Share

Chapter 2

Author: Ruby Jade
last update Last Updated: 2025-06-24 10:55:06

Pinanood ni Theo si Luna habang nagmamadaling naglakad papunta sa elevator, ang buhok nitong unti-unting nakakalas mula sa bun at ang suot nitong napakapangit na palda ay humahampas sa hangin habang kumikilos siya. Sumarado ang elevator nang makasakay ito, at tuluyang naglaho ang babae sa likod ng mga pintuan ng bakal.

Umigting ang mga panga niya, pilit tinatago ang inis na matagal nang kumukulo sa ilalim ng balat niya.

"Daddy, are you sure she's not Mommy?" mahina ang boses ni Arabella, para bang tanong niya iyon sa sarili kaysa sa ama niya.

Tumingin siya pababa sa anak, nakita ang mga luha sa pisngi nito at ang pang-uusog ng ibabang labi. Sanay na siya sa mga tanong ni Arabella, lalo na kapag may bago itong kinahuhumalingan, pero ito? Ang pagiging attached niya sa isang babaeng ngayon lang niya nakita? Iba ito.

"Yes, darling," sagot niya, matatag pero bahagyang pinalambot ang tono para sa bata, kahit ramdam niyang unti-unti na itong lumalayo sa kanya. "She's not your mother."

"But she looked at me like Mommy would," bulong ni Arabella habang mahigpit ang hawak niya sa shirt ng ama, at napayuko na lang ito. A stubborn tear slipped down her cheek. She was spiraling and he couldn't control it. This wasn't what he had planned. He told that woman to leave, to get out of their lives as swiftly as she'd stumbled into them.

"Come now, darling." Lumapit siya pero bigla namang nagpumiglas ang bata sa pagkakarga niya. Nagsimula na itong humikbi, pinipigilan pa pero halatang hindi na magtatagal. Tumango siya kay Jayce na nasa hindi kalayuan at laging alerto.

"May problema na, boss?" tanong ni Jayce habang sinusuri ang sitwasyon.

"Sa ngayon ay wala pa," sagot niya, kahit alam niyang hindi iyon totoo. Puno ng pagkalito at sakit ang mga mata ni Arabella, ‘yung klase ng lungkot na tanging bata lang ang kayang ipakita ng buo at walang filter. At sa isang iglap, parang may kumurot sa dibdib niya. May mali siyang nagawa. Hindi niya alam kung paano, pero alam niyang may pagkukulang siya bilang ama.

"Daddy," muling tawag ng bata, paos na ang boses. "Can we go back to her? Please? I want to see her again. Just once."

"Arabella," malalim ang buntong-hiningang sinundan ng medyo naiinis na tono. "We're going home. Now."

Tinitigan siya ng anak, matigas ang expression nito. Kilalang-kilala niya ang titig na iyon. Hindi ito basta-basta sumusuko. At gaya ng inaasahan, sumabog na rin ito. Umiyak ang bata, at halos madidinig iyon sa buong hallaway.

"Anak," bulong niya, mahigpit ang hawak sa anak habang pinapalo nito ang balikat niya gamit ang maliliit nitong kamao. Maliit man ito, ramdam na ramdam pa rin niya ang bawat pagtama. Luminga-linga siya, baka may makakita pa at mapansin sila.

"Jayce," tawag niya ulit, pero ngayon may authority na sa tono. "Bring Luna back."

"Yung babae kanina, boss? Sigurado po ba kayo?" tanong ni Jayce habang nagtaas ng kilay. Pero hindi na rin ito naghintay pa ng sagot. Kilala na siya nito. Alam nitong wala nang kailangang ipaliwanag. Tumalikod lang ito at agad na nawala sa hallway.

Patuloy pa rin sa pag-iyak si Arabella, nakasubsob sa balikat niya habang binabagtas nila ang pasilyo. Buong lakas na hinahampas ng iyak ng bata ang mga tenga niya, sinusubok ang natitirang pasensya.

Gusto lang naman niyang gawing simple lahat. Pinapaalis niya si Luna para hindi na lumala. Pero heto sila ngayon.

Pagdating nila sa kotse, blangko ang biyahe. Hindi tumigil sa pag-iyak si Arabella sa likod. Sinubukan niyang aliwin ito, kung anu-anong bagay na pumasok sa isip niya ang inoffer pero wala ring gumana. Paminsan-minsan, hihikbi ito at babanggitin ang "Mommy" kahit hindi naman nito talaga kilala ang babae. Isang ilusyon lang na pinanghawakan niya.

Pagdating sa bahay, agad niyang dinala si Arabella sa living room. Inupo niya ito sa paborito nitong couch at inilabas ang paborito nitong stuffed bear. Hinagod nito ang mga lumang tahi habang dahan-dahang humina ang iyak. Tahimik na ang bata, pero halatang nasasaktan pa rin. Ang hinga nito, hindi pa rin regular.

"Anak," sabi niya habang lumuhod sa harap ng bata. "She's not coming. Do you understand?"

Tiningnan siya nito, basa pa rin ang mata at wala pa ring emosyon ang mukha. Tumango ito pero alam niyang hindi talaga ito naniniwala. Gumagawa na ito ng sariling kwento sa isip—kwento kung saan babalik si Luna, yayakapin siya, at sasabihing everything will be okay.

"Can you tell me what's wrong?" tanong niya ulit, mas malambing na ang boses ngayon. Para siyang hindi na siya. Para siyang ibang tao na may binabasag na sariling pader na ilang taon na niyang itinayo.

Pinitik ni Arabella ang mga mata, pinupunasan ang natitirang luha, tapos bulong nito, "I thought she was Mommy."

"Arabella..." muling buntong-hininga niya. Mabigat. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag. Wala siyang ideya kung paano palalayain ang anak sa ideya ng isang bagay na hindi naman totoo.

Binuhat niya ito at dinala sa kwarto. Ito lang ang tanging lugar kung saan ligtas ang pakiramdam ng bata, mga pader na kulay lavender, kama na puno ng mga stuffed toy. Inihiga niya ito at kinumutan habang patuloy ang paghinga ng bata sa pagitan ng hika at luha.

"Why can't she come back, Daddy?" tanong ng bata, red na ang mata, nangingitim ang paligid.

"Because..." natigilan siya. Hindi niya alam kung paano uumpisahan. "Because she isn't your mother, Arabella. Sometimes, people come into our lives and then leave, and that's how it's meant to be."

"But what if she wants to stay?" bulong ng bata, halos hindi na marinig.

"She doesn't. She's not a part of our family. Hindi niya rin gusto sa atin."

Tumunog ang mga salita nang mas malamig kaysa sa gusto niya. Parang ang sakit pakinggan. Pero ‘yon ang totoo. At kung hayaan niyang paniwalaan ito ng anak, baka mas lalo lang itong masaktan sa huli.

Umupo siya sa gilid ng kama at hinagod ang buhok ng bata, pinakiramdaman ang lambot nito sa mga daliri. Pumikit si Arabella, sa wakas ay medyo huminahon, dala na rin siguro ng pagod sa matinding pag-iyak.

"Will you stay with me until I fall asleep?" mahina nitong tanong.

"Of course," sagot niya, sabay higa sa tabi ng anak. Inakap niya ito, at naramdaman ang init ng maliit nitong katawan habang dahan-dahan na ring humina ang hininga nito. Unti-unti, natuyo na ang luha sa pisngi.

Habang unti-unti nang hinihila ng antok ang anak niya nakatitig lang siya sa kisame, puno ng iniisip. Wala sa kontrol niya ang nangyari ngayong araw. Ayaw na ayaw niya kapag gano’n. Luna had come and gone, and yet she left a mark. Isang bakas na agad hinawakan ng anak niya. At hindi niya alam kung kaya niya itong burahin.

Gusto niyang suntukin ang pader. God. He wanted to hit something, or to hit someone for how much control he lost today. For how he had lost Arabella in the hospital and how she had latched onto Luna, calling her mommy. Saying she looked at her like mommy would. At iyon ang pinaka-nakakagulo sa lahat dahil hindi pa man niya nakilala ang ina nito, naramdaman niyang gano’n dapat ang tingin sa kanya.

Hinagod niya ang mukha ng anak at tahimik na lumabas ng kwarto.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Single Hot Daddy's Nanny   Chapter 4

    Lumutang ang buntonghininga mula kay Luna, isang hiningang hindi niya namalayang pinipigil niya pala. Naramdaman niyang gumaan ang pakiramdam niya kahit may panibagong kaba na agad pumalit. She had just agreed to work for a man na parang embodiment ng power and control, at hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng desisyong ‘yon.“Good,” sabi niya, pilit na sounding confident. “Kailan mo ako gusto magsimula?”“Immediately,” mabilis na sagot ni Theo. Katulad ng dati, firm at walang bahid ng pag-aalinlangan ang boses nito. “Arabella is waiting for you.”Napakunot ang noo niya. “Ngayon agad?”Tumaas ang kilay ng lalaki. “Do you have a pressing engagement?”Sinamaan niya ito ng tingin, pero tila wala lang kay Theo at bahagyang ngumisi pa, obviously entertained sa inis niya.“Sige,” mutter niya. "Pero hindi ibig sabihin non ikaw ang lahat masusunod. Hangga't hindi pa fully recover ang kapatid ko kailangan ko pa rin siya asikasuhin."May bahagyang kurba sa labi nito. “I know that."Pero hi

  • Single Hot Daddy's Nanny   Chapter 3

    Naglalakad-lakad si Luna sa hallway sa labas ng kuwarto ng kapatid niya, habang gulo-gulo ang isip niya sa mga nangyari kanina. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga lalaking may dalang baril na nakasalubong niya. Pumasok siya sa elevator, pero agad ding lumabas para umikot at bumalik sa hallway ng ospital. Hindi na lang siya pumasok sa kuwarto ni Carmela. Ayaw niyang makita siya nito na balisa at mag-alala pa.Hindi mawala sa isip niya ang eksena sa lobby, yung batang babae na parang nakita sa kanya ang sagot sa matagal na niyang hinahanap, at ang ama nito, na kahit nakakakaba ay may kakaibang dating.Nagulat siya nang biglang may humawak sa braso niya. Mabilis siyang humarap, handang ipagtanggol ang sarili, pero isang lalaking matangkad at maskulado ang bumungad. Matigas ang mukha nito at malamig ang mga mata. Tinawag ito ni Arabella kanina na Uncle Jayce. Ito rin ‘yung naglagay ng baril sa ulo niya kanina.“Sumama ka sa akin,” malamig na sabi nito, mahigpit ang hawak sa kanya.Pini

  • Single Hot Daddy's Nanny   Chapter 2

    Pinanood ni Theo si Luna habang nagmamadaling naglakad papunta sa elevator, ang buhok nitong unti-unting nakakalas mula sa bun at ang suot nitong napakapangit na palda ay humahampas sa hangin habang kumikilos siya. Sumarado ang elevator nang makasakay ito, at tuluyang naglaho ang babae sa likod ng mga pintuan ng bakal.Umigting ang mga panga niya, pilit tinatago ang inis na matagal nang kumukulo sa ilalim ng balat niya."Daddy, are you sure she's not Mommy?" mahina ang boses ni Arabella, para bang tanong niya iyon sa sarili kaysa sa ama niya.Tumingin siya pababa sa anak, nakita ang mga luha sa pisngi nito at ang pang-uusog ng ibabang labi. Sanay na siya sa mga tanong ni Arabella, lalo na kapag may bago itong kinahuhumalingan, pero ito? Ang pagiging attached niya sa isang babaeng ngayon lang niya nakita? Iba ito."Yes, darling," sagot niya, matatag pero bahagyang pinalambot ang tono para sa bata, kahit ramdam niyang unti-unti na itong lumalayo sa kanya. "She's not your mother.""But s

  • Single Hot Daddy's Nanny   Chapter 1

    Patuloy ang pagkagat si Luna sa kanyang ibabang labi habang nanginginig ang mga tuhod na nakalapat sa sahig, pilit pinipigilan ang panginginig ng mga kamay. Nakatingin lang siya sa doktor. Naririnig niya itong nagsasalita pero wala siyang naiintindihan. Ang laman lang ng isip niya ay kung paano siya makakakuha ng three hundred thousand pesos sa operasyon ng kapatid niyang si Carmela. Three hundred thousand pesos. Napasinghap siya.At hindi lang ‘yon. May iba pa siyang hospital bills na kailangang bayaran bukod pa sa mismong surgery fee. Parang nagkakandaleche-leche na ang buhay niya at wala siyang magawa para pigilan ‘yon."Miss Torres?" tawag ng doktora sabay pitik ng daliri sa harap ng mukha ni Luna. Napatalon siya at agad na nagpakawala ng ngiting puno ng paghingi ng tawad."P-Po? May... sinasabi po kayo?" tanong niya."Are you okay, Miss Torres?" Tanaw sa mukha ng doktora ang pag-aalala. "You've been zoning out.""A-Ayos lang po ako," pagsisinungaling ni Luna, sabay tango. Muling

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status