Share

CHAPTER 9

"LOVING HEAVENLY Father we come to you this hour asking for your blessing and help as we are gathered together. We pray for guidance in the matters at hand and ask that you would clearly show us how to conduct our work with a spirit of joy and enthusiasm..."

Hindi alam ni Sinnerita kung matatawa ba siya o maaawa kay luken. Nakayuko ang lalaki na tila natutulog. Hindi niya alam kung puyat lang ba ito o na-bobored sa prayer meeting nila. Halatang hindi ito sanay sa mga ganito. Mabuti na lang na sa pinakahulian sila naupo pero may iba pa rin na mga ginang na nagugulat ng makitang natutulog ang katabi niya.

Siniko niya sa braso ni Luken saka binulungan. "Luken, wake up! Hoy!"

Naalinpungatan ang lalaki at biglang sumigaw ng malakas. "Nasaan? Nasaan? Fuck! Fuck! Damn it!"

Nanlaki ang mga mata ni Sinnerita sa pagmumura nito. Siya ang nahihiya sa ginawa nito! Gusto niyang magpalamon ngayon sa lupa dahil lahat ng mga mata ay nakatingin sa gawi nila.

May ibang ginang na tila hihimatayin sa narinig, ang iba ay napa-sign of the cross na lamang at may iba bakas sa mukha nila ang disappointed habang nakatingin sa kanya. Parang nagsisi na tuloy siyang sinama niya pa si Luken dito sa prayer meeting. Sana iniwan niya lang ang lalaki sa sala.

Pinagdidilatan ni Sinnerita ng mata ang lalaki nang magawi ang tingin nito sa kanya. Ilang ulit itong kumurap, na tila disoriented pa na nilibot ang paningin sa paligid. Natigilan si Luken ng makitang nakatingin sa kanya ang lahat, lalo na ang mommy at daddy niya.

Nahihiyang niyuko ni Sinnerita ang ulo at tinakpan ang buong mukha. Narinig niya ang paglunok ng lalaki at pag-ayos nito ng upo. Nilingon niya si Luken.

"Ayos ka lang?" Bulong niya rito.

Nahihiyang ngumiti ito sa kanya. "Sorry, I sleep." he mouthed in a whispered.

"Halatang hindi ka sanay sa ganito, ano?"

"Yeah, pasensya na talaga."

"Ano ba ang pinagagawa mo sa buhay mo?"

"School, home, clubs, work, girls and sex."

Napanganga si Sinnerita sa pagiging honest nito.

"Close that mouth of yours, Sinnerita. Baka hindi ko mapigilan ang sarili kong angkinin ang labi mo dito mismo."

"Sshh..."

"Tumigil ka nga!"

"Heavenly Father as we come to the end of our time together we thank you for what has been accomplished here today. May the matters discussed serve as a catalyst to move us forward and cause us to advance and see growth in all areas of our lives..."

"Sshhh..." Saway ng mga ginang na malapit sa kanila. "Mga kabataan nga naman..."

Nagkatinginan silang dalawa at tahimik na natawa. Hindi niya aakalaing magagawa niyang makipag-usap sa katabi habang may nagsasalita sa harapan.

'Sorry po, Lord.'

Katatapos lang ng kanilang prayer meeting at unti-unti na rin nagsialisan ang mga tao pero hindi hindi pa rin nakaligtas sa pandinig ni Sinnerita ang usapan ng ibang ginang tungkol kay Luken at sa nangyari kanina. Mayroon pa na lantaran silang pinagmamasdan ng mga ito saka bubulong sa mga kasama nila.

Napabuntong-hininga na lamang si Sinnerita at hindi na lamang ang mga ito pinansin. Alam niyang pinag-uusapan siya ng mga dumalo sa prayer meeting dahil ito ang unang pagkakataon na nakita siyang may kasamang lalaki na nagmumura ng ganoon.

"Are you okay, Sinnerita? You look bothered..."

"Nobyo ba iyan ni Sinnerita? Kay gandang lalaki pero nagmumura."

Nadinig niyang pag-uusap sa bandang likuran niya.

"Naku, kay bata pa nitong si Sinnerita para magnobyo 'di ba? Baka mabuntis ng maaga."

"Kung anak ko iyong binata tapos natulog habang nag-pre-prayer meeting o nagmimisa baka mapikot ko na. Hindi pwede sa akin ang gano'n, ano."

"Tama..."

Kumuyom ang kamao ni Sinnerita at napayuko. Hindi niya alam kung bulong ba ang ginagawa ng tatlong ginang na iyon o sinadya ba nilang lakasan ang boses nila habang nagsasalita.

Malinaw kasi niya iyong naririnig. Kahit natulog si Luken kanina at nakapagmura wala pa rin silang karapatan na bastusin ang lalaki sa teritoryo niya dahil bisita niya ito.

'Pwede naman silang mag-usap paglabas nila dito 'di ba? Kahit magdamag pa silang magtsismisan ay wala akong pakialam!' Galit na bulong ni Sinnerita.

"Hey, Sinnerita..."

Nag-angat siya ng tingin sa lalaki.

Umiling ito. "Don't mind them, okay? They are not worth it."

"P-Pero..."

"That's why many go to hell because no matter how much you go to church or how many times you attend prayer meetings, if that is your character talking to other people after talking to your God it's useles. It's fucking useless!" May diing sabi ni Luken.

Napawang ang labi niya at gulat na napatitig kay Luken. Nagtatagis ang bagang ng lalaki habang nakatingin sa may likuran niya.

Malakas na singhapan ang narinig ni Sinnerita sa likuran.

"If you want to fucking say something, say it to my fucking face directly. I'm not a fucking saint ma'am, madam, but I know fucking how to respect a fucking person."

"Luken! Your mouth!" Saway niya sa lalaki saka tumabi rito.

"This fucking mouth of mine can do everything... and that make you fucking scream in pleasure, baby."

Parang gusto na niyang mawalan ng malay sa kahalayan ng bibig ni Luken. Mabuti na lamang silang lima na lang ang natira sa convention.

Naiiskandalong napatingin sa kanya ang tatlong ginang. Pamilyar siya sa mga ito pero hindi niya alam ang mga pangalan nila. Galing din sila sa kilala at mayayamang pamilya.

"Susmaryosep!"

"He is not good for you Sinnerita! I-rereto na lang kita sa anak ko."

"I'm so disappointed! Why Sorio let you to be this man? I can't believe it!"

"Sasabihin ko ito kay Sorio!"

"Umalis na tayo mga amiga! He is scary!"

Sinulyapan pa siya ng tatlong ginang bago ang mga ito nagmamadaling lumabas ng convention. Binalingan niya si Luken at dinilatan ng mata.

"Hindi mo dapat sila pinatulan! Baka magsumbong sila sa mga magulang ko!"

"Let them be, if they can." Parang wala lang na sabi nito.

"Luken naman, e! Seryoso kasi!"

Namulsa si Luken at seryoso siyang tinitigan.

"I'm hungry, Sinnerita. Let me eat you."

Nanlaki ang mga mata nya. "Luken!"

"I mean... real food, Sinnerita." Tumawa ito. "Or you, if you want?''

HIndi niya matagalan ang lumalabas sa bibig nito kaya namumulang umalis siya sa harapan nito.

"Hey, dont leave me!"

"KAIN KA PA, LUKEN! AKO NAGLUTO NIYAN." Napangiti si Sinnerita ng todo asikaso ang mommy niya kay Luken. Alam niyang uhaw sa anak na lalaki ang kanyang mga magulang, lalo na ang mommy niya. Dahil nag-iisang anak lang siyang babae.

Hirap magbuntis ang mommy niya at laging nakukunan ito. Kaya nang mabuo siya ay todo pag-iingat ang ginawa ng mga magulang niya sa kanya hanggang sa ipinanganak sa mundong ito. Hindi na muling nagkaanak pa ang kanyang mga magulang at hindi na sila sumubok pa.

"Thank you po, tita."

Nagkatinginan silang dalawa ni Luken, kanina pa sila naghihintay na magtanong ang mga magulang niya tungkol sa nangyari kanina sa convention, iyong pagsigaw ni Luken o 'di kaya iyong mga sumbong ng mga ginang. Pero wala silang narinig sa mga ito kaya nakahinga ng maluwag si Sinnerita.

"Pwedeng mommy na lang?" Malambing na sabi ng mommy niya saka hinaplos ang ulo ni Luken.

"Mommy!"

"Darling!"

Wala ni-isa sa kanila ng daddy niya ang pinansin ng kanyang mommy. Parang hindi nito nakikita ang presensya nilang dalawa. Ang lahat ng atensyon nito ay nakatuon kay Luken.

Hindi magawang magselos ni Sinnerita sa atensyong binibigay ng mommy niya kay Luken. Bagkus ay masaya siya sa nakikita.

"Salamat sa pagpunta, iho. Sana makapunta ka ulit bukas."

Napatingin sa kanya si Luken na tila nanghihingi ng tulong. Puno ng pangamba ang mga mata nito. "Kung hindi po ako busy sa school bukas baka makakapunta ako ulit."

"Ayos lang! Oh, kain pa!"

"Hindi pa ako pumapayag na manligaw ka sa anak ko, Ashford." Istriktong sabi ng daddy niya.

Hinawakan ng mommy niya ang kamay ng daddy niyang na sa mesa. "Sorio, hayaan mo na ang anak natin. Dalaga na siya at alam na niya ang ginagawa. Hindi natin siya pwede higpitan sa bagay na ito, baka matulad siya sa akin na nakipagtanan ako sayo dahil ayaw akong payagan nila mama at papa na magnobyo. Ayoko na maging tulad ko si Rita, na laging hinihigpitan. Baka magrebelde ang anak natin, Sorio at makipagtanan kay Luken." Napangiwi si Sinnerita sa madramang litanya ng mommy niya.

Hindi pa niya pinapayagan si Luken na ligawan siya pero ang layo na ng imagination ng mommy niya.

"Tama ka, darling." Huminga ng malalim ang daddy niya saka tumingin kay Luken. "Sige, pumapayag na ako basta ba ipangako mong hindi mo sasaktan ang anak ko."

Napapalunok na sumagot si Luken.

"Y-Yes, sir."

"Siguraduhin mo lang." May itinuro ang daddy niya sa may pader. Isa iyong katana na minana pa daw ng daddy niya sa mga ninuno nito.

"Nakikita mo ba iyan? Mas matanda pa iyan sa akin! Kung ayaw mong i****k ko iyan sa puso mo ay huwag mong paiiyakin ang nag-iisa kong anak." Banta nito kay Luken.

"Daddy, please..." Humihingi ng paumanhin siyang tumingin kay Luken. Pero hindi nakatingin sa kanya ang lalaki kundi sa daddy niya.

"Sorio, tumigil ka!"

"Naiintindihan mo?"

"Y-Yes, sir. N-Naiintindihan ko p-po."

Umayos ng upo ang daddy ni Sinnerita at mahinahon na ang boses nito. "Good. Madali ka naman pala kausap. Tito Sorio na mula ngayon ang itatawag mo sa akin. And please dont hurt my only daughter, ha? Mahal na mahal ko iyan." Malambing na ngumiti sa kanya ang daddy niya kaya nginitian niya rin ito.

Tumingin sa kanya si Luken na nakangiti bago ibinalik ang tingin sa kanyang daddy.

"Makakaasa po kayong hindi ko sasaktan at paiiyakin si Sinnerita, tito Sorio."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status