Share

CHAPTER 10

HINDI MAGAWANG pekein ni Luken ang emosyon sa mga oras na iyon. Sobrang nakakatuwang makasalo ang mga magulang ni Sinnerita, lalo na ang mommy nito na todo asikaso sa kanya at panay tawag ng 'Anak' sa kanya. Nagkaroon tuloy siya ng instant mommy.

Nakakalambot ng puso... isang pakiramdam na hindi niya na dapat maramdaman pa pero hindi niya mapigilan dahil nagkukusa. Naiinggit tuloy siya kay Sinnerita.

He sighed with a aching heart.

Lumaki silang dalawa ng kakambal niya nang walang mga magulang dahil bata pa lang sila ay namatay na ang mga ito sa isang aksidente. Kaya naiwan sila sa pangangalaga ng kanyang lolo, na pumanaw na rin kinalaunan. Hindi niya nga maalala kung minsan ba ay nagkakasabay silang dalawa ng kakambal niya sa isang mesa para magkuwentuhan o sabay na kumain bilang isang pamilya.

"Salamat po sa pagkain," Nakangiting sabi ni Luken.

"Walang anuman, anak. Bukas ulit, ha? Parehas na oras pa rin para sa prayer meeting." Sabi ng mommy ni Sinnerita na ikinamutla ng mukha niya. Lumingon siya sa katabing si Sinnerita para humingi ng tulong pero ngumiti lang ito sa kanya.

Prayer meeting was not bad but it was hell for him. Hindi siya nababagay sa ganoon dahil makasalanan siyang tao. Baka makatulog lang ulit siya.

"Susubukan ko po, tita Helia. Kung hindi po ako sa busy sa eskuwela at trabaho." Iyon na lamang sinagot niya sa ginang.

"It's okay," Tumango ito. "Tsaka nga pala, magsisimba kaming buong pamilya sa linggo sana makasama ka sa amin. Ipagmamayabang kita sa mga amiga ko!"

"Hindi ba ako masusunog do'n?" Bulong ni Luken.

Makasalanan siyang tao kaya masusunog siya sa pinto pa lang ng simbahan.

"Ano 'yon iho?"

"Kung wala pong trabaho, sasama po ako."

"That's great!"

"Mauuna na po ako, tita Helia at tito Soriso--" Kumunot ang noo ng daddy ni Sinnerita at tiningnan siya ng matalim. Tumikhim siya at kinagat ang labi para pigilang matawa.

'His funny!' He thought.

"I mean tito Sorio."

"Mag-iingat ka, ha?"

"Salamat po," Magalang na aniya.

"Ihahatid ko lang po sa labas si Luken mommy, daddy."

"Sige, anak."

Pagkalabas ng pintuan ay tahimik na naglalakad silang dalawa ni Sinnerita. Nang makarating sa harden ay nagsalita ito.

"You know what... ngayon lang kita nakitang ngumiti nang totoo." Biglang sabi ni sinnerita na ikinatigil niya.

"What do you mean? I'm faking my smile every time we're together?"

Gustong kutusan ni Luken ang sarili nang mabakasan niya ang sariling boses na may pagsisi. He is a liar... a great liar. Lahat ng pinakita niya kay Sinnerita ay hindi totoo.

Nang sabihin ng kaibigan niya ang task ay walang siyang ibang iniisip kundi ang manalo at si mia amor pero nang makilala niya si Sinnerita at nakasama ang pamilya nito parang nagiging iba ang lahat. Parang lumiliko ang mga plano niya.

Nagkibit balikat si Sinnerita. "I don't know. Siguro?"

Nagpakawala ng hangin sa baga si Luken saka natulala sa kawalan. "I'm jealous of your family, Sinnerita. I wished I have a family like yours." Ngumiti siya ng mapait. "Kahit na hindi palasyo ang tinitirahan masaya pa rin at kontento. Mararamdaman mo talagang buo kayo."

"Bakit? Nasaan ba ang mga magulang mo?"

"Patay na sila... bata pa lang kami."

"Sorry to hear that..."

"Kami na lang ng kakambal ko ang natira sa pamilya namin. May mga kamag-anak naman kami pero hindi kami malapit sa kanila. Alam mo ba na kahit kambal kami, he acted like an older to me. E, parehas lang naman kami ng edad." He laughed without a humor.

"Siguro... dahil mas na una siyang ipinanganak kaysa sa akin. May kapatid nga ako pero hindi ko siya maramdaman, parang ang layo-layo niya sa akin. He his very stiff, strict and a cold one. Busy siya sa mga business na naiwan ng aming mga magulang."

'Including all illegal business.'

"I'm handling some our business pero mas marami pa rin na ginagawa ang kakambal ko. His busy growing the Ashford empire that he almost forget about me." Hindi niya mapigilan ang hinanakit sa kakambal. "His twin. His brother. His only family. I need him, my twin. Parehas naman kaming nawalan pero bakit pakiramdam ko nawala din siya sa akin?"

Luken sighed. He felt that something heavy on his chest disappeared when he shared a story about his family. Sa loob ng ilang taon parang ngayon lang siya nakahinga sa lahat ng problema niya.

Parang iyon ang unang pagkakataon na nagkwento siya ng ganoon, na hindi siya pinipilit ninuman. Matamaang nakikinig naman sa kaniya si Sinnerita. Bakas sa mga mata nito ang lungkot sa mga mata.

"Nakausap mo man lang ba ang kakambal mo tungkol diyan sa nararamdaman mo?"

"No. He will just called me over the fucking phone if he needs me."

"Hindi naman sa kinakampihan ko ang kakambal mo, ha? Baka may rason lang din siya. Alam mo kasi may dalawang side story. His side story and yours. Kulang lang kayo ng communication ng kakambal mo." Tila natunaw ang yelong nakabalot sa puso niya dahil sa sinabi nito.

"I don't know anymore," Aniya sa mahinang boses. Ayaw lang niyang umasa sa kakambal dahil buong buhay niya iyon ang ginagawa niya.

Naging mabagal ang paghakbang ni Luken nang matanaw na niya ang kanyang kotse.

"Mag-ingat ka sa pag-uwi ha?"

"Yeah, so... see you tomorrow?'' Maliit siyang ngumiti kay Sinnerita.

"Okay!"

"Pwede ba kitang sunduin?" Umaasang aniya.

'What the fuck Luken? You never fetch a woman but... Sinnerita is different and an exemption. So, yeah.' Sigaw ng isip ni Luken.

"Oo naman..."

"Ibig sabihin pumapayag ka ng ligawan kita?" Nanlalaking matang aniya.

"Oo, pumapayag na ako." Ngumiti si Sinnerita ng kaytamis dahilan upang matulala siya sa babae. "Pumayag na ang mga magulang ko, eh."

His heart instantly beating crazyly for no apparent reason.

"Good night, Luken..." Malambing na sabi nito.

'Damn her soft voice!'

"Good night, Sinnerita..." Malaki ang ngiti niya ng sumagot dito.

Tumalikod na si Luken at tumungo sa kanyang nakaparadang kotse. When his about to open his car's door, Sinnerita called him.

"Luken..."

Lumingon siya. "Yes--"

Hindi inaasahan ni Luken ang sumunod na nangyari. Her lips landed on his cheeck near on his lips! Fucking shit!

"Y-You..." Napakurap si Luken at hindi makapaniwalang yumuko kay Sinnerita. His heart beating so fast!

"Y-You kissed m-me..."

"Yes," Tila nahihiyang iniwas nito ang tingin sa kanya. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang pamumula ng pisnge ni Sinnerita.

Hindi mapigilang mapangiti ni Luken ng malaki, na sa sobrang laki ng ngiti niya ay mapupunit na ang pisnge niya. Damn! What is this tickling feeling he felt just now?

"Sige na... alis na! Mag-iingat ka sa pag-drive!"

"Yes, ma'am! Mag-iingat ako para sa 'yo!" Sumaludo pa si Luken.

"Sige na!"

Tumango si Luken saka sumakay ng kotse. He rolled down his window and look at her with a smile.

"Pumasok ka na. Aalis ako pagkapasok mo."

"Okay!" Anito saka nanakbo papasok sa bahay.

Nang mawala sa paningin niya si Sinnerita ay unti-unting nawala ang ngiti niya at nakakakiliting pakiramdam na iyon.

'Sinnerita. His beautiful, Sinnerita.' Nalasahan niya ang pait sa bibig niya nang bigkasin ang pangalan ng babae sa isip niya.

Luken sighed hopelessly. Sinnerita is too good to be hurt--to be with him. His not deserving of her and now his guilt is slowly eating him.

Wala sa sariling napahawak sa sariling dibdib si Luken, pinapakiramdaman ang pusong bigla na lang tumibok nang mabilis. Bigla ay nakaramdam siya ng takot sa nararamdaman.

He knew what it was but he did not want to confirm it. Luken was afraid that he might fall for Sinnerita without knowing it.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status