Share

Chapter 4

Author: Ruby Jade
last update Last Updated: 2025-06-24 11:42:00

Lumutang ang buntonghininga mula kay Luna, isang hiningang hindi niya namalayang pinipigil niya pala. Naramdaman niyang gumaan ang pakiramdam niya kahit may panibagong kaba na agad pumalit. She had just agreed to work for a man na parang embodiment ng power and control, at hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng desisyong ‘yon.

“Good,” sabi niya, pilit na sounding confident. “Kailan mo ako gusto magsimula?”

“Immediately,” mabilis na sagot ni Theo. Katulad ng dati, firm at walang bahid ng pag-aalinlangan ang boses nito. “Arabella is waiting for you.”

Napakunot ang noo niya. “Ngayon agad?”

Tumaas ang kilay ng lalaki. “Do you have a pressing engagement?”

Sinamaan niya ito ng tingin, pero tila wala lang kay Theo at bahagyang ngumisi pa, obviously entertained sa inis niya.

“Sige,” mutter niya. "Pero hindi ibig sabihin non ikaw ang lahat masusunod. Hangga't hindi pa fully recover ang kapatid ko kailangan ko pa rin siya asikasuhin."

May bahagyang kurba sa labi nito. “I know that."

Pero hindi siya kumbinsido. She turned around with a sigh, ramdam ang mata nito sa likod niya habang naglalakad siya palayo. Bago siya tuluyang lumabas ng opisina, muli siyang humarap.

“One more thing,” sabi niya, kahit kumakabog ang dibdib niya. “I’ll be honest with Arabella. Hindi ako magsisinungaling sa kanya, and I won’t make promises I can’t keep.”

Tumango si Theo. “Fair enough. But you’ll protect her. Her well-being comes first.”

Tumango rin si Luna. “Gagawin ko.”

Pinindot ni Theo ang isang button sa mesa, at ilang segundo lang ay muling lumitaw si Jayce, alerto’t nakabantay.

“Take her to Arabella,” utos ni Theo. “She starts now.”

Tahimik na sumunod si Jayce, sinamahan si Luna sa hallway. Maayos ang posture ni Luna, pero sa loob-loob niya, gulo-gulo ang iniisip niya. She still couldn’t believe na nanny na siya. Bakit nga ba siya andito?

Pagdating nila sa kwarto ni Arabella, binuksan ni Jayce ang pinto at tinapik ang balikat niya, hudyat na pumasok na siya.

Huminga siya nang malalim, pinilit lakasan ang loob, at pumasok sa loob.

Pagkakita sa kanya ng bata, parang lumiwanag ang buong kwarto.

“Mommy!”

Nabigla si Luna sa sigaw ni Arabella, pero agad siyang yumuko para salubungin ang bata na mabilis na yumakap sa kanya.

“Are you staying?” tanong nito puno ng pag-asang nakasulat sa mukha nito.

Napalingon siya kay Jayce, na nanatili sa may pintuan, tahimik pero alerto. Pero yung yakap ni Arabella, yung init at trust ng bata, somehow melted something inside her.

“Yes,” sagot ni Luna, habang tinititigan ang maliwanag na mga mata ng bata. “Makikita mo na ako parati dito. Magkakasama na tayo araw-araw."

Lalong gumanda ang ngiti ng bata. “Yay! Can we play now?”

“Oo naman,” sagot ni Luna, ramdam ang halo ng warmth at kaba. Umalis si Jayce at naiwan siyang mag-isa sa mundo ng bata.

Habang nililibang ni Luna si Arabella, biglang bumukas ang pinto at dumating si Theo. Agad siyang nanigas. Iba pa rin talaga ang aura ng lalaki kahit hindi ito nagsasalita.

“Darling, how are you doing?” tanong ni Theo, mas warm ang tono ngayon, parang ibang tao kumpara sa lalaking kausap niya kanina.

“I’m showing Mommy Luna my drawings!” masiglang sagot ng bata, proud na proud.

Tumama ang tingin ni Theo kay Luna, at ramdam niya ang scrutiny nito.

“Dad, look!” sigaw ni Arabella habang dinadala ang mga drawing kay Theo.

Lumuhod si Theo, maayos na tinitingnan ang gawa ng anak. May bahagyang ngiti sa labi nito, at sa sobrang rare nun, parang nabunutan ng tinik si Luna.

“That’s amazing, darling,” sabi nito, at nakita niyang kumislap ang mga mata ng bata sa tuwa.

Habang pinagmamasdan niya ang dalawa, may kung anong pumukaw kay Luna. Theo was terrifying, yes. But also… loving. That contrast shook her a bit.

“Luna,” tawag ni Theo, pabalik sa reality. “Can you stay a little longer? May kailangan tayong pag-usapan.”

Parang may nahulog sa sikmura niya sa narinig. Pero tumango siya, pinilit maging composed. “Sige...”

Ipinakita ni Theo ang daan pabalik sa opisina. Tahimik na sumunod si Luna, habang si Arabella ay nakatitig lang sa kanila, curious pero nakatutok pa rin sa drawings niya.

Pagdating sa opisina, tumayo si Theo sa harap ng desk at tumitig sa kanya.

“I trust everything is going well so far?”

Tumango siya. “Mabait na bata ang anak mo. Hindi siya mahirap pakisamahan. She’s so creative and sweet. Wala kang dapat ipag-alala."

“Good. I want her to feel safe and comfortable with you,” sabi ni Theo, seryoso ang boses.

“Iyon naman ang trabaho ko, hindi ba?" sagot niya.

Tinitigan siya ni Theo, tila may sinisilip sa likod ng mga salita niya. “I’m not just looking for a nanny. I need someone who can protect her. Someone who’ll stay. My world is dangerous, Luna. I want you to understand the weight of what you’re stepping into.”

Napalunok si Luna. Hindi niya alam kung bakit siya pumayag. “Dangerous? Ano... Ano bang... trabaho mo?” tanong niya, halos pabulong.

“I think you already know,” mahina ring sagot ni Theo.

Nag-init ang batok niya. May idea na siya sa isip niya, pero ayaw niya iyon tanggapin. “Naiintindihan ko. Hindi ka naman... siguro gagawa ng bagay na ikakapamahak ng anak mo,” sagot niya. “Pero katulad ng gusto mo, aalagaan ko siya ng ayos. Hangga't hindi ka bumabali sa kasunduan natin, gagawin ko rin ang lahat para hindi maramdaman ng anak mo na may kulang sa kanya."

He nodded, a flicker of approval crossing his features. “And if you ever feel unsure, I expect you to communicate. I don’t want you to feel trapped. Gusto kong maging trasparent tayo pareho pagdating sa bata."

May kakaibang comfort sa narinig niya. “Kung ganon ay mas lalong hindi magiging mahirap ang trabaho."

Lumapit si Theo, at ang mga tingin nito halos hindi niya kayanin.

“You’re in this with me now, Luna. I expect commitment. And in return, I’ll provide for you and your sister."

Bumigat ang balikat niya. Ramdam niya ang bigat ng lahat. “I understand the stakes,” sagot niya.

Matagal siyang tinitigan ni Theo bago ito bahagyang ngumiti at lumayo. “Good. Then let’s make this work... for Arabella."

****

Tahimik na nanood si Theo mula sa opisina, just across the hallway. Sa likod ng glass door, tanaw niya si Luna na nakaluhod sa sahig at napapalibutan ng mga krayola at papel, habang seryosong nakikiayon sa imaginary world na nililikha ni Arabella. Ang anak niyang matigas ang ulo ay biglang naging mas kalmado. Masaya pa. At dahil doon, tila gumaan ang dibdib ni Theo.

Hindi kinunsinti ni Luna ang bata, pero hinayaan niyang magsalita ito, magkwento ng kahit anong naiisip, at nagpakita siya ng totoong interest. Hindj tuloy mapigilan na humanga ni Theo kung paano i-handle ni Luna ang lahat. Napakagaling ni Luna sa ginagawa. Walang ibang nakakapag-hold ng attention ni Arabella nang gano'n katagal. Ngayon lang.

But he couldn’t afford to let his guard down. Not yet. Luna was here under his terms... mostly, anyway, and he needed to know that she would hold up her end. 

Kinabukasan, nang bumaba siya sa kusina ay naroon na agad si Luna. Bahagyang nagulat si Theo dahil maaga pa iyon. Pero hindi siya nagrereklamo dahil walang mapagsidlan ng tuwa ang anak niya. Mukhang katatapos lang din pakainin ni Luna si Arabella.

"Good morning, daddy!" masiglang bata ng bata habang palabas na ng kusina, hawak ang kamay ni Luna.

Luna smiled lightly, and nodded at him. "Good morning," bati ni Luna kay Theo.

"Good morning," bati ni Theo sa dalawa pabalik. "What do you plan to do today, darling?"

"Mommy Luna will teach me how to bake!"

Muling bumaling si Theo kay Luna. He didn't expect her na marunong pala ito magluto. Bata pa lang si Arabella ay nakitaan na ito ni Theo ng galing. Pero hindi naman niya masamahan ang anak dahil iyon ang bagay kung saan siya mahina.

"That's amazing. Enjoy baking, darling. Huwag magpagod." Hinalika ni Theo ang anak sa tuktok ng ulo, bago tuluyang pumasok ng kusina.

“Any issues with Luna?” mahinang tanong niya kay Jayce. "Wala bang weird na ginagawa?"

Umiling si Jayce. “Wala, boss. Magkasundo nga sila ni Arabella sa lahat ng bagay."

Tumango si Theo, kahit alam na niya ang sagot. “Have a car ready in an hour. I’ll need you to drive me somewhere.”

“Yes, boss.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Single Hot Daddy's Nanny   Chapter 4

    Lumutang ang buntonghininga mula kay Luna, isang hiningang hindi niya namalayang pinipigil niya pala. Naramdaman niyang gumaan ang pakiramdam niya kahit may panibagong kaba na agad pumalit. She had just agreed to work for a man na parang embodiment ng power and control, at hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng desisyong ‘yon.“Good,” sabi niya, pilit na sounding confident. “Kailan mo ako gusto magsimula?”“Immediately,” mabilis na sagot ni Theo. Katulad ng dati, firm at walang bahid ng pag-aalinlangan ang boses nito. “Arabella is waiting for you.”Napakunot ang noo niya. “Ngayon agad?”Tumaas ang kilay ng lalaki. “Do you have a pressing engagement?”Sinamaan niya ito ng tingin, pero tila wala lang kay Theo at bahagyang ngumisi pa, obviously entertained sa inis niya.“Sige,” mutter niya. "Pero hindi ibig sabihin non ikaw ang lahat masusunod. Hangga't hindi pa fully recover ang kapatid ko kailangan ko pa rin siya asikasuhin."May bahagyang kurba sa labi nito. “I know that."Pero hi

  • Single Hot Daddy's Nanny   Chapter 3

    Naglalakad-lakad si Luna sa hallway sa labas ng kuwarto ng kapatid niya, habang gulo-gulo ang isip niya sa mga nangyari kanina. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga lalaking may dalang baril na nakasalubong niya. Pumasok siya sa elevator, pero agad ding lumabas para umikot at bumalik sa hallway ng ospital. Hindi na lang siya pumasok sa kuwarto ni Carmela. Ayaw niyang makita siya nito na balisa at mag-alala pa.Hindi mawala sa isip niya ang eksena sa lobby, yung batang babae na parang nakita sa kanya ang sagot sa matagal na niyang hinahanap, at ang ama nito, na kahit nakakakaba ay may kakaibang dating.Nagulat siya nang biglang may humawak sa braso niya. Mabilis siyang humarap, handang ipagtanggol ang sarili, pero isang lalaking matangkad at maskulado ang bumungad. Matigas ang mukha nito at malamig ang mga mata. Tinawag ito ni Arabella kanina na Uncle Jayce. Ito rin ‘yung naglagay ng baril sa ulo niya kanina.“Sumama ka sa akin,” malamig na sabi nito, mahigpit ang hawak sa kanya.Pini

  • Single Hot Daddy's Nanny   Chapter 2

    Pinanood ni Theo si Luna habang nagmamadaling naglakad papunta sa elevator, ang buhok nitong unti-unting nakakalas mula sa bun at ang suot nitong napakapangit na palda ay humahampas sa hangin habang kumikilos siya. Sumarado ang elevator nang makasakay ito, at tuluyang naglaho ang babae sa likod ng mga pintuan ng bakal.Umigting ang mga panga niya, pilit tinatago ang inis na matagal nang kumukulo sa ilalim ng balat niya."Daddy, are you sure she's not Mommy?" mahina ang boses ni Arabella, para bang tanong niya iyon sa sarili kaysa sa ama niya.Tumingin siya pababa sa anak, nakita ang mga luha sa pisngi nito at ang pang-uusog ng ibabang labi. Sanay na siya sa mga tanong ni Arabella, lalo na kapag may bago itong kinahuhumalingan, pero ito? Ang pagiging attached niya sa isang babaeng ngayon lang niya nakita? Iba ito."Yes, darling," sagot niya, matatag pero bahagyang pinalambot ang tono para sa bata, kahit ramdam niyang unti-unti na itong lumalayo sa kanya. "She's not your mother.""But s

  • Single Hot Daddy's Nanny   Chapter 1

    Patuloy ang pagkagat si Luna sa kanyang ibabang labi habang nanginginig ang mga tuhod na nakalapat sa sahig, pilit pinipigilan ang panginginig ng mga kamay. Nakatingin lang siya sa doktor. Naririnig niya itong nagsasalita pero wala siyang naiintindihan. Ang laman lang ng isip niya ay kung paano siya makakakuha ng three hundred thousand pesos sa operasyon ng kapatid niyang si Carmela. Three hundred thousand pesos. Napasinghap siya.At hindi lang ‘yon. May iba pa siyang hospital bills na kailangang bayaran bukod pa sa mismong surgery fee. Parang nagkakandaleche-leche na ang buhay niya at wala siyang magawa para pigilan ‘yon."Miss Torres?" tawag ng doktora sabay pitik ng daliri sa harap ng mukha ni Luna. Napatalon siya at agad na nagpakawala ng ngiting puno ng paghingi ng tawad."P-Po? May... sinasabi po kayo?" tanong niya."Are you okay, Miss Torres?" Tanaw sa mukha ng doktora ang pag-aalala. "You've been zoning out.""A-Ayos lang po ako," pagsisinungaling ni Luna, sabay tango. Muling

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status