Share

CHAPTER 17

"NO! I WANT TO LEAVE!" Sigaw ni Luken at mabilis na hinila ang kanyang suwero. Wala siyang pakialam kung dumugo na naman ang kamay niya.

"Sir, huminahon po kayo hindi pa kayo pwedeng gumalaw-galaw. Mabibinat kayo."

"Gusto kong umalis dito. Ayoko dito." Ayaw niya sa kuwartong ito.

Umiling si nurse Mia. "Maraming bodyguard sa pintuan niyo, sir. Siguradong hindi kayo makakalabas sa pintuang 'yan. Magpahinga muna kayo at magpagaling para maakalis na kayo dito."

"Tsk!"

Hinayaan na lamang ni Luken na ayusin ni nurse Mia ang suwero niya na ilang beses na niyang tinanggal.

Ayos naman siya, ah? Wala na siyang nararamdamang sakit sa katawan. Gusto na niyang lumabas sa kuwartong 'to. Kinuha ni Luken ang papel sa ilalim ng kanyang unan saka tinupi iyon.

"Nurse Mia..."

"Yes, sir?"

Inabot niya ang nakatuping papel dito na agad naman nitong tinanggap. "Pakibigay..."

"Makakaasa po kayo, sir." Nakangiting sabi nito saka isinilid sa bulsa ang binigay niya.

"Kamusta sila?"

"Na sa labas pa rin sila. Hind
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status