Share

CHAPTER 18

"YES DAW!" Nahampas niya ulit si Madden.

Sumimangot ang kaibigan niya. "Rita! Kailan ka pa naging brutal, ha?"

"Sinisigaw mo kasi iyong sinasabi ko."

"Alangan! Hindi maririnig niyan ang sasabihin mo dahil medyo malayo kaya tayo sa kanila!" Sarkastikong sabi nito.

Ilang beses na napakurap-kurap si Sinnerita at napasulyap kay Luken na nakatingin sa kaniya. Napagtanto niyang tama si Madden. Na sa third floor sila habang sa soccer field naman sina Luken at ang mga kaibigan nito.

"Oo nga, no? Sorry, Mad." Umikot ang magaganda nitong mga mata bago siya nilapitan at inakbayan.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo, Rita?" Bulong nito sa kanya.

"Oo, siguradong sigurado na ako, Mad. Mahal ko talaga, e." Walang rason para magsinungaling si Sinnerita sa tunay na nararamdaman niya. Nang ilang araw niyang hindi nakita ang lalaki ay iniyakan niya ito at inamin sa sariling mahal na niya si Luken.

"Ayan, na sabi mo rin," Yumakap ito sa kanya. "Masaya ako para sa'yo, Rita. Pero huwag mong kalilimutan 'yon
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status