Share

Sinful Nights with My Ex-husband's Uncle
Sinful Nights with My Ex-husband's Uncle
Penulis: Eury

Chapter 1: The One-Night Stand

Penulis: Eury
last update Tanggal publikasi: 2026-08-08 10:00:07

Pagod na pagod si Liana galing sa kaniyang trabaho. Ang gusto lang sana niya pag-uwi sa condo, makapagpahinga at mayakap ang asawa niyang si Marco.

Pero pagbukas niya ng p***o ng unit nila, ibang pabor ang sumalubong sa kaniya.

"Ahhh... Marco... you're so big..."

Natigilan si Liana. Nanginginig ang kamay niyang nakahawak sa doorknob. Pamilyar ang boses ng babae. Pamilyar na pamilyar. Dahan-dahan niyang itinulak ang siwang ng pintuan sa kwarto nila.

Gumuho ang mundo niya. Sa mismong kama nila, sa kamang binayaran niya ng hulugan mula sa kakarampot niyang sweldo ay nakapatong si Marco kay Chloe. Walang saplot. Pawisan. Hayok na hayok.

Bumagsak ang bag ni Liana sa sahig. "Marco!"

Napatigil ang dalawa. Pero imbes na matakot o magulat, inis na bumangon si Marco. Kinuha nito ang boxer shorts sa sahig at kalmadong sinuot iyon. Si Chloe naman, hinila lang ang kumot hanggang dibdib pero nakangisi pang tumingin kay Liana.

"Ano ba, Liana? Hindi ka ba marunong kumatok?" bungad ni Marco. Walang bakas ng pagsisisi sa boses nito. Inis pa ito na naistorbo sila.

Umakyat ang dugo sa ulo ni Liana. "Kumatok?! Condo ko 'to! Sarili nating kwarto 'to, Marco! Asawa mo 'ko, hayop ka!"

Humakbang siya palapit at sinampal ang asawa nang malakas. Namula ang pisngi ni Marco, pero mas lalong nagdilim ang mukha nito. Hinawakan nito nang mahigpit ang braso ni Liana at marahas na tinulak siya palayo.

"Asawa?" Sarkastikong tumawa si Marco. Pinasadahan nito ng tingin ang suot na uniporme ni Liana. "Tingnan mo nga ang sarili mo, Liana! Losyang ka na! Kailan ka huling nag-ayos para sa akin? Paano ako gaganahan sa'yo?"

"Limang taon akong nagpapakamatay magtrabaho para sa hospital bills ni Mama dahil ayaw mong tumulong! Tapos isusumbat mo sa akin ang hitsura ko?!" sigaw ni Liana, sunod-sunod na ang patak ng luha niya sa sobrang galit.

Umikot ang mga mata ni Chloe sa kama. "Babe, ang ingay naman niya. Sumasakit ang ulo ko."

"Wag kang mag-inarte, Liana," malamig na sabi ni Marco, humalukipkip pa sa harap niya. "Alam nating dalawa na nakakapit ka lang sa akin dahil kailangan mo ang pera ng pamilya Vance. Kaya kung gusto mo pang bayaran ko ang bills ng nanay mo, matuto kang lumugar. Kung hindi ka sapat sa kama, hahanapin ko sa iba."

Nanikip ang dibdib ni Liana. Para siyang sinaksak nang paulit-ulit. Hindi na niya kaya. Tumalikod siya at tumakbo palabas, bitbit ang wasak na puso at pride.

"Isa pa nga! 'Yung pinakamatapang!" sigaw ni Liana sa bartender.

Pangatlong shot na niya ng tequila pero hindi pa rin nawawala ang sakit. Gusto niyang mamanhid. Gusto niyang kalimutan ang ngisi ni Chloe at ang matatalim na salita ni Marco. Hindi sapat.

"Dahan-dahan. Baka hindi ka na makauwi niyan."

Napalingon si Liana sa lalakeng umupo sa tabi niya. Matangkad. Nakasuot ng itim na dress shirt na bukas ang unang tatlong butones. Amoy mamahaling cologne at kapangyarihan. At ang mga mata nito... madilim, malamig, pero may nakatagong init habang nakatingin sa kaniya.

Ngumisi si Liana nang mapakla at itinaas ang baso niya. "Wala na akong uuwian. My husband just told me I'm not enough, habang nasa ibabaw siya ng ibang babae."

Tinitigan siya ng lalaki. "Then your husband is a blind fool."

Pumitik ang init sa dugo ni Liana. Sa sobrang sakit ng nararamdaman niya, at sa tapang na bigay ng alak, may nagising na kapusukan sa loob niya. Gusto niyang maramdamang may halaga siya. Na kanais-nais siya.

Hinawakan niya ang kwelyo ng shirt ng lalaki at marahas itong hinila palapit. Naamoy niya ang hininga nitong amoy mint at whiskey.

"Make me forget him," bulong ni Liana, nakatitig sa mga labi ng estranghero. "Kahit ngayong gabi lang."

Kumuyom ang panga ng lalaki, tila nagpipigil. "Are you sure about this, sweetheart? Dahil kapag sinimulan ko 'to, wala nang atrasan."

"I don't care," sagot niya, at siya na mismo ang naglapat ng mga labi nila.

Umungol ang lalaki. Sa isang iglap, hinawakan nito ang bewang ni Liana at binuhat siya pababa ng bar stool.

Pagkapasok na pagkapasok nila sa hotel suite, isinandal agad ng lalaki si Liana sa p***o. Marahas at nagmamadali ang mga labi nito. H******n nito ang leeg niya, pababa sa collarbone niya, hanggang sa mapasabunot siya sa buhok nito dahil sa init na nararamdaman niya.

"You belong to me tonight," pabulong na ungol ng lalaki, ang boses nito ay malalim at nag-uumapaw sa pagnanasa.

"Yes…" nahihirapang sagot ni Liana.

Pinunit nito ang damit niya. Ang mga mata nito, nakatitig sa katawan niya na parang siya ang pinakamagandang babae sa mundo. Parang isa siyang mamahaling brilyante na matagal na nitong gustong angkinin.

Binuhat siya ng lalaki at ibinagsak sa malambot na kama. Pumababaw ito sa kaniya, ang mga halik nito ay tila apoy na sumusunog sa balat niya.

"Tell me I'm enough," umiiyak na bulong ni Liana, ramdam pa rin ang sakit na iniwan ng asawa.

Huminto ang lalaki. Tinitigan nito ang mga mata niya, ang magkabilang kamay nito ay mariing nakahawak sa pisngi niya. Pinunasan nito ang luha niya gamit ang hinlalaki nito.

"You are more than enough," mariin nitong sagot, seryosong-seryoso ang madilim nitong mga mata. "I'll make sure you won't think of him ever again."

At nang tuluyan siyang angkinin ng lalaki, napasigaw si Liana. Hindi sa sakit, kundi sa sobrang sarap at init na matagal niyang hindi naramdaman. Bawat galaw nito, bawat haplos nito, binubura ang marka ni Marco sa pagkatao niya. Pinaramdam nito sa kaniya na sapat siya... na reyna siya.

Isang gabi lang, naisip ni Liana bago siya tuluyang mawalan ng katinuan sa sarap. Isang pagkakamali para makalimot.

Pero hindi niya alam, ang lalaking kayakap niya ngayon at umangkin sa kaniya nang buong-buo...ay ang mismong tiyuhin ng asawa niyang nanakit sa kaniya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Sinful Nights with My Ex-husband's Uncle   Chapter 11

    Humarurot ang itim na Rolls Royce palayo sa grand hotel. Sa loob ng sasakyan, mabilis na umakyat ang soundproof partition, tuluyang naghihiwalay sa kanila mula sa driver.​Bago pa man makahinga nang maluwag si Liana mula sa tensyon sa ballroom, naramdaman niya ang malalaking kamay ni Alexander na humigit sa kaniyang baywang. Sa isang mabilis na galaw, hinila siya ng bilyonaryo patungo sa ibabaw ng hita nito.​"Alexander—" napasinghap si Liana, pilit na kumakapit sa malalapad na balikat ng asawa habang umiikot ang kaniyang emerald green gown sa makipot na espasyo.​Hindi na siya pinatapos magsalita ni Alexander. Marahas nitong inangkin ang kaniyang mga labi. Walang pag-aalinlangan. Walang pagpipigil. Tila isang gutom na lobo ang doktor na matagal nagtiis sa harap ng maraming tao. Ang mga halik nito ay malalim, nag-aapoy, at nag-uumapaw sa matinding pagnanasa.​Kusang bumukas ang mga labi ni Liana para salubungin ang dila ng asawa. Napasabunot siya sa makapal na buhok nito habang ang is

  • Sinful Nights with My Ex-husband's Uncle   Chapter 10

    Malamig ang hangin na nagmumula sa air-conditioning ng penthouse, ngunit pinagpapawisan ang mga palad ni Liana. Nakatayo siya sa harap ng isang malaking full-length mirror, halos hindi makilala ang sariling repleksyon.​Suot niya ngayon ang isang shimmering emerald green gown na gawa ng isang sikat na Parisian designer. Hapit na hapit iyon sa kaniyang katawan, perpektong hinuhugis ang kaniyang mga kurba. Mayroon itong malalim na v-neckline at bukas ang likuran, nag-iiwan ng sapat na imahinasyon ngunit nananatiling napaka-elegante. Sa kaniyang leeg ay nakasabit ang mabigat at kumikinang na ruby and diamond necklace ng pamilya Vance, isang simbolo ng kaniyang bagong kapangyarihan.​Naramdaman niya ang pamilyar at maiinit na kamay na dahan-dahang pumulupot sa kaniyang maliit na baywang. Dumampi ang malambot na labi ni Alexander sa kaniyang nakalabas na balikat, nag-iwan ng nakakapasong init sa kaniyang balat na nagpatayo sa kaniyang mga balahibo.​"Nanginginig ka," malalim at paos na bul

  • Sinful Nights with My Ex-husband's Uncle   Chapter 9

    Hindi na nagawang makatulog ni Liana matapos ang nakakapanindig-balahibong tawag na iyon. Ang malamig at matigas na boses ni Madam Victoria Vance, ang ina ni Alexander at ang kinatatakutang matriarka ng pamilya ay patuloy na umaalingawngaw sa kaniyang isipan.Tahimik siyang nakahiga sa malawak na kama, nakatingin sa kisame habang pilit na pinapakalma ang sarili. Ramdam niya ang matipunong braso ni Alexander na nakapulupot nang mahigpit sa kaniyang baywang. Kahit sa pagtulog, hindi siya nito binibitawan, tila ba nagbibigay ng mensahe na walang makakakuha sa kaniya."Stop overthinking, sweetheart. I can hear your heart racing from here," malalim at inaantok na pabulong na boses mula sa kaniyang tabi.Napaigtad nang bahagya si Liana nang maramdaman ang mainit na labi ni Alexander sa kaniyang balikat. Humigpit ang yakap nito at isiniksik ang mukha sa kaniyang leeg."Paano ako hindi mag-iisip?" nangangambang sagot ni Liana. Humarap siya sa asawa at tinitigan ang perpektong mukha nito sa di

  • Sinful Nights with My Ex-husband's Uncle   Chapter 8

    Nanginginig ang mga binti ni Liana habang pilit na humahakbang paatras palayo sa mahogany desk. Nakatingin siya sa mga nagkalat na papel at litrato sa sahig.Ang bawat salita ni Alexander ay parang patalim na dahan-dahang ibinabaon sa kaniyang dibdib."Matagal mo na akong minamanmanan?" nanghihinang tanong ni Liana. Ang kaniyang boses ay basag at puno ng pagkabigo. "Ibig sabihin... pinanood mo lang akong magdusa sa kamay ni Marco? Hinintay mo lang na tuluyan akong mawasak para magmukha kang bayani sa paningin ko?!"Hindi sumagot agad si Alexander. Nakasandal pa rin ito sa hamba ng pinto, walang suot na pang-itaas, habang nakatupi ang magkabilang braso sa matipunong dibdib. Sa halip na makakita ng pagsisisi o pag-aalala sa mukha nito, isang malamig at kalmadong titig lang ang ibinigay ng bilyonaryo.Dahan-dahan itong humakbang papasok ng study room. Bawat tapak ng kaniyang paa sa malamig na sahig ay nagpapatakbo ng matinding kaba sa sistema ni Liana. Tumigil si Alexander ilang hakbang

  • Sinful Nights with My Ex-husband's Uncle   Chapter 7

    Nang makabalik sila sa penthouse pagkatapos ng kaguluhan sa restaurant, hindi pa rin makaniwala si Liana sa nangyari. Ang dating itinuturing na basura ni Marco ay buong giting na ipinaglaban ng pinakamakapangyarihang lalaki sa pamilya Vance. Pagkapasok na pagkapasok nila sa silid, agad na hinila ni Alexander si Liana sa kaniyang mga bisig at isinandal sa p***o. "Dapat itininanggi mo na lang ako kanina, dapat sinabi mo na lang na hindi mo ako kil—" "He touched you," paos na sabi ni Alexander, habang ang mga kamay ay mariing nakahawak sa mga balakang ni Liana. "I wanted to break his arms the moment I saw him holding you." Napangiti si Liana sa kabila ng kaba. "Alexander... ikaw lang ang asawa ko. Wala nang iba." Ang mga simpleng salitang iyon ang tuluyang nagpaalis sa galit at selos ng doktor. Inangkin ni Alexander ang kaniyang mga labi sa isang napakamainit at madamdaming halik. Binuhat siya nito patungo sa malaking kama at pinaligaya nang buong magdamag. Malalim na ang gabi nang

  • Sinful Nights with My Ex-husband's Uncle   Chapter 6: The Public Confrontation

    ​Maagang ginising si Liana ng isang halik sa kaniyang noo. Pagdilat ng kaniyang mga mata, nakabihis na si Alexander sa kaniyang mamahaling navy blue suit."Get up, sweetheart. We're going out," nakatitig na sabi ng doktor, ang boses ay puno ng lambing habang hinahaplos ang kaniyang pisngi."Saan tayo pupunta?" tanong ni Liana habang itinataas ang kumot para takpan ang kaniyang dibdib."To buy you everything you deserve," sagot ni Alexander. "Ayaw kong makita kang nagsusuot ng kahit anong bagay na nagpapaalala sa dati mong buhay."Ilang oras ang lumipas, dinala siya ni Alexander sa isang luxury mall sa lungsod. Bawat boutique na pasukin nila ay isinasara para lang sa kaniya. Binilhan siya ni Alexander ng mga branded na damit, sapatos, at bag na kahit sa panaginip ay hindi kayang bilhin ni Marco.Tanghalian na nang pumunta sila sa isang sikat na 5-star French restaurant. Dahil may tumawag kay Alexander mula sa ospital, sandali muna itong nagpaalam para sumagot sa rest room corridor, kay

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status