Share

CHAPTER 11

INAANTOK pa si Sinnerita nang magising kinabukasan. Hindi kasi siya nakatulog ng maayos kagabe dahil sa paghalik niya kay Luken. Hindi niya alam kung bakit ginawa niya iyon. Nakakahiya ang ginawa niya.

May kumatok sa pinto. "Sin?" Boses iyon ni nana Sita.

"Gising na po ako, nana Sita!" Sigaw niya.

"Pinatatawag ka na ng mommy mo. Na sa hapag na sila kasama iyong binata na pumunta dito kagabi. Ano nga ulit ang pangalan no'n... Luke... Luken. Tama! Luken ang pangalan niya!"

Gulat na napatitig sa pinto si Sinnerita. Nandito na si Luken? Napabaling ang tingin niya sa orasang na sa side table niya, nanlaki ang mga mata niya ng makitang alasais medya na!

"Pakisabi po baba na ako, nana Sita!" Sigaw niya saka mabilis na pumasok ng banyo. Mabilis siyang naligo, nagbihis at nagsuklay ng buhok. Nang makontento sa itsura niya ay agad siyang lumabas sa kuwarto.

Nadatnan niya ang mga magulang sa hapagkainan, kasama nga si Luken. Masayang nag-uusap ang kanyang mommy at si Luken. Ang kanyang daddy naman ay tahimik lang sa tabi habang nagbabasa ng diyaryo.

Malakas siyang tumikhin. Unang bumaling sa kanya si Luken. "Good morning, Sinnerita." Malambing na sabi nito. Wala sa sariling napahawak si Sinnerita sa kanyang dibdib nang bumilis ang tibok ng kanyang puso.

"G-Good m-morning din," namumulang aniya at maliit na nginitian ito. Iniwas niya ang tingin kay Luken saka lumapit sa mga magulang at humalik sa pisnge ng mga ito.

"Good morning, mommy, daddy."

"Good morning, baby."

"Maganda ka pa sa umaga, anak."

Nang makaupo sa kanyang pwesto ay napasulyap siya kay Luken na kaharap niya. Nakatingin ito sa kanyang habang nakangiti pa rin.

"Natulog ka ba ng maayos?"

"H-Ha? Oo n-naman!"

Tumawa si Luken. "What do you want?"

"Ha?" Nakakatanga nga talaga ang kaguwapuhan ni Luken. 'Bakit ba siya ganito?!' Aniya sa isip.

"What do you want for breakfast? Bread, eggs, beacon, rice, coffee, or me? Say it, baby."

Napanganga siya sa sinabi nito. Kumabog ang puso niya. Hindi siya agad makasagot, tila nalunok niya ang sariling dila. Ganito ba talaga manligaw ang isang Luken Aiden Ashford? Pinapakilig ka sa umaga?

"Kinikilig ako!" Tili ng mommy ni Sinnerita.

Napabaling silang lahat nang hampasin ng daddy niya ang mesa sa mahinang paraan. Dinuro nito ng diyaryo si Luken. "Tumigil ka Ashford kay aga-aga! Hindi mo madadala ang anak ko sa matatamis mong salita!"

"Sorio!"

"Daddy!"

Humihingi ng despensa siyang tumingin kay Luken na nagkibit balikat lang.

"Tigilan mo nga si Luken, Sorio." Tumalim ang tingin ng mommy niya sa kanyang daddy bago bumaling kay Luken saka pinagsandok ito ng kanin na nakangiti. "Don't mind the old man. Kain ka pa, anak."

"W-What? O-Old man? Darling naman!"

"Thank you po..." Sagot ni Luken sa mommy niya na parang wala lang, na tila hindi ito naapektuhan sa ginawa ng daddy niya.

Humarap ito sa kanya. "So, nakapili ka na?"

"O-Oo nakapili n-na..."

"Me?" Pilyo itong ngumiti.

"Tumgil ka nga!" He laughed hard. "Beacon at rice lang sa akin saka juice."

"Okay, ma'am!"

Nakasunod lang ang tingin ni Sinnerita kay Luken ng asikasuhin siya nito. Nanlambot ang puso niya sa ginawa ng lalaki. Unti-unting natitibag ang pader na hinarang niya sa sarili. Si Luken ba talaga ito? Iyong Luken na laging ni-rereport sa opisina niya. Para kasing hindi. Parang ibang tao ang nakakasama niya.

Ang Luken Aiden Ashford na nakilala niya ay babaero, walang puso, walang pakialam sa paligid, hindi marunong ngumiti at nanakit ng puso ng babae. Ang Luken na nakakasama niya ngayon ay maasikaso, sweet, malambing, palangiti at tumatawa.

"Eat up." Napakurap-kurap si Sinnerita saka binaba ang tingin sa kanyang plato na may laman na.

"Thank you..."

Pagkatapos mag-agahan ay hinatid sila ng mommy at daddy niya nakaparadang kotse ni Luken.

"Mag-iingat kayo sa eskwelahan mga anak! Aral ng mabuti!"

"Bye mommy! Bye daddy!" Kumaway siya sa mga ito, gano'n din ang ginawa ni Luken. Binuksan nito ang pinto sa front seat para sa kanya. Nagpasalamt siya kay Luken at komportableng naupo sa sasakyan nito.

"Parang gusto ko ulit magkaanak, Sorio!"

"Gawa tayo, darling?"

"Habulin mo muna ako!"

Napailing na lamang si Sinnerita nang makitang naghahabulan ang kanyang mga magulang sa may harden.

"Luken, pasensya ka na pala sa mga magulang ko."

"It's alright, Sinnerita. You don't know how wonderful your family is." Sagot ng lalaki na nagpangiti sa kanya. "But your mom is my favourite, she's spoiling me. Nagseselos na tuloy sa akin ang daddy mo!"

Natawa naman siya. "Uhaw kasi sa anak na lalaki si mommy. Nag-iisa lang kasi akong anak."

"I already love your mom, Sinnerita. I feel like she fulfilled one of my dream, of what it feels like to be cared of by a mother to his child." Emosyonal na nasabi nito.

Uhaw sa pagmamahal ng isang ina si Luken dahil maagang nawala ang kanilang mga magulang. Ang isang tao na dapat sanang masasandalan ni Luken ay hindi niya maasahan, ang kakambal nito. Tulad nga ng kinuwento ni Luken, tinatawagan lamang siya ng kanyang kakambal kapag kailangan siya nito.

It's must be hard for him. Iyong wala siyang masasabihan ng problema niya. Iyong walang makikinig sa mga kwento niya. Iyong hindi man lang niya maipagmalaki ang achievement niya dahil mag-isa lang siya. May kapatid nga ito, kakambal pa pero hindi niya naman ramdam. Ayaw niyang mainis o magalit sa kakambal nito dahil alam niyang may rason ito, na nasasaktan din ito tulad ni Luken.

"Bakit ganyan ka makatingin sa akin?"

"Ha? Paano ba ako kung tumingin sa akin?"

"It's like you're reading my mind and sucking my soul. Hinuhubaran mo na ba ako diyan sa isip mo, Sinnerita?"

"Ano? Wala akong iniisip na gano'n!" His laugher echoed inside the car.

"Luken, stop laughing!"

Nilingon na lamang ni Sinnerita ang ulo sa may bintana saka pinakawalan ang isang nakakakilig na ngiti, pero agad din iyong naglaho nang matanaw ang Ashford University.

Nagkalat sa labas ng university ang mga estudyante. Kinakabahan siya. Nararamdaman niya ang panlalamig ng katawan niya. Namamawis din ang mga kamay niya.

Lahat ng mga mata ay nakatanaw at nakasunod sa lulan nilang sasakyan na sport car Mazda MX-5. Nang iginarahe na ni Luken ang sasakyan nito sa parking area ay mayroon na agad nagkukumpulan na mga kababaihan sa gilid.

Napapalunok si Sinnerita. Nanunuyo ang lalamunan niya sa kaba. Sa pagpayag niyang ligawan siya ni Luken ay unti-unti na rin niyang nakikita ang tunay nitong mundo.

Naunang bumaba si Luken saka binuksan ang pintuan ng kotse para sa kanya. A disbelief gasped echoed around. Lalo na ng inilapat ni Sinnerita ang kamay niya, sa nakalahad na kamay ni Luken.

Kumunot ang noo nito at ibinaba ang mukha sa kanya saka bumulong. "Are you okay, baby?" Mabilis na tumango si Sinnerita at hindi pinansin ang endearment nito. "Are you sure? Malamig kasi ang kamay mo."

"Kinakabahan kasi ako!"

"Bakit ka naman kinakabahan?"

"Dahil kasama kita! Maraming nakatingin sa atin!"

Luken chuckled. "Gwapo kasi ako tapos maganda ka."

Sinimangutan niya ang lalaki.

''Si miss president iyan 'di ba?"

"Oo!"

"Anong ginagawa niya sa kotse ni Luken?"

"I dont know!''

"Magba-viral 'to! Excuse me, pwedeng yumuko ka muna, miss?"

"Nakakainggit naman!"

"Sila na ba?"

"Ang sweet ni Luken! Shit!"

"Nakakakilig naman sila! Bagay na bagay sa isa't isa!"

"Narinig mo 'yon? Bagay daw tayo." Sabi ni Luken saka hinalikan ang likod ng palad niyang hawak pa rin nito. Nanlaki ang mga ni Sinnerita at hinila ang kanyang kamay. Umiling lamang ang lalaki at mas hinigpitan ang hawak sa kamay niya. Pinagdidilatan na lamang niya ito ng mata.

"Anong tenga ang mayroon ka, ha? Sa lahat ng narinig mo 'yon lang talaga napansin mo?"

"Of course! Maganda kasi siya sa pandinig ko. Ako at ikaw ay bagay. What can you say about that."

"Hindi tayo bagay kasi tao tayo!" Sigaw niya.

"Bakit ka ba bad mood, baby?" Naglalambing na sabi ni Luken.

"Ay! Wala na finished na! Baby daw, Oh! May nanalo na!" Sigaw ng isang estudyanteng nanonood malapit sa pwesto nila.

Nanunuksong nakatingin sa kanya si Luken. "Nakulangan ka ba sa halik na ninakaw mo sa akin kagabi? Bakit kasi hindi mo nilabi?"

Nanlaki ang mga mata ni Sinnerita. Bakit pinaalala pa nito ang ginawa niya kagabi sa harap ng maraming tao? Nakakahiya 'yon! Gusto niyang maglaho na lang sa harap ng lahat. Buong pwersa niyang hinila ang kamay niyang hawak ni Luken at naluluhang tinalikuran ito.

'Nakakinis ka, Luken!' A lonely tear dripped from her eyes while running away.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status