Hindi magawa ni Jenson na pansinin ang kaniyang tita at pumasok sa kusina upang tulungan ang kaniyang daddy.Sa tingin ni Josephine ay nakakabagot ito, kaya dali-dali siyang umalis.“Aalis na ako, kuya. Tandaan mong ipatingin si Jenson sa isang doktor. Si Dr. Xander Zachary ng Grand Asia ay hindi na masama.” Umalis si Josephine pagkatapos itong sabihin.Ang mukha ni Jay ay bahagyang lumamig. Ang doktor na nirekomenda ng kaniyang kapatid ay isang nangungunang eksperto sa psychiatry. Ang kaniyang puso ay lubos na umaayaw na ipasok si Jenson sa mga psychiatry study.Sa loob-loob niya ay nararamdaman niyang kaparehas niya si Jenson, tahimik at walang kaibigan noong siya ay bata pa lamang. Noong paglaki niya at nakakilala ng ilang mga kaibigan na tunay na kilala siya, ang ganitong klase ng pagkatao ay magbabago rin.Gayunpaman, nitong nakaraan na ilang araw, si Jenson ay madalas nagbabago sa pagitan ng pagiging madaldal at tahimik. Dahil dito ay naalarma si Jay. Natatakot siya na ang hindi
Pagkatapos umalis ni Dr. Zachary, tumakbo si Jenson papasok sa study room. Binuksan niya ang pinto upang makita si Jay na nakahawak sa kaniyang ulo, ang itsura ng isang tao na nasasaktan. May sagot na si Jenson sa kaniyang puso.“Sinabi niya rin na mayroon akong sakit?” Pagalit na sabi ni Jenson.Tumingala si Jay upang makita ang mukha ng kaniyang anak na napakagwapo. Isang mahinang bakas ng tinatagong pag-aalala ang lumitaw sa kaniyang mukha.Akala niya na marahil ay masyadong perpekto si Jenson kaya binigyan siya ng kalangitan ng isang hamon sa buhay.“Jenson, sabi ni Dr. Zachary ay nasa maagang yugto pa lamang ang iyong sakit. Basta’t palagi tayong magtutulungan, gagaling din ito.” Ayaw sabihin ni Jay kay Jenson ang tungkol sa malupit na bagay na ito, ngunit gusto niyang makisama si Jenson sa papalapit na paggamot, kaya kailangan niyang tanggapin ang katotohanan na ito.“Tinatrato ang buhay ko na parang damo na inaapak-apakan lamang,” pagalit na sinabi ni Jay gamit ang nakatikom na
Mahinang nagprotesta si Rose, “Ikaw ‘tong nangunguna.”Buti na lang ay alam ni Rose ang panlasa ni Jay. Ang gusto ni Jay ay mapait ng kaniyang kape, ngunit humingi siya ng isang kape na pitompung porsyentong matamis kanina. Naramdaman ni Rose na gusto lamang ni Jay magsanhi ng gulo sa kaniya.Buti na lamang ay naging maingat siya at mautak na binunyag ang kaniyang balak. Pinigilan nito ang pagsasanhi ni Jay ng gulo sa kaniya.Pero nga lang, lubos niyang minaliit ang pagnanais ni Jay na maghiganti dahil sa mga pinakamaliliit na mga bagay.Binuksan ni Jay ang kaniyang computer at naglabas ng isang webpage ng isang kumpanya sa ilalim ng Grand Asia. Gamit ang kaniyang walang kapantay na kasanayan sa paghahack, naglagay siya ng ilang mga firewall sa webpage, pagkatapos ay tumingin kay Rose ay naghandang hulihin siya sa kaniyang patibong.“Rose Loyle, ang network ng Qiling ng Grand Asia ay napasok ng mga hacker. Buksan mo ang computer na iyon doon at ibalik ang Qilin sa normal sa lalong mada
Sa kabilang banda, si Jay ay patagong nasisiyahan dahil nadisiplina niya si Rose, ngunit sa kabilang banda, nakatanggap siya ng isang tawag mula sa guro ni Jenson na nagbago sa kaniyang nararamdaman.Sa kabilang linya, sinabi ng guro ni Jenson, “Nitong nakalipas na ilang araw, ang ugali ni Jenson sa eskwela ay lubos na kakaiba. Ang pinagkaiba sa pagitan ng kaniyang mga emosyon ay napakalaki. Noong nakaraang araw, siya ay maliwanag at makulit na bata, ngunit ngayong araw, kasing tahimik niya ang isang tupa.”Tahimik na binaba ni Jay ang kaniyang telepono. Ang pinagkaiba sa pagitan ng mga emosyon ni Jenson ay sobrang halata na ang sinumang nakahalubilo niya ay malinaw na nararamdaman ang malaking pinagbago. Maaari kayang ito ay isang senyales ng kalubhaan ng schizophrenia ni Jenson?Ang pambatang kaligayahan ni Jay ay agad na naglaho.Noong gabing iyon, ang lahat ay tahimik.Ang mga ilaw ng siyudad ay maliwanag at makulay, ngunit hindi ito tumagos sa madilim at malungkot na puso ni Jay.
Biglang naramdaman ni Jay na ang kaniyang kabaitan ay delikado. Kahit na ang kaniyang kabaitan ay pinrotektahan ang imahe ni Jenson ng kaniyang minamahal na ina, ginamit ni Rose sa mali ang kaniyang kabaitan upang lituhin si Jenson upang makuha siya.‘Walang hiya!’Pagkatapos ng kalahating oras matapos ang hating-gabi, sa wakas ay nakuha na ni Rose ang password ng hacker at pinagpatuloy ang operasyon sa website ng Qilin.Pagkatapos patayin ni Rose ang computer, isinara ang lahat ng mga pinto at bintana, ang lahat ay ayos na bago siya umalis. Pinulot niya ang kaniyang bag sa mesa at paalis na.Nang bigla, ang pinto ng opisina ay biglang bumukas. Sa gitna ng pintuan, ang mga ilaw sa labas ay iniilawan ang likod ng isang matangkad at malaking anyo.Agad-agad na gumalaw ang payat na kamay ng anyo na ito patungo sa mga pindutan ng ilaw sa tabi ng pinto at ang madilim na opisina ay naging maliwanag muli.“Ginoong Ares? Bakit ka narito?” Tumingin si Rose kay Jay, sa sobrang lamig ng katawan n
Nanghihinang lumuhod si Rose.Pinilit niyang dalhin ang kaniyang pagod na katawan na mayroong masakit na puso at bumalik sa Splendid Town.Ang dalawang bata ay mahimbing ang tulog at niyakap ni Rose ang kaniyang mga tuhod sa sofa. Binaon niya ang kaniyang ulo sa kaniyang mga tuhod at malungkot na humikbi.Siya ay nag-aalala kay Jenson!Ngunit nakikiramay rin siya kay Jay.Pakiramdam niya ay wala siyang magawa para sa kanila, at dahil doon ay naging mas malungkot siya at desperado.Nagising si Robbie ng paghikbi na nanggagaling sa sala. Sinuot niya ang kaniyang mga tsinelas at naglakad patungo sa sala. Ang kaniyang maliit na mga kamay ay niyakap ang ulo nang marahan, “Mommy, may problema ka ba?”Tumingala si Rose at nakita ni Robbie ang mapula, basa ng luha, at namamagang mga mata. Agad-agad siyang nalungkot. “Mommy, kinakawawa ka ba ng boss mo?”Lumitaw ang galit sa mga mata ni Robbie. Alam niya na ang pagtatrabaho ng kaniyang Mommy sa kumpanya ng kaniyang Daddy ay magsasanhi lamang ng
Ang puso ni Jay na nasa kaniyang lalamunan kanina sa wakas ay bumalik na sa dati. “Alam mo ba kung nasaan si Jenson?”Si Josephine ay pinatatalas ang kaniyang sungay at pinagyabang, “Dati pa man ay alam ko nang may tinatago ‘yang anak mo. ‘Yon ang dahilan kung bakit nagpunta ako rito upang pagmasdan siya noong umaga, ang batang ‘yon ay lumabas ng bahay noong alas sais. Dala-dala niya ang kaniyang bag at sumakay sa Bus 989 na patungo sa City North.”Nasindak si Jay. Sa kaniyang mga mata, si Jenson ay isang maliit na bata lamang na hindi kailanman lalabas nang walang kasamang nakatatanda. Paano niya nagawa nang ganoon kalayo nang mag-isa?“Jay, iyon lang naman ang masasabi ko. Nagmamaneho ako ngayon, sinusundan ko ang bus. Tatawagin kita sa sandaling may malaman ako tungkol sa kaniya.” Natapos magsalita si Josephine at binaba ang telepono.Bago pa man matanong ni Jay sa kaniya kung nasaan si Jenson, nalulugmok niyang binato ang kaniyang selpon sa gilid. Ang tanging magagawa na lamang niy
Bigla siyang tumakbo sa loob ng bahay dahil hindi siya sigurado kung si Robbie ay nasa loob.Iyon ay dahil minsan ay lumalabas si Robbie upang maglaro nang mag-isa. Akala niya ay sa sobrang miss niya kay Jenson ay nagkamali siya ng akala kay Robbie.Nang makita ni Jenson ang kaniyang Mommy na tumakbo palayo pagkatapos siyang makita, ang mga luha sa sulok ng kaniyang mga mata ay umagos.Gayunpaman, lumabas muli si Rose sa sumunod na sandali at niyakap nang mahigpit si Jenson.“Jens, ikaw nga talaga ‘yan.” Siya ay lubos na nasisiyahan at nananabik. Binuhat niya si Jenson gamit ang isang kamay at sinara ang pinto gamit ang kabila habang sumisigaw sa dalawang batang antukin sa kanilang silid. “Robbie, Zetty. Lumabas na kayo. Tignan niyo kung sino ang bumisita sa inyo.”Mabilis na tumakbo palabas sina Robbie at Zetty habang suot-suot pa ang kanilang mga pajama. Nang makita ni Zetty si Jenson, ang kaniyang mga mata ay nanlaki. “Kamukhang-kamukha niya si Robbie!”Tumingin si Robbie kay Jenson