author-banner
jonhelajoycereforsado
Author

Nobela ni jonhelajoycereforsado

Single Hot Daddy's Nanny

Single Hot Daddy's Nanny

Luna's world is falling apart. Kailangan ng kapatid niya ng kidney transplant, at naibenta na niya halos lahat para lang mailigtas ito. Wala na siyang matakbuhan. She's about to lose everything when something unexpected happens sa ospital. Napagkamalan siyang ina ng anak ng isang mafia lord, and just like that, everything changes. Doon niya nakilala si Theo Montelibano. Cold, commanding, and dangerously intense. May isang kondisyon lang ito—gusto niyang maging yaya si Luna ng anak niya. Kapalit nun, siya ang magbabayad para sa operasyon ng kapatid niya. Luna agrees, kahit hindi siya sigurado kung tama bang makisangkot sa isang lalaking kagaya nito. Habang tumatagal, unti-unting lumalambot ang puso ni Luna sa bata. Pero mas nakakagulat ang epekto ni Theo sa kanya. The more she gets to know him, the more she sees na may lalim ang taong ito. Behind the control and power, may taong sugatan, may taong may tinatago. What started as a deal slowly becomes something deeper. Pero sa mundong puno ng sikreto, panganib, at mga kalabang hindi mo alam kung saan nagtatago, falling in love is never safe. Caught between her painful past, her confusing present with Theo, and the feud na posibleng ikasira ng lahat, Luna has to make a choice. Lalaban ba siya para sa puso niya, o iiwan niya ang tanging pamilyang minahal siya?
Basahin
Chapter: Chapter 4
Lumutang ang buntonghininga mula kay Luna, isang hiningang hindi niya namalayang pinipigil niya pala. Naramdaman niyang gumaan ang pakiramdam niya kahit may panibagong kaba na agad pumalit. She had just agreed to work for a man na parang embodiment ng power and control, at hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng desisyong ‘yon.“Good,” sabi niya, pilit na sounding confident. “Kailan mo ako gusto magsimula?”“Immediately,” mabilis na sagot ni Theo. Katulad ng dati, firm at walang bahid ng pag-aalinlangan ang boses nito. “Arabella is waiting for you.”Napakunot ang noo niya. “Ngayon agad?”Tumaas ang kilay ng lalaki. “Do you have a pressing engagement?”Sinamaan niya ito ng tingin, pero tila wala lang kay Theo at bahagyang ngumisi pa, obviously entertained sa inis niya.“Sige,” mutter niya. "Pero hindi ibig sabihin non ikaw ang lahat masusunod. Hangga't hindi pa fully recover ang kapatid ko kailangan ko pa rin siya asikasuhin."May bahagyang kurba sa labi nito. “I know that."Pero hi
Huling Na-update: 2025-06-24
Chapter: Chapter 3
Naglalakad-lakad si Luna sa hallway sa labas ng kuwarto ng kapatid niya, habang gulo-gulo ang isip niya sa mga nangyari kanina. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga lalaking may dalang baril na nakasalubong niya. Pumasok siya sa elevator, pero agad ding lumabas para umikot at bumalik sa hallway ng ospital. Hindi na lang siya pumasok sa kuwarto ni Carmela. Ayaw niyang makita siya nito na balisa at mag-alala pa.Hindi mawala sa isip niya ang eksena sa lobby, yung batang babae na parang nakita sa kanya ang sagot sa matagal na niyang hinahanap, at ang ama nito, na kahit nakakakaba ay may kakaibang dating.Nagulat siya nang biglang may humawak sa braso niya. Mabilis siyang humarap, handang ipagtanggol ang sarili, pero isang lalaking matangkad at maskulado ang bumungad. Matigas ang mukha nito at malamig ang mga mata. Tinawag ito ni Arabella kanina na Uncle Jayce. Ito rin ‘yung naglagay ng baril sa ulo niya kanina.“Sumama ka sa akin,” malamig na sabi nito, mahigpit ang hawak sa kanya.Pini
Huling Na-update: 2025-06-24
Chapter: Chapter 2
Pinanood ni Theo si Luna habang nagmamadaling naglakad papunta sa elevator, ang buhok nitong unti-unting nakakalas mula sa bun at ang suot nitong napakapangit na palda ay humahampas sa hangin habang kumikilos siya. Sumarado ang elevator nang makasakay ito, at tuluyang naglaho ang babae sa likod ng mga pintuan ng bakal.Umigting ang mga panga niya, pilit tinatago ang inis na matagal nang kumukulo sa ilalim ng balat niya."Daddy, are you sure she's not Mommy?" mahina ang boses ni Arabella, para bang tanong niya iyon sa sarili kaysa sa ama niya.Tumingin siya pababa sa anak, nakita ang mga luha sa pisngi nito at ang pang-uusog ng ibabang labi. Sanay na siya sa mga tanong ni Arabella, lalo na kapag may bago itong kinahuhumalingan, pero ito? Ang pagiging attached niya sa isang babaeng ngayon lang niya nakita? Iba ito."Yes, darling," sagot niya, matatag pero bahagyang pinalambot ang tono para sa bata, kahit ramdam niyang unti-unti na itong lumalayo sa kanya. "She's not your mother.""But s
Huling Na-update: 2025-06-24
Chapter: Chapter 1
Patuloy ang pagkagat si Luna sa kanyang ibabang labi habang nanginginig ang mga tuhod na nakalapat sa sahig, pilit pinipigilan ang panginginig ng mga kamay. Nakatingin lang siya sa doktor. Naririnig niya itong nagsasalita pero wala siyang naiintindihan. Ang laman lang ng isip niya ay kung paano siya makakakuha ng three hundred thousand pesos sa operasyon ng kapatid niyang si Carmela. Three hundred thousand pesos. Napasinghap siya.At hindi lang ‘yon. May iba pa siyang hospital bills na kailangang bayaran bukod pa sa mismong surgery fee. Parang nagkakandaleche-leche na ang buhay niya at wala siyang magawa para pigilan ‘yon."Miss Torres?" tawag ng doktora sabay pitik ng daliri sa harap ng mukha ni Luna. Napatalon siya at agad na nagpakawala ng ngiting puno ng paghingi ng tawad."P-Po? May... sinasabi po kayo?" tanong niya."Are you okay, Miss Torres?" Tanaw sa mukha ng doktora ang pag-aalala. "You've been zoning out.""A-Ayos lang po ako," pagsisinungaling ni Luna, sabay tango. Muling
Huling Na-update: 2025-06-24
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status