Share

CHAPTER 4

"I HATE HIM! I hate him! I hate him so much! Mamatay na siya! Hayop siya! Gago!"

Ngawa na naman ng isang babaeng nasaktan ang puso at ang suspek si Luken Aiden Ashford. Naawang napatingin siya sa babaeng na sa harapan na nakaupo. Magulo ang buhok nito, gusot ang suot na uniporme at sira ang make-up dahil sa luha. 

"Hayop!"

"Calmn down..." Napasulyap si Sinnerita I.D nito. "Carra.."

"I thought I will be his girlfriend after what happened to us but I was wrong! Nag-assume lang pala ako sa wala! Hinayaan ko pa naman siyang labasan sa bibig ko! Na-detention pa ako! Shit talaga, oh! Tapos kaninang umaga ng makita ko siya ay tinawag ko siya at kinausap. Alam mo ba kung anong sinabi? 'I don't know you' at 'Fucking leave me alone' lang naman! I can't believe him! Gago siya! Gago!" Humagulgol na sigaw ni Carra.

Napabuntong-hininga si Sinnerita at hinayaan na lamang si Carra na umiiyak habang nagsasalita tungkol sa nasaktan nitong damdamin.

"Tama nga sila! Hindi siya nakokontento sa isang babae! Pero kahit nasaktan man niya ako mahal ko pa rin ang gagong iyon! Akin lang siya!"

Napangiwi si Sinnerita sa narinig. Pinaiyak na nga ito ni Luken, mahal pa rin daw niya. Nababaliw na talaga.

"Kung hindi siya magiging akin. Gagawin ko ang lahat para hindi siya mapunta sa iba. Sisiguraduhin kong hindi siya magiging masaya sa piling ng ibang babae!" Dagdag pa nito at umiiyak sa mga palad.

"Pres," Mula kay Carra na luhaan ay napabaling siya kay Maree, ang kanyang Vice President. "Ano ang gagawin natin? Tulad pa rin noong mga nauna?"

"Oo," Tumatangong aniya. "Wala naman tayong magagawa, Maree. Hindi naman kasi nanakit ng pisikal si Luken, puso nga lang nila ang nasasaktan. Pero kahit anong gawin natin hindi na natin sakop ang problemang pag-ibig nila. Problema na nila iyon at wala na tayong magagawa kung babaero si Luken at hindi na ito magbabago pa. Saka Maree ang lahat na nag-rereport dito na kababaihan ay pare-pareho lang sila ng sinasabi, tulad nitong si Carra. Kusa naman niyang inalay ang sarili kay Luken, pero ayon nga... sa huli masasaktan lang siya." Mahabang sabi ni Sinnerita.

Ngumuso si Maree at tumango. "Tama ka nga naman, Pres." 

"Alangan naman na ipa-tulfo natin?" Suhestyon ni Sinnerita na may ngiti sa labi.

Natatawang sumagot naman si Maree. "Pwede rin, Pres! Tingnan natin kung hindi pa siya magtanda."

Nailing na lamang si Sinnerita.

"Pss, kailangan kaya magbabago ang isang 'yon? Sana mahanap na niya ang katapat niya, ano?" angil ni Maree.

Nagkibit balikat na lamang siya at bumaling kay Carra, na tumigil sa pag-iyak ngunit nakatulala.

Marahas na bumuntong-hininga si Sinnerita saka sumulyap kay Maree.

"Sige na Maree, asikasuhin mo na siya." Tumango si Maree at inakay si Carra patungo sa isang kwarto. Tulad ng nakagawian, kakausapin ito ni Maree at ng iba pang mga SSC officers para sa counseling.

Nahilot ni Sinnerita ang sentido.  

Luken is a great playboy. Siya iyong tipo ng lalaki na hindi talaga marunong magseryoso at makontento sa isang babae. Pagkatapos niyang pagsawaan ang isa, maghahanap na naman ng iba.

He played safely, kasi kung hindi pa baka marami na itong panganay na anak sa labas o loob man ng university. Hindi na sila magugulat kung may magbibit ng sanggol at ipaako kay Luken.

Sinnerita sighed deeply. Pagkatapos nitong nagdeklara kahapon na liligawan daw siya ay nakita ito ng isang Officer na may ginagawa sa likod ng library. Nakatayo ang lalaki habang nakababa ang pants. Walang damit pantaas ang babae habang nakaluhod sa harapan ng lalaki. Subo-subo nito ang pagkalalaki ni Luken.  Kapag biglang na-iimagine iyon ni Sinnerita, kinikilabutan siya. Nagsisitayuan ang mga balahibo niya sa katawan 

Prohibited sa university nila ang mga sekswal na gawain kaya halos apat na oras sa detention room si Luken at si Carra. Kahit ang pamilya ni Luken ang may-ari ng university ay hindi ito exemption sa mga detention o ano pang parusa, lalo na kung nagkasala.

Hiwalay si Luken at Carra ng detention room dahil mahirap na kung isasabay silang dalawa sa iisang lugar, baka matuloy pa ang naudlot nilang kababalaghang ginagawa.

Kaya hindi niya magawang paniwalaan na gusto siya ni Luken at determinado itong ligawan siya. Lalo na sa nangyari kahapon at ngayong araw dahil ni-report lang naman ito ni Carra. Hindi naman iyon tama 'di ba? Na pagkatapos magtapat sa kanya ng lalaki ay nakikipagsiping ito sa iba. Hindi naman sa nagseselos siya o ano pa man. Kung gusto siyang ligawan ni Luken hindi ba dapat walang ibang babae kundi siya lang?

Naiiling na lamang si Sinnerita sa mga naiisip. Hinding-hindi siya kailanman maniniwala sa isang Luken Aiden Ashford dahil sa record pa lang ng lalaki sa pagpapaiyak ng babae ay turn-off na sa kanya. She hates all the playboy on earth and Luken is not an exemption.

UMAHON MULA sa pagsusulat si Sinnerita ng marinig ang pangalan niya na tinatawag ng guro.

"Sinnerita Loius Vargas..."

"Yes, ma'am?" Itinaas niya ang isang kamay para ipaalam ang presensya niya saka iyon ibinaba.

"Halika nga muna dito Sinnerita," her teacher signal her to came forward. 

She nodded, then closed her notebook before she stands up. At habang humahakbang siya papalapit sa kanilang gurong na sa entrada ng pintuan ay nakakaramdam siya nang ilang dahil sa mga binabatong tingin ng kanyang mga kaklase, especially her female classmates. They are glaring at her, as if she was doing something wrong. Wala pa naman si Madden para ipagtanggol siya kung may aaway man sa kanya.

"Bakit po ma'am?" Tanong niya kay Mrs. Gallego, ang Filipino teacher nila.

"Mayroon kang sampung minuto para kausapin sila," Sabi nito sa kanya bago humarap sa kanyang mga kaklase. "Break muna class, babalik ako after ten minutes. Please don't do any noises that can disturbe other class, okay?" Iyon lang at lumabas na ito ng classroom.

"Ha?" Naguguluhang napatitig si Sinnerita sa papalayong likod ni Mrs. Gallego hanggang sa nawala na ito sa kanyang paningin. Ano bang nangyayari?

""Hi, beautiful..."

"Hello there gorgeous..."

"Hello! Hello!"

Muntik nang lumabas ang puso niya sa dibdib dahil sa biglaang pagsulpot ng tatlong pamilyar na lalaki sa harapan niya. Ang mga kaibigan ni Luken.

"Ano ba? Ginulat niyo ako!" asik niya.

"Sorry about that, Miss Vargas. Being a handsomeness like us is astounding.'' Sabi ng lalaki na sa gitna. Kung hindi siya nagkakamali si Crassus Buenaventura ang lalaking ito.

"I'm Crassus..." Pagpapakilala nito na may kasamang pagyuko.

"Nice to meet you," aniya. "Nagulat lang talaga ako sa biglaang pagsulpot niyo. Wala iyong ibang ibig sabihin. Para kayong kabute. Alam niyo ba iyon?"

"H-Hindi ka nagulat dahil nakita mo ang gwapo naming mukha?" Sabi ng pamilyar na lalaki sa kanan. Si Lennon Sy, ang ex ng pinsan niya.  

"My name is Lennon.'' Hindi ito makatingin sa kanya ng deretso. Tinaasan niya ito ng kilay.

"Hindi, e." sagot niya.

"Then, what? Imposible naman yata iyang sinasabi mo Miss President." Sabi ni Adair Anderson, isa sa mga inaanak ng mga magulang niya. Hindi niya alam kung kilala pa ba siya nito pero mukhang hindi na. Matagal na rin 'yong huling nakita niya ito sa isang business event, na ipinareha pa silang dalawa. "Ako nga pala si Adair..."

Tinanguan niya ang lalaki saka sumagot. "Nagulat lang ako. Period."

"Iyon lang?" Matalim ang tingin ni Crassus sa kanya, na parang hindi katanggap-tanggap ang sinabi niya.

"Yes," Sagot ni Sinnerita saka sumulyap kay Adair nang magsalita ito.

"No spark? Slow motion? Thump heart?"

"Wala talaga, eh."

"Don't you find us attractive?" Tumalim ang mata niya kay Lennon nang mautal ito.

"No," Nginisihan niya si Lennon. "Cattleya is saying 'Hi' to you, Lennon." Namutla ito ng marinig ang pangalan ng pinsan niya.

"Dude, I think I felt what luken's feel that time."

"Y-Yeah..."

"You okay, Lennon? Namumutla ka?"

"I'm o-okay, don't mind me."

"It's means we're not too handsome enough, right?"

They're whispering, but she can hear them clearly. She cleared her throat to get their attention.

Sumeryoso si Sinnerita. "So, what can I do for the three of you? Alam niyo bang may klase at nakakaistorbo kayo. Wala ba kayong mga pasok?"

"Here..." Ilang beses napakurap si Sinnerita ng tumambad sa harapan niya ang malaking bouquet ng rosas na may iba't ibang kulay at hindi maipagkakailang napakaganda no'n.

"For you, Miss Pres..."

Isang basket na puno ng chocolates at prutas naman ang pinakita sa kanya nina Lennon at Crassus.

"E, para saan 'to?" Nagtatakang aniya. "Sobrang dami naman nito! Anong gagawin ko sa mga 'to?"

"Pinabibigay ni Luken, your suitor."

Tumaas ang kilay niya kay sinabi ni Adair. Suitor, huh?

"Para saan naman daw 'to?" Aniya.

Sumingit si Crassus. "Apology gift daw niya."

"Apology gift?"

"Yup, I know nakarating sa 'yo ang balitang nakipagsex siya sa likod ng library..."

Hindi mapigilang mapangiwi ni Sinnerita sa narinig. "Yes. Ni-report pa nga siya noong babaeng naka-sex niya, e."

Ngumiwi ang tatlo sa sinabi niya.

"Kaya niya pinapamigay ang mga ito dahil doon. Nandito si Luken kaninang umaga pero nagmamadali rin siyang umalis. Hindi mo muna siya makikita ng ilang araw." Sabi ni Adair.

"Hindi ba dapat siya ang magbigay nito sa akin?" Pagpuputol niya kay Adair.

"So, you want him to personally give this to you?" May tuwa sa boses ni Crassus, na tila may nakuhang pag-asa.

"Not really," aniya. Isa isa niyang tinitigan sa mata ang tatlo. "Para sa akin hindi siya magandang tingnan kung kayo ang nagbibigay. Mukha kayong nanliligaw sa akin, e. Tingnan niyo ang mga kaklase ko ang sama ng tingin sa akin. Baka napagkamalan kayong manliligaw ko."

Namutla sina Crassus at Adair sa sinabi niya, maliban kay Lennon. Mukhang allergic ang dalawa sa salitang 'ligaw'. Mukhang hindi uso sa dalawa ito.

"Just accept it, geez!"

"I'm out of here!"

"Please, don't tell Cattleya where I am."

Wala nang nagawa si Sinnerita ng inabot ni Adair sa kanya ang malaking bouquet at nilapag naman ni Crassus at Lennon sa paanan niya ang basket ng chocolates at prutas. Magkasunod na tinalikuran siya ng tatlo.

Tulalang napatitig si Sinnerita sa binigay ng mga ito sa kanya.

"Paano ko naman kaya maiuuwi ang mga 'to?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status