali, Sir. Hinatid ko lang po ‘tong kaibigan kong magbibigay-aliw sa inyo ngayong gabi!” pagpapaliwanag ni Cathy sa kanila at sinipat ng binata si Zelica na hirap na hirap panatilihing gising ang diwa niya.

“She’s so f*cking beautiful and sexy pero bakit lasing na ata ‘yan?”

“Oo nga, makakasayaw pa ba ‘yan?” tanong nila kay Cathy kaya naman natataranta ito at kaagad na umisip ng palusot bakit lasing na lasing si Zelica.

“Ahh- ehh, bakit naman hindi? Nag-inom po ‘yan kasi k-kinakabahan! Oo, kinakabahan po kasi first day niya po sa trabahong ‘to!” mabilis na palusot ni Cathy at mukhang napaniwala naman ang mga lalaki dahil interesado na ang mga ito kay Zelica.

“S-sige po, iwan ko na kayo…” pagpapaalam ni Cathy at saka mabilis na ipinasa si Zelica sa isang lalaki.

***

“WHAT are we gonna do now? I think she passed out already…” Ariel asked what they were gonna do with the lady who they paid for to entertain them but she’s barely conscious right now, in front of them.

“Dude, you gotta make her move now. Nasisira ang mood, birthday pa naman ni Hideo tonight!” buwelta ni Xykiel na kanina pa malagkit ang tingin sa babaeng nasa harapan.

“Miss, this is not what we paid for. Entertain us, come on!” pamimilit nila sa babae kaya naman mariin na napapikit si Hideo at napahilamos sa mukha.

“Did you all tell me earlier that we're just here to drink, not to f*ck someone up who's unconscious, didn’t you?” Hideo angrily asked them, because the moment na pumasok ang babae sa room nila ay napigtal na ang pasensya niya sa kanilang lahat.

“Come on, Dude. We prepared her for you. Gusto lang naman naming mag-enjoy ka kahit papaano this day—”

“Why? Why should I f*cking enjoy living another year, huh?” Hideo annoyingly asked and they just looked at him, not knowing what to answer or do. “You know what? I'll just leave. Enjoy the rest of the night—”

“L-leave? hik! S-sinong aalis diyan, ha?!”

Their attention immediately went to the lady who is now conscious. Nakakunot ang noo nito at nakanguso pa habang masama ang tingin sa kaniya.

“A-aalis ka? hik! H-hindi pa nga tayo nag-eenjoy, eh!” she gigglingly said. She examined the song book and quickly clicked buttons on the karaoke machine. They are so dumb founded by her sudden actions.

Is she really sober now?

***

NAALIMPUNGATAN na lamang si Zelica nang marinig kong may mga nagtatalo sa paligid niya. Kitang may natutulog, eh. Mga istorbo sa pagpapahinga niya.

Dahan-dahang iminulat ni Zelica ang kaniyang mga mata at nasa isang kuwarto na pala siya. May ilang kalalakihan dito na hindi naman pamilyar sa kaniya.

Mga kasamahan ba namin ‘tong mga ‘to? Bakit dumami naman ata ang kainuman naming dalawa ni Cathy? At saka bakit hindi ko makita si Cathy? Lumabas ba ‘to sandali habang natutulog ako?

“Why? Why should I f*cking enjoy living another year, huh?”

Napatingin si Zelica sa isang lalaking nakaupo sa sulok nang pagalit na magsalita ito. Lahat ng mga lalaki ay nakatingin din dito.

May nagmamaoy na ba sa kanila?

“You know what? I'll just leave. Enjoy the rest of the night—”

“L-leave? hik! S-sinong aalis diyan, ha?!” pagsingit ni Zelica sa usapan dahil umamba silang lalabas na ng kwarto.

Bakit siya aalis?! Kakabuhay ko nga lang ulit, eh! Kaya ayaw ko ka-inuman ‘yong mga taong nagmamaoy, eh!

Kaagad na nalipat kay Zelica ang atensyon ng lahat. Napakunot ang kaniyang noo at napanguso pa siya habang masama ang tingin sa lalaking nagsisimula ng drama sa inuman.

“A-aalis ka? hik! H-hindi pa nga tayo nag-eenjoy, eh!” humahagikgik na usal ni Zelica at saka inabot ang song book para hanapin ang favorite niyang kantahin sa mga ganitong oras kapag may mga nagkakapikunan na sa inuman.

Kaagad tinipa ni Zelica ang numbers ng kaniyang kantang gusto kantahin sa karaoke machine. Nagsimula siyang umindayog sa ritmo ng kanta habang kinukuha ang mic sa isang lalaking nakatanga na sa kaniya.

“Ako’y nasa Malate, alas-siyete ng gabi. Nakilala ko tuloy itong magandang babae. Na nakabibighani sa aking mga mata. Ang ‘di ko lang alam ay manloloko lang pala!” malakas at puno ng emosyong pagkanta ni Zelica habang hina-hype niya pa ang mga kasamahan sa kwarto.

Nakanganga lang ang mga ito na para bang hindi maintindihan ang ginagawa niya ngayon.

Out of the character ba ako kapag lasing?

“When the night has come. Oh, yeah, at pinatay ang ilaw. Oh, madalas, lumalabas, Banyo queen! Oh darling, darling, stand by me. Oh-oh stand by me. Oh madalas, lumalabas, Banyo queen!”

Nagsimulang makisali sa pagsasaya ni Zelica ang mga kalalakihan habang pinagtatawanan siya ng mga ito.

Nasaan na ba si Cathy? Matatapos na akong mag-perform pero hindi pa rin ito nakakabalik sa kwarto.

Sinilip ni Zelica ang lalaking gustong mag-amok kanina pero nakatingin na lamang ito sa kaniya at palihim na natatawa sa pagkanta niya kaya medyo napanguso naman siya.

“Tinutok ko, pinasok ko, and boy, walang daplis! At ang sabi niya sakin ah! uh! ah! ah! Andrew, Andrew, oh, sige pa! Oh, sige pa! Tumagilid, tumihaya, lumuhod at dumapa at nang matapos na kami sabi niya sa akin. Sh*t, isa pa nga!” masigasig na pagkanta ni Zelica at nang matapos siya ay nagpalakpakan ang mga ito na para bang ngayon lang sila nakakita ng ganoong klase ng performance.

Well, ako na 'to, eh! Partida lasing pa ko niyan.

“Ayos ba, ha?” pagtatanong ni Zelica sa lahat at nagtanguan ang mga ito habang tumatawa. Tumingin ulit siya sa lalaking nakaupo lang sa sulok at nagtama ang mga paningin nila.

“Grabe pala performance ng mga babae sa bar na ‘to, eh!”

“Huh?” nagtatakang tanong ni Zelica lalo na nang lumapit ang isang lalaki para akbayan siya.

“Pero that’s not what we paid for. Come on, show us something more exciting!” bulong ng lalaki kay Zelica.

Nagtindigan lahat ng mga balahibo ni Zelica sa katawan. Napakunot ang noo niya at lalayo na sana pero mariin ang pagkakahawak nito sa kaniya.

“Strip now,” seryoso at may halong panggigigil na utos ng lalaki kay Zelica kaya naman napatanga rito.

“Huh, anong pinagsasasabi mo?”

Anong binayad? Eh, nag-iinuman lang naman kami rito. At saka anong pinagsasasabi nitong maghubad na ako?!

“I’m a very short tempered person so let me help you…” akmang hahawakan ng lalaki ang katawan at damit ni Zelica nang pigilan ito ng lalaking nasa sulok lamang kanina. Masama ang tingin nito sa lalaki habang nagpupumiglas ito sa mariing hawak nito.

“Dude, what the f*ck is your problem?!” buwelta ng lalaki. Kaagad na pumagitna ang ibang lalaki sa kanilang dalawa dahil parang magsusuntukan na ang mga ito.

Inilagay si Zelica ng lalaking nagligtas sa kaniya sa likod nito na para bang pinoprotektahan siya nito.

“Kanina ka pa, eh. Sobrang drama mo! Oh, ano naman ang meron ngayon?” tanong ng lalaki pero hindi kumibo ang lalaking nasa unahan ni Zelica. “You can go now, Hideo. I don't f*cking care about you now. This is not your business anymore.”

Nalilito na si Zelica sa nangyayari habang nasa likod siya ng lalaking nagligtas sa kaniya. Ang bango-bango nito at halatang maskulado ang pangangatawan.

Hideo? Iyon ba ang pangalan ng lalaking nagligtas sa akin?

Halatang napipikon na ang lalaki at saka lumapit ulit kay Zelica para hilahin siya pero pinoprotektahan siya ng lalaking tinatawag nilang Hideo. Malaking tao ito kaya mabilis lang nitong naitutulak palayo ang lalaki at tumitilapon talaga ito pabalik sa grupo nila.

“She's my business now, don’t you dare touch her,” malalim at walang emosyong usal ni Hideo at natawa naman ang lalaki nang dahil doon.

“So you want her now? Sosolohin mo siya? Tumatalab na ba ‘yong nilagay namin sa inumin mo kanina?” mapang-inis na tanong ng lalaki na ikinakuyom ng mga kamao ni Hideo ang kamao sa sobrang inis.

He really freaking clenched his jaw! Ngayon lang ako nakakita ng ganoon and put*ngina, sobrang hot pala tignan!

“You’re so f*cked up, Xykiel. This is the last time I'll ever hang out with you,” usal ni Hideo at saka hinila palabas ng kwarto si Zelica.

Wala na talaga sa huwisyo si Zelica dahil hinayaan niya ang sariling dalhin ni Hideo. Naririnig pa niya ang sunod-sunod na pagmumura ng lalaki pero pabagsak na isinara ni Hideo ang pintuan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sinful Desire: Hiding My Stepbrother's Son   XXVII: GLAD TO BE HERE

    HIDEO'S POV AFTER two days of staying at my family's house, I decided to return to the condo to check on Janella. I finally found the peace I wanted since she didn't text me once while I was away from her. I parked my car and took the elevator to my condo floor. When I got to the door, I entered my password and walked in, but I didn't see Janella anywhere. "Janella?" Pagtawag ko sa pangalan ni Janella habang hinahanap ko ito sa loob ng kwarto pero hindi ko ito mahanap at makita kahit saan. Lumapit ako sa kama nang mapansin ko ang isang papel na nakatiklop doon. Nang tignan ko muna ang mga loob ng aparador ay doon ko nakitang wala na ang mga gamit ni Janella doon. I think she already left the condo. I was dumb founded when I read Janella's letter for me. 'I've had enough of this. I'm going back to my parent's house. I'm so sick of how you treat me. I feel like I'm your mistress, waiting for you to come home just to make me feel crap again after seeing me. F*ck you, Hideo.

  • Sinful Desire: Hiding My Stepbrother's Son   XXVI: SINGLE MOTHER

    LUMIPAS ang ilang mga araw na nanatili lang ako at ang anak kong si Ryuta sa loob ng bahay nila Tito Hiroshi. May mga ilang beses na kinukulit ako ni Ryuta na lumabas naman kami ng bahay pero hindi ko muna ito pinagbibigyan at kalmado kong pinapaliwanag sa kaniya ang sitwasyon namin ngayon at kung bakit pansalamantalang hindi muna kami lalabas ng bahay. "Mama, why can't I go to school? I miss my classmates and teachers na..." Malungkot na turan sa akin ni Ryuta kaya naman ngumiti ako sa kaniya at kinandong ko ito sa mga hita ko bago ako sumagot sa tanong niya sa akin. "You can't go to school for a while lang naman, baby. I'm afraid kasi... remember that bad guy from the last time? I'm afraid he will see us again then hurt one of us. I don't want that to happen again, Ryuta. But Mama promises you by next week, you will go back to school na. Okay po ba 'yon?" Pagpapaliwanag ko nang maayos at kalmado kay Ryuta at tumango tango naman ito bilang sagot sa mga sinabi ko kaya naman

  • Sinful Desire: Hiding My Stepbrother's Son   XXV: A BUSINESS TRIP

    KINABUKASAN, unti unti kong binuksan ang mga mata ko nang hindi ko makapa si Ryuta sa tabi ko. Nang maimulat ko na ang mga mata ko ay saka ko lamang nakumpirmang wala na talaga si Ryuta sa tabi ko. Kaagad akong luminga linga sa buong kwarto dahil baka nagtatago lamang ito sa akin pero hindi ko talaga ito mahagilap sa kahit anong sulok ng kwarto. Tumayo na agad ako mula sa pagkakahiga at saka ko mabilis na itinatali ang magulo kong buhok dahil sa napasarap ang tulog ko kagabi. Nagmadali ako kaagad na makalabas ng kwarto at mabilis kong binuksan ang pintuan. Nahihirapan akong itali ang magulong buhok ko kaya naman bahagyang nakayuko ang ulo ko habang naglalakad ako. Hindi naman sinasadyang may nabunggo ako sa aking harapan dahil sa pagmamadali ko at hindi ko rin kasi masyadong kita ang dinadaanan ko. Mabuti na lamang at kaagad akong nasalo nito dahil kung hindi ay babagsak na naman ang pwetan ko sa matigas na sahig. 'Nasalo?! Akala ko, eh nabangga ko ang pader!' Nang mapagta

  • Sinful Desire: Hiding My Stepbrother's Son   XXIV: YOU'LL BE SAFE HERE

    ZELICA'S POV "RYUJI!" Malakas na pagsigaw ko sa pangalan ng isa sa mga kambal na anak ko pero hindi ako nilingon man lang nito dahil naka-pokus ang atensyon nito sa bolang gusto niyang makuha sa gitna ng daan. "Ryuji, huwag! Come back here, anak!" Masyadong malayo ang distansya naming dalawa kaya nang habulin ko ito sa daan ay huli na ang lahat para masagip ko pa ang anak ko dahil bigla na lamang may dumating na humaharurot na sasakyan at sinalpok nito ang maliit na katawan ng anak ko. Nanlamig ang buong katawan ko sa nasaksihan ko at hindi na ako makagalaw pa paalis sa kinatatayuan ko kaya kahit na gusto kong tumakbo papalapit sa katawan ng anak ko ay hindi ko na 'yon magawa pa kahit na anong pilit kong gawin sa aking mga paa ay ayaw nitong gumalaw. "A-ahh!" "Zelica, anak!" Napasigaw ako at saka napabalikwas ng gising dahil sa masamang panaginip ko. Kaagad na lumapit sa akin si Nanay Felicity para aluin ako dahil sunod sunod na naglandas ang mga luha ko pababa sa aking

  • Sinful Desire: Hiding My Stepbrother's Son   XXIII: COINCIDENCE OR DESTINY'S WORK?

    HIDEO'S POV I am currently driving my car to go to my parents' house because I forgot to bring some of my things with me last night. I just remembered right after I left the house and I was so tired to go back last night. Just before I left the condo, Janella started a fight with me after knowing that I intentionally did not bring her with me to the family dinner. I let out a heavy sigh as I am starting to get annoyed again just by remembering what happened earlier. ***** "How dare you make me wait for you all night, Hideo?! Tapos malaman laman ko na nagpunta ka pala sa family dinner without me?! Ano naman ang gagawin mo ngayon, ha? Aalis ka na naman nang hindi ko alam kung saan lupalop ka pupunta! Am I really nothing to you? Hangin lang ba ako sa mga mata mo?" Janella histerically said to me the moment she saw me about to walk out of the door. I immediately turned around to face her because I am actually aware she is mad at me right now. And there she is, pulang pula na

  • Sinful Desire: Hiding My Stepbrother's Son   XXII: SAVIOR

    "ABA, anak mo nga talaga 'tong sutil na 'to at may gana ring lumaban sa akin. Dapat sa'yo tinuturuan din ng leksyon katulad ng nanay mong matigas ang ulo!" "Huwag!" Akmang sasampalin nito ang anak kong si Ryuta nang biglang may humawak sa kamay nito mula sa kaniyang likuran. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung sino ang lalaking pumigil kay Tatay Arthur upang hindi nito mapagbuhatan ng kamay si Ryuta. "Who the f*ck are you?" Inis na tanong ni Hideo sa aking ama at saka nito itinulak ang lalaki papalayo sa amin. Nawalan din ito ng balanse sa kaniyang katawan kaya naman bumagsak din siya sa sahig. "H-hideo..." Naluluhang pagtawag ko sa pangalan ni Hideo dahil hindi ko na alam ang gagawin pa kung hindi siya dumating ngayon. Hindi ko rin alam kung anong mga posibleng kayang gawin ng tatay ko sa aming mag-ina. Napatingin ito sa gawi ko dahil sa pagtawag ko sa kaniya. Kaagad itong lumapit sa akin habang hawak niya sa kamay ang hindi na matigil pa sa pag-iyak na si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status